Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19


Chapter 19: Phobia

___________

Pagod na pagod akong pumasok sa Dorm. Gabi na ako nakauwi kakahanap ng kwintas ko, pero di ko pa din ito nakikita. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos nun ay pumanhik ako ng kusina para magluto ng noodles. Nagugutom na kasi ako dulot ng di ako nagtanghalian kakahanap ng kwintas ko.





Di na din ako nag-abalang buksan ang ilaw dahil may liwanag naman galing sa bintana. Pagkatapos ng ilang minuto ay umupo na ako sa harap ng lamesa at kumain ng noodles. Naningkit ang mga mata ko nang sumagi sa isip ko si Kevin, sya ang may kasalanan kung bakit nawala ang kwintas ko.





Pasalamat sya at walang pasok bukas. Dahil sa oras na makita ko ang mukha nya, di ako magdadalawang-isip na bangasan sya. Di nya alam kung gaano ka importante ang bagay na tinapon nya!





"Ah!" Nakagat ko ang labi ko kaya napaigik ako. I touch my lips, and I saw blood. Masyado ata akong nanggigil kay Kevin.





Tumayo ako mula sa pagkakaupo at binuksan ang ref para kumuha ng tubig. Kinuha ko ang lalagyan ko ng tubig at ininom ito. Unti-unti kong sinara ang ref, at nanlaki na lang ang mata ko sa mukhang bumungad saakin.




"What the hell V!" Binaba ko ang hawak kong lalagyan ng tubig at binatukan sya dahil sa kaabnormalan nya.





He almost scared the shit out of me! Sino ba namang di magugulat kung bubungad sayo ang mukha ng taong nakatirik ang mata, at may hawak pang flashlight na nakatutok sa mukha! What the hell!





"Haha! Natakot ba kita?" Inirapan ko na lang sya. Siraulo to! Bumalik ako sa pagkakaupo at nagpatuloy kumain. Narinig ko namang nagbukas sya ng ref at parang may kinuha sa freezer.




Napatigil ako sa pagkain nang umupo sya sa harap ko, may kinakain syang Magnum Ice cream. Nangunot ang noo ko, is he serious? Eating ice cream in a middle of the night? Napailing na lang ako at hinayaan sya.





Napaingos ako dahil humahapdi ang labi ko. Tuwing sumasagi kasi ito sa mainit ay humahapdi kaya maingat kong kinakain ang noodles. Narinig ko ang mahinang bungisngis ni V kaya napatingin ako sa kanya.





"You're cute" he said smiling widely, I can almost see all his teeth. Cute? Nah, I'm no cutie. Baka ipakita ko pa sa kanya ang tinutukoy nya'ng cute.





"But fierce" napangisi ako. He's right about that.





"Pero bakit ang lungkot ng mata mo?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya na parang batang kumakain ng ice cream. Tch




"None of your Business V" hinigop ko ang sabaw ng noodles na kinakain ko.





"May problema ka ba?" Nangunot ang noo ko. Binaba ko ang cup at tiningnan sya ng seryoso. Anong meron at medyo matino ata si V ngayon? Nakahithit ba to ng katol?




"Kung may problema ka sabihin mo lang, bago ka pa pumutok. Ilabas mo lahat, iputok mo lahat saakin. Ay teka---bat parang bastos yun?" Napakamot naman sya ng batok. Wala sa sarili akong napahalakhak sa kaabnormalan nya. Okay na sana e, mungago lang.




"Shut up V, go to sleep" dinampot ko ang Cup at tinapon ito sa trash bin. Why do I keep on meeting him this day? Tch.




Which reminds me, can he still talk to me like that if he discovered I'm the one who messed up with their cars?  I shook my head, I don't think so.




Pumasok na lang ako sa kwarto ko at natulog. I need to wake up early, I still need to find my necklace.


*KINABUKASAN*


"Nagugutom na ako, nasaan na ba si Xael?" Reklamo ni Jam.


Maingat kong dinampi sa mukha ko ang bimpo, kakatapos ko lang maghilamos.




"May family gathering daw sa kanila, ayun maaga umalis" -Rio





"Nagugutom na ako" nakabusangot naman na sabi ni Justine.




"Gutom na ba talaga kayo?" Nakangiting tanong ni V. Nagkatinginan naman silang lahat sa sala.




"Sige! Ako na magluluto! Anong gusto nyo?" Tumayo na papunta sa kusina si V.




Dali-dali namang nagsitayuan si Rio, Jam, Seth at Justine para habulin si V papuntang kusina.





"Ya! Anong ginagawa nyo!?" Hinawakan sya ni Jam at Justine sa magkabilang braso at kinaladkad palayo sa kusina.




"Bitawan nyo ako! Magluluto pa ako!" Pinaupo nila sa isang upuan si V.




"T-teka lang! A-anong..." nakapoker face na tinali ni Seth si V sa upuan gamit ang lubid.




"Baka mapatay mo pa ako sa luto mo V" sabi naman ni Seth pagkatapos nya'ng itali sa upuan si V.




"Ang sama nyo naman saakin! Whaaaa!" Nagpapadyak naman sya sa upuan habang pilit na bumabalikwas para matanggal ang tali.





"Isusumbong ko kayo kay Jehan! Concern na nga ako baka magutom kayo tapos ako pa itatali nyo! Huhuhu" humahaba na naman ang nguso nya. Walang pake namang bumalik sa sala sina Jam at nagpatuloy sa kanya-kanya nilang ginagawa.





Iniwan nila si V na nag ngangawa sa kusina. Si Seth nakahilata na naman sa couch, si Rio as usual nakatapat na naman sa computer, si Justine at Jam naglalaro ng X-box.






"KAIBIGAN KO BA TALAGA KAYO!? WHAAAA"





Napailing na lang ako at pumasok sa loob ng kwarto ko. I need to change my contact lenses. Magbibihis na din ako ng damit.





"UWWAAAHHH!" rinig na rinig ko pa ang pagpapadyak at pagsisigaw ni V mula sa labas.





"Tangina! Di ako makaidlip!" -Seth




"Lagyan nyo nga ng ducktape bibig nyan ng tumahimik!" -Jam





Lumabas ako sa kwarto dala-dala ang duck tape. Yep, may duck tape ako. Naiingayan na din kasi ako sa kanya. Paglabas ko ay kaagad silang napatingin saakin. Himala at tingin lang ang iginawad nila saakin. Nilapitan ko na lang si V.








"Mabuti pa si Lara mabait! Hehe! Tatangga---" nilagyan ko ng duck tape ang bibig nya kaya agad syang natahimik, nanlalalaki pa ang mga mata nya na parang di makapaniwala.






"Ang ingay mo kasi" pinahawak ko sa kanya ang duck tape at pumunta na ng kusina para magluto. Nagugutom ako okay? I need to eat breakfast. Isa pa, marunong naman ako magluto.






Kumuha ako ng hotdogs sa freezer at hiniwa-hiwa ito into small circles. Naghiwa din ako ang onion and garlic. Ginisa ko muna ito sa frying pan ng mga ilang minuto at nilagyan ng ketchup. Pagkatapos ng ilang minuto, tapos na! Di ko alam anong tawag dito, I just learned this from my mom years ago.






Kumuha lang ako ng konti at nagsimula ng kumain habang nakatingin kay V na umiiling-iling at parang may gustong sabihin.





"HMMMM! HMMMM! HMMMM!"




Pagkatapos ko'ng kumain ay nilagay ko na lang ito sa sink. Inayos ko ang bangs ng buhok ko at lalampasan na sana si V nang marinig ko ang pagtunog ng tyan nya. Napatigil ako sa paglalakad at tinanggal ang duck tape sa bibig ni nya. Niluwagan ko na din ang tali para makalagan nya ang sarili nya.







Dahil mukhang busy na din sila sa mga ginagawa nila sa sala, di nila ako napansin. Tch, o baka naman sinasadya talaga nilang di ako pansinin? Oh well, like I care? Bago ako makalabas ng pinto ay narinig ko ang sigaw ni V.





"MAY ULAM NA! ANG SARAP!"





Naigulong ko na lang ang mata ko at tuluyan ng lumabas ng Dorm. I blow my bangs .I need to find my necklace, and I have to find it today.






Bawat estudyante na nakakasalubong ko ay tinitignan ko muna sa leeg bago tumingin-tingin sa paligid. I only have 50% chance to find it, and that's reality. Napasabunot ako sa buhok ko, sana mahanap ko na.



TEN'S POV

Napamulat ako ng mata nang makarinig ako ng ingay. Here they are again!

Tumakbo ako palabas ng Library.  Shit, it's been two weeks since they're chasing after me. And fvck, they have no plan on stopping!




"Bro bumalik ka dito!"




"Lumaban ka!"





I shook my head, as long as I can still run, I won't fight. Habang tumatakbo ako papalayo sa mga humahabol saakin ay nakasalubong ko ang sinasabi nilang anak ng may ari ng school na to. Also, the leader of the Emperors who ruled the whole school, Jehan Sebastian Corrigan.






Nagkatitigan pa kami, and I think he just glared at me. Nilingon ko sya na mukhang papapunta sa Broadcasting Room. By chance, does he know me? Or did I do something to him? I mean, why would he glare at me like that?




"Stop right there!"





Kelan ba nila ako balak tigilan? They're really getting on my nerves. Umagang-umaga binubulabog na nila ako. Alangan naman sabihin ko ang totoo na ang Card ay hawak ni Lara? I don't want her to be on ruckus because of me, kahit pa na sa tingin ko ay mukhang may laban sya kahit na babae sya.






Habang tumatakbo ako sa Hallway ay may mga grupo din ng mga lalaki ang tumatakbo pasalubong saakin. What the fvck! Are they that desperate? Kahit pa hubaran nila ako wala saakin ang Card! Pero di din naman sila maniniwala kung sasabihin ko sa kanila! Also, di ko din sila papayagan na makuha ang Card! Ayokong maexpel!







Lumiko ako sa daan na papuntang field. They're still chasing after me! Ang dami na nila! Napatigil ako sa pagtakbo nang tumunog ang speaker, napatigil din sa paghabol saakin ang mga estudyante.





"I'm taking over V's Third Day Curse. I'm announcing to everyone that the Card is not on his hands, it's on the hands of the only girl inside the University" napatingin silang lahat saakin.






"Also, you can do any methods you want to take the card from her. She's no longer in our protection. And whatever you do with her is not our concern anymore"




Lumiwanag naman ang mga mukha nila. Mabilis pa sa alas kwatro'ng kumaripas sila ng takbo kung saan-saan. Nakagat ko ang labi ko, she's in trouble now. Tumakbo din ako kung saan ako dalhin ng paa ko. So that means, Lara is protected in the name of the Emperors, before. Pero ngayon hindi na? May ginawa ba syang masama?






Naabutan ko na lang na may pinaiikutan ang mga lalaki malapit sa tapat ng Building. Agad akong tumakbo papalapit duon, at di nga ako nagkamali. Si Lara ang pinalilibutan nila, shit.






Tanaw na tanaw ko pa dito ang malamig na titig ni Lara, pero parang may kakaiba ata sa kanya ngayon. I see irritation,guilt and anger in her cold pair of eyes.





"What do you want?" Matigas nya'ng tanong. Napangisi naman ang lalaking kaharap nya.




"Ikaw at ang Card ang kailangan namin" malalim na hininga ang pinakawalan nya bago ayusin ang ilang hibla ng buhok nya.





"And what makes you think I'll give it to you?" Iritado nyang tanong. Winagayway ko ang kamay ko, at nakita nya naman ako. Sinenyasan ko syang tumakbo na pero di nya ako pinansin.






Anong nangyari sa kanya? Bakit parang iritadong-iritado sya? Inikot ko ang panigin ko, nakita ko ang pag-ikot ng apat na CCTV camera sa gawi namin. Nanlaki agad ang mata ko, they're watching us.






"Ano ba! Ibigay mo na kasi saamin yan! Wala ng poprotekta sayo! Di mo ba narinig ang announcement kanina!? Pwede naming gawin ano'ng gusto namin sayo!" Sigaw nung lalaki.






"Alam ko! Di ako bingi! Putangina mo! Eh ano naman ngayon? Pwede nyo'ng  gawin kung anong gusto nyo saakin! Tingin nyo ba hahayaan ko kayo ha!?" Sigaw nya pabalik. Parang nagulat naman ang mga ito sa pagsigaw nya.







Inikot ni Lara ang paningin nya, at nang makita nya ang CCTV camera ay agad syang humarap dito. Halos mapaawang ang bibig ko nang itaas nya ang panggitnang daliri nya sa inis. Parang alam nya'ng nay nanonood sa kanya.






Nang makabawi na sa gulat ang mga ito ay sinimulan na nilang lumapit papalapit sa kanya. Tinaas nya ang laylayan ng shirt nya at may kinuha duon. Nanlaki na lang ang mata ko sa gulat nang itutok nya ang hawak nyang silencer.




What the heck, where did she get that from? Ang angas shit. And before I would forgot, this is Corrigan University after all. A school of gangsters and delinquents.





"You son of a gun, don't even dare" hinangin ang buhok nya kaya napangisi ako.





A girl with a gun, fvckin' cool. I blink my eyes twice. Was it just me, or I really saw her eyes turning ocean blue? I closed my eyes once again, and when I opened them, her eyes were normal. Maybe I was just seeing things.






"Now if you don't want your head rolling around the cold ground, get the hell out of my sight" I almost felt myself shivered with the coldness of her voice.





Dahan-dahang umatras ang mga lalaki na nakapalibot sa kanya. While her, She's just standing there, cool and fierce enough to intimidate the people around her.






"Pagbilang ko ng tatlo, kapag nasa harap ko pa kayo, di ako magdadalawang-isip na iputok to sa ulo nyo" nakita ko ang takot sa mga mata ng mga lalaki. Halos di sila magkandaugaga kakatakbo papalayo sa kanya. Sino ba naman ang hindi mahintatakutan sa sinabi nya?







Binaba nya ang silencer na hawak nya at tinago ito muli sa belt nya. Agad akong lumapit sa kanya.






"Are you okay?" She slightly nod her head. I was about to say my apologies when she walked passed me. Huh?






Nilingon ko sya, nakita kong parang may hinahanap sya. Sinundan ko lang sya magdamag. Tuwing may nakakasalubong sya ay tinitignan nya ang leeg nito bago tumingin-tingin sa paligid. Ano ba'ng hinahanap nya?





"Lara" tawag ko sa pangalan nya.





"What?" Tanong nya ng hindi lumilingon saakin.





"Anong hinahanap mo?"






"My necklace" agad nyang sagot.






"Anong itsura?" Tanong ko at naghanap-hanap na din sa paligid.





"Silver necklace. Circle ang pendant at may letter 'L' na nakaukit sa gitna. May initials din na 'LQM' sa likod." Napatango ako sa sinabi nya.






"I swear, mapapatay ko si Kevin kapag di ko makita ang kwintas ko" rinig kong bulong nya, and I think she's serious about that.






Looking at her, mukhang importante ang kwintas na yun para sa kanya. Otherwise, di sya magbibilad sa init para hanapin ito. Napatingin ako sa kanya, pinagpapawisan ang noo nya. Pansin ko din ang paulit-ulit na paghilot-hilot nya sa noo nya.








Kamuntikan na sya mawalan ng balanse kaya hinawakan ko sya sa balikat. Nanlaki ang mata ko nang tumama ang balat nya sa balat ko.






"You're cold!" Isang ngisi ang isinagot nya saakin.






"Yeah, I'm an ice cold" saglit akong natulala sa sinabi nya. Seriously?






"That's not what I mean! Ang lamig ng balat mo!" Agad syang umiling. No, I saw her soaking wet in the rain yesterday. I think she catch common cold.






"Mind your own business Ten" narinig ko ang pag-ubo nya.






Nag ring bigla ang phone ko kaya sinagot ko muna ito.




"Hello?"




"How are you?"




"I'm fine"




"You're in Corrigan University right?"




"Yeah"




"Good. Stay there, and observe"




The call ended immediately. You're wondering who the hell was the caller? He's my dad. Yeah, you heard it right. But even though he was my dad, I've never seen him since the day I was born. I can only contact him through phone, and not personally. Tsk





"Where'd she go?" Now she's nowhere to be found.



JAM'S POV

To: Babe1 Babe2 Babe3 Babe4

Hi Babe, are you free later? <3

Message Sent✅ 5:30 pm



To: Baby1 Baby2 Baby3

Baby, do you miss me? <3

Message Sent✅ 5:31 pm




Hindi pa inabot ng segundo ay sunod-sunod na messeges ang natanggap ko. Ang lakas talaga ng charisma ko. Jam for the win! I guess, di zero si Junior mamaya.






"Are we really not going to help her?" Nilingon ko si V. Nakaharap na naman sya sa halaman nya habang kinakalikot ang dahon nito.





"I guess so. Si Jehan na may sabi" sagot ko at nagreply na sa mga babe any baby ko.






"She cooked breakfast kanina" V pout.


Yeah, ang sarap pa ng niluto nya.




"But she messed up with our cars V" sabat ni Seth habang nakapikit ang mata.





Like I said, I won't let it off the hook. We didn't do anything to her. It's true that I'm interested with her, but I think I shouldn't involve personal matters around here. Malaki din ginastos ko para ipaayos ang sasakyan ko.





"Pero---"





"Let's just watch her closely. After all, sinasamantala lang naman ni Jehan ang pagkakataon dahil wala pa si Tita Lexis" -Rio




"Di lang ako makapaniwala na sya ang gumawa nun!"-Justine






"Dodging and destroying CCTV cameras? How can she exactly do that? " -Xael







And yeah, nakabalik na mula sa Family Gathering si Xael. I think he came back before lunch. And Lara, di pa sya bumabalik mula kaninang umaga. I wonder if she eaten her lunch yet?






Si Jehan naman ay pumunta na naman ng Broadcasting Room. May i-aannounce na naman siguro sya. Actually, we heard his announcement a while ago, and nakita namin kung anong nangyari kay Lara kanina sa Hallway.






We focused four cameras in her direction, kaya kitang-kita namin kung ano ang nangyayari. Nakita namin kung paano sya makipagsagutan sa mga lalaking kaharap nya. Nakita na naman namin ang pagbunot nya ng silencer mula sa belt nya. Kung paano sya magbanta, at kung paano nya pinaalis ang mga lalaki.




Damn Cool and Unpredictable.

LARA'S POV

"I have your necklace, meet me at the Pool Area"



Mariin kong kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko. That jerk, he has it since then pero di nya man lang sinabi saakin!? He make me look like a fool! Buong araw ko na itong hinanap at pagod na pagod na ako! Pagod na ako! Punyeta.





And did he just said p-pool area?



Tumakbo ako papuntang Field. Nakita ko ang Building ng mga Swimmers kaya pumasok ako sa loob. Pagpasok ko ay bumungad kaagad saakin ang madilim na pool area.



Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang tubig. S-shit.....





Nakita ko si Jehan na nakatayo sa dulo habang nakasandal sa pader. Iniitsa-itsa nya pa pataas ang necklace ko habang humahakbang papalapit saakin.





"This is yours right?" Tinaas nya ang kwintas at nakita ko ang pendant. That's mine! Aagawin ko na sana ito sa kanya nang ilayo nya ito saakin.





"Not so fast sister" pinanlisikan ko sya ng mata. Fvck you Jehan Sebastian Corrigan!




"Say sorry first"





"Say what!?" Inis kong tugon. Naaasar na ako sa kanya, gustong-gusto ko na sya'ng sakalin.






"Say sorry for everything you did" tinaasan ko sya ng kilay.






"That's never gonna happen!" Wala akong kasalanan sa kanya! Quits na kami! I vomit on his face, he left me on the street. He ruined my motorbike and things, I did it back to him.





Tinapat nya sa pool ang kwintas kaya nanginig ako.





"Then say goodbye to your---"





"Fine!" Malalalim na hininga ang pinakawalan ko. Damn this jerk! Damn him!





I'm willing to step down my pride just to get the necklace! Mas importante yan kesa sa pride! Pero sinusumpa ko na sya ngayon pa lang!






"I'm so sorry for everything" I said as sincere as I can. He tilt his head and look at me with a smirk on his face.






"Kneel" I clenched my fist. This bastard! Sumosobra na sya! But I have no fvckin choice! Huminga ako ulit ng maluwag at lumuhod sa harap nya. Shit.







"I'm so sorry" kahit gustong-gusto ko sya'ng murahin ng paulit-ulit harap-harapan ay di ko magawa. Hawak nya ang dalawang kahinaan ko. Fvck him!






Yumuko sya ng konti at itinapat sa mukha ko ang kwintas. Kukunin ko na sana ito nang itapon nya ito bigla sa pool. Mariin kong pinikit ang mga mata ko habang mahigpit na kuyom-kuyom ang kamao ko.







"Stupid bitch, why bring your pride down for a necklace?" And just like that, he began to walk away.





I stood up, I was fuming with anger. He light up the fire burning inside of me. That Ill-mannered jerk!





"Fvck you!" Inis kong sigaw.





I look at the water in the pool. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang tinititigan ko ang gumagalaw na tubig. I stepped my foot backwards, I have a bad memory in pools. Since an incident happened when I was young, I was not able to swim on pools. I developed a phobia. So, not anymore.






Pero hindi pwedeng mawala ang necklace ko. Maybe for him, it might just be a stupid necklace, but for me, it's not! It's my mom's only keepsake for me. Kahit kabadong-kabado ako ay hinakbang ko pa din papalapit sa pool ang paa ko.




Napalunok ako ng ilang beses, I'm damn nervous! Pero di pwedeng manaig ang kaba ko.






It's now or never.





I jump my feet off the ground, and the moment I opened my eyes underwater, flashbacks started to ruin my sanity. And everything went black after that.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro