Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13


Chapter 13: Hangover

____________

"Anong tinitingin-tingin nyo!? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang nilalang ha!?"


Iniling ko ang ulo ko. Ano bang pinagsasabi ko? Argh, nababaliw na ata ako.




Napatingin ako sa hawakan ng bote na hawak ko. Nakabulagta na sa sahig ang lalaking napukpok ko sa ulo. Agad syang nilapitan ng ilang kasamahan nya habang ang iba naman ay pinaliliskan ako ng mata.



"Get her!" Pinatong ko kaagad ang kaliwang kamay ko sa upuan at sinipa ang dalawang lalaking papalapit saakin.






Umakyat ako sa marble table at kinuha ang isang wine na nakapatong duon. Napangiti ako nang makitang Poison Berry ang alak na yun. May umamba ng sipa sa paa ko upang patidin ako kaya tumalon ako. Kamuntikan pa ako madulas kung di ko nabalanse ang katawan ko.





Tuluyan ng napatigil sa mga sariling ginagawa ang mga tao sa loob ng bar. Lahat sila nakatingin sa nangyayaring kaguluhan na dulot ko. Teka, ako ba gumawa ng kaguluhang to? Anyway...




"Bumaba ka jan!" Inangat ko ang hawak kong bote at lumagok muna ng alak bago ko sila balingan ng tingin.





"Ha? Di kita marinig eh. May sinasabi ka ba?" Kinulikot ko pa ang tenga ko para asarin sya.





"Sabi ko bumaba ka jan! Ilabas mo ang mga gangmates mo para magkaalaman tayo dito!" Lumagok ako ulit ng alak at nakapikit-matang dinamdam ang lasa ng alak.




"Excuse me? Am I hearing a dog barking?" Pinanlisikan nya ako ng mata kaya nginitian ko na lang sya ng matamis. Ang ganda ko talaga, shit. Lumagok ako ulit ng alak at di na sya pinansin pa.




"Ayaw mong bumaba ha!" Nahablot nya ang kaliwang paa ko kaya tinigil ko ang paglagok ng alak. Hinila nya ito pababa kaya ginamit ko ang kanang paa ko para sipain sya sa mukha nya.



Sakto namang lumanding ako sa upuan kaya napangisi ako. Pinatong ko ang isa kong paa sa isang upuan at maangas na lumagok ulit ng alak. Ang ganda ko talaga, shit.




"Sumusobra ka na sa kayabangan!" Naningkit ang mata ko nang hablutin ng isang lalaki ang upuan at inihampas ito papunta sa gawi ko.




Pinatong ko ang alak sa lamesa at umiwas sa paparating na upuan. Ang wild nya, bagay sya sa zoo.



Narinig ko ang pagbasag ng bote ng alak kaya nangunot ang noo ko. Deep shit, did he just broke my fvckin' wine!? Magkakamatayan na dito!



"You mess with me, I'll mess up with your face!" Sumugod na ako sa kanila kaya sumugod na din sila saakin. Kinuha ko ang dalawang upuan sa tabi ko at hinagis ito sa mga punyetang mukhang walking banana. Ang tatangkad nila kahit minors pa gaya ko.




Sapul sa sikmura ang tinamaan ng isang upuan samantalang ang isa naman ay nakaiwas. Dahil nga nakaiwas sya ay tumama ang upuan sa isang lalaking nakikipaglandian sa likod nya. Oops, my bad.




"What the fvck! Habulin sya!" Dahil masunurin ang mga alagad nya, tumakbo nga sila papalapit saakin para habulin ako. Talamak ngayon ang malalandi sa Pilipinas kaya okay na rin yung pagtama ng upuan sa kanya, di ko na din pinagsisihan.





So to make things more exciting, I ran and let them chase after me. Ang ganda ko talaga, hinahabol ako ng sandamakmak na lalaki. Oh shit, tinamaan na ata talaga ako ng lintek na alak.





"Bumalik ka dito!" Nginisihan ko na lang sila saka patuloy na nakipaghabulan. I never felt this exciting feeling before, dala na rin siguro ng alak.




Tinulak ko ang mga nagkukumpulang babae dahilan para matraffic sila sa paghahabulan saakin. Liliko pa sana ako sa kaliwa nang may lalaking humarang saakin, babalik na din sana ako sa dereksyon na dinaanan ko kanina pero may nakaabang na duon. Hola Viola, nahuli ka Lara. What to do?




"Ngayon wala ka ng takas!" Eh talaga ba? Wala talang takas?





"Pinahirapan mo pa kami! Pero alam mo Miss, pwede mo namang pagbayaran ang kasalanan mo ng di ka nasasaktan" kinurap-kurap ko ang mga mata ko.




"You and your sexy body is enough" Aba teka, Sa dami nilang yan? Gwapo naman silang lahat, pero ano to gang rape?




Tinawanan ko na lang sila ng pagkalakas-lakas. Yung tipong tumatalsik pa ang laway ko sa pagmumukha nila. Bendita na din para maibsan ang kasalanan nila.




"Life is short honey, so is your dick" napanganga naman ang iilan sa kanila sa naging banat ko. Oh diba, English pa yun para sosyal.





Merong isa sa kanila na mukhang kanina pa ata asar na asar saakin dahil dumukot na sya ng kutsilyo. Napakapit ako sa pader dahil nahihilo na ako.




"Buti pa yung kutsilyo mahaba" natatawa kong pang-aasar kaya halos umusok na ang ilong nya sa galit. May toro dito, ilagay nyo nga to sa zoo.




Namatay bigla ang ilaw kaya napakislot ako. May humablot sa braso ko at hinila ako papalayo sa mga hinayupak na yun. Di ko kilala kung sinong humablot sa kamay ko pero hinayaan ko na lang sya, masyado akong wala sa sarili para magreklamo.




Papapasok kami sa isang kwarto at natatanaw ko ang maliit na ilaw mula dito. Napangiti naman ako.


"Ayan na yung ilaw, sabihin mo sa abnormal kong tatay na mahal na mahal ko sya" may sumapok bigla sa noo ko kaya nangunot ang noo ko. Gago to ah!



"Ang OA mo naman Insan"


Di ko narinig ang sinabi nya. Pasalampak nya akong pinaupo sa couch kaya napahiga ako habang kunot-noong hinihilot-hilot ang sentido ko. Ang sakit na ng ulo ko, parang binibiyak na sa sakit.



"Insan! Hoy! Umayos ka nga! Anong ginagawa mo dito?" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Pamilyar saakin ang boses nya pero wala akong pakealam. Ramdam ko din ang sinag ng ilaw sa mukha ko kaya tinakip ko ang braso ko.



"Huh? Sino ka ba?"



"Ako to, si Kiel! Yung pinsan mong gwapo" nangunot ang noo ko. Kiel?



"Pinsan?" Bulong ko sa sarili ko. Nang may maalala ako ay napapoker face ang mukha ko.



"Ahh. Si Kiel? Yung pinsan kong gago?" Minulat ko ang mata ko at nakita ko syang nakatingin saakin habang nakasimangot.


Mukha talaga syang gago. HAHAHA!



Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko habang kinakamot ang batok ko. Bwiset, feeling ko tuloy namumula buong mukha ko. Kaasar!



"Hey, are you sure she's your cousin?" Huh? Boses ba yun ni Jehan?



Minulat ko ang mata ko at nakita kong kompleto ang buong Emperors at Ravens, pati na din tong iba pang mga kasama ni Kiel.



"Of course. Ang weird lang kasi di naman sya basta-basta nalalasing, but look at her. Damn wasted like shit!" Tinaas ko ang paa ko at sinipa sa sikmura si Kiel.




"Insan naman! Bakit ba tuwing magkikita tayo palagi mo na lang akong sinasaktan?" Reklamo nya.




"Anong gusto mo halik-halikan kita ha!? Luhuran kita na parang santo!? Umayos ka! Papakain ko tong kamao ko sa bunganga mo!" Ginulo ko ang buhok ko . Nakakairita! May kamay bigla na humawak sa noo ko kaya nagkasalubong ang kilay ko.




"She's hot" Napatunghay naman ako at nakita ko si Jam.




"Yeah, I am sizzling hot" bulong ko. Nakarinig naman ako ng tawanan.



"I mean hell yeah, you are hot. What I mean is you're literally hot"



"Ano ba kasing ininom mo insan?"




"Poison Berry"



"WHAT!?"


"Nakailang shots ka?"-Rio



"I think 5 and more?" Pinikit ko ang mga mata ko. Narinig ko silang nagsinghapan na animoy di makapaniwala sa narinig.




"Buti nakakapagsalita ka pa?" -Jethro (Leader ng Ravens)



"Bumubuka bibig ko diba?" Bumingisngis sila ng tawa kaya napangiwi ako.



"Poison Berry is not an ordinary drink, it's 88% Alcohol. You've taken 5 shots, wala ka na sanang malay ngayon" mahabang lintaya ni Jehan. Pakihanap nga ng pake ko sa sinabi nya.




Naalala ko bigla yung bote ng alak na nabasag kanina. Napasimangot ako, di ko pa nauubos yun tapos nasayang lang. Pinatong ko ang siko ko sa tuhod ko habang nakahalumbaba.




"Insan! Ilan to?" Winagayway nya ang daliri nya sa mukha ko kaya parang naduling ako. 1...2....4....8....12... Ewan ko!


"Insan!"



"Ano bang ginagawa mo?" Bulong ni V kay Kiel.



"Shh. Chinicheck ko lang if lasing sya. Malala kasi yan malasing" may nakita akong ipis sa pader kaya hinubad ko ang kaliwang sapatos ko.



"Hoy anong----"



Dahan-dahan akong naglakad papuntang pader para hampasin ito pero bigla syang lumipad. Nagbago bigla ang expression ng mukha ko habang inis na tumitingin sa ipis na lumilipad-lipad.




Tinaas ko ang sapatos na hawak ko habang tinuturo ang punyetang ipis.



"Wag kang Ilusyunada! Ipis ka lang di Butterfly! Feelingera kang punyeta ka! Bumaba ka dito!" Tinapon ko ang hawak kong sapatos pero di ito natamaan, instead ay tumama ito sa flower vase.



Kinuha ko ang isa ko pang sapatos at hinabol ito.



"Punyeta ka bumaba ka! Mag usap tayo! Masyado kang feelingera!"





"Brad, tulungan nyo ko! Pigilan natin sya! Shit, ang lakas na ng tama nya!" tarantang wika ni Kiel.





Hinabol ako ng iilan sa mga kaibigan ni Kiel. Samantalang ako ay hinahabol pa din ang pesteng ipis na to. Naiwan naman na nakatulala ang grupo ng mga Emperors at Raven. Lakompake sa kanila! Teka, nasaan na yung ipis!




"Shit, dyan ka lang ha! Wag kang lilipad! Shit Justine, may ipis sa ulo mo!" Di naman makagalaw si Justine dahil sa sinabi ni Rio sa kanya.





"Talaga? Nasaan? WHAAA~ Hancute ng ipish. Gagawin ko syang pet! Papangalanan ko sya---" bago pa man maituloy ni V ang sasabihin nya ay mabilis akong tumakbo papapunta sa dereksyon nila.




Di nya pwedeng gawing pet ang Ipis! Baka mas lalong maging feelingera yan at pati sa Mall magaala butterfly!


"Papangalanan kita---"



*BOGSH*

Hinampas ko sa ulo ni Justine ang sapatos ko kaya napisa ata ang ipis sa ulo nya. Nanginginig na napalingon saakin si Justine, napaawang na lang ang labi ko nang mawalan sya ng malay.



"Justine! Hoy! Justine!" Niyugyog-yugyog sya ni Rio pero di pa rin ito nagigising.



"Nakikiramay ako sa pagkamatay ng mahal kong Ipish" binatukan naman ni Xael si V para magtigil ito.



"Rest in Peace Ipish" pahabol pa ni V.



Naibaling ko naman ang tingin ko kay Seth na mahimbing na natutulog sa Couch. Skin as white as snow, lips as red as an apple. Si snow white ba itu?

Ang puti naman ng mukha nya, parang nakalunok ng sandamakmak na glutathione at binabad sa harina ang kutis nya. Marahan kong tinapik ang mukha nya para magising, pero waepek.

*PAK*

"Insa---"



"Gumising ka! Feeling mo naman ikaw si Snow White o di kaya si Sleeping Beauty na naghihintay ng True Loves Kiss! Gumising ka hoy! Baka kamao ko makipaghalikan sayo! Walang forever Lul!" Iminulat nya bigla ang mata nya. Napaatras pa sya dahil mukha ko ang bumungad sa kanya.



"What the fvck?" Hinampas ko sya sa ulo kaya gulat syang napatingin saakin.


"Minumura mo ba ako ha!? Ano ka chicks!? Para sabihin ko sa--HOY BITAWAN NYO AKO!" Hinawakan ki ni Jehan at Kiel sa magkabila kong braso. Hinila nila ako papapalayo kay Seth na mukhang in shock pa din. Sabog pa nga mukha nya. Wala syang swaeg!


"A-anong nangyayari?" Clueless na tanong ni Seth.



"Yan kasi! Tulog ka ng tulog! Baka mamaya magkatsunami, magising ka lumulutang ka na sa tubig!" Natatawang pang-aasar ni Jam.



"Ano ba! Bitawan nyo ako!" Nagpumiglas ako pero di pa rin nila ako binibitawan.



"Pull your shit together Lara! Stop sprouting nonsense!" Nagtitimping wika ni Jehan.



"Oo nga naman Insan! Magtigil ka na kung ayaw mong isumbong kita kay Tito!" Pinanlisikan ko ng mata si Kiel.



"Subukan mong magsumbong pagbubuhol-buhulin ko lahat ng buhok sa katawan mo!" Napalunok naman sya.



"Paano ka ba nakarating dito?" Napatingin ako kay Xael nang magsalita sya.




Dinukot ko ang I.D sa bulsa ko ay winagayway ito sa ere.


"Cloud sayo to diba? Napakaburara mo talaga!" Kinuha naman ng Cloud yung I.D nya saka nag bow sa harap ko.

"Salamat ulit" Ngumiti pa sya ng malawak sa harap ko.



"Gusto ko ng magpakasal"


"ANO!?"


"Gusto ko ng magpakasal sa kama ko. Tapo---" may humataw bigla sa batok ko kaya unti-unti kong naipikit ang mga mata ko, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.




*KINABUKASAN*


I touch my head before opening my eyes, my head aches like hell. I immediately hop off the bed and I almost felt like the world spins for about 360°. Jesus Christ, my neck is freakin' sore! I walk over the mirror while rubbing my neck as I go. Holly hell! I look like Shit!





Messy hair, puffy eyes, reddish cheeks, and shit. What the hell? Not to mention my head stings like a needle! I tied my hair in a bun and tried to remember what happened yesterday.





Golden Steel Parlor, Underground Bar, Poison Berry, Ipis.....



"What the fvck!" Inis kong ginulo ang buhok ko habang pumagulong-gulong sa kama ko. What kind of utter shit did I just do!? Argh!



"Stupid! Stupid Lara! You bitch!" Nahulog ako bigla sa kama kaya napadaing ako. Inangat ko ang ulo ko, should I act like I don't remember anything at all?






Tumayo ako at kinuha ang towel sa likod ng pintuan. Marahan kong minasahe ang noo ko, fvckin hangover! Dumeretso ako sa Bathroom para maghilamos.





Lara, Anong kabaliwan ba ang ginawa mo kagabi? Yung naaalala ko, yun lang ba talaga ang nangayari saakin? Wala na talaga? The last time when I was drunk was a year ago, naparami kasi talaga ang inom ko nun. This time, di ko naman kasi alam na 88% alcohol pala ang Poison Berry na yun.





Lumabas ako ng Bathroom habang pinupunasan ang mukha ko. Nakasalubong ko si Justine, nanlaki naman ang mata nya at agad umiwas ng dereksyon. Mariin kong pinikit ang mata ko, ang punyetang ipis kaagad ang pumasok sa isip ko.




"Good Morning" masayang bati ni V.




"Good morning Babe" hindi ko na lang pinansin si Jam, baka nabugbog ko pa sya.




"Lara, may hinanda akong Hangover soup oh" alok ni Xael. Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan habang nakatingin sa isang bowl ng soup.





"Okay ka na ba?" Tumango na lang ako. This is awkward, what the hell.




Nang matikman ko ito ay kaagad akong napatango, ang sarap ha. Nasa kalagitnaan ako ng pag-ihip ng sabaw nang biglang lumabas sa kwarto nya si Seth. Nang dumako ang tingin nya saakin ay bigla syang nadulas.




"Oy Seth! Haha! Okay ka lang ba dude?"-Rio




"Y-Yeah" tinulungan syang tumayo ni Rio at pinaupo sa sofa. Should I really act like I don't remember anything?




"LARA!" Napaso bigla ang dila ko kaya agad akong kumuha ng tubig para inumin ito. What the heck!






Parang mabangis na hayop na lumapit papalapit saakin si Jehan, napalunok ako ng wala sa oras. Oh my God. He looks like he would kill me any moment from now!





"W-what?" I bit my lips. Di ko maiwasang mautal, di ko kasi alam kung anong kasalanan ang nagawa ko sa kanya kagabi, if meron man. Pero nakakasigurado akong meron, sa mukha ba naman nyang yan? Di sya magagalit ng ganyan kung wala akong ginawa!





"Naaalala mo ba anong ginawa mo saakin kagabi ha!?" Bulyaw nya.



"Je---"



"Stay out of this matter Xael!" Oh shit! He looks serious! Ano bang nagawa ko sa kanya?




"Sorry pero wala akong maa--"



"Damn it!" Hinampas nya bigla ang kamay nya sa lamesa kaya nagulat ako.




"You! You're such a pain in the ass! I can't believe you!" Halatang inis na inis talaga sya saakin kaya di ko maiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang nagawa ko sa kanya kagabi. Wala talaga kasi akong naaalala.


"Pwede mo bang sabihin saakin anong ginawa ko?"




"Like what the fvck! Ayaw ko na ngang maalala tapos ipapakwento mo pa saakin!? Aba't sumuso---" akmang susugod na sya nang pigilan sya ni Rio, Jam, Justine at Seth.





Tumayo naman ako at agad nagtago sa likod ni Xael. Si V naman ay kumuha ng video cam at kinuhanan kami.




"Bitawan nyo ako! How many times do I have to tell you never mess with ny life? Sumusobra ka na talagang babae ka---"




"Oh! Jehan relax lang tol!" -Jam



"Hayaan mo munang maalala nya lahat!" -Rio




"Oo nga. Walang patutunguhan ang pag-aaway na to kapag wala din naman syang maalala" marahas na winaksi ni Jehan ang braso nya kaya nabitawan sya nina Jam.



Pinanlisikan nya bigla ako ng mata.




"Make sure to remember it as soon as possible! Dahil kung hindi mo yun maaalala, bukas na bukas gagawin kong impyerno ang buhay mo!" Lumayas sya bigka kaya napahawak ako sa dibdib ko. What the hell, he's mad like a monster!




"Grabe talaga magalit ang isang yun" -Jam





"Ano V, nakuhanan mo?" Nag thumbs up naman si V saka ngingiti-ngiting nanonood sa video cam na hawak nya.





Sinapo ko ang buong mukha ko. Shit, sa pagkakaalala ko wala akong ginawang masama sa kanya nung nalasing ako kagabi! Ang naalala ko lang na napagtripan ko ay si Justine at Seth!






Paulit-ulit kong pinukpok ang ulo ko. Lara, what have you done? Anong kabalastugan ang ginawa mo? Arrgh! Ginulo ko ang buhok ko. Lintek na yan, wala talaga akong maalalang may ginawa ako sa kanya!






Hangover. Hangover. Hangover. Damn it! Wala talagang magandang maidudulot saakin ang masobrahan ng alak. Deep shit, what will I do? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro