Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11


Chapter 11. Thank You

__________

I have a pen~

I have an apple~

"Ugh!" -Jam

"Apple pen~" -Justine

I have a pen~

I have pineapple~

"Ugh!" -Jam

Tinapon ko ang chichiryang hawak ko kay Jam. Taena! Maka 'Ugh' to nagtutunog ungol e! Umagang-umaga umaandar na naman kamanyakan nya!

"Haha! Makiride ka na lang babe!" Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Isa pang babe mo, paduduguin ko yang bibig mo!" Irap ko. Tinaas naman nya ang magkabilang kamay nya.

"Whoa! Easy lang! Di ka na mabiro!" Inis akong umalis sa sala at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Jam is getting on my nerves lately. Isang beses ko pa talagang marinig ko ang pagtawag nya ng 'babe' saakin, babangasan ko mukha nya.

Lumakas bigla ang volume ng pen-pineaaple-apple pen kaya napalingon ako sa kanila. Nagsasayaw na ang apat na baluga sa sala. Namely Jam, Justine, Seth and Rio. Di ko alam na may topak din pala tong si Seth at Rio. Napailing na lang ako, siguro nakakalog din utak nila kaya ganyan.

Paglingon ko ay nakita ko si V na mukhang nagluluto, suot nya ang Pink na apron ni Xael. Nangunot ang noo ko, normally si Xael kasi ang nagluluto, I wonder where he is?

"Hey V" napalingom naman sya saakin.

"Nasaan si Xael?"

"Ahh. Bumili sila Jehan ng pagkain, paubos na kasi ang stocks sa ref. " masaya nyang sagot.

"Kanina pa nga ang mga yun e, nagugutom na ako kaya magluluto na ako!" He added.

Tiningnan ko lang sya habang nilalagay ang frying pan sa stove. Nangunot ang noo ko sa sunod na pinanggagawa nya. Marunong ba to magluto?

I mean look at him! Frying pan on the stove (with no fire) + frying pan (with no oil) + Egg ( with shell ) = Actual freak. Does he even know how to cook???

I mean, paano mo lulutuin ang itlog kung walang oil? At higit sa lahat, may egg shell pa! Seryoso ba kayong tao to at di isang elyen na galing ibang planeta? Pati pagluto ng itlog di alam?

"I'm so proud of you V" irap ko.

"Talaga!? Whaa! Thank you!" Sinamaan ko sya ng tingin. Gago ba to? Di ba sya nakakaintindi ng sarcastic?

Binuksan nya ang apoy sa stove saka ginulong-gulong ang itlog sa loob ng frying pan. Habang tumatagal ng tumatagal ay mas lalong kumukot ng kumukunot ang noo ko. What the hell is he doing!

"That's weird! Bakit ang tagal maluto?" Napahinga ako ng malalim nang makita kong problemadong-problemado ang mukha nya.

"What are you trying to cook?" He gave me his sweetest smile kaya bahagyang napataas ang kilay ko.

"Boiled egg!" Napasapo ako ng noo. What the actual fvck? Boiled egg nga diba!? Boiled! Boiled kasi papakuluan! Eh anong kagaguhan yang ginagawa nya? Bakit sa frying pan nakalagay? Grrr! Umiinit na naman ulo ko!

"PEN PINEAPPLE APPLE PEN!"

Dahil sa inis ko ay dinampot ko ang bread knife sa tabi ni V at tinapon ito papunta sa gawi ng mga maiingay na baluga sa sala.

"Shit!" Rinig kong mura ni Jam. Nilingon ko sya at nakita kong nakatarak ang bread knife sa pagitan ng dalawang hita nya.

"LARA!" Kinakabahan nyang sigaw.

"Pfftt~ HAHAHA" Sabay na tumawa si Justine, Seth at Rio sa naging mukha ni Jam.

Timing naman na pumasok si Jehan at Xael. May dala-dala silang mga paper bag na puno ng pagkain. Dumeretso si Xael sa kusina at dumeretso namam si Jehan sa kwarto nya.

Nang tuluyan ng makalapit si Xael ay tinuro ko si V.

"Hey, help this dude okay? He's crazy!" Tumawa na lang sya saka sinabihan si V na makitawa na lang kina Jam.

"Paano ako matututong magluto kung di nyo ko tuturuan?" Nakanguso na reklamo ni V kay Xael.

"Alam mo V, ilang beses mo ng sinabi yan? Nung huling beses na sinabi mo yan pinasabog mo ang stove!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Xael. Seriously!? Pinasabog!?

"Hehe! Sorry naman!" Nag peace sign sya saka hinubad ang apron ni Xael. Tumakbo na si V papunta kina Jam na naghaharutan na naman.

I tilt my head as I watched Xael cooking with his pink apron. Bakla ba to? Bakit Pink? I mean, di naman masama ang pink sa lalaki, pero mostly kasi babae ang may type ng pink e.

"Xael?" Nilinga naman nya ako habang naghihiwa ng sibuyas.

"Can I ask you something personal?" Don't get me wrong guys, I'm just curious okay? Kahit kasi nagmumura din sya, at palabatok din sa mga kasama nya, siya yung tipong mahinhin pa din. Alam nyo yun? Di ko maexplain eh!

"Of course" he smiled softly. See? Even his smiles are modest!

"Bakla ka ba?"

"Oh! Hinay-hinay naman! Kutsilyo yan!" Taranta kong sabi dahil muntikan na nyang mahiwa ang daliri nya.

"Anakan kita ng tatlo jan eh" bulong nya.

"Excuse me?" Di ko kasi narinig ang sinabi nya. Takte, nagiging bingi na ata ako ngayon.

"Huh? Did I say something?" Takang tanong nya. May sinabi sya e! Di ko lang narinig.

"So? Bakla ka nga?" Narinig ko naman syang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Sa gwapo kong to, bakla?" Tumango naman ako.

"Yeah. Kadalasan sa mga gwapo ngayon bakla. Kaya di impossible na bakla ka rin" sa pangalawang pagkakataon ay tumawa ulit sya kaya napakunot ang noo ko.

"I'm not a gay, besides, real men wear Pink. Don't you think so?" I shrugged. Yeah, real men wear Pink. Pero para sa iba bakla ka na. Dapat naman kasi talaga panlalaki ang pink.

Nagpatuloy na syang maghiwa ng ingredients kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa kwarto ko. Today is Saturday, and yeah walang pasok. Also it's 7:15 am, mas mabuti pa siguro ay maligo na muna ako. Hinubad ko ang damit ko at sinuot ang bathrobe na dala ko. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa ref para kumuha ng ice cube.

Natigilan naman sa paghaharutan sina Jam nang mapadaan ako sa harap nila. Ramdam na ramdam ko pa na sinusundan nila ako ng tingin kaya binalaan ko na sila.

"Iiwas nyo yang mata nyo, kung ayaw nyong dukutin ko yan"

"*ehem* Anong gagawin mo sa ice?" Tanong ni Jam

"Gagamitin ko maligo" may tatlong malalaking lalagyan ng ice cubes sa freezer kaya kinuha ko yun.

"Huh? Para maligo? " takang tanong ni V.

Di ko na lang pinansin ang tanong nila. Nagtungo na lang ako sa Bathroom para maligo na.

Gaya ng nakasanayan ko ay pinuno ko muna ng tubig ang bathtub bago ibuhos ang ice cubes. Binuksan ko ang drawers ng vanity, at luckily may nakita akong mga box ng gatas duon. Syempre meron yan, may bathtub eh. Binuhos ko din ang gatas sa tub saka tinggal ang robe ko bago lumusong sa tub. Nang malublub ko na ang buong katawan ko ay saka ko ipinikit ang mga mata ko. Ang lamig ng tubig, nakakaantok.

******

Naimulat ko ang mata ko nang makaramdam ako ng pamamanhid ng binti ko. Agad kong inangat ang ulo ko at umupo ng maayos para abutin ang mga binti ko. I felt the numbness of my legs! Shit, I think fell asleep for more than 30 minutes! Napasabunot ako ng buhok ko. How can I fall asleep? Sanay man ako magbabad sa malamig na tubig, di ibig sabihin nun kaya ko magtagal ng higit pa sa 30 minuto! I can only stay for about 20 minutes.

Sinubukan kong iahon ang sarili ko sa tub gamit ang dalawang braso ko, at nagawa ko naman yun ng maayos. Nang mailapag ko ang mga paa ko sa sahig ay wala akong maramdaman.

Nanlalambot din ang tuhod ko na para bang matutumba ako ano mang oras kung wala akong mahawakang pangsuporta sa sarili ko. Dang, unang beses pa lang nagyari saakin to!

Inabot ko sa gilid ang bathrobe at sinuot ito habang nakasandal sa isang pader. Nahihirapan pa akong itali ang ribbon ng robe ko dahil pilit kong binabalanse ang katawan ko para di ako bumagsak. Di ako makatayo ng maayos! Dinaig ko pa ang mga matatandang nahihirapang maglakad dahil sa rayuma! Argh.

Paghakbang ko ng paa ko ay may naapakan akong basa kaya nadulas pa ako. Unang bumagsak ang pwet ko kaya napadaing kaagad ako sa sakit.

"Bullshit" di ko maiwasang mapamura habang nakahawak sa balakang ko. What the fvck! Ang sakit ng pagkakabagsak ko! Arrgh!

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko itong bumukas. Iniluwa duon si Jehan na nakasuot din ng robe. Nang makita nya ako ay agad nanlaki ang mata nya sa gulat. There are only two reasons why he's shocked. It's either because he encountered me inside the bathroom, or because he saw me lying on the floor helplessly. Damn! This is embarrassing!

Nilapitan naman nya ako. Dahan-dahan syang napaupo sa harap ko na parang nalilito kung anong nangyari saakin. Napansin nya atang nanginginig ang mga binti ko kaya wala sa sarili nya itong nahawakan. Nanlaki agad ang mata ko at hinampas sya sa batok.

"Shit!"

"Ano sa tingin mo ang hinahawakan mo!?" Bulyaw ko. Napahilamos naman sya sa mukha nya at nalilitong tumingin saakin.

"Your legs are cold, should I warm them up?"

*PAK*

"ANO BA!"

"BASTOS!"

"What the fvck? Anong bastos dun sa sinabi ko ha!?" Napabuga ako ng hangin dahil sa sigaw nya. Seryoso sya? Talagang di nya---

"HOY PUTANGINA ANONG GINAGAWA MONG GA---"

Nagpumiglas na ako dahil bigla nyang hinablot ang robe ko. Damn, is he trying to take off my robe!? Sisigaw pa sana ako nang bulyawan nya ako.

"Shut the fvck up! I don't want to see your freakin' body! Baka bangungutin lang ako!" Tinali nya ng mabuti ang ribbon sa bewang ko para di matanggal ang robe na suot ko.

Pero wtf, ano daw? B-bangungutin!? Parang pinapamukha nya talaga saaking pangit ang katawan ko ah! Bulag ba sya? Kailangan nya ba ng salamin o ano? Isampal ko kaya sa kanya ang mahabang salamin dito? Argh!

Tumayo sya saka lumapit sa bathtub. Saglit nyang nilublub ang daliri nya sa tubig saka tumingin saakin.

"You're using ice!?"

"Di ba halata? Tingin mo anong gamit ko, uling?" Napasinghal naman sya dahil sa pamimilosopo ko sa kanya.

Iniluhod nya ang kaliwang tuhod nya sa tabi ko at hinawakan ako sa bewang. Nanlaki agad ang mata ko, Don't tell me he's planning to carry me!?

"Kung ano mang binabalak mo, sinasa---AAAAH!" Napasigaw ako nang pwersahan nya akong kargahin. Yung tipong parang saglit atang lumipad ang espiritu ko.

That's not just it! He's carrying me like a newly wed couple! This is fvckin' insane! No one has ever dared to carry me around like this!

Dahil di ko sya nagawang masipa ay hinampas ko na lang sya sa dibdib para balaan sya.

"Ibaba mo ako!" He tilt his head.

"Sigurado ka? Handa ka na bang bumagsak?" Kumirot bigla ang balakang ko kaya wala sa sarili akong napakapit sa leeg nya. No! Ayoko na mahulog! Masakit! Lalo na dahil tiles ang sahig.

"Tch"

Nagsimula na syang maglakad palabas, tumigil na din ako kakapiglas. Napakagat-labi ako, what would those jerks think if they saw the both of us coming out from the bathroom wearing a robe? What the fvck! Alam ko na kung ano ang maaari nilang isipin!

Pinihit nya ang pintuan palabas ng bathroom kaya mas lalo kong diniin ang pagkagat sa labi ko. I really hate this, wala akong magawa. So it's another way around, I have no choice but to close my eyes and act like I passed out. I never imagined I would be an actress for once in my whole entire fvckin life!

"Oh shiiitt! What the hell happened!?" Jam shrieked.

"She's not dead, isn't she?" Justine gasp. I heard noises, na para bang pinagtulungan syang batukan.

"Teka---! Bakit naka robe kayong dalawa!?" Shock na shock na sabi ni V. "Ibig sabihin pumasok ka din sa CR tapos nakita mo syang naka *gasp* BLOODY HELL!" V added hysterically.

"Oh shut that mouth of your's you little brat! What happened to her?" Xael ask in a worried tone.

Naramdaman ko ang pagtingin saakin ni Jehan , I even heard him hissed.

"Don't let your imaginations run wild alright?" Naramdaman kong panaupo nya ako sa couch.

"What happened to her?" -Rio

"Her legs went numb. Get me a basin of hot water Rio" rinig kong utos nya. Pagkatapos ng ilang segundo ay naramdaman kong may nag-angat ng paa ko, at inilublub ito sa tubig na katamtaman lang ang init.

"Kung namanhid lang ang binti nya, bat wala syang malay?" -Seth

"She's just acting asleep" minulat ko kaagad ang mata ko at sinamaan ng tingin si Jehan. Tss!

"What are you looking at?" Umiwas naman sila ng tingin. Tumayo naman si Jehan saka malamig akong tiningnan.

"You don't even know how to say thank you" he said and crossed his arms in front of me. Sumama agad ang timpla ng mukha ko. I was about to say thank you, nagbago bigla ang isip ko.

Tama ba yung pangunahan ka? Tapos ang walang expression nyang mukha ang sasalubong sayo? Like hello? Di ba sya makapaghintay na mag thank you ako?

"I didn't ask you to help me" deretso kong sagot. Nahagip ng mata ko ang pagtaas ng kilay nya kaya naigulong ko ang mga mata ko.

"Bitch" he whispered. I smirked, yeah. Like he care? Nag walk out sya bigla kaya naiwan ako kasama ang anim na kolokoy na to.

Ginalaw-galaw ko ang binti ko. Medyo okay na sya, it's not as numb like a few minutes ago. I think kaya ko ng tumayo ng maayos. Inalalayan akong tumayo ni Rio at Xael kaya nagpasalamat ako sa kanila.

"You're really weird, you know that?" Kunot noo naman akong napalingon kay Xael.

"What do you mean?"

"I think you should be thanking Jehan the most, than us. Haha" he chuckled. Well he has a point, pero wala e! Inunahan nya ako eh! Marunong naman ako tumanaw ng utang na loob kahit papaano, pero ewan ko bakit naiiinis lang ako sa kanya.

"Yeah. Knowing him, Wala syang pake sa mga tao. Di sya marunong tumulong kung di ikaw mismo ang magsasabing tulungan ka nya." -Rio

"That's why you have to thank him! Minsan lang maghimala ang isang yun. HAHA" Tatawa-tawa namang sabi ni Jam.

"He'll appreciate your small thanks" -V

Napairap ako sa kawalan, yeah right. Paika-ika akong pumasok sa kwarto ko para magbihis. Saka, big deal ba yun? I should say my 'Thank you' eh sya? Marunong ba sya magsabi nun? Tss. Sa ugali nyang yun, sa tingin ko sya yung tipong di nagsasabi ng 'Sorry' or 'Thank you'.

Matapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto para kumain. Tapos na sila kumain remember? Nakatulog kasi ako.

"Oh! V! Nanalo ka na naman! Kelan ba kita matatalo?" Nakabusangot na reklamo ni Jam na ikinahalakhak ni V.

"Matatalo mo lang ako pag patay na ako"

"Eh kung patayin na lang kaya kita?"

Napailing na lang ako. Dinadaganan na ngayon ni Jam si V habang sinasakal-sakal si V. Tawa lang naman ng tawa si Rio at Xael dahil sa paghaharutan nilang dalawa.

"Ssshh! Natutulog si Seth! Patay kayo mamaya!" Saway ni Justine.

"Haha! V tama na! Punyeta! Nakakakili--HAHA!"

"Hmmm" umingos bigla si Seth kaya napatigil sila sa paghaharutan.

Napakunot ang noo ko, bakit ba tulog ng tulog ang isang to? Umagang tapat, natutulog pa rin? Seriously?

"Hi Lara!" Bati ni V saka tinulak sa ibabaw nya si Jam. Nauntog pa ang ulo ni Jam sa couch dahil sa pagtulak nya. Lumapit sya saakin saka umupo sa upuan na nasa harap ko.

Di ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Pero habang kumakain ako ay ramdam ko ang mga titig nya. Binagsak ko ang hawak kong tinidor kaya napaayos sya ng upo. I turned my gaze ag him, anong kailangan nya?

"Whaaa! Galit ka ba?" He said as he pout his lips like a duck. I rolled my eyes at him, he has this habit of pouting his lips.

And angry at him? Maybe and maybe not. I just felt the urge to punch him, because if it hadn't been for him, guys wouldn't chase me like a pest to took the card from me!

"Heeeyy" binagsak ko ang kutsara ko at tumingin sa kanya. Ang kulit nya talaga noh? Napatingin ako sa bread knife na nasa lamesa, balatan ko kaya sya ng buhay?

"What do you want?"

"A-ahh kasi..." pahapyaw syang napasulyap sa gawi nila Jam na nakatingin din saaming dalawa ngayon sa lamesa.

"Ahhmmm" tinutok ko ang tinidor sa mukha nya kaya napaatras sya.

"S-sorry nga pala" binaba ko ang tinidor at nagpatuloy kumain.

"Sorry dun sa Third Day Curse" nakayuko nyang sabi. Tumango na lang ako, as long as I can feel sincerity in his words.

"Apology accepted" umangat bigla ang ulo nya at halod mapunit na ang mukha nya sa pagngiti nya.

"Talaga!?" Tumango ako, pero hinablot ko bigla ang collar ng shirt nya saka tinutok muli ang tinidor na hawak ko sa leeg nya.

Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple nya. He's taken aback by that, nervous I guess?

"Pero sa susunod na may gagawin kang kalokohan na involve ang pangalan ko, sasakalin kita" pambabanta ko. Kumurap naman ang mata nya, saka tumango-tango na parang timang.

Binitawan ko ang collar ng damit nya saka tumayo na.

"Hey Xael" napalingon naman sya saakin.

"Thanks for the food" he just smiled and nod his head.

"Tho, may nakalimutan kang ilagay" napakamot naman sya ng batok saka natatawang tumingin saakin.

"Napansin mo pa yun?" Tumango na lang ako saka pumasok na naman sa kwarto ko. Yeah, nakalimutan nya maglagay ng pepper, pero masarap pa din naman eh.

Kumuha ako ng lollipop sa jar at binalatan ito bago kainin. Humiga ako sa kama ko at napatingin sa kisame, I really hate having a debt to someone. Tumayo ako sa kama ko at kumuba ulit ng isang lollipop sa jar. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala.

"Hey! Nasaan sya?"

"Sino?"-Justine

"Yung tangina nyong leader" bored kong sagot. Nagakatinginan naman sila saka sabay-sabay na humagalpak ng tawa.

Eh?

"T-tangina... Sakit ng tyan ko kakatawa! Whoo!" -Jam

"HAHAHA!"-Sila

Napangiwi na lang ako, mga sira ulo! Wala ng matino ni isa sa kanila. Lumabas na lang ako ng Dorm para hanapin sya. Tingin ko naman ay may lugar akong alam kung nasaan sya. Di rin naman ako nagkamali dahil nandoon nga sya.

Nakahiga sa damuhan sa ibaba ng puno. Natawa ako nang may maalala ako. This place might be memorable for him. Haha. Ito din kasi ang lugar kung saan nya aksidenteng nasalo ang lollipop ko gamit ang bunganga nya.

"What do you need?" He said while his eyes are still close.

Umupo ako sa tabi nya saka pinikit ang mata ko para damhin ang malamig at nakakakalmang ihip ng hangin. Now I know why he's always here.

"What are yo--" tinapat ko ang lollipop sa mukha nya kaya napatigil sya sa pagsasalita. Kahit pa nakatingala ako sa langit habang inaabot ito sa kanya, ramdam kong napatitig sya saakin.

"Anong gaga--"

"Malamang kakainin" napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa lollipop na nakatapat sa mukha nya.

"I'm not stupid" tinulak ko papalapit sa ilong nya ang lollipop kaya kinuha nya ito.

"Thank you for helping me earlier" saglit akong sumulyap sa kanya bago tumayo para umalis na.

That's it! Wala na akong pagkakautang sa kanya. I already said my thank you's to him, so I have nothing to do with him. I scratch my forehead, he's the first person I offered my lollipop tho.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro