Chapter 3:
So this time guys, P.O.V ni Kathleen ang nandito after the bathroom incident at kung bakit siya nakapasok sa Unordinary section. May P.O.V padin naman si Mavie kaya no worries hehe. Enjoy reading.
Kathleen's P.O.V
"Let's go girls"
Sabi ko sa mga kaibigan ko at binitawan na nila si Mavie. Tsk.
Di niya ata napansin na nabitawan na siya dahil nakaupo lang siya habang umiiyak sa sahig ng cr.
Lumabas na kami at kumuha ako ng sanitizer sa bag ko.
"Kath, diba parang sumobra ka ata dun kanina para sa isang lalaki lang?"
Napakunot naman ako ng noo and somewhat na guilty din ako ng konti. Pero as if aaminin ko yun duh.
"Wala akong pake."
Umiling lang sila sa sinabi ko. Gusto kong layuan ni Mavie si Yohann.
Gagawin ko lahat wag lang sila maging malapit sa isa't isa.
Bumalik na kami sa klase namin at pagpasok ko hindi ko nakita si Mavie. Di ba siya papasok? Baka nga siguro napasobra ako.
Hmp, I don't care. Ilang minuto lang ay pumasok na ang teacher namin na si ma'am Altubar. Siya pinakahate kong teacher sa lahat.
"Where is Ms. Del Fuego?"
Mukhang di nga papasok yung babaeng yun. Hays bahala siya wala akong pake.
Nagpatuloy na kami sa klase at hindi nga pumasok ang bruha.
It's 5 oclock at nagmadali na ako dahil 5:30 ang shift ko sa bar. Oh bago kayo mag isip ng masama sakin, no, hindi ako prostitute. Waitress ako dun.
Nagpapart time job ako para matustusan ang pag aaral ko. Ang mahal kaya ng tuition sa Y Academy.
Nagmadali na ako papunta sa bar at pagdating ko dun ay nagbihis nako agad.
"Kath, bilisan mo may costumer sa table 3 na naghihintay ng order."
"Opo manager."
Pumunta nako sa counter at kinuha ang mga eseserve kong order. Table 3 yun diba?
Nagpunta ako sa table 3 at sinerve ang drinks nila. Mga foreigner pala ang nasa table na yun. Sana man lang hindi mga manyak tong mga to.
Pagkaserve ko sa drinks nila ay hinawakan ako ng isang kano sa bewang at pinaupo sa hita niya. Pilit akong tumayo para umalis pero ayaw bumitaw. Namumuo ang galit sa dibdib kaya hinawakan ko siya sa kamay. Pagkahawak ko sakanya ay napabitaw siya at naitulak ako.
"HEY! WHY THE FUCK DID YOU ELECTROCUTED ME WITH A TAZER YOU FILTHY BITCH."
Hindi ko siya sinagot bagkus ay tumalikod ako para sana umalis na pero hinawakan niya ako sa braso. Napabitaw ulit siya dahil nakuryente ulit siya.
"YOU BITCH!"
This time sinampal na niya ako na siya namang umagaw ng atensyon sa ibang costumer at sa manager ko. Lumapit dito si manager at akmang hahawakan ako pero lumihis ako. Ayokong makuryente siya.
"What seems to be the problem here gentleman?"
Tanong ni manager sa mga foreigner nato.
"Well your bitch of a waitress here has electrocuted me with a tazer."
Tiningnan ako ni manager na parang nagtatanong kung totoo ba sinasabi nila.
"Hindi po totoo sinasabi nila manager. Binastos po nila ako kaya nagalit ako."
Alam ni manager ang tinutukoy ko, alam kasi ni manager ang sekreto ko. Oo may sekreto ako na ako lang ang nakakaalam.
"Our waitress said that what you accused her is not true."
Sabi ni manager sa mga foreigner.
"Are you seriously defending your waitress? What kind of costumer service do you have here? That bitch has a tazer and you should inspect it."
"Sir, our waitress said you perverted her. And if she turned you down it is not right to harass our waitress here. May I remind you that this is not a strip club and our waitress here are not paid prostitute for you to grab. So I suggest you leave here at once."
Pero nagmatigas padin sila kaya napilitan si manager na tawagin ang bouncer. Di ko namalayan na andami palang nanonood at nagvivideo samin.
"Okay people the party is over. At wag kayong maglalabas ng video if you don't want to be in jail. Kathleen, halika na."
Sumunod ako sakanya. Pangalawa nato this week.
Pumasok kami sa staff room at ininom ko agad ang pampakalma ko. Nung feel ko na kumakalma na ang sistema ko saka ako nagpasalamat kay manager.
"Salamat manager John sa tulong mo."
Pinat niya lang ang ulo ko.
"Don't mention it. Sa susunod pagkaserve mo ng drinks umalis ka agad. Saka hahanapan kita ng bagong trabaho yung tipong di ka mapapahamak. I think you should go home na muna Kath, mainit ang mga mata ng tao dito sayo dahil sa nangyari kanina."
"Ahh s-sige manager. Pero manager hindi mo na po ako kailangan tulungan sa paghahanap ng trabaho."
"No, I insist. Ayokong everynight minamanyak ka dito. You need a more decent job yung di ka mababastos."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sa lahat ng taong nakilala ko dalawang tao lang ang genuine sakin si manager John at yung nag iisa kong totoong kaibigan na nakalimutan nako.
"Sige po, mauna napo ako. Pasensya napo sa inconvenience ngayong gabi."
Nginitian lang ako ni manager at lumabas na siya. Nagbihis naman ako para makauwi na ako. Kinuha ko ang phone sa bag ko at lowbat pala to.
Kaya nirecharge ko gamit lang ang kamay ko. Within 5 minutes full charge na siya. Oo kamay ko, may sekreto ako.
And that secret is kaya ko magmanipulate ng electricity at kahit katawan ko may built in electricity na lumalabas pag nagfofocus ako or nagagalit at nasosobrahan sa emotion. Kaya yung kanina, dahil yun sa built in electricity ko. Kaya inakala niyang may tazer ako. You can call it powers, but I call it a damn curse.
Dahil dito sa lecheng kapangyarihan nato natakot sakin ang pamilya ko at they disowned me. Kaya napilitan ako magtrabaho para may pantustus sa pag aaral ko.
Yes, my family are heartless. Nung nalaman nila ang tungkol sakin dinisown nila ako. At pinalabas sa media na patay nako.
Mayaman ang pamilya namin at well known. Sa takot na masira ang image nila ay pinalabas nila sa media na patay nako and the worst is pinalitan nila ang pangalan ko. From Fiona Fajardo to Kathleen Sanchez. Everytime na nakukuhanan ako ng litrato ay sinasabi nila na hindi ako yun. That it was just a look alike.
Ganun ka pusong bato ang family ko. Naiiyak nalang ako sa tuwing naiisip ko yun. Kaya I decided to keep it a secret to everyone, yung kapangyarihan ko.
The only person who knows it is manager John. Di ko gustong ipaalam sakanya pero minsan niya akong nahuli na hinawakan ang mga electric wires sa bar nung pinutol ito ng sadya, inayos ko yun at naibalik ang power because of my ability at nakita iyon ni manager John.
Inexplain ko sakanya lahat at pinakiusapan na wala siyang pagsasabihan. To my surprise sinabi niya sakin na safe ang sekreto ko sakanya.
Kaya parang nabunutan ako ng tinik nung time nayun. Atleast may isang taong nakakaalam sa tunay na ako.
Oh and another thing, matalino din ako. Hindi sa pagmamayabang pero I've won many awards in academic nung elementary ako. Pero I need to keep a low profile kaya nung nagtransfer ako sa Y Academy sinadya kong wag ipasa ang exam para sa last section ako mapunta. Sa last section kasi may kanya kanya silang mundo kaya wala gaanong pumapansin sakin. Except kina Faith at Porscha.
Faith and Porscha are my friends pero di ko sila pinagkakatiwalaan. May pagkabitch din yung dalawang yun pero mababait naman.
Pumara ako ng tricycle papunta sa apartment na inuupahan ko at pagdating ko dun ay binuksan ko ang bag ko para labhan ang uniform ko pero may napansin akong silver envelope na may logo ng school.
Teka, logo ng school? Silver envelope? Is this what I think it is? May congratulations ding nakalagay sa taas ng envelope
Binuksan ko ang envelope at may nakita akong silver paper at silver pin. Kinuha ko ang silver paper at binasa ang nakasulat
'WELCOME TO UNORDINARY SECTION MS. KATHLEEN R. SANCHEZ'
N-napili ako? Huh? Eh nasa last section ako diba? Pano nangyari yun? Baka mali?
Pero hindi eh. It's my name. Looks like luck is with me today.
Nagpeprepare nako for school, It's 6:30 am and I've got plenty of time pero naligo nako at sinuot na ang uniform ko, hmm anong accessory kaya ang susuotin ko.
Ahh itong silver necklace na may diamond pendant. Bagay sa pin ng Unordinary section.
Mamaya ko na susuotin ang pin. Chineck ko ang oras at 7am na pala. Kaya umalis nako, nilock ko ang apartment at umalis na. Nagpara nako ng jeep papunta sa academy.
After a few minutes nakarating nako. Buti naman at hindi masyadong mahaba ang traffic kaya di pako late. Sinalubong naman agad ako nila Faith at Porscha. Di pa pala ako nagbebreakfast kaya inaya ko sila sa cafeteria ng lowest section. And I tell you, their food sucks real bad.
Mag oorder na sana kami ng marinig ko ang announcement
"Calling all attention to the new Unordinary students. Please go to the first room of the third floor on the right wing."
Hmm, kailangan ko ng pumunta dun
"Grabe ang swerte ng mga napili Faith no?"
Nag agree naman sila.
"I need to go girls, napili kasi ako haha."
Napanganga sila sa sinabi ko at di sila makapaniwala kaya I showed them the envelope at saka umalis. Haaay, it feels good when your ahead of someone.
Pumunta na ako sinasabing room and mukhang konti lang kaming nandito. Naghanap nako ng upuan. Dito nalang sa harap sa third row.
Tiningnan ako ng isang nerd looking girl.
"What?"
Nag iwas naman siya ng tingin. I rolled my eyes saka umupo.
Maya maya lang ay may pumasok sa room and it's Yohann and Mavie. Umasim bigla ang mukha ko dahil magkasama sila.
I need plans para di sila maging close. Hindi sila pwede maging close. Hindi pwede.
Mavie's P.O.V
"Before we proceed to the rules of the class. Let me tell you the previlages of being in the Unordinary Section."
May previlage pala ang pagiging Unordinary. Excited ako kung ano yun.
Pinindut ni ma'am Altubar ang remote na hawak niya na di ko namalayan na hawak pala niya at may mga words na nagflash sa t.v
5 previlages of being an Unordinary student.
1. You will recieve 15k cash every 2 months for your everyday needs.
2. You will have access to all labs and rooms that are forbidden to enter by ordinary students
3. You are entitled to your own fashion sense. Grow your hair long, color your hair, etc.
4. If you are injured or having an illness the infirmary is open everytime. Every kinds of medicines and vitamins are already there for your health and safety.
5. Lastly, you can eat while class is on going.
Ang gaganda ng mga previlages nato. No wonder ito ang highest section.
Pero naalala ko lang may sinabi si ma'am about being extraordinary.
Tinaas ko ang kamay ko para sa tanong ko.
"Yes Ms. Del Fuego?"
"Ma'am nabanggit mo po na extraordinary kami. Ano po ibig niyong sabihin dun?"
"Ahh oo. You're extraordinary because of your special abilities."
"Special abilities?"
"Yes Ms. Del Fuego special abilities. Katulad ng sayo, we figured that your special ability is agility."
Nagulat ako sa sinabi ni ma'am.
"AGILITY?!"
Tumango naman si ma'am sakin.
"Teka, ano po yung agility ma'am?"
Tumawa naman silang lahat. Bat ba eh sa hindi ko alam yun eh.
Napailing naman si ma'am.
"Agility means mabilis. Mabilis kang gumalaw. Mabilis pa sa kidlat Ms. Del Fuego."
Kaya pala, yung sa soccer field at sa bahay. Akala ko adrenaline rush lang. Special ability ko pala yun.
"Ang galing, matutuwa si mommy nito."
Pagkasabi ko nun ay nagsalita ulit si ma'am Altubar.
"That, won't happen Ms. Del Fuego. Dahil naipakita ko na sainyo ang previlages. Time for you to know the two rules."
May rules pala? Haaays
Pinindut ulit ni ma'am ang remote at may nagflash ulit na words.
2 rules in the Unordinary Section
1. Keep your special abilities a secret to everyone except your assigned teacher and the President of the school.
2. Always wear your pins.
If any of the Unordinary students fail to follow rule number 1. A grave consequence will be faced. If rule number 2 is failed suspension will be the consequence.
Ang hirap nung first rule.
"Ano yung consequence if ever mabreak ang first rule?"
Tanong ng isang kaklase namin. Lalaki siya, may pagkabadboy vibe siya at mukhang basagulero.
"1rst warning ay sa school ka matutulog. 2nd warning lalatiguhin ng limang beses. The last will be death."
Nagimbal ako sa narini ko.
"DEATH?! Nasisiraan na ba kayo?"
Sabi ni Kathleen.
"Walang mamamatay kapag sinunod niyo ang rules. Ganun lang kasimple."
Natahimik kaming lahat.
"Anyways, you can go home now. Do whatever you want. Explore the building? Go. But remember the rules. Wear your pins now students."
Kinuha ko yung pin na nasa envelope ko at sinuot yun. Sinuot nadin ni Yohann yung sakanya.
Tiningnan niya ko saka nginitian. Kaya nginitian ko din siya at tiningnan si Kathleen. Umasim uli ang mukha niya at nagpatay sindi ulit ang ilaw.
"You need to control your ability Ms. Sanchez."
Ahh so kuryente pala ability niya. Di ko na siya gagalitin baka tustahin ako neto. Pero depende padin hahahaha.
"Yes ma'am."
"Okay, class dismiss."
Yown. Haha, makakauwi kami ng maaga.
-End of chapter 3-
Enjoy reading chingus.❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro