Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1:

Mavie's P.O.V

"Mavie, gising na malelate na tayo."

"Hmmm, five minutes."

"SUNOG! SUNOG!"

Napabalikwas ako sa kama ko saka kinuha ang kumot at lumabas. Paglabas ko nadatnan ko sila mama na naghahanda ng agahan namin. Napatingin naman ako sa taong gumising sakin.

"MARIE!"

Humagalpak lang siya ng tawa habang ako nakasimangot. Sino ba namang hindi magpapanic sa ganong sitwasyon diba?! At sa sobrang pagpapanic ko, kumot tuloy nakuha ko. Haaays.

"Tawa pa. Mabilaukan ka sana."

"Oh kayong dalawa may pasok kayo diba? Saka ikaw Mavie bat di kapa bihis?"

Haaays, kahit naman di ako pumasok wala din namang mababago. Nasa pinakahuling section ako, oo bobo ako. Di katulad ng kakambal ko si Marie, kung ano kinabobo ko yun naman kinatalino niya.

"Ayaw ko pumasok, tinatamad ako."

Binatukan naman ako ni Marie.

"Anong hindi ka papasok? Kailangan mo pumasok kung gusto mo pumasa."

"Eh kahit ata kumain ako ng sandamakmak na libro di padin ako makakapasa. Hello? Mahina utak ko di tulad sayo na parang google."

Natawa ulit sila sa sinabi ko. Eh totoo naman eh. Naiinggit nga ako kay Marie dahil sa talino niya pero di naman umaabot sa point na maging unreasonable ako.

"Mav, need mo pumasok." 

"Ayoko"

"Okay ganito nalang. Pag pumasok ka ngayon, tutulungan kitang makalabas ng maaga later para makagala tayo at makapagshopping."

Kumislap naman mata ko. Kung nagtataka kayo bat sabi niya para makalabas ako ng maaga yun ay dahil nasa last section kami kaya mas mahaba oras namin sa pag aaral dahil di talaga pumapasok sa utak namin yung sinasabi ng teacher.

Dali dali naman akong naligo at ilang minuto lang ay nag agahan saka kami pumunta ng school.

Nung nakarating na kami sa school ay nagpartways na kami. Magkaiba kami ng section eh. Nasa highest section siya. Well, parang ganun. May mas mataas pa kasi na section ang school, at bihira lang ang makapasok dun.

Sabi kasi nila walang test or something na nagaganap para makapasok ka dun. Pinipili nila ang karapat dapat na andun sa section nayun. Malalaman mo daw na dun kana papasok when you recieve a silver envelope.  Weird no? Every year may napipili na makapasok dun sa section nayun, ang nakakapasok dun ay mostly mga third year. Ay hindi pala mostly, lahat pala ng napipili mga third year students.

3rd year na kami ni Marie and alam ko na mapipili siya dun sa section nayun. Ang name ng section nayun ay Unordinary section.

Weird diba? Haha, baka mga unordinary ang katalinuhan nila kaya ganun.

"ILAG!"

Mabilis pa sa kidlat na napalingun ako at nasalo ang soccer ball na ilang inches nalang ay tatama na sa mukha ko.

Di agad ako nakagalaw, pati lahat ng tao sa soccer field napatigil.

P-pano nangyari yun?

"Okay kalang miss?"

Napatingin ako sa nagsalita. Di siya familiar sakin, siguro bago siya dito sa Y Academy? Nakatingin lang ako sakanya, ang gwapo din kasi niya.

Napabalik ako sa reyalidad ng nag snap siya ng daliri niya.

"Ah, ano uhm. O-okay lang ako."

Bat ako nauutal? Hoy Mavie Del Fuego! Umayos ka!

Inilahad niya ang dalawang kamay niya sakin. Nagtaka naman ako, ilalahad ko din sana yung kamay ko nang bigla siyang nagsalita.

"Yung bola miss akin na."

Oh shoot! Lupa please eat me now. Kakahiya mygash.

"Ah hehe, eto oh."

Pagkabigay ko ay tumakbo na ako paalis sa field. Hays bat ba kasi kailangan pa daanan ang field bago makapunta sa room ko.

Nagmadali ako papunta sa klase ko dahil alam kong sobrang late nako. At di nga ako nagkamali dahil late na nga ako, jusko naman.

"Del Fuego! Late kana naman"

Nginitian ko lang siya ng awkward smile saka ako umupo sa upuan ko.

Nakinig na ako pero kahit isang sentence walang pumapasok sa utak ko.

Inaantok ako, makatulog nga lang muna.

Ilang minuto palang akong nakakatulog may sumusundot na sa ulo ko. Tinabig ko nalang, pero ayaw padin tumigil kaya hinampas ko.

"Wag nga kasi, kitang natutulog yung tao eh."
Sabi ko habang nakapikit padin.

Pero makulit padin eh kaya hinarap ko siya.

"ANO B-- ay hehe, hello po ma'am."

Shutaa mga bes, yung teacher pala namin sumusundot sa ulo ko. Tumitingin ako sa paligid dahil iniiwasan ko makipag eye contact sakanya. Terror pa naman yang teacher nayan.

Oh mga bathala naway ako'y inyong tulungan.

"Look at me Ms. Del Fuego."

Dahan dahan akong tumingin kay Ma'am Altubar.

"S-sorry p-po ma'am hehe"

Yun lang nasabi ko saka pumikit at hinihintay ang sasabihin niya.

"Pumunta ka sa office ko mamaya pagkatapos ng lahat ng klase mo."

Naku patay, mukhang masama to.

"Class dismiss."

Saka tumalikod siya at lumabas. Tumingin naman lahat sakin ng mga kaklase ko at saka sabay sabay akong sinabihan nang

"Hala kaaaa, lagot kaaa ginalit mo si ma'am."

Tumayo ako at akmang ibabato sakanila ang upuan ko ng kanya kanya silang tumakbo palabas.

Lagot talaga ako mamaya huhu.

Pumunta na ako sa canteen at hinanap si Marie. Di naman mahirap hanapin yun dahil nasa high rank siya kaya pumunta agad ako sa high maintenance na canteen. Oo nakakapasok ako dun dahil kay Marie, pambato kasi yun sa lahat ng quiz bee at pagaent si Marie kaya may previlage siya papasukin ang mga nasa lower section na gusto niya kaya nakakapasok ako dun. Oo bukod sa matalino yun maganda din kami. Oo kami dahil maganda naman talaga ako chour haha.

Nung nakita ko na si Marie umupo nako sa table nila. At yung mga kasama niya? Mga high maintenance niyang mga kaibigan na may halong kaplastikan, ewan ko ba bat naging kaibigan to ni Marie eh jusko.

Nung nakita nila ako, umikot yung mata nila. Bunutin ko yan eh.

"Oh Mav, bat ang asim ng mukha mo? Don't tell me may nangyari na naman?"

"Nakatulog ako sa klase, kaya yun pinapapunta ako mamaya sa office ni Ma'am Altubar."

Binatukan niya naman ako at tumawa yung mga plastik.

"Aray naman Rie. Masakit yun ahh."

"Eh pano ba naman bat ka kasi natutulog sa klase mo? Kaya ka walang natutunan eh. Tulog ka ng tulog."

Napatingin ako sa dalawang pagkain sa harap ni Marie, at alam kong akin yung isa kaya kinuha ko at kinain.

"Eh kahit naman gising ako, di padin papasok sa utak ko yung tinuturo ng teacher."

Sabi ko habang kumakain.

"It's because you are retarded. Kung di lang kayo magkamukha ni Marie, I won't believe that you two are sisters."

Tiningnan ko naman siya in a bored way.

"Hinihingi ko opinyon mo ha?"

Inirapa  niya lang ako. Tsk, tusukin ko siya netong tinidor eh.

"Oh siya tama nayan. Sa susunod kasi wag ka tutulog tulog para di ka malintikan."

"Hays oo na."

Sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain ng pagkain in silence. Chour english yun ahh.

Ilang minuto lang pakiramdam ko ay may fountain na lalabas sa pantog ko kaya nag excuse muna ako sa kapatid ko para mag cr, syempre dun kami sa banyo naming lower section makiki cr, bawal kami sa high maintenance.

Nagmamadali ako ng may nakabangga sakin or ako ang nakabangga?

Tiningnan ko naman yung nakabangga sakin.

'siya yung kanina sa soccer field diba?'

"Oo ako yun."

Nagulat ako dahil sinagot niya tanong ko eh sa isip ko lang naman sinabi yun.

Mukhang natauhan siya saka dali dali umalis.

Anyare dun?

Napatakbo ulit ako dahil may konting ihi na ang lumabas sa peps ko.

Nang makarating ako sa cr dali dali akong pumasok sa cubicle at inilabas ang kailangan ilabas.

"Haaaay salamaaat"

Pagkatapos ay lumabas na ako at nakasalubong ko yung bitch na feeling high sa section namin kasama yung mga bitch niya ding mga kaibigan niya.

Nagrereyna reynahan yan eh parehas lang naman kaming bobo. Lalagpasan ko na sana pero hinawakan niya yung braso ko.

"Anong kailangan mo?"

Tinulak niya ko sa pinto ng cubicle eh hindi nakalock yun kaya deretso sa bowl ang bagsak ko.

Aray ko, ang sakit nun ahh.

Tumayo ako at tinulak siya, nagulat naman sila. Di ko alam san ko nakuha yung lakas ng loob ko pero matagal nako nagtitimpi dito eh first year palang kami kinakanti nako neto.

"Ano bang problema mo ha?!"

Sigaw ko. Nagalit naman siya at sinampal ako. Hinawakan ako ng mga alipores niya. Di ako makawala dahil ang higpit ng pagkakahawak nila.

Hinila ni Kathleen ang buhok ko saka giniya papunta sa sink. Binuksan niya ang tubig at nilagay dun ang mukha ko, hirap ako huminga dahil sa tubig.

"Hindi porket kapatid mo ang isa sa mga pinakamatalinong student dito sa school ay nasa taas kana din. Tandaan mo, ibang iba ka sa kapatid mo!"

Pinatay na niya yung tubig saka ako tinulak sa pader.

"Ano bang pinaglaaban mo ha Kathleen?"

Nginitian niya lang ako saka nagsalita.

"Nakita ka namin with the transferee sa school. At yung transferee nayun ay future boyfriend ko, at di ako papayag na isang loser like you lang siya mapunta."

Napakunot naman yung noo ko. Sinong transferee ba sinasabi nitong bitch nato. Ahh alam ko na yung sa soccer field kanina at yung nakasalubong ko sa cafeteria.

Saka ano daw? Future boyfriend? Nasobrahan ata sa mga movies to. Ang cliché ng banat niya.

"Ang cliché mo naman. Oh english yun ahh? Saka loser like me? Baka nakakalimutan mo, parehas tayo ng lupang tinatapakan kaya kung loser ako, loser ka din. Wag kang feeling high sa self mo."

Mukhang nagalit ata siya dahil paulit ulit niya akong sinampal hanggang dumugo ang labi ko, di ako makapalag dahil nakahawak sakin ang mga alipores niya.

"Siguro nga parehas tayo ng lupang kinatatayuan pero hindi ako loser katulad mo. Ano nga ba ang feeling ng laging kinokompara sa kapatid niyang matalino? Haha, alam mo ba lahat ng students sayo tingin sayo linta na laging nakakapit sa kakambal niya? Kahit nga siguro kapatid mo yan tingin sayo di niya lang masabi dahil kapatid ka niya."

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya.

"Naiinggit ka lang."

Pagalit kong sabi sakanya. Tinawanan niya lang ako saka nagsalita ulit.

"Bat ako maiinggit sayo? Kung wala yang kakambal mo tingin mo mapapansin ka? Napapansin ka nga pero in a bad way. Yung kapatid mo? Matalino, maganda at madaming kaibigan. Eh ikaw? Anong meron ka?"

Natulala ako sa sinabi niya. Ano nga bang meron ako?

Dahil sa pagkatulala ko di namalayan na nakaupo na pala ako sa sahig at umiiyak habang nakaalis na sila Kathleen.

Bumalik ako sa tanong ko sa sarili ko. Tumayo ako at tinangnan ang may sugat at basa kong mukha.

"Ano nga bang meron ako?"

Tanong ko sa sarili ko. Ang meron lang ako ay kapatid na lagi akong nakokompara. Kamalasan na laging nasa buhay ko

At higit sa lahat kabobohan na kahit kailan di ko magawan ng paraan dahil kahit anong aral ko di pumapasok sa utak ko.

Tinitingnan ko lang ang repleksyon ko.

"Loser ka nga talaga Mavie. Di ka katulad ng kapatid mo na magaling sa lahat." 

Inayos ko na ang sarili ko at umalis na sa cr.

Di na muna ako papasok sa klase ko.

-End of chapter 1-

Enjoy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro