Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter II

Unedited for now.

NATIGIL si Clementia sa pagluluto nang marinig niya ang iyak ng dalawang bata na nang gagaling sa loob ng sala.

Nag mamadali siya na tinigil ang pagluluto at lumabas patungo sa pinaroroon ng mga iyak. Naka suot pa siya ng apron at nakalimutan pa niya ibaba ang sandok na hawak. Kaya nakataas ang kamay niya na may sandok habang natigil sa pagpasok sa loob ng sala.

Nakita niya ang likod ng isang lalaki na nakaluhod habang binibigyan nito ng cookies sa hawak nitong box ang dalawang bata nasa edad na apat. Makikita sa dalawa ang namumula nitong mata dahil sa pagiyak.

Naluluha rin ang dalawa kahit may hawak na ang mga ito na cookies sa kamay at kinakain na.

Napangiti si Clementia sa scenario nakikita niya ngayon sa kaniyang harapan. Pinunasan niya ang luhang tumakas sa kaniyang mata nang may makisig na braso ang pumalibot sa kaniyang baywang at hinalikan ang pisngi niya.

Nilingon niya si Dos at Tres nasa magkabilaan niyang gilid. Nakalagay sa baywang niya ang braso ni Dos habang si Tres naman ay nakahawak sa kamay niya. Tumaas ang balahibo niya sa batok nang may humalik sa batok niya.

"They're look so cute," saad ni Uno nasa likuran niya.

Hinalikan naman siya ulit ni Dos sa pisngi habang sinasabi ang tatlong salita na nag papabigay sa kaniya ng paru-paro sa loob ng tiyan niya.

"Kuya Rex.. one pa po." Saad ng batang babae na may dimples sa magkabilaan nitong pisngi.

"Lemon din, one pa po." Saad ni Lemon nang matapos nitong kalabitin ang kapatid na si Rex sa braso nito. Nag gesture pa ito ng dalawa sa kaniyang daliri na kinatawa ni Rex.

"Lemon, that's two," inayos ni Rex ang daliri ng kapatid. "This is one."

Inayos din ni Rex ang kamay ni Peach na kakambal ni Lemon nang makita nito na ginagaya nito ang kambal.

"This will be the last one, hmm?" ani Rex sa dalawa habang binibigyan ang kambal ng panibagong cookie.

Lumapit si Clementia sa mga ito. "Where's mommy cookie?" malokong saad niya sa mga ito.

"No!" ani Lemon sa ina. Tinitigan ni Peach ang ina. Binalik nito ang tingin sa hawak na cookie pagkatapos ay inabot sa ina ang cookie na may ngiti sa kaniyang mga labi.

"Aw, ang bait naman ng baby Peach ko." Hinalikan ni Clementia sa pisngi si Peach na kinatawa ng batang babae.

"Mommy, Lemon kisses." Napailing si Clementia. "Lemon, baby, kapag may nanghihingi sayo. You don't say no to them kung may mabibigay ka pa. You'll give them lalo na 'tong kambal mo." Pagkatapos ay binigyan din ni Clementia ng halik sa pisngi ang batang si Lemon.

"Understood?" seryoso pa rin na saad ng kanilang mommy.

Lumapit na rin ang tatlong kambal sa mag-iina. Hinawakan ni Dos si Peach habang nasa likuran naman ni Lemon si Uno.

"Opo, mommy. Lemon loves Peach."

"Of course, Peach loves you, too, honey."

Nasa gilid naman ni Clementia si Tres.

"Mom, here," alok ni Rex sa ina nasa gilid rin nito. Pinagtaasan naman ni Clementia ng kilay ang panganay niya nang makita ang kulay pink na hugis puso na hawak nito.

"And where's Raz?"

"I'm here, Mom." Nilingon ni Clementia ang kakambal ni Rex na kakapasok lang sa loob ng sala. May bitbit itong bulaklak na mas lalong kinataasan ng kilay ni Clementia.

"What's with the flower?"

"Mom! It's for you," saad ni Raz at nilapitan ang ina at binigay ang bulaklak dito. Hindi rin nawawala ang ngiti nito sa labi.

Tiningnan ni Clementia ang card sa bulaklak at binasa ito. Pinalo nito ang anak sa braso dahil sa kalokohan nito.

"Mom! Bakit mo binasa?"

"Ikaw, talagang bata ka! Manang-mana ka sa mga ama mo."

"What? Hindi ako ganyan no'ng kabataan ko."

"Who said I'm like that?"

"What's wrong with it, baby?"

Sabay-sabay na anas ng tatlo kay Clementia. Pinalo naman niya ang mga ito sa braso.

Mas lalo lumawak ang ngiti ni Raz dahil sa inakto ng magulang niya. Lumapit siya sa ina at kinuha ang card na hawak nito.

"There, Mom. Iyo na 'yan," ani Raz. Hinalikan pa nito ang ina sa pisngi.

"Hindi ko na alam gagawin ko sa'yong bata ka."

Tawa lang ang naging sagot ng anak, kahit ang tatlo nitong asawa ay natawa rin sa inakto ng anak. Napailing na lang si Rex sa ginawa ng kambal at binalingan ang isa pa nilang kambal na kapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro