Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

HINIHINGAL na pinunasan niya ang tumulong pawis sa kaniyang noo. Kasalukuyan silang nasa gymnasium ng mga ka-cheer dance niya. Palagi silang may practice after class.

May isang taon ang tanda sa kaniya nina Atlas at Noah. Tanging siya lang din ang nagkaroon ng bases galing sa higher year dahil no'ng nag audition siya ay ang dalawa ang tumulong sa kaniya.

Simula no'n ay naging compatible na sila sa isa't isa. At palagi siya ng dalawa tinutulungan na sobrang pinapasalamatan niya.

"Kaya pa ba today?" saad ni Atlas bago pinunasan ang tumulong pawis sa kaniyang leeg. Pinanlakihan niya tuloy ito ng mata pagkatapos ay tinapik ang kamay.

"Tigilan mo nga 'yan. 'Di mo ba alam na palagi ako pinag seselosan ng jowa mo," inis niyang saad dito.

"Ha? Bakit? Wala naman ka-selos selos sa'yo, liit."

Umikot ang mata niya sa sinabi nito. Hindi niya ito pinansin at binalingan si Noah.

"Ano bang problema?" tanong pa ni Atlas. Lumingon naman si Noah sa gawi ng kaibigan nila.

"Hays, manahimik ka Atlas. Ang ingay mo."

"Inaano rin kita?"

Bumuntong hininga siya ng malalim. Nag sisimula na naman kasi 'yong dalawa sa kanilang bangayan.

"Tumigil na kayo. Gusto niyo ba maiwan at mapagalitan ni coach?" aniya. Parehas nag tinginan ang dalawa bago tumigil ang mga ito.

NANG matapos ang practice nila ay agad siyang nag asikaso para makauwi na agad. Sinusuklay niya ang buhok sa harapan ng salamin nang mahinto siya sa kaniyang nakita.

"Uno?" naguguluhan niyang tawag sa pangalan nito. Gulat siyang lumingon dito. "Anong ginagawa mo rito?"

Hindi ito nag salita pero ang mga titig nito sa kaniya ay hindi niya mapaliwanag. Naguguluhan siya. Bakit gano'n ito makatingin? May nagawa ba siyang mali? At isa pa, paano ito nakapasok sa loob ng campus at locker room nila?

"Dalian mo d'yan, uuwi na tayo. Ihahatid na kita," saad nito bago siya nito tinalikuran. Hahabulin niya sana ito para pigilan ngunit hindi na niya ginawa.

Mukha kasi itong wala sa mood at baka siya pa ang madamay kapag hindi niya ito sinunod.

Nang matapos siya mag asikaso ay mabilis siyang lumabas ng locker. Hindi na niya naabutan ang ilang kasamahan niya. Hindi rin kasi nakita ng mga ito si Uno nang pumasok ang binata sa loob ng silid.

Natigil siya sa paglalakad nang maabutan niya sa gilid si Uno nag hihintay. Nakababa ang ulo nito at para bang may interesting na bagay sa lupang tinitingnan nito.

Balak niya sana hindi muna ito istorbohin nang umangat ang tingin nito sa kaniyang gawi. Saglit siyang hindi makakilos sa paraan nito tumingin sa kaniya. Medyo scary kasi itong tumingin sa kaniya.

Which make her think what she did? For him to look at her that way.

"Cece," he called. Parang huminto ang pag hinga niya nang tawagin siya nito sa kaniyang palayaw. Sa ilang pamamalagi niya sa pamilya Martin. Madalas sina Dos at Tres lang ang makausap niya.

Masyadong iwas sa kaniya si Uno. Kung kaya sobrang kinagulat niya nang makita ito ngayon sa kaniyang harapan.

Mainam siyang pinatitigan ni Uno. Para bang sinusuri ang buo niyang pagkatao. Mas lalo pa siya nagulat nang hawakan nito ang kaniyang kamay at titig na titig sa kaniyang mga mata.

Napa-ayos tuloy siya bigla ng tindig. "U-uno, bakit? May problema ba?"

Hinintay niya ito mag salita. Pinanood niya ang pag bukas at sara ulit ng bibig nito. Nakaramdam tuloy siya ng pag-aalala.

May nangyari ba na hindi niya alam? O baka naman may kinalaman ito sa sinabi nito kaninang umaga bago siya ihatid?

"Sorry, let's go home." Mabilis na bumitaw si Uno sa kaniyang kamay at naunang maglakad palabas ng campus. Tanging nagawa na lang niya ay titigan ang likuran nito.

NASA parking lot na sila ni Uno nang maabutan nila sina Atlas at Noah. Kasama ni Atlas ang girl friend nito kung saan hindi nawala sa kaniyang paningin ang pag ikot ng mata nito sa kaniya habang naka akbay ang braso ni Atlas dito.

Si Noah naman ay dumako ang paningin sa kasama niyang si Uno bago bumaling sa kaniya at ngumiti.

"Liit, uuwi ka na? Hatid na kita?" ani Noah.

Umiling siya. "Hind—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang buksan ni Uno ang passenger seat. Nawala tuloy ang atensyon niya sa mga kaibigan niya.

"Pumasok ka na sa loob," may lamig na saad ni Uno sa kaniya.

"Hindi na, kuya. Mauna na ako sa inyo. Bye!" Winave niya pa ang kamay sa mga ito. Nakita niya pa kung paano sinundan ng girl friend ni Atlas si Uno na kinaikot niya ng mata.

"Ano makikipagtitigan ka lang sa kanila?"

Kumunot ang noo niya. Problema nito?

Saglit niya tinignan ito bago pumasok sa loob ng sasakyan na sinundan ni Uno. Sa buong biyahe pauwi ay parang ang bigat ng atmosphere. Kaya no'ng makarating sila sa bahay ng mga ito ay nag mamadali siyang bumaba ng sasakyan.

Hindi na niya hinintay si Uno dahil mukhang masusungitan na naman siya nito at wala siyang lakas marinig ang pag susungit nito sa kaniya.

HUMILATA siya sa kama nang makarating siya sa silid na pinahiram sa kaniya ng magulang ng triplets. Sobrang napagod siya sa buong araw niya. Minsan may araw na ayaw niya mag practice dahil sa sobrang sakit ng katawan niya.

Pero kahit gano'n ay hindi niya ginagawa dahil paniguradong madadamay sina Atlas at Noah sa pag absent niya sa practice.

Saglit siyang tumingin sa kisame bago tumayo sa pagkakahilata. Hinubad niya ang suot na maduming damit bago pumasok sa loob ng bathroom. Bago siya maka-akyat. Napansin niya ang tahimik ng kapaligiran.

Mukhang wala ang tita Eleanor niya. Wala rin ang asawa nito. Madalas din kasi ito nasa office o nasa out of town para sa work.

Hindi na siya nag tagal sa loob ng kubeta at lumabas din agad. Nakasuot lang siya ng maluwag na tee shirt at short habang pinupunasan ang basang buhok.

May gagawin din kasi siya ilang research paper at mag a-advance reading na rin. Minsan kasi ay hindi niya magawa makapagbasa sa campus dahil pagkatapos ng klase ay dumidiretso siya agad sa gymnasium para mag practice.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro