Where is Heaven?
6 June 2017
**********
Chapter XXXV
"Thanks Bro. Don't think this as killing or something." Tumango ako sa sinabi ni Tavian at nag simulang tumulo ang luha ko.
Dalawang araw matapos ako pumirma ng DNR, nasa stage of coma na si Tavian. Sinabi na ng doctor niya na milagro na ang kailangan magpa gising sa kanya pero talagang anong oras pwede na siyang mawala.
Palipat lipat ang tingin ko sa diretsong linya ng Mechanical Ventilator at kay Tavian na hindi na humihinga. Gaya ng hiling niya hindi siya pina CPR or defibrillator. Chini check ng doctor ang kanyang vital signs
"Time of death 8:43 pm." Deklara ng doctor.
Inutusan na kami ng doctor na tanggalin ang tube sa kanyang bibig ngayon si Oren na ang gumawa. Kami lang immediate family niya ang andito, lahat kami na pa luha ng kunin na siya sa amin. Naka upo si Mama sa kama niya at naka hawak sa kanyang kamay. Kaming tatlo ay naka tayo at pinapanood sila.
"My baby." Singhot ni Mama. Nilagay ni Mama ang kamay ni Tavian sa kanyang kanang pisngi at hindi ko na nasundan ang sinabi niya. Tumayo si Mama at hinalikan ang ulo ni Tavian. Lumapit si Papa kay Mama at niyakap ito. Sunod na kumausap si Oren, matapos ay humalik din siya sa noo ni Tavian. Ako ang huling lumapit sa kanya.
"Pahinga ka na. Hindi na mahaba sasabihin ko, alam mo na iyon. Thanks for everything, Bro, I love you." Humalik ako sa noo niya at umakbay kay Oren. I think it's my first time that I said, 'I love you' to him.
Sumama kami ni Oren sa pag dala sa kanya sa mortuary. Si Mama at Papa ay hindi na namin pinasama, para maka pag pahinga. Nilagay siya sa freezer at maya maya daw ay ma e embalsamo at ma a ayusan na siya.
Nag usap usap kami kung ano ang gagawin kay Oren, kung ano ang dapat maging itsura niya para sa viewing.
"I am sorry for your loss." Naramdaman ko ang simpatya ng babaeng embalmer at nagpa salamat ako bago siya pumasok sa isang pintuan. Ang lalaki ay hinawakan ang balikat namin at yumuko lang sa amin at sumunod na siya sa kasama niya.
Condolences, sympathies and empathizes are what we received during burial until funeral. Lumabas kami ng museleo para ma ipa lipad ang mga makukulay na lobo.
Nang nawala na sa paningin namin ang mga lobo ay muli kaming pumasok para mamigay ng juice at pagkain sa mga naki libing. Lumapit ako kay Iris para tanungin siya kung anong juice ang gusto niya.
"Mango, thank you." Ngiti niya.
Tinawag ko ang kasambahay namin na nag bi bigay ng juice at inabutan niya si Iris. Umupo ako sa tabi niya, ang mga kapatid niya ay nasa labas.
"Why don't you join your siblings?"
"Mainit sa labas." Tumango tango ako.
Inabutan na din ako ng pagkain at juice at sabay kaming kumain. Gumi gilid ang mata ko para tignan kung gagalawin ang cellphone niya at makiki pag communicate kay Phoenix.
"By the way sabi ng apala ni Phoenix sorry kung hindi siya naki pag libing. Nasa Balesin kasi sila ngayon."
"That's okay. Naka attend naman siya ng isang beses sa burol. Buti hindi ka sumama."
"My parents didn't allow me. Nag tampo pa nga ako nun feeling ko kasi wala silang tiwala sa akin, pero okay na din pala na hindi sila pumayag kasi baka hindi ako maka attend dito. Mas importante ito, may next time pa naman para doon."
"Kami din ni Joseff gusto na bumili ng lupa at mag pa tayo ng musuleo. Hindi naman sa nag ma madali kami, dapat lang ready. Lahat naman ng katawan natin doon ang punta." Kwento ni Tita Lavinia kay Mama habang pababa sila mula sa second floor.
Ang second floor ng musuleo ay isang malaking kwarto para sa amin, para pag undas, birthday or death anniversary ni Tavian ay pwede kami dito matulog.
"When I die, I want to be cremated and ihagis sa dagat." Kibit balikat ni Iris.
"Cremate lang ako, para nasa bahay namin ako."
"Wala ka naman na talaga, yung abo mo na lang. It's either you are in heaven or hell. So, sa tingin mo saan ka mapupunta?"
"I don't know, may times na mabait ako at may times na hindi."
"We, people are sinners. And the gift of God is eternal life through Jesus Christ. You need to accept na siya lang ang daan, na hindi porket mabait ka langit na agad ang punta mo. Bakit, hindi ka ba nag kaka mali? We're all sinners. Christ died for us, He paid for our sins."
"Where is heaven? Parang wala siya sa galaxy." Tanong ko.
"Maybe it will only visible to the one who believes and accept Jesus Christ." Tumango tango ako.
"Naranasan kaya ni Tavian yung light at the end of tunnel sa near death experience?" Tanong niya.
I shrugged my shoulder "I don't know, he didn't mention anything. Wala din siyang sinabi na may nakita siyang patay na ka kilala niya."
"Ate Iris, uwi na daw tayo," sabi ni Cady pag lapit sa amin. "Hi, Kuya Anselm."
"Hey."
"Iris, may pupuntahan pa tayo. Anselm, alis na kami," sabi sa amin ni Tita Lavinia
"Ingat po kayo."
Nag paalam sila sa amin at yumakap, hindi na namin sila hinatid dahil sa kasabihan at hindi ko alam kung ano ang rason. Naka akbay sa akin si Mama na parang naka yakap habang ang baba niya ay nasa balikat ko. Tinatanaw namin ang SUV nila Iris na paalis.
"Ma, wag ka mag ku kulong sa kwarto ha." Binatukan ni Mama si Oren at tumawa, sabay akbay din sa kanya.
Matapos umalis lahat ng mga bisita, nag ligpit lang kami ng sandali at umuwi na din. Pag dating sa bahay may nag iba, doon ko namalayan talagang kinuha na siya sa amin. Dumiretso ako sa kwarto ko para maligo
Binuksan ko ang shower at sinet lang sa warm water. Malamig lamig naman na sa panahon ngayon, pero pinag pawisan ako kanina dahil sa pagod.
Matapos ko mag bihis ng humiga ako sa kama ay doon ko naramadaman ang pagod at puyat ng ilang araw.
Hinintay ko lang matapos ang pa siyam kay Tavian bago ako bumalik ng Svetlana at babalik ulit sa Metro Manila ng 40 days niya.
*******
Thank you for your time, have a nice day! God Bless :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro