Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

We love you

1 November 2016

*****************

Chapter IV

Huli kong binuksan ang regalo ni Anselm na 2 packs of gel polish, yung isa rainbow colors at yung isa naman shades of pink.

"Who gave these to you?" Tanong ni Olga habang hawak hawak dalawang box.

"Anselm."

"He knows that you're a collector?" 

Nagkibit balikat ako hindi naman ako lagi naka nail polish, minsan pinapa hinga ko din yung nails ko. Siguro pag nag ki kita kami naka manicure and pedicure ako. 

"Dapat yung regalo niya yung lifetime."

Nag reklamo pa akala mo naman siya itong pinag bigyan. 

"Well at least hindi ka ni regaluhan ng make up and pabango. Pag ni regaluhan ako nun iisipin kong hindi ako kagandahan or mabaho ako."

"Maybe" Pang-aasar ko sa kanya.

"Excuse me?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Pagka tapos ng debut ko hindi na ulit kami nag kita. Na add ko na din siya sa Facebook, kaya mas marami na ako nalaman tungkol sa kanya. Nag visit ako sa website ng resort nila at naghahanap din sila ng OJT.

Kaya naman nung naka pag enroll na ko sa school para sa subject na iyon, ay agad ako nag email sa kanila ng application form at resume. Pwede naman daw kahit hindi kami mag OJT sa school basta ba may physical activity sa gagawin namin na trabaho. Isang linggo ang naka lipas bago maka tanggap ng reply nila at ini invite ako sa interview, dahil na din nasa Metro Manila ako at nasa Visayas ang Pangalao, pumayag na sa Skype ako interviewhin.

Walang alam ang parents ko dito, hindi pa naman ako sigurado kung matatanggap ako. Kung matatanggap talagang doon na ko. Kailangan ko na lang ng permiso nila para maka punta ako doon. Besides, I'm 18 years old ilang buwan na lang mag na nineteen na din ako.

Babae ang nag interview sa akin, nag apply ako for mermaid coach. Nag train ako nung 16 years old ako kaya may alam din ako paano talaga maging mermaid. I have pink mermaid tail.

"Mommy, Daddy I need to go to Panglao."

"Wala naman tayong bahay doon." Sagot sa akin ni Daddy.

"Naka pasa po ako sa interview sa resort nila Anselm."

"Anong Anselm? Kuya Anselm." No. 1 hater si Mommy pag hindi siya sang-ayon kung magkakaroon man kami ng relasyon.

"Next week daw pwede na ako mag start."

"Saan ka naman mag s stay doon?" Tanong ni Mommy.

"Doon din sa resort nila. May place doon para sa mga mag o OJT."

Pumayag sila, dahil ka kilala naman nila ang may-ari. Si Daddy ang sumagot sa flight ticket ko. Dalawang buwan ako mananatili sa Panglao,  Ayos na ang gamit ko at sa Saturday ng umaga lilipad na ako papuntang Bohol International Airport.

"Punta tayo sa Midland Suites." Pag-aaya ni Levi.

"Bahay mo?" Tanong sa kanya ni Axis.

Binigyan si Axis ng townhouse ng parents namin, graduation gift sa kanya. Pina pili siya kung condo, townhouse, SUV or travel abroad or travel around the country. Kung pinili niya ang travel lahat kami kasama. 

"Wag ka nga hindi naman ikaw bumili nun."

"Naka pangalan sa akin yun."

"Anak ako ng bumili."

"Akala ko ampon ka."

"Baka si Iris." Nag tawanan sila kaya binato ko ng throw pillow si Levi.

"Eps." Sagot ko sa kanya.

"Baka makita na natin siya." Tinutukoy ni Elly ang sikat na singer na naka tira din doon sa townhouse.

"Uy like niyo naman DP ko." Pag iiba ng topic ni Olga.

Kinuha namin ang mga cellphone namin, at pumunta sa timeline niya. Ang dp niya ay naka two-piece para sa pageant at kailangan maka kuha ng maraming likes para sa Ms. Photogenic. Ni liked ko ang picture at nag basa ng comments.

Beauty and Brain

Aw! You're so pretty

Olga, why so pretty?

Nabasa ko din ang mga comments ng kapatid ko at hindi ko napigilan ang tawa ko. May comments din ang parents namin.

Axis Fidel

Patawarin ka sana sa iyong mga kasalanan.

Levi Fidel

Hindi ka nakaka tulong sa ekonomiya.

Bria Fidel

Minsan talaga kailangan mo na lang sumuporta kasi mahal mo. 

Zion Fidel

R-18 naman ito, Mag tu twelve pa lang ako, Ate. Hahaha!

Nola Fidel

Na like ko naman na, alis na ako dito. Hindi nakaka buti sa akin.

Cady Fidel

Yan ha pinusuan ko, hindi lang like.

Elly Fidel

I u unfollow na talaga kita para hindi ka na lumabas sa timeline ko. LOL

Si Hebe lang ang walang comment sa kanila. Nag comment na din ako.

Ganda mo, Ate. Yan ha sinabihan na kita ng maganda at tinawag na kitang ate sapat na siguro yan para ma supportahan kita.

Lavinia Fidel

You're so beautiful, Babe.

Lennox Fidel

For us, you're already the winner. We love you.

Saturday night ang kanyang pageant at sa oras na iyon nasa Panglao na ako. Makikipag Skype na lang siguro ako para mapanood ko. Tinignan kami ng masama ni Olga.

"I hate you, all!"

"We love you too!" Sagot namin sa kanya.

Matapos ang dinner sa bahay nag paalam kami kayla Mommy na sa townhouse kami matutulog ngayon gabi. Ginamit namin ang Cherokee. Para sa amin lang ito mag ka kapatid. Nag pa lagay ng upuan sa likod dahil binili ito na wala, para may ma upuan ang mga apat ko pang mas kapatid.

"Ayusin niyo ang mga itsura niyo, mag la live video tayo." Ani ni Levi na nasa shotgun.

"Natawagan na ba sila Mommy?" Tanong ni Cady

"Siya nga kausap ko kanina."

"Lalo na kayo Hebe at Cady." Sila kasi ang nasa pinaka gitna, ako nasa gitna din sa may tabi ng bintana at katabi ni Cady. Nilagay lang ni Hebe ang buhok niya sa magka bilang tainga at si Cady naman walang ginawa.

"Galing kami ng Arca South at ngayon papunta kami ng QC." Panimula ni Axis.

May ilang comments kaming natanggap at lahat naman positive. Kumain kami sa McDo na malapit sa townhouse.

"Nakaka hiya naman sa inyo, sige diyan na kayo sa kama, dito ako sa kutchon." Si Kuya Axis lang naman ang naka tira dito at may mga kwarto pa naman, pero pinili namin na mag sama sama sa isang kwarto.

Ako, si Olga, Elly at Nola ang mga nasa kama. Nasa pinaka gilid ako at sa pwesto na agad kong makikita ang bintana. Paunahan kasi sa pag sampa kanina.

"Mas masarap kaya matulog sa kutchon kaysa sa kama." Kumento ni Cady.

Nanonood kami ng Gifted Hands, story ni Dr. Ben Carson, ilang beses na namin ito napanood at ito din ang favorite movie namin magkaka kapatid.

"Sana ako din mapanigipan ko yung tanong at sagot sa exam." Bigla kong sabi.

"Sa Saturday na pala alis ni Iris. Mag ice skating na tayo ngayon, pag dating niya may pasok na." Biglang sabi ni Hebe

Tuwing summer Ice Skating ang ginagawa namin, nag si swimming kami pag yung tag-ulan. Mababasa ka din naman, madalas sa indoor pool kami nag si swimming kung gusto namin ng open sa dagat ang punta namin. When it's raining the sea gets warmer.

"I can't. Baka mabalian ako, hindi ako makaka rampa." 

"Hindi ka naman mag e exhibition doon." Sagot ni Axis kay Olga.

"Mas mabuti na din yung sure. Iris, pag balik mo na lang or sa 19th birthday mo.  Andito ka naman na ng August diba?"

"Yeah. July pa lang andito na ako."

"Great. Put that on our planner." Kasabay ng pag snap niya.

Kahit gusto ko mag Ice Skating pumayag na din ako sa gusto ni Olga. Baka madisgrasya din ako at maudlot pa ang pagkikita namin ni Anselm and worse baka hindi na talaga.

"Dapat ganon pala isagot ko pag mag a apply akong trabaho. Miracle."

"Hay ewan namin sayo, Iris." Sinimangutan ako ni Olga.

Pumalakpak kami ng matapos ang pinapanood at nag ngitian kami ng magka tinginan dahil sa mga luha tumulo sa mga mata namin. Ilang beses na namin ito napanood ganon pa din ang madalas namin reaction. Hindi siya nakakasawa at nakaka inspire din kahit ako na hindi naman pinapangarap maging doctor. One thing he makes me inspire, because he believes in miracle.

Lahat sila nag hatid sa akin sa airport isang Voyager pink luggage, at backpack ang dala ko, ang iba kong bag ay nasa loob ng maleta. Matapos nilang i bilin ang mga payo nila hindi mawawala ang "Tumino ka doon. Wag kang makulit. Kami lang pamilya mo mag pa pasensya sayo, ang ibang tao baka itakwil ka na."

"Call us once you get there." Paalala sa akin ni Daddy at kiniss ko siya sa cheeks at niyakap.

"We love you, babe. Take care." Kiniss ko rin si Mommy at niyakap siya.

Niyakap ko rin ang mga kapatid ko bago ako pumasok. Mas mabilis ako nakarating sa Bohol, umalis naman sa Manila ng sakto sa oras, pero mas mabilis sa duration time.

Nag selfie ako gamit ang GoPro ang background ko ay ang eroplano na sinakyan ko. Sinend ko ito sa group chat namin.

Levi

Hindi ka talaga marunong sumunod. Sabi nila Mommy tumawag ka daw pagka dating mo diyan, hindi mag selfie. Tsk. (Sweating laughing emoji)

Me

Can't you wait? Wag kang atat diyan. Haha!

Tinawagan ko sila Mommy para ibalita na nakarating na ako dito, naka usap ko din si Daddy na inulit ang bilin nilang dalawa ni Mommy. Matapos ko silang maka usap ay pumasok ako sa loob ng airport para makuha yung maleta ko.

May mag su sundo daw sa akin galing iyon sa resort nila. Hinanap ko ang pangalan ko sa mga nag a abang at nahagip ko si kuya na Chinito at Chubby.

"Kuya, ako po si Iris." Nag pa kilala din siya sa akin na siya si Caius. Kinuha niya ang maleta ko at dinala sa likod ng van, ako naman binuksan ang pintuan ng shotgun. 

 "May mga hinihintay pa po ba tayo?"   

"Wala na po. Kayo lang po ang intern na galing Metro Manila. Yung iba po nasa resort na, yung iba naman po mamaya pang hapon susunduin." 

Pagkaka taon ko na ito para mas malaman ko kung sino si Anselm Giron.

"Kuya, mabait po ba si Anselm?" Bakit hindi ako nag sir? Hayaan mo na kailangan masanay talaga ako sa first name basis, malay mo maging kami at hanggang sa huli.

"Opo, ma'am." Nag tuloy tuloy ang usapan namin kay Anselm hanggang sa naging field trip na ang biyahe namin.

"Diyan ma'am nakikita niyo ba yung mga nag e ATV? Baba kayo diyan sa tatlong chocolate hills para maka pag pa picture." Thank you for that. Pero hindi ito ang first time ko na pumunta dito at andito po ako para kay Anselm.

"Kuya, may mga ayaw ba siya?"

"Ayaw niya po sa mga hindi marunong sumunod sa dapat sundin." 

*********

Thank you for your time. Have a nice day! :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro