Too Good to be True
21 March 2017
*****
Chapter XXIV
Pinatay ko ang TV sa CR ng may kumakatok. Agad ko din itong binuksan dahil tapos naman na ako maligo at naka bathrobe na din ako, na dala lang ako ng palabas.
"Ang tagal mo naman." Reklamo sa akin ni Olga. "Mag bihis ka na."
Dumiretso ako sa upuan at sinimulan ng i blower ang mahaba kong buhok.
"Dito din sa Manila Hotel gaganapin reunion ninyo?" Tanong ng nag-aayos sa akin.
"Yup."
"Ano oras?"
"Sabi dapat daw po 6 pm nasa baba na kami. Pero ang start pa 7."
"Ganon talaga, alam mo naman Filipino time." Tawa niya at ngumiti na lang ako.
Tinuloy niya ang pag aayos ng buhok ko at kinulot ito. Natuwa naman ako ng sinunod niya ang gusto kong ayos na side updo.
"Pwede ko ba makita susuotin mo? Para alam ko kung anong make up gagawin ko sa iyo."
Pinakuha ko kay Ate Annette ang evening gown ko na navy blue v neck at sa gitan nito ay may citrus, sa likod naman ay pa v shape din
"Dapat dito parang no make make up pero ang lipstick dapat dark ang lipstick."
Sinimulan na niya ako lagyan ng primer at pinanood ko lang ang sarili ko sa salamin habang kung ano ano ang nilalagay niya sa mukha ko.
"Sarap." Sabi ko habang naka pikit dahil pina paddle brush niya ang mukha ko.
"Ako din gustong gusto ko pag nag pa paddle brush." Tinuloy niya ulit ang ginagawa sa akin hanggang sa huli nag apply na siya sa akin ng lipstick na brownish red.
"Hebe, your turn." Sabi ko habang pinagma masdan ang itsura ko sa salamin. I like it, kilala ko pa din ang itsura ko.
Nagpa salamat ako sa kanya bago tumayo at nagpa tulong kay Ate Annette na suotin ang gown ko pati na din ang close shoes ko.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ang mga kapatid kong lalaki na nag pi picture. Naki sali ako sa kanila. Binuhat din nila akong tatlo ng bearers alongside carry para sa picture. Sumunod na din ang mga iba kong kapatid hanggang sa naging kumpleto na din kami.
"Let's go down." Ani ni Daddy.
Nanlaki ang mata ko ng maki pag beso sa akin ang tita ko daw at lumiit naman ang mga mata ko ng niyakap pa niya ako. Hindi naman ako nagulat dahil ganito talaga pag may family reunion sa amin. Ang nakaka pag taka lang hindi ba sa kanila awkward ito, para kasing close na close na sila kung kumilos.
"Emersyn, this is Ate Iris your cousin." Ani ni Tita Eliana habang hawak hawak sa kamay si Emersyn na mukhang four years old, para siyang mini Eliana at parehas din sila ng style ng gown, may pagka mature nga lang ang dating ng kay Eliana, but the color yes.
Kilala ko si Tita Eliana pero ngayon ko lang nakita si Emersyn dahil tumira sila sa Iceland. "And you know what you should not follow or copy me. You must have originality." Kumindat ako kay Tita Eliana dahil tuwing may family reunion madalas sabihin sa mga mas bata kong pinsan na wag akong gayahin.
"By the way, Lavinia we are planning to have a vacation around Visayas."
"I can recommend you the Svetlana in Panglao-"
Hindi ko na nasabayan ang sinabi ni Mommy ng muli kong naalala si Anselm. Nag unfollow lang ako sa kanya sa facebook, wala naman siyang ginawa sa akin na masama para i block ko siya, although meron hindi nga lang niya alam. Ganon pa din naman ang number ko hindi nga lang kami nag te text, siguro mas priority niya si Ramona ako naman ayoko maki gulo. May mga times din na pumupunta ako sa IG ni Ramona dahil hindi naman ito naka private. Nakita ko sa kanya na ganito ang gustong babae ni Anselm, mukhang seryoso sa buhay. Too good to be true at may nag e exist pala na ganong tao sa mundo. And it seems like almost everyone loves her with 17k followers, eh hindi ko nga siya kilala.
Paano kaya kung nagbago ako ma fo fall din kaya siya sa akin?
"Where's Olga?" Tanong ni Tita Eliana kay Mommy.
Ginala ni Mommy ang paningin niya ako naman binaling ang tingin kay Emersyn at kina usap siya.
"There she is." Ani Mommy at lumingon kami sa kanya.
Naka red tube siya na evening gown at naka updo din ang kanyang buhok mas mataas nga lang ang kanya.
"Sorry, hindi ako naka attend sa wedding mo." Naki pag beso si Tita Eliana kay Olga.
"Saan nga ginanap ang kasal mo?"
"Sa may Glass Garden po."
"Are you pregnant now?"
"We're working on it." Siguro dahil stress ka kaya kahit hindi ka safe hindi kayo maka buo.
"Ayun na nga po." Nag paalam muna ako sa kanila na babalik ako sa table namin dahil hindi naman ako maka relate.
Pinlay ang video ng mga pictures namin na buong family ng Carrizo.
Sinerved sa amin ang pagkain, pinunasan ko naman ng tissue ang kutsilyo at tinidor. Hiniwa ko ang tinapay at sinimulan lagyan ng dairy cream. Sinimulan ko na din kainin ang ibang pagkain.
Napatigil ako ng may naramdaman na naka tingin ang mga kapatid ko sa akin. "What?" Inosente kong tanong.
"You act differently." Sagot sa akin ni Axis.
I just rolled my eyes. Pag mali ginagawa ko may sinasabi sila ngayon na tama ang ginagawa ko may sinasabi pa din sila. Nag search ako sa YouTube ng proper table etiquette dahil nakita ko kay Ramona na masyado siyang formal kumain, siguro kung gagawin ko din yung mga ginagawa niya mas maraming mag ma mahal sa akin.
"Iris, ikaw pa ba yan?" Tanong naman ni Hebe.
"Also, the way she sits looks different," said Bria.
"Pati na din ang pag baba ng hagdan," dagdag naman ni Elly.
"Iris, you are being too good to be true, parang hindi na totoong ikaw ang pina pakita mo." Nagkibit balikat lang ako sinabi ni Olga. She's right pero ayoko ikumpirma sa kanya dahil ayoko din naman malaman nila kung bakit ako nagkaka ganito.
Tumagal naging ganon ang kilos ko na parang naging mannerism ko na din. Suddenly, I miss the old Iris, my old self who doesn't care about what others think of her, don't care about how others hate her as long she is happy and not hurting anyone.
Nasa bahay ako ni Tatiana at nasa kusina kaming dalawa habang pinapanood ko siya mag bake ng cookies, wala din naman akong alam sa pag be bake or sa pag lu luto. Siguro ito na din ang dapat na sunod kong matutunan.
"Iris, nakita ko nag ma mature ka pero parang may mali." Hindi ako lumingon kay Tatiana at hinayaan lang siya.
"Parang hindi ikaw? Too good to be true? Hindi mo naman kailangan maging perfect. Ah alam ko na ginagaya mo si Ramona?" Doon na ako tumingin sa kanya.
"I knew it! Sa nakita ko sa hindi nga ako maka paniwala sa kanya, ini isip ko sa likod ng camera ano ba talaga siya? Pag ang tao parang perfect na sa lahat mapapa tanong ka na lang talaga."
"I just tried to change myself."
"Are you happy?"
"I can say so."
"Who is happier the old Iris or the new Iris?"
Masaya ako sa dating ako na ayun nga walang pakialam sa sinasabi ng iba sa akin, pero masaya din ako kasi halos lahat ng tao ngayon gusto na ako.
"Okay, I still remember na sinabi kong i improve mo ang sarili mo. Iris, wala naman kaso sa akin kung hindi mo sundin ang sinabi ko sa iyo. Binigyan lang kita ng parang advice at ikaw na bahala kung susundin mo iyon. Mas okay pang hindi ka nag bago dahil sa tingin ko mas masaya ka dati at sigurado din ako na hindi lang ito kay Anselm dahil alam mo sa sarili mo na hindi na ikaw yan. Tanggap kita kahit ano ka kasi kaibigan kita." Yumuko na ako ng maramdaman kong patulo na ang luha ko.
Narinig ko ang tubig sa faucet ng sink para siguro mag hugas siya, ilang segundo lang ay niyakap niya ako.
"You deserve someone that loves you, accepted you no matter how your difficult character is. Remember, what you told to me?" Yumakap din ako sa kanya pabalik.
"You don't need to change yourself and you can't change what others think of you. Even you change for the better may sasabihin pa din ang tao. So why bother to change yourself just because they say so? They don't like you? You will forget your own happiness? Forget about the society and be happy on your own."
"Na revised ata yung sinabi ko." Humiwalay siya ng yakap sa akin.
"Of course, memories are full of errors. Diba ayun naman talaga madalas mong sabihin noon? At parehas lang din ng meaning."
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Muli ko siyang niyakap at nag pasalamat na tanggap niya ako. Bukod sa pamilya kong kahit alam kong madalas ang inis sa akin dati ramdam kong tanggap nila ako at higit sa lahat mahal nila ako.
Biglang binigay sa akin ni Tatiana ang iPhone niya kaya naman napa taas ang kilay ko. "Reply your number if you want."
"Huh?"
"Phoenix, was asking for your number. Last week pa yan sabi ko hindi ko ibbigay hanggang hindi mo sinasabi sa akin na ibigay ko sa kanya."
Wala naman siguro masama kung ibibigay ko sa kanya ang number ko at naging classmate ko naman din siya noong high school. Binigay ko ulit kay Tatiana ang phone niya.
"Binigay mo?"
"Yup."
"Sa tingin ko seryoso talaga siya sayo. Naalala mo nung senior prom natin tinanggihan mo siya bilang escort, dahil sabi mo mas maganda kung magla lakad ka ng mag isa ka lang at pwede kang umikot ikot sa red carpet. You're really unlike any other." Parehas kaming tumawa ng ako din ay maalala iyon.
Narinig ko ang pag bleep ng phone ko at tinignan ang unregistered number.
+63917
Akala ko hindi mo ibibigay ang number mo. Hahaha!
- Phoenix
"Katulad niyan mukhang may balak na naman yan sa iyo. Loyal iyan sayo, friend." Nag kibit balikat na lang ako.
"Since kailan kayo naging text mate?"
"Text mate? Hindi ah. Inadd ko lang siya fb ng lumabas siya sa newsfeed ko tapos ayun ikaw nga laging topic namin. Sabi niya hindi siya madalas mag facebook kaya hiningi niya number ko at nung binigay ko naman sa kanya ayan ang una niyang text hinihingi niya ang number mo."
Sinaved ko muna siya sa contact bago ko siya ni replayan.
Me
Why not? Naging mag classmate naman tayo ng high school. :)
"May pag-asa na ba si Phoenix sa iyo?"
*********
Thank you for your time, have a nice day! :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro