Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

There Can Be More Better

14 March 2017

**********

Chapter XXIII

"How do you handle stress, Miss Fidel?"

"Like now I'm stress by your question and how do I handle? By looking away and ignore the question that's the way I handle stress, I ignore. I ignore the stress." Ngiti ko sa kanya at siya napa nganga.

"What can you contribute to the company?"

"My oh so pretty face, honest trait and my heart." Napairap siya

"Why should we hire you?" Taas kilay niya.

"You would feel special if you hire me, because I'm unlike any other. A limited edition is in your company." Kumuyom na ang kanyang kanang kamay.

"How do you see yourself five years from now?"

"Most love and favorite by the students, because I will be a cool teacher."

"Iris, let's take this seriously! Yan ba ang isasagot mo sa HR na mag i interview sa iyo?" Sigaw sa akin ni Tatiana.

Nag pa practice kami ng pwedeng itanong sa akin sa interview ng school. "This is just a game."

"This is not just a game, this is for your future."

"Fine, of course may matino naman akong mga sagot para diyan, it's just that ayoko lang banggitin kasi baka sa tingin niyo mali na naman."

"And most love and favorite by the students? I can say yes, but I can also say that it will be your downfall, because their parents will curse you to the universe."

"From the very start. Sasagutin kita ng maayos."

Lumabas ako ng masaya kahit hindi naka ngiti, natuwa kasi ang HR sa mga sinagot ko sa kanya. They know me as a difficult character, kaya na impress daw siya sa akin na sumagot ako ng tama at nakaka inspire pa daw.

Napa taas ang kilay ko ng makita ang pamilyar na babae. Nag enroll pala siya ngayon sem dito?

"Ang ganda naman ng heels mo." Puri ng isang mukhang mahinhin na babae kay Sienna

"Hennes & Mauritz ang brand nito. Hindi mo kilala noh? Kasi mayayaman lang ang nakaka alam nito, hindi siya kilala ng ordinaryong tao."

Like duh, binuo lang naman niya yung H&M.

"I came from the middle-class family, but I know Hennes & Mauritz, it's H&M." Umirap sa kanya yung babae at tinalikuran siya. Kita ko sa mukha niya napahiya siya.

Gusto ko tuloy kwentuhan yung babae na pinauwi dati ng clinic ng school namin dati dahil meron siyang kuto. Pero, hindi naman ako klaseng babae kaya hindi na lang din.

Naki pag apir ako sa isang high school student na babae ng maging maganda ang pag dive niya sa tubig. Nag simula na ang OJT ko as student P.E teacher, mga sophomore ang tinuturuan ko.

Hindi naman lahat ng estudyante ng sophomore nag da diving, yung mga nag su swimming lesson lang pagka uwian. Ang iba naman dahil ngayon pa lang puro swimming lang sila.

"Two sits apart." Exam kasi ng high school ngayon at mga girls lang ang pumasok ngayon umaga, mamayang hapon pa ang mga boys.

"Hala!"

"Ano ba naman yan?"

"Mag a adjust pa?"

"Parang hindi naging estudyante." Rinig kong bulong ng isa. Gusto ko matawa sa reaction niya, pero kailangan ko maging seryoso.

Actually, wala naman sinabi sa akin ang teacher nila na mag two sits apart dahil estudyante din ako alam ko yung mga galawan ng pag bigay at pag hingi ng mga sagot.

Napa iling ako na nakaka stress nga talaga ang mga ganitong estudyante. Kamusta na kaya ang mga teachers kong na stressed sa akin? Yung mga hindi ko na nakikita? Buhay pa kaya sila?

Nawalan ako ng communication kay Anselm dahil sabi ko magiging busy

Nagtatakang naka tingin ang mga kapatid ko sa akin ng pumasok ako sa study room na may dalang libro, isang notebook at highlighter.

"Why? I'll review for my exam."

Nag hiyawan naman sila at dumiretso ako sa pwesto ko. "Tagal natin hindi pumasok." Sabay hawak ni Levi sa balikat ko.

Parang classroom ang study room namin ang pinagka iba lang ay wala kaming blackboard or whiteboard. At mukha nga akong estudyante dito na ngayon ulit pumasok sa haba ng panahon.

"Answered prayer, wooh! Thank you, My LORD!" Lumingon ako kay Axis ng naka luhod sa gilid ko at naka tingin sa itaas.

"Welcome to the club." Lumingon ako kay Olga at ngumiti sa kanya at kasabay ng pag kibit balikat ko.

Sinaksak ko ang earphones sa magkabilang tainga ko at nag pa tugtog. Ngumuya din ako ng Toblerone habang sinisimulan ang pagba basa.

https://youtu.be/Haz_7Ta6VY0

Nung may hindi na ako makuha, lumabas ako ng study room at nag punta sa CR ko para mag toothbrush. Pag balik ko medyo na relax ako at pumapasok na ulit sa utak ko ang mga pinag-aaralan ko.

"Midnight snack na tayo para mawala yung stress." Ani ni Cady.

"Better." Ngiti ni Hebe.

Bumababa ang iba sa kusina para mag luto. Tinuloy ko naman ang pag su sulat ko ng mga natandaan ko sa mga inaral ko. Lumingon ako kay Elly at Nola ng marinig kong nag ta tanong si Elly kay Nola ng na review niya.

"Break muna." Ani ni Hebe pagka bukas ng pinto at si Axis may dala dalang tray.

Isa isang sinerved sa table namin ang mushroom soup. So ganito pala sila pag nag re review?

"Ate Iris, sa susunod balik ka, minsan nagpapa deliver kami pag oras na para sa midnight snack." Ani ni Zion

Tumingin ako sa mga iba kong kapatid at nag agreed naman sila sa sinabi ni Zion.

"Number one letter c." Bulong ko sa kaklase ko. Ang ibang number naman ay may sagot na.

"Set B ka rin ba?" Bulong niya.

Tinignan ko ang papel ko at umiling. "Set A pala." Ngumiti ang labi ko pero hindi ang mga mata ko.

Hanggang Set E ang exam namin sa kanya, ganon siya ka strict. Pinag ramble ramble lang naman niya yung mga questions.

Tumingin ako sa prof namin at ng nakitang busy siya sa ibang test papers ng ibang blocks, binasa ko ang tanong sa number one.

"Letter B. May ganyan din ako nabasa kanina sa test paper ko, ibang number nga lang."

"Thank you."

"It's a pleasure." Tiyaka nag lakad papunta sa prof ko para ipasa ang papel.

Alam ko kasi yung feeling ng walang ma i sagot, kasi diba hindi lang naman yung pag-aaral ang buhay natin? Marami pa tayong kailangan gawin sa buhay, kaya minsan nawawalan tayo ng time sa pag-aaral. Minsan hindi na tayo maka sunod sa sinasabi ng prof dahil madami pa tayong ibang ini isip.

"Yes!" Bulong ko sa hangin ng makita ang result ng exam ko. Three mistakes only.

"Okay our new lesson for today-" What? Bakit ganito itong prof na ito? Kadalasan pag after ng exam namin nag pa pahinga ng isa o dalawang araw bago mag simula ng bagong lesson.

Napakalumbaba lang ako habang hinihintay siyang matapos mag turo. Tumingin ako kayla Ebony at sinenyasan siya na lumabas. Mabait naman itong prof namin kaya siguro papayagan kaming lumabas ng tatlo na sabay.

"Ma'am, restroom lang po kaming tatlo." Sabi ko sa prof namin.

Nag okay naman siya at nag thank you kami sa kanya at pinayagan niya kami. Pagka labas ng classroom tumakbo kami agad sa elevator. Sa canteen talaga ang diretso namin.

"Yung mabilis lang kainin natin, nakaka hiya kay Ma'am." Tumango kami sa sinabi ni Ainara.

Bumili na lang kami ng tig i isang Dunkin Donut at mineral water. Mabilis namin iyon kinain at inubos na din naming ang tubig para hindi sila maka halata. Mabuti na lang mabilis din ang elevator. Pag balik namin ganon pa din may pina paliwanag pa din siya.

Excited akong umuwi ng ma realized ko na pwedeng pwede na ako mag bukas ng social media, dahil tapos na ang exams ko.

Pagka bukas ko ng fb account napa taas ang kilay ko sa bumungad sa akin sa newsfeed.

Anselm Giron is in a relationship with Ramona Astrid

Nag punta ako sa timeline ng babae at mukhang magkasing edad lang sila ni Anselm batay na din sa birthday niya. Morena ang babae at maganda. Hindi na ako masyadong naka pag investigate sa kanya dahil halos lahat ay pribado na.

All this time parang kapatid lang talaga ang turing niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko sa nalaman ko. Mabilis kong tinawagan si Tatiana para balitaan siya.

"I think I'm in love with him."

"No, you're not. You're just infatuated. You can call it love once he returned the feelings the same way as you do."

"I'm stress." Sabay higa ko.

"Ignore them. Gaya ng sabi mo nung nag pa practice tayo sa OJT interview mo ini ignore mo ang stress. Kaysa mag focus ka sa kanilang dalawa be a better person. You can be better than yourself today and what can you be tomorrow there can also be more better than that."

********

Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)

Love,

Julie II

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro