The Beginning
4 October 2016
To my beshy/co jsl/Klare Desteen is no other than LayFlores88. This is for you. Have a nice day! :)
************
Humiga ako sa ice ng madulas ako. Ganito ang madalas kong gawin tuwing madudulas ako, masrap lang humiga sa malamig para sa akin. Ang mga kapatid ko ay naghahabulan dito sa rink.
"Taya!" Hinawakan ni Cady ang paa ko.
Nakalimutan ko naglalaro nga pala kami, agaran akong tumayo at naki pag habulan sa kanila.
Tuwing weekends lagi kami nasa mall para mag Ice Skating kung walang mga assignments or exams. Pinatawag ako ni Mommy kay Levi kaya lumabas ako ng rink.
"You have homework."
"I can do that tomorrow, I still have time."
"No. We're going home. Tell your siblings."
Bumalik ako sa ice ng nag lakad at hindi nag glide para medyo matagal ang pag uwi namin. Binuksan ko ang sun roof ng Pajero at nilabas ang aking ulo habang bumabyahe.
May dalawang subjects pa ko na assignment at pumunta na ako sa patio para maka pag pahinga.
Hiniram ko kay Axis ang RC Helicopter ni Daddy. Naka tingala ako habang cinocontrol ito.
"Iris." Tawag ni Mommy, hindi ko din siya nilingon at hinintay ko na lang siya lumapit.
"You're not yet done with your homework. Why are you playing?"
"Lagot na." Narinig kong sabi ni Levi at kinuha sa akin ang remote. Hindi na ako naka laban dahil napunta na ang attention ko kay Mommy.
Padabog akong pumasok ng bahay at pumunta sa study room naming magkaka kapatid. May kanya kanya kami ditong table at may bookshelves din na agad mong makikita pag pasok mo. Nasa table ko na ang mga libro na may assignment ko. May naka sulat sa libro na "Five boxing wizards jump quickly." At gagayahin ko iyon.
Umupo ako at kinuha si Gwyneth na manika kong Cabbage Patch, niyakap ko muna siya bago hinawakan ang lapis gamit ang kaliwa.
"I told you to use your right hand." Kinuha ni Mommy sa akin ang lapis at nilipat niya sa kanan ko.
Madalas pag hahawak ako ng isang bagay mas nauunang gumalaw ang kaliwa ko. Dahil gusto ni Mommy maging right handed ako nagagamit ko ang dalawa pareho mas dominant lang ako sa kaliwa. Sa school or sa labas ng bahay kaliwa ang gamit ko, sa bahay kanan.
"Very good, Iris." Puri sa akin ng P.E teacher ko ng naka langgoy ako ng isang lap.
Tuwing may P.E kami lagi niya ako pinupuri sa galing kong lumanggoy hanggang sa pinapasali na niya ako sa swimming team ng school. Hindi ako pinapasali ng parents ko dahil sa academics. Ginawa ko lahat para maka sali at pinasok naman nila ko. Ice Skating talaga ang first love ko. Yung Swimming kaya lang ako nagpa pilit ipasok, dahil feeling ko mas angat ako sa mga kapatid ko pag dating sa Swimming, hanggang sa minahal ko na din ang pag langgoy.
"Iris." Tumayo ako ng tinawag ako ni Teacher Alisson at lumapit sa kanya.
"Iris, what do you want to be when you grow up?"
"I want to become a mermaid."
"A mermaid?" Nagulat pa siya sa sagot ko. Pero ngumiti at tumango na lang ako.
"Why?"
"Well, I want to be an Olympian swimmer, swimming coach or lifeguard."
"Well, that's nice. But don't you want to be a doctor like your parents?" Umiling ako. "Your siblings want to be doctors. Or you don't want to handle your business?" Umiling ulit ako.
May pharmaceutical ang pamilya namin, gumagawa ang company namin ng psychiatric medications para sa may mga Alice in Wonderland Syndrome or sa kahit anong psychiatric disorders. Kami gumagawa ng antidepressant, anxiolytics, antipsychotic mga ganon na gamot. Hindi namin ito binibenta sa drugstore, marami kaming ka partner na psychiatric hospitals isa na doon ang New Beginning. O order sila ng gamot sa amin at doon na bibili yung mga pasyente nila ng gamot.
"But, I also want to be a lawyer."
"Your family will have more doctors, then a lawyer." Pumalakpak siya at pumalakpak din ako at naghagikgikan kaming dalawa.
"I heard your Mommy is pregnant again."
"Yes. 9th child."
Nakita ko na ng live kung paano nanganak si Mommy pero nasa isang tabi lang kami bawal kami lumapit.
"1 2 3 4 5 6 7 8 9 10. Breathe. Then, push." Nanganganak na si Mommy at sinasabi ni Daddy kung ano ang dapat niyang gawin kahit alam naman talaga niya.
"Why she's not screaming?" Tanong ni Cady.
"It's a waste of energy." Sinagot siya ni Olga.
Nang nalabas si Nola agad sila nag skin to skin ni Mommy. Ilang taon lang buntis ulit si Mommy sa pang sampu. Ito na daw ang last. C-section pinanganak si Zion. 7 years old ako ng dumating siya sa pamilya namin. Nasa bahay kami nung pinanganak siya at kinabukasan na nag punta. Hindi naman namin napanood ng live may video naman at pinapanood sa amin ngayon.
"It's like a meat in the wet market." Comment ko habang pinapanood namin ang video.
"How much is per kilo?" Tawa ni Axis.
Tumingin si Mommy sa kanya habang karga si Zion at tinaasan siya ng kilay.
Kumunot ang noo ko ng mailabas si Zion na nasa embryonic sac pa.
"Daddy, why is he like that?" Tanong ko.
"That's cowl birth, Babe. Don't worry that's normal, but a very rare situation."
Kung si Zion cowl birth ako naman water birth. Pang lima ako sa sampung magka kapatid. At lahat kami magka kapatid may four letters at two syllables na given name.
Olga, Axis, Levi, Hebe, Iris, that's me. Cady, Elly, Bria, Nola, and Zion. Malapit lapit lang ang mga age namin, 2 years, 1 year lang ang gap sa mga magkaka sunod. Masaya maraming kapatid ang problema nga lang may competition din lalo na kung sino favorite ng mga magulang namin, sino pinaka magaling sa school mga ganon ba. Hindi ako ang nangunguna sa academics sa amin magka kapatid sa totoo lang pang huli ako, kaya kinuha din nila si Teacher Alison bilang tutor ko.
Palipat lipat ang tingin ko sa digital clock ng study room at kay Teacher Alison na nagtuturo para sa quiz ko bukas.
"Ganon lang Iris. Ito sagutan mo na, para matapos ka na at maka kain ka na ng dinner."
Kinuha ko ang pink na ballpen na may glitters sa pen holder at nag sulat, ginawa kong iba iba ang kulay ng sulat ko. Pero hindi pa ko tapos, pinagsabihan na ako ni Teacher Alison.
"Dapat pag ganito black or blue lang gagamitin mo, sayang ka sa oras. Or pwede din pencil."
Ang boring naman kung black lang walang kabuhay buhay. Tiyaka anong sayang yung oras? Wala naman dalawang segundo yung pagpalit palit ko ng ballpen.
Tinuloy ko na ang pagsagot sa ginawa niyang mga tanong at ng matapos ito binigay ko sa kanya.
"Very good na perfect mo, bukas inaasahan kong perfect or high score ka." Tinignan ko lang siya gamit ang walang ka emosyon na mukha ko tumayo na para maka kain na ng dinner.
Sa gitna ng kainan, natanong ni Mommy si Teacher Alison.
"Kamusta naman si Iris, nag i improve ba?"
"Yes, Mrs Fidel. Actually lahat ng pinasagutan ko sa kanya kanina, nasagot naman niya lahat ng tama."
"Mabuti naman kung ganon. Sa kanilang magkakapatid itong si Iris ang pinaka mahirap i handle."
"Don't worry about that, Mrs. Fidel. Besides, she's just 9 years old. Magbabago pa po iyan, bata pa po kasi siya, kaya hindi pa po ganyan ka seryoso sa buhay." Hinawakan ni Ms. Alison ang buhok ko.
Alam ko na ang gusto ko sa buhay at seryoso ako doon kaya masaya ako nung kinder ako P.E ang naging swimming ko, nakita ng teacher ko na nangunguna ako sa mga iba kong kaklase at pati sa ibang section kaya sinabi ng teacher ko na ituloy ko ang pag si swimming, nabalitaan din iyon ng mga magulang ko kaya naman in enroll nila ako. Ngayon competitive swimmer na.
Ngayon high school naging athletic scholar ako. May times na pina patigil ako sa pag te train ng swimming dahil bumababa ang grades ko. Kahit ganon sa indoor pool namin ako nag te training alam ko naman na kung ano dapat gawin. Pag naging okay na ang mga grades ko agad naman ulit nila ako pina pabalik sa pag te training.
Bata pa lang ako hindi ko na feel ang school kaya lang ako masaya pumapasok dahil sa swimming lesson or training pag uwian.
For me wisdom is more important than knowledge. Mas maganda pag nadadapa ka sa buhay kasi doon mas nagiging malakas ka. Ang pagiging panalo or yung mga awards nakaka pag pasaya siya, pero hindi naman sa lahat ng panahon panalo ka. Sabi nga sa kanta even the best fall down sometimes. May mga nababalitaan ako na ito ang unang beses nila na natalo tapos mag su suicide? Mas marami pa nga ata akong nagawang mali sa kanila pero mas malaki nga lang ang nagawa nilang mali. Naiintindihan ko din naman sila na hindi sila sanay, siguro big deal talaga sa kanila iyon, doon umi ikot ang buhay nila pag nawala sa kanila akala nila wala na silang pakinabang or hindi na maibabalik yung dati lalo na marami silang taga hanga hindi lang sarili nila ang na disappoint nila, kundi pati ibang tao.
"Our hashtag for tomorrow Fidel Forever Going Away." Banggit ni Olga habang chini check namin ang mga dadalhin namin na gamit para bukas. Yan ang lagi naming hashtag pag nag ta travel kami.
************
Thank you for your time. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro