Strong Proof
22 November 2016
*******
Chapter VII
Sa sobrang saya ko na binigyan ako ng chance ni Anselm ay nag sa sand angel ako dito sa buhanginan habang naka tingin sa mga stars sa langit. Nag swimming ako sa dagat para maalis ang mga buhangin sa akin bago pumunta sa kwarto.
Binati ko si Ngaire habang busy siya sa kanyang cellphone at binati rin naman niya ako. Dumiretso ako sa kama at binuksan ang drawer ng susi para magamit ang cellphone ko at maka pag Twisty Wheel at mag picture din sa SNOW.
Nung pa lowbat na ang phone ko ay chinarge ko na ito at hindi muna ginamit. Binuksan ko ang aking laptop para manood ng mga vlogs.
"Iris, may extra charger ka pa?"
Kinuha ko ang charger ng iPad mini ko at binigay sa kanya.
"Thank you."
"No big deal."
Dinalaw na ako ng antok ay inoff ko na ang laptop at tinanggal na ang charger ng cellphone ko kahit hindi pa fully charged. Hindi ko naman talaga sinasagad i charge ng full kahit 80% okay na, twice a month lang ako mag charge ng full.
"Bakit parang ang init?" Kinuha ko ang remote ng split type na aircon at nilakasan ito.
"Uy, ang lamig na bakit mo nilakasan?" Ngayon ko lang napansin na naka jacket na siya, hinila niya ang duvet papunta sa leeg niya.
Medyo hinanaan ko ng kaonti ang aircon. Bakit ganon? Hindi naman siya payat para lamigin ng ganon pa lang ang temperature.
Nauna ako magising sa alarm clock ko at kay Ngaire. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Naka ready na kagabi pa ang swimsuit na susuotin ko para sa pag me mermaid ko mamaya. 7:30 pa lang naman ng umaga at 9:00 pa ang reporting time ko. Sa loob ng off shoulder kong pink ay ang lime green kong bandeau na halter kong swimsuit. Dinala ko na din ang GoPro.
Umorder ako ng Pomelo juice at ng breakfast. Bumababa ako para makapag pahinga sa sun lounger at matanaw ang island na kitang kita mula dito.
"Iris!" Lumingon ako sa hagdan ng marinig ang boses ni Ngaire.
"Tapos ka na mag breakfast?" Tumango ako sa kanya.
"Okay. Swimming tayo mamaya sa infinity pool pagka tapos kong kumain."
"Just call me."
Hindi nag tagal ay hinanap ko na si Ngaire sa kainan para sabihin na mag su swimming na ako. Pumunta ako sa gitnang dulo ng swimming pool para makita ang dagat at ang island.
"May mas ga gwapo pa ba kay Sir Anselm? Syempre sunod siya sa Daddy ko." Napalingon ako sa narinig ko.
"Anak daw yun ng may-ari." Sabi ng isang babae.
"Ibig sabihin CEO siya or nasa higher management ang position?" Tanong ni Saoirse
Si Sienna ay ka batch mate ko mula elementary hanggang high school. Ultimate bully ang babaeng iyan at minsan ko na din naka away nung elementary ako.
"Ang ganda ng mata niya deep set."
Hindi kaya deep set eyes iyon, hooded eyes ang tawag sa mga mata ni Anselm. Paano mo malalaman kung hooded or deep set? Ang deep set may eyelid ka pang nakikita na kaunti ang hooded naman ay wala kang eyelid na makikita pero ang brow line naka slope. Paano naman ang monolid na wala wala ka din makikitang eyelid? Hindi naka slope ang brow line.
"Iris, you're here!" Lumapit siya sa akin at bumeso. Ngumuso ako sa inasta niya hindi naman kami close at wala akong matandaan na nag usap din kami ng casual talk noon.
"Ilang araw kayo dito?" Tanong niya. Halos lahat kasi kilala na ang mga kapatid ko, pag may events sa school lagi silang present.
"I'm here for OJT."
"Me too." Napahawak pa siya sa dibdib niya na parang delighted sa narinig.
Bakit hindi ko siya nakita nung orientation? Anyway mas okay na din hindi kami nagkita nung mga time na yun.
"Sa reception ako na assigned. Ikaw?"
"Water"
"Huh?"
"Mermaid coach ang inapplayan ko so sa swimming pool muna bago lumanggoy sa dagat." Tumango tango siya at nag paalam na din. Sakto naman ang pag lusob ni Ngaire.
Panay ang langoy naming sa ilalim ng tubig habang nag vi video gamit ang GoPro. Bago pa man din mag 9 ay pumasok na kami sa loob, ako sa indoor pool kung saan tuturuan ko yung gustong maging mermaid, siya naman sa kitchen.
Suot ko na ang pink kong mermaid tail at habang wala pa ang mga estudyante panay ang langoy ko at pag video at picture sa ilalim ng tubig. Pati na din ang pag s static apnea ko. Maraming gustong mag-aral ng mermaid lesson pero dalawang babae lang ang inassigned sa akin si Cerise at Savannah. We all have the same age.
"Girls, let's play static apnea." Nagka tinginan silang dalawa hanggang sa nag tanong si Savannah kung ano iyon.
"Holding your breath under water as long as you can. Please kung sa tingin niyo pag hindi niyo na talaga kaya kahit nagagawa niyo pa i angat niyo na ang inyong ulo. Ayoko matanggal dito at worst ayoko sisihin ako."
"Aye aye coach." Nag salute sa akin si Cerise. Naka ready na sila para sa static apnea, nag bilang ako hanggang tatlo at sumisid sila.
"Bermuda triangle na pinapinawalaan na pag nawala ang barko o yung eroplano at hindi mahanap doon daw napunta." Nag ku kwentuhan kami kung anong meron sa dagat.
"Do real mermaid exist or they existed before?" Tanong ni Savannah.
"I think so. Hindi ka naman siguro makaka kuha ng idea kung wala kang narinig. At wala din mag sa sa salita kung walang nakita." Sagot sa kanya ni Cerise
"Paano naman kung gawa gawa lang?"
"Maybe they exist in the other universe. Hindi naman big deal kung totoo sila or hindi. Kung may makita man ako edi okay napatunayan ko na meron nga. Kung wala man ako makikita hanggang sa mawala ako dito sa mundo hindi ko pa din masasabi na nagsisinungaling ang mga tao na nag sabi na meron nga. I need a strong proof to declare if the person is lying or telling the truth." Tumango tango silang dalawa.
"This is weird. I'm a swimmer in our school. Pero pag la langgoy sa dagat natatakot na ako. Feeling ko kasi kung malunod man ako sa pool may malapit na dulo kung sa dagat hindi pa man din ako nalulunod mamaya kung saan ako dalhin ng alon. Madilim pa naman sa ilalim ng dagat kapag nasa blue area ka na." Kwento ni Cerise.
Napansin ko si Anselm na dumaan kaya naman pina langgoy ko na ulit sila Cerise. Mabuti na lang din hindi ko nasabi kung gaano ko sila katagal pag papahingain. May 10 minutes na din siguro or sobra pa ang pag papahinga nila, matagal din kami nag kwentuhan.
Inimbitahan kaming lahat na OJT ni Anselm para sumabay sa lunch. Hindi kami kumain sa restaurants or sa canteen nila, sa mismong office niya kami. Yung pinto na nakita ko nung una ay may pinto pa sa loob at parang bahay. Nasa mahabang lamesa kami, yung iba may kanya kanyang mundo na dahil hindi mo din masyadong maririnig ang mga sinasabi kung hindi lalakasan ang boses.
Naka upo ako sa dulong gilid, kaya malapit ako kay Anselm nasa harap ko naman si Saoirse at katabi ko sa left side si Ngaire.
"Sir, it's pronounce Seer-sha not sa-yours or sa-worsi" Pag tatama ni Saoirse ng tinawag siya ni Anselm.
Buti pa yung pangalan ko at pangalan ng mga kapatid ko ang daling bigkasin, four letters lang at two syllables. Minsan nga lang yung kay Hebe imbis na pronunciation talaga na he and be sa English ang nasasabi ay nagiging he na e na Tagalog at beh naman ang be. Parang may hingal pa pag ganon yung pronunciation. Kay Levi naman ang totoong pronunciation is Lee-vy.
"My mistake sorry about that. Okay naman yung mga customer na kumakausap sayo?"
"Yes sir, they are enticed with my beauty." Nilagay niya pa niya ang kanyang kamay sa kanyang baba.
Hindi ako kumibo ang mga kaibigan niya nag si tawanan sa kanyang sinabi. Maganda naman siya pang labas nga lang hindi kasama ang kalooban. I can call her pretty, but not beautiful.
Matapos ang OJT ko para sa ngayon araw ay naki pag video call ako kay Tatiana.
"I saw Sienna."
"Who?"
"Sienna. Yung pinauwi ng school dahil may kuto nung grade three tayo."
Minsan tuloy nung bata ako dinahilan ko sa magulang ko na may kuto ako kahit wala naman para lang hindi maka pasok. Paano daw ako magkaka kuto kung nung gabi hindi naman ako nangangati at chineck din ni Mommy ang buhok ko kaya walang nagawa ang palusot ko. Pag nakita ka nagkakamot ng ulo ng teacher ipapa diretso ka sa clinic at pag may nakita ang nurse ipapa uwi ka dahil mabilis daw itong maka hawa.
Tuwing naalala ko iyon hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya. Sa dami daming pwede maging excuses yun pa talaga sinabi ko.
"Katabi ko pa siya nung time na iyon. Buti hindi ako nahawa talagang pina check ko pa sa yaya ko kung may kuto ako. Thankfully, wala naman." Ngumuso si Tatiana sa kinwento niya.
"Ano nangyari nung nag kita kayo?"
"Mukhang siya pa ang magiging ka agaw ko kay Anselm."
"Kabahan ka na. Ganda lang meron ka, siya ma diskarte sa mga lalaki. Iris, hindi ko sinabi na gawin mo yung ginagawa niya hintayin mo mahalin ka ng lalaki kung sino ka." Naka turo pa ang index finger niya sa akin. Pinaganda pa niya ang term. Sabagay kaysa naman sabihin mong makati ang isang babae sabihin mo na lang ma diskarte sa mga lalaki, mas okay pakinggan, yung taong makakarinig na lang bahala kung paano nila bibigyan ng meaning.
"Hindi naman siguro ganon si Anselm."
"Sige lang maniwala ka." Kanta niya.
********
Thank you for your time, have a nice day. God Bless. :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro