Still Iris
27 June 2017
*******
Chapter XXXVIII
Napatingin ako kay Mommy ng mapansin ang familiar na view sa baba. Hindi ko alam na pa Bohol din pala kami ngayon. I guess Tita Aliyah invited us especially Mommy, Anselm invited us or they just planned to go here after our out of the country.
Kamusta na kaya si Anselm? I wanna go skydiving again. Ayain ko nga mga kapatid ko na hindi nag skydiving before.
Nag landing ang private plane namin mismo sa Svetlana kung saan ginaganap ang skydiving.
"I thought next week pa ang punta natin?" Tanong ko kay Mommy habang pababa kami ng private plane.
"Para mabigay na din agad yung mga pasalubong. Also, I miss Aliyah." As always.
"Hanggang kailan tayo dito?"
"Wednesday morning."
"Welcome back to the Philippines, sobrang init!" Reklamo ni Elly.
Bumahing si Nola dahil nasinagan ng araw "Gesundheit." Hindi ko alam bakit sa tuwing na arawan siya lagi siyang naba bahing. Baka may scientific explanation. I don't know?
Sinalubong kami ng Giron Family siguro plano ito kasi wala naman event ngayon para mag invite sa amin or na mi miss na naman ni Mommy at Tita Aliyah ang isa't isa.
"Nag expect kami ng may tambol, sumasayaw para sa pag we welcome sa amin." Biro ni Axis.
"Kamusta?" Casual na bati sa akin ni Anselm. I don't know why I suddenly feel the awkwardness. Okay naman ang huli namin pag ki kita.
"Still Iris."
Dumiretso kami sa mga kwarto namin. I kinda missed this place and yung mga naging ka close ko dito. I quickly chatted Ngaire that I am here and we're going to stay here until Wednesday morning. Then, I already lock my phone to go down with my siblings and eat together with my kinsfolks and the Girons
"Iris, where is your boyfriend?" Tito asked
"We broke up." Casual kong sagot.
Naramdaman ko ang pag titig ni Anselm sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. Nag tanong pa sila na kung ano daw nangyari, kailan pa. Sinagot ko lang sila kung kailan at sinabi ko na lang din walang third party ang dahilan ng pag be break up namin.
"Nagsawaan?" Tanong ni Oren
"Yeah? You can say that?"
Matapos kumain napuno ng kwentuhan ang lamesa, parang bawat isa sa amin ay may kanya kanyang kwento na dapat malaman ng lahat na nandito.
"May pasalubong pala kami sa inyo." Biglang naalala ni Mommy.
"Ako na kukuha." Pag vo volunteer ko, baka ma hot seat na naman ako.
"We'll just text you the passwords of our luggage." Pormal na sabi ni Olga.
Akala mo para ako nag apply ng trabaho or nag auditon para sa isang character at i te text na lang ako kung tanggap na ako.
"I'll go with you." Tumayo din si Anselm.
Inabot muna nila sa akin ang mga key cards, dahil nga iba iba kaming kwarto, parehas lang din ang floor at magka katabi din.
"You don't need to."
"I just want to catch up with you." I shrugged. Bakit naman? Ipapalala niya sa akin yung mga kalokohan na pinag ga gawa ko dito? Well, that's okay sanay na ako sa ganon tinatawanan ko na lang.
"Bakit di mo sinabi na wala na kayo ni Phoenix? Tama ba ang hula ko sa iyo? Is that the reason of your breakup?"
"Akala ko babae lang mahilig maki tsismis. Lalaki din pala?" Pinindot niya ang up button ng elevator.
"I'm not here to gossip, I'm here to ask some information."
Umiling ako at pumasok sa elevator, sumunod naman siya. Ako naman tinap ang keycard para mapindot ang floor kung saan kami mag s stay.
"Sino naki pag break?"
"Siya." Mabilis akong lumabas ng elevator pag bukas at mabilis din ako nag lakad papunta sa kwarto.
"Can I come in?" Tanong niya pag pasok ko. Naka bukas pa din yung kuryente dahil hindi naman namin tinanggal yung isang keycard sa switch.
"I guess?" Kibit balikat ko.
I know he is harmless. Pero tama bang may kasama kang lalaki na hindi mo kamag-anak sa isang kwarto at kayong dalawa lang?
"Antayin na lang kita dito sa labas." Isa sara na sana niya yung pinto ng tawagin ko ang pangalan niya.
"Stay here and help me."
"Okay." Ganon kadali kausap?
"Bakit ka pa sumama kung mag s stay ka lang sa labas?"
"Mukhang hindi pwede kanina."
Nagkibit balikat na lang ako sa sagot niya. Okay, it was my fault no more explanation basta kasalanan ko tapos.
Lahat ng maleta sa bawat kwarto binuksan namin, dahil may mga kanya kanya kaming pasalubong sa kanila at tig i isa din. Mas marami nga lang ako nabili kaysa sa pamilya ko dahil bibigyan ko pa yung mga naging ka close dito.
Maaga kaming gumising ng mga sasama sa skydiving dahil gusto namin maranasan naman namin kasabay ang pag sikat ng araw, dati ang ginawa namin ay kasabay ng pag lubog. Dahil hindi naman kami licensed kailangan namin ng ka tandem at si Anselm pa din ang ka partner ko.
Kami na naman ang huling tumalon gaya ng dati. Hindi naman talaga namin makikita ang sunrise, yung pag liwanag mismo ng kalangitan ang gusto namin ma saksihan. Dalawang GoPro ang dala namin isa sa kanya at isa sa akin, ginagamit na pang video yung akin at sa kanya naman ay para sa pam picture namin.
"Do you want to skydive later at night? When the stars are already appearing?" Napa isip pa ako kung may gagawin ba ako mamayang gabi.
"Just the two of us." Bulong niya.
Napa isip ako kung papayag ba ako. I wanted to pero parang may ibang pupuntahan ito. Wala pang three months simula nung mag break kami ni Phoenix.
"We have glow in the dark parachute. Bago lang, hindi pa na o open for tourists. And gusto ko tayong dalawa unang maka subok dito."
"I'll think about it. May plans din kasi ako." He said okay and kasabay nun ang pag bukas ng parachute para maka landing na kami.
Do I feel special for him? I think so. Well, he can do it by himself, hindi na niya ako kailangan isama sa first time na iyon. But, he wanted to. Enough with that, Iris. Stop assuming.
******
Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro