Sibling Rivalry
9 May 2017
******
Chapter XXXI
"Oren, if you have a girlfriend that allows you to go to every party without her, what will be your reaction?"
"Siguro masaya naman ako kasi may tiwala siya sa akin, at syempre gusto ko din yun kahit may girlfriend ako may freedom pa din. Kaso lang siguro mag ta taka ako kung mahal niya ba talaga ako."
"Bakit ka naman mag ta taka? Love is about trust."
"Diba ang mga babae selosa, madaling ma insecure? Kung ganon ang girlfriend ko I don't know kung matutuwa ako o magtataka sa kanya."
Tumango tango ako at kumuha siya ng dyaryo at nag simula mag basa. Mabuti na din iyon, kaysa mag tanong siya kung bakit. Nag ta taka na din kaya si Phoenix sa trato sa kanya ni Iris? Umiling iling ako para makalimutan ito.
"Lads, let's go to Fidel's residence." Naka ngiting sabi ni Mama habang pababa ng hagdan.
"Ma, kahapon lang andoon tayo."
"Kayo na lang." Patuloy ni Oren sa pag ba basa.
"Tutal, Ma ikaw may purpose talaga ang pag punta mo doon, ikaw na lang."
"No. I told your Tita Lavinia that we will be there, all of us."
"Ma, may bagyo ngayon araw hindi safe umalis ng bahay."
"Look at the sun, hindi nga suspended mga klase."
Hindi pa ako nakaka apila, lumabas na siya papuntang patio para puntahan si Tavian.
"Tara na mag ready na tayo."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Oren at nag i isip ng dahilan para hindi maka sama.
"Kuya, sabi ko mag ready na tayo!" Inangat ko ang ulo ko.
"Bakit sabay ba tayo maliligo?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Sungit! Andropause!" Tinignan ko lang ulit siya habang naka simangot ako pero hindi na niya nakita iyon.
Umakyat na lang din ako sa kwarto na naka assigned sa akin, wala akong maisip na pwedeng i dahilan. Hindi ko din alam ang dahilan kung bakit ayoko makita si Iris.
"Ma, wala bang pasok si Tita Lavinia?" Tanong ko habang pa sakay kami ng Urvan nila Iris, sinundo kami ng driver nila.
"Nag leave siya para sa atin."
Huh? Nag leave siya, pero ang pasyalan lang nila sa bahay nila? Hindi pa nga ata sila nag pu punta sa mga malls dito simula nung dumating kami. Sigurado naman ako hindi naka leave ang mga anak niya lalo na si Iris.
Tanghali ay naka receive ng tawag si Tita Lavinia sa mga iba niyang anak na suspended sila. Habang kumakain kami ay siya ang pag dating ni Iris.
"I'm home!"
"Nabasa ka ba?" Tanong ni Tita Lavinia sa kanya.
"Just a little, nung papunta akong parking."
"Maligo ka muna at bilisan mo para maka sabay ka pa sa amin. Your younger siblings will be here anytime soon."
Napa lingon si Iris sa gawi ko at hindi man lang siya nag react. Well, siguro alam na niya na andito ako.
"Hi, Iris!" Sabay na bati ni Mama at Papa.
"Hi! I'll just take a bath."
"Sure," sagot sa kanya ni Mama.
Ngumiti muna siya sa mga kapatid ko bago umakyat ng hagdan. Hindi pa tapos si Iris sa pag ligo ay siya naman ang pag dating ng mga mas bata niyang kapatid.
Bumababa ng hagdan si Iris habang may kausap sa cellphone niya. "Huh, saan ka ba dumaan?"
"Where are you now?"
"Oh, sayang. Sasabihin ko sana dito ka na lang tumuloy, naka lagpas ka na pala. Okay, ingat."
"I love you too." Pagka tapos maki pag usap ni Iris na sigurado akong si Phoenix ay naki pag beso siya kay Mama. Hanggang ngayon sa akin wala siyang reaction kahit nag ka tinginan kami.
"Ice Skating tayo!" Napa tingin kami kay Zion sa biglaan niyang pag-aaya.
"May bagyo, kaya nga tayo pina uwi." Masigang sabi ni Bria sa kanya.
"May sasakyan naman tayo at isa pa hindi naman sarado ang Megamall."
"Tara, wala naman tayong gagawin dito. Anselm, you want to go with us?" Nag angat ako ng tingin kay Iris wala pa akong sagot ay tinanong na niya mga kapatid ko.
"If my brother will go. Then, I will go too." I answered her.
"Don't you have your own decision?" Naka taas ang kilay na tanong niya.
"I don't know how to skate." Pag amin ko.
Tumingin siya sa mga kapatid ko na mukhang undecided din dahil hindi rin marunong.
"Okay fine, I'll go." Gusto ko din maranasan.
Um oo na din ang mga kapatid ko at sabi ni Tita Lavinia, tapusin na namin ang pagkain para maka pag ready na.
Nanonood kami ng mga kapatid ko ng isang game show sa sala nila Iris nang biglang dumating si Axis.
"Bro," bati ni Axis sa amin at naki pag fist bump siya sa amin tatlo.
"Naka ready na sila?" Tanong niya.
"Sama ka?" Tanong ko. Alam niya pala na aalis ngayon.
"Oo." Umupo siya sa tabi ko at naki nood na din.
"Si Levi hindi ba sasama?" Tanong ko.
"Naka duty."
"How about Olga and her husband?"
"Alam mo na buhay may asawa." May kahulugan ang pag sagot niya dahil sa ngiti niya. Tumango na lang ako at tinuon na lang ang pansin sa game show.
"Canberra hindi Sydney." Sigaw ni Axis, dahil Sydney ang sagot ng contestant sa capital ng Australia.
"As if naman maririnig ka niya." Lumingon kami kay Iris.
"Nasaan sila?" Tanong ni Axis sa kanya.
"Nali ligo pa ata sila."
"Tanga naman neto hindi nag i isip dali dali ng tanong." Napa kamot pa ng ulo si Axis sa sobrang frustration at napansin ko naman ang pag irap ni Iris sa naging reaction ng kapatid.
"Kung nag i isip ka din hindi mo siya sasabihan ng tanga." Pag paparinig ni Iris.
"Dali dali ng tanong hindi niya masagot? Kahit elementary alam na ang Pacific Ocean ang pinaka malaking dagat sa buong mundo."
"Kung ikaw kaya andyan, tignan natin kung hindi ka kabahan."
"Axis, Iris what is going on? May bisita tumigil kayong dalawa!" Suway sa kanila ni Tita Lavinia.
"Si Axis hindi nag i isip-"
Nag make face si Axis sa kanya ng hindi nabigyan ng reaction ang sinumbong ni Iris kay Tita Lavinia. Tumigil sila sa banggayan pero nag simula naman mam bato ng throw pillow si Iris kaya tumama ito sa mukha ni Axis, hindi naman din siya nagpa huli at binato ang isang unan kay Iris. Batuhan sila ng batuhan hanggang sa kami natamaan na din nila.
"Aray" Sabay hagod ni Tavian sa ulo niya ng matamaan siya ng unan.
"I told you to stop fighting! Iris, I thought you had changed." I thought so too, tita.
"Bakit ako na naman nakita mo? Nang aasar siya!" Turo niya kay Axis. "Hindi mo kasi pinakinggan sinabi ko kanina." Sumandal siya sa upuan niya habang naka taas ang kilay.
"What did you say?" Tanong ni Tita Lavinia.
"Sabi ko hindi siya nag i isip, sinabihan niya ng tanga yung contestant. Tapos nag make face na siya sa akin. Ka pikon!"
"That's why you threw pillow to him?" Humalukipkip si Tita Lavinia
"Wait, bakit parang ako lang may kasalanan?"
Huminga ng malalim si Tita Lavinia at pinag sabihan ang dalawa.
"Ma pride yan hindi yan mag so sorry. In the first place pinag tanggol ko lang naman yung contestant."
"Iris, pareho kayong may kasalanan dito. Pwede ba kayong dalawa ang ta tanda niyo na, puro pa din kayo away? Ikaw Iris simula nung nawala si Olga si Axis naman ang lagi mong kaaway. Walang mag sa salita sa inyo kundi sorry. For once stop this sibling rivalry. Naka sakit na kayong dalawa na hindi naman kasali sa inyo."
"Hin-"
"Hep, Axis! Kaka sabi ko lang."
Walang naging kibuan sina Iris at Axis, panay pa ang kumbinsi ko kay Iris na maki pag bati na siya sa Kuya niya.
"Why would I?"
"Ikaw naman kasi bakit nag react ka pa?"
"Siya lang ba may karapatan? Pikon kasi siya."
"Alam mo naman na palang pikon siya, dapat hindi mo na pinatulan."
Hanggang sa nakarating kami sa ice rink ng Megamall ay wala pa din silang kibuan. May sariling ice skates si Iris kami naman ay humiram.
Hawak ni Iris ang dalawang kamay ko para alalayan ako, pa atras siya na nag I Ice Skating. Natuto na ako pero hindi pa din nag pa pansinan ang dalawa.
"Maki pag bati ka na. Kuya mo yun."
"Mas bata ako kaya matuto siyang umunawa."
Pagka talikod ni Iris sa akin ay kasabay ng pag talsik ng mga yelo sa mukha niya dahil sa pag takbo ni Axis. Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Iris dahil mukhang sisigawan na niya ang kapatid niya.
"Wag mo na patulan, ayaw niya lang mag pa talo." Bulong ko.
Naramdaman ko ang pag kurot niya sakamay ko sa inis kaya hinarap ko siya sa akin at inaya na lumabas muna at umupo.
"Nakaka inis ako lagi nakikita nilang may kasalanan." Naka ngusong sabi niya.
"Kasi kilala ka nila bilang ganon."
"Akala ko naman kakampi kita." Umirap siya sa akin.
"Wala akong kinakampihan, gusto ko lang magka ayos kayo."
Mahaba pa ang mga sinabi ko bago siya nag aya na bumalik sa rink. Nag sorry na siya kay Axis, ganon din si Axis sa kanya. Naka pa ikot silang magka kapatid habang umi ikot, sinali kaming tatlo at naki ikot na din sa kanila hawak ko ang kamay ni Iris sa kabila ang kamay ni Tavian.
*******
Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro