Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Romantic Love is Reciprocal

18 April 2017

Hi snowyssa do you like snow?  Do you like snowflakes? Do you like ice? Do you like Winter? Do you like Ice Skating? Hahaha! Sa username mo kasi sa tingin ko magkaka sundo tayo, look at my questions, lol. Anyway, this chapter is for you, thanks for reading. :)

*********

Chapter XXVIII

Hinihintay namin ang tawag ni Tita Lavinia kay Mama habang andito kami sa loob ng sasakyan at nasa airport na din.

"Wala pa sila?" Tanong ni Papa pag pasok ulit ng Escape matapos kausapin ang dalawang driver ng mga van kanina.

"Baka may air traffic." Sagot ko sa kanya.

Nakinig na lang kami ng kanta na On Bended Knees by Boyz II Men at nag kwentuhan habang hinihintay sila.

Hininaan ni Papa ang stereo ng tumunog ang cellphone ni Mama.

"Hello, Lavinia?" Bati niya.

Hinintay kong matapos si Mama sa pakiki pag usap niya kay Tita Lavinia, mag best friend nga sila nagawa pa nilang mag kwentuhan.

"Nag arrived na daw sila, hinihintay na lang daw nila yung bagahe nila sa conveyor belt." Ani ni Mama pag baba ng tawag.

"Labas na tayo?" Tanong ko.

"Tara." Sabay bukas ni Oren ng pintuan niya.

Pagka baba namin natanaw agad namin sila. May bago silang kasama yung asawa ni Olga, fiancée ni Levi, wala ang girlfriend ni Axis. Mauuna pang ikasal si Levi kaysa kay Axis.

Hinanap agad ng mata ko si Iris napa ngiti ako at biglang napawi ng makita kong kasunod niya si Phoenix na tulak ang luggage cart na may dalawang maleta. Huminto pa si Iris at humawak din sa luggage cart habang nag la lakad. Nag beso at yakapan pa kaming lahat pagka lapit nila.

"Kanina nung pag pasok natin sa loob ng airport yung mga gamit natin nakita ko nilalagay sa conveyor belt from cargo. Then, I saw a big long box after the one luggage na hindi naman sa atin, and I think there was a corpse body inside." Kinilabutan pa si Elly matapos niya i kwento sa mga kapatid niya.

"Nakita ko din yun, parang nga yun lang nakita kong iningatan nila nung hinawakan, yung ibang gamit patong patong tiyaka hinahagis lang. Tapos ayun naka hiwalay." Naka ngusong sabi ni Cady.

"Oo meron tayong kasabay, narinig ko may sinabing HR kanina," sabi sa kanya ni Levi.

"HR?" Tanong ni Nola.

"Human Remains."

"Ngayon lang tayo may naka sabay. Hindi ko pa nga alam meaning ng HR nung una." Paliwanag ni Olga sa mga kapatid niya.

"Who knows? Baka hindi lang natin alam." Sagot sa kanya ni Iris. Matapos ay lumingon sa akin.

"Ay, si Phoenix." Pag papakilala ni Iris ng boyfriend niya sa akin. By the way my name is not Ay.

"Phoenix si Anselm." This is my first time I heard my name said by her.

Naki pag kamayan ako kay Phoenix, it's just a sign of formality. Matapos namin mag kamayan pinakilala din ni Iris si Phoenix sa pamilya ko.

Kaming mga lalaki nilagay ang bagahe nila sa van, kasama si Axis sa van na may bagahe. Sa isang van naman ang pamilya niya at kami sumakay na sa Escape. Pinauna ang van na may bagahe nila, sunod sila at kami ang pinaka huli. Para mas secure.

Tinulungan namin sila sa pag baba ng gamit nila galing sa van pag dating sa Svetlana.

"Saan kayo mag stay after ng party?" Tanong ni Mama kay Tita Lavinia.

"Dito din."

"Ha?" Napa sabat ako. "Dito? Walang nabanggit sa akin yung receptionist."

"Yes, hindi na namin pinasabi." Mag sa salita pa sana ako ng biglang hinila na ni Mama si Tita Lavinia at nag tawanan. Like what? 

Lumingon sila Mama sa amin at sumenyas na may pupuntahan lang.

"Gutom na ba kayo?" Tanong ni Papa sa kanila.

"Hindi naman po," Sagot ng iba. "Opo." Sagot naman ni Bria at Zion.

Napag sabihan ang dalawa ni Tito Joseph na mahiya daw ng onti. "Mahihiya ka pa ba kung instinct mo na?" Tapik ni Papa kay Tito Joseph.

"Saan nag punta Mama mo?" Tanong ni Papa sa akin.

"Kumaliwa sila ni Tita Lavinia, hindi naman sinabi kung saan pupunta."

"Baka mag papa spa. Wait, I'll call her. Ito talagang dalawang mag best friends." Bumaling ako kay Iris na kausap ngayon si Phoenix at mukhang may kinu kwento siyang nakaka tawa dahil may action pa at tumatawa silang dalawa.

"Kuya Anselm, pwede na ba ko mag skydiving?" Tanong ni Zion. Mabuti na lang inagaw niya ang attention ko.

"How old are you again?"

"14"

"Pwede naman, basta you need your parents' consent." Tumango siya at pumunta kay Tito Joseph.

Lumapit din ang iba niyang kapatid para tanungin ako sa Skydiving.

"We can do it later while dusk," I said to them at kita ko sa kanila ang excitement.

Nag lakad kami papunta sa restaurant namin ng maka balik na ulit sila Mama. Hindi ko alam kung mag boyfriend at girlfriend si Iris at Phoenix dahil mukhang tropa lang kung titignan. Naka akbay si Iris sa balikat ni Phoenix kahit medyo mas matangkad ito sa kanya dahil sa heels niya. Pero mas matangkad naman ako kay Phoenix na mukhang 5'11 siguro.

"Iris, paano kayo nagka kilala ni Phoenix?" Tanong sa kanya ni Mama habang kumakain na kami.

Classmate na pala sila nung high school pero hindi ganon ka close. Nag pakita na din pala ng motibo sa kanya si Phoenix dati hindi lang niya ito pinapansin dahil may iba siyang gusto. I wonder who is that guy?

Wala naman na nag tanong kung sino yung lalaki na gusto niya noon at mabuti na din para hindi ko na marinig pa sigurado naman akong nasa school lang din nila iyon dati.

"You're teaching high school, right?" Tanong naman sa kanya ni Papa.

"Yes. first year and second year, P.E and Health po."

"Kamusta naman sila? Madalas ko marinig mas mahirap i handle ang high school kaysa sa elementary."

"Sakto lang po. Kasundo ko naman po sila. May mga makulit pero hindi naman po yung nakaka inis."

Matapos kumain dumiretso kami sa game room ang mga magulang naman namin ay dumiretso sa spa para mag pa massage at mag sauna.

Na agaw ng attention ko sina Iris at Phoenix kahit hindi naman sila PDA o maingay para mapansin ng iba. Nagla laro ang mga iba niyang kapatid pati yung iba nilang kasama habang sila naka indian sit sa may bench, magka harap at nag-uusap.

Wala naman sigurong masama kung lalapit ako sa kanila. "Yung isa kong estudyante-" Ang una kong narinig kay Iris ng lumapit ako.

"Anselm, dito ka oh." Tinuro niya ang katabi ng likod niya, binababa niya ang paa niya para maka ayos siya ng upo, ganon din ang ginawa ni Phoenix.

Tinuloy ni Iris ang pag ku kwento niya pero hindi ko nasubaybayan dahil napansin ko na hindi naman nag selos si Phoenix nung pinaupo ako ni Iris sa tabi niya. Maybe he is sport, open minded kaya hindi siya agad nag se selos and I think may tiwala talaga siya kay Iris at kung wala man siyang tiwala sa naka paligid mas pipiliin na lang niyang wag mag react kaysa mag away pa silang dalawa.

Sinasama nila ako sa usapan nila pero ayoko magkaroon ng attachment lalo na kay Phoenix dahil sa oras na magka hiwalay silang dalawa hanggang mahal ko pa si Iris hindi ako mag da dalawang isip na tulungan maka bangon si Iris at mahulog sa akin. At kung maging mag kaibigan kami ni Phoenix hindi magandang saluhin ang ex ng kaibigan mo. Unahin daw ang kaibigan na kahit sa sinong babae maliban lang sa kapamilya mo dahil ang kaibigan gumawa ka man daw ng kalokohan hindi ka iiwan. Sa oras na mag loko ka ma swerte ka kung binigyan ka ng chance, pero mahirap alisin ang pangamba nila. Well, romantic love is reciprocal.

******

Thank you for your time, have a nice day! God Bless.

Love,

Julie II

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro