Rest
27 December 2016
***********
Chapter XII
Binubura ko ang ibang picture sa DSLR ni Axis pag hindi ko gusto itsura ko. May isa akong nagustuhan ito yung nasa Loboc River kami habang kumukuha ng pagkain ay parehas kaming naka ngiti ni Anselm sa isa't isa.
"May kwento ako sayo."
"Ano?"
"Dati daw yung mga European sama sama hanggang sa naisip nila mag hanap ng ibang lugar."
Tinaasan ko siya ng kilay hindi ko alam kung saan papunta itong kwento niya. "Okay?"
"Madami sila na nagla lakbay. Sabi ng iba "Dito kami Iceland!" Ang iba ay nag tuloy sa paghahanap hanggang sa may nakita ang iba "Dito kami Netherlands!" Nag hanap pa ang iba "Dito kami Norway!" Lakbay ulit "Dito kami Germany!" Hanggang sa lahat na ng bansa sa Europe ay nasakop na ng iba tapos "Wala na, tapos na dito na tayo. Finland!"
Seryoso lang ako naka tingin sa kanya hanggang sa hindi ko na napigilan ang tawa ko.
"Corny." Umiling iling pa ako.
"But you laughed." Tawa niya.
"Sa sobrang corny kaya ako natawa."
"Oren told me that joke."
Bumalik na lang ako sa ulirat ng mag snap si Bria sa mukha ko. "Seizure?" Hindi ba pwedeng may naisip lang?
"I just remember something, Bria."
"Okay." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa van, nag hiwalay lang ang kamay namin ng pasakay na dahil sa sa mas likod siya sa akin.
Last day na ngayon ng mga kapatid ko dito sa Bohol, mamayang 2 pm ay flight na nila. Bukas ay balik na ulit ako sa pagiging intern.
Sa Bohol Bee Farm kami kumain ng almusal bumili din kami ng Malunggay ice cream na best selling nila dito.
Isa isa lang ang pag pasok sa Hinagdanan Cave at pababa ito. Nag unahan pa si Axis at Anselm kung sino ang unang papasok para mapicturan kami habang bumababa.
"Ako na lang. Malapit lang naman ako dito."
"Alright." Tinapik ni Axis si Anselm.
Nauna si Anselm at sumigaw si Kuya na nag to tour guide sa amin para bumababa na ang susunod. Natawa pa kami dahil sa bawat entrance namin may sinasabi siya kung sino kami.
Malalim daw ang tubig, mag su swimming sana ako kaso wala naman akong dalang pamalit. Sa gilid ay may butas at kita ang liwanag na nang gagaling sa labas. Si kuyang tour guide na ang nag se set up sa mga DSLR namin para maging maganda ang kuha. Sa isa namin kuha ay sa picture parang may ahas, pero sa totoo hindi namin napapansin, hindi ko lang alam dahil ba madilim kaya hindi namin iyon makita.
Pina sayaw ko ang tubig para sa picture tinuro sa amin ito ni kuya.
Kumain kami ng tanghalian sa isang carinderia sa Alona at bumili ng Mang Tomas para sa sawsawan namin. Bago dumiretso sa airport nag dasal muna kami sa Loboc Church.
"May tira pa oh. Uuwi ba natin ito o kay Ate Iris na lang?" Tanong ni Elly
"Sa inyo na lang." Agad na kinuha ni Elly ang bote ng Mang Tomas
Kinukuha ng mga kapatid ko ang mga gamit nila sa likod ng van, tumutulong din si Anselm sa kanila.
"Wag ka na bumababa baka umuwi ka ng wala sa oras." Akala ko nung una seryoso si Olga, pero nung nakita niyang walang emosyon ang aking mukha ay bigla siyang nag snore dahilan ng pag tawa niya ng mahina.
"First time yun ah." Pang-aasar ko sa kanya at inirapan naman niya ako.
"Oh donya yung maleta mo." Binigay sa kanya ni Axis ang red niyang maleta.
"Lahat kami nag baba ng gamit, ikaw lang hindi?" Reklamo sa kanya ni Nola.
"Konting tiis iiyak na yan!" Kuntsa ng mga kapatid ko sa akin habang bitbit na nila ang kanilang gamit at palakad na sa entrance ng airport.
"Manood ka, mag la live kami papasok sa airport." Turo ni Axis sa akin at tumango ako.
Isa isa silang yumakap at humalik sa sa pisngi ko at hindi talaga mawawala ang paalala nila na magpa kabait daw ako dito.
Sinarado ni Anselm ang pintuan ng van at umupo siya sa shotgun, ako lang ang nasa likod habang hinihintay na mag notif na mag live ang mga kapatid ko.
Tumalikod na ang van sa airport ay saktong nag notif na nag live na si Axis.
"If you miss the train I'm on you will know that I am gone"
Napairap ako sa pag kanta ni Axis at nag comment na din ako.
Puro mukha mo naman nakikita ko.
Pero sa totoo lang tawang tawa ako. Tinapat niya ang camera sa mga kapatid ko habang ini x ray ang bag nila at sila din.
Biglang tumunog ang bag na dala ni Levi kaya naharang sila ng dalawang guard at binuksan ito.
"Ah Mang Tomas." Sabi ng isang guard
Nag reaction ako ng haha dahil sa Mang Tomas naharang sila pero pinapasok na din. Natawa din si Anselm. Kinwento ni Levi sa mga kapatid ko ang nangyari bakit sila naharang at ganon din ang naging reaction nila.
Lumilipad ang buhok ng mga babae kong kapatid habang nasa runway. Nag silabasan sila ng panali sa buhok at nag pony tail.
Ingat. I love you, guys. *blood heart and kiss emoji*
Hanggang sa pag akyat lang nila sa eroplano ang live at pinatay na din ito ng maka upo na sila sa kani kanilang designated seat.
"Iris, pag dating sa Svetlana kumain muna tayo ng meryenda."
"Okay." Ngiti ko.
Kinuha ko ang travel pillow na naiwan ni Hebe at nilagay sa leeg ko. Sa pagod ko ay mabilis akong naka tulog at nagising na lang ay nung ginising ako ni Anselm. Naka park na din pala ang van.
Nakita ko ang kunot na noo ni Saoirse sa malayo habang naka tingin sa amin. Ano naman kaya iniisip nito? Ano pag ka kalat niya na may something sa amin ni Anselm? I seriously hope na meron talaga kaming something sa isa't isa. But it seems like ako lang ang meron. Ang pinapakita ni Anselm ay hindi ko mabigyan ng ibang kahulugan, dahil kahit kanino mabait siya, siguro nga mas kinakausap niya ako kaysa sa mga kapatid ko kasi mas kilala na niya ako.
Ngumiti si Saoirse, sigurado naman ako na para kay Anselm lang ang ngiti na iyon kaya binalingan ko siya at parang mas lalo akong napagod ng nakita ko siyang ngumiti pabalik.
"Can I rest?" Nagulat pa siya sa sinabi ko.
"Pagod pa din kasi ako. I promise I'll make up to you, later." Pag tapos na ang lahat doon mo lang naman mararamdaman yung pagod.
"Alright, ihahatid na kita."
Yakap yakap ko ang unan habang naka tingin sa aquarium ceiling at pinag ma masdan ang iba't ibang kulay na mga isda. Gusto kong bigyan ng kahulugan yung pag-aaya niya sa akin kanina, pero mukhang nagutom lang siya at nahiya siya kaya niya ako inaya sumama sa kanya sa pag kain.
Tumunog ang pinto alam ko ng si Ngaire iyon. "How's your vacation?"
"Masaya kasi andyan yung mga kapatid ko. But can I rest muna?" Tumango naman siya at tumalikod ako para tuluyan na maka tulog at maka bawi sa mga puyat.
**********
Nakuha ko po yung joke na yun sa ate ko, kwento ng kaibigan niya sa ibang bansa. By the way Advance Happy New Year! Thank you for your time, have a nice day. :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro