Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Refuse

7 February 2017

Favorite month. :)

**********

Chapter XVIII

Nagulat ako sa pinaputok ng party poppers sa magka bilang gilid ko pag bukas ng pintuan kasabay ng chorus ng Superheroes ng The Script. Napa ngiti ako ng makita ang pangalan at picture ko na naka sabit sa office ni Anselm. Mas lalo akong napa ngiti at may kasama na din luha ng makita ko ang magulang ko na andito, agad akong pumunta sa kanila at niyakap sila.

"Happy birthday, babe." Humalik sa akin ni Mommy.

"Happy birthday to my stubborn princess." Daddy greeted me when he lifted me with a hug.

Lumingon ako sa mga kapatid ko na ngayon andito din. "Friends, you're back!" Tumakbo ako palapit sa kanila at nag group hug kami.

"Happy 20 years of existence!" Sabay bati ng mga kapatid ko.

Nahihiya akong lumalapit kay Anselm dahil sa mga pinag ga gawa ko dito sa kanilang resort, pumayag siya na gamitin ang office niya para sa birthday ko.

"Happy birthday." Yumakap siya sa akin, humiwalay ako sa kanya pero ang kanang braso niya ay nasa balikat ko pa din.

"Thank you."

"You know what, your real celebration is on the beach. But I think you should change your shoes." Ani ni Anselm.

"OT ako ngayon kay Ms. Aurelle." Pag-aalala ko.

"Change is coming!" Sigaw ni Levi.

"Kasabwat si Ms. Aurelle dito." Ani ni Anselm.

"I'll just go to my room."

"No need." Binigay sa akin ni Hebe ang box ng brown gladiator sandals ko.

"Wow ready!" Puri ko sa kanila.

"Kami pa?" Sagot sa akin ni Axis na para bang proud na proud siya sa sarili niya.

"Let me help you with that." Ani ni Anselm ng umupo ako para isuot at itali sa legs ko ang tali ng sandals. 

"I can manage, thank you." Kahit pumayag siya na gawin ganito ang office niya naiilang pa din ako.

"It's Iris day today." Wala na akong masabi ng bumababa siya at naka luhod ang isa niyang tuhod. Binigay ko ang kaliwang paa ko at sinimulan niya itali ang legs ko ng gladiator.

Tumabi sa akin si Ngaire at siniko ako. "Akala mo hindi ko malalaman na birthday mo ngayon ha."

"Alam mo na pala. Since?"

"After kang mapagalitan ni Sir Anselm?" Bulong niya. Siguro para hindi marinig ng magulang ko at ng mga kapatid ko. Kung alam lang niya bilang pa ang mga nagawa kong tama, ang mali ko baka negative na ang bilang.

"Actually, yung panonood natin ng Upside Down kagabi ay kasama sa plano. Para may ma excuse ako sa iyo na kailangan natin pumunta dito."

 "The other foot please." Sinuot ko ang kanang paa ko sa gladiator at sinimulan niya itong ikutin sa legs ko. 

"Kasabwat din si Ms. Aurelle sa pag-aaya niya sa iyo mag OT."

"Pati pag sabi niya sa akin ng haggard scripted iyon?" Tumango siya at tumawa. 

Tumingin ako kay Anselm na naka angat ang tingin sa akin habang tinatali ang sandals ko at naka ngisi.

"You got me there, people."

https://youtu.be/ScjT8zvT7d0

Pababa lang kami sa beach, naririnig ko na ang Starving ni Hailee Steinfeld. May isang malaking puting tent na may ilaw sa loob at mga round tables at isang mahaba na table. Andoon din si Kuya Ronan, Kuya Gibson, Ms. Verna at Kuya Caius. Naghanap pa ako ng pwedeng andito na ka kilala ko.

"Yes." Nang nakita wala si Sienna. Minsan kasing nabanggit ni Sienna kay Anselm habang sabay na naman kami nag di dinner na magka kilala kami. Medyo nalungkot ako ng wala ang mga kaibigan ko sa Metro Manila.

Kasama namin ng pamilya ko si Anselm at ang pamilya niya dito sa mahabang kainan. 

"Buti pumayag ka mag overtime." Ani ni Hebe.

"Ang lungkot naman wala kayo ngayon birthday ko, edi pumayag na ako."

"Supposedly dito talaga sa beach ka namin i su surprise. But kuya Anselm refused." Turo ni Olga sa kanya at lumingon ako sa kanya.

"Thank you." Pagpapa salamat ko muli.

"And he volunteered his office." Lingon ko kay Cady.

Isa isa sa amin sinerved ng waiter ang pagkain, at lahat ay paborito ko from appetizer to dessert.

"I want to make it up to you." Bulong ni Anselm habang naglalagay ako ng plastic gloves sa kaliwang kamay ko para sa Buffalo wings.

"Ayos lang nakalimutan ko na nga din nung araw na iyon." Ngiti ko sabay kagat sa buffalo wings.

"Bakit hindi mo ako kinakausap o tumitingin man lang sa akin pag nagkaka salubong tayo?" Tanong niya sa nag ta tampo na boses.

"Walang ice cream?" Tanong ni Zion.

"Meron, mamaya na tatawagin natin yung waiter." Sagot sa kanya ni Mommy.

Lumunok ako bago siya sinagot "Kasi po ang awkward at malay ko ba na okay na pala ako sa iyo."

"May I have your attention please?" Nagulat ako na nasa harap na si Olga. "Thank you." Ani niya ng tumahimik ang mga tao. Bumukas ang projector at nakita na tumatawag si Tatiana sa akin though Skype. Pinindot ni Olga ang answer sa laptop.

"Iris, happy birthday! Naririnig ba ako?"

"Yes, my friend." 

"Uhm, ilang araw na lang uuwi ka na din ng Metro Manila, sleepover ka sa amin. Tita, tito pwede po ba?" Lumingon ako kay Mommy at Daddy habang naka ngiti. "Okay, alam ko naman po na hindi niyo siya papayagan dahil ilang buwan po siya nawala sa inyo. Kaya ako na lang po ang mag papaalam na kung pwede matulog sa inyo." Mas lalo siyang natawa.

"Nag paalam ka na ba sa parents mo?" Tanong ni Mommy sa kanya.

"Ay opo may pyjama na nga po akong susuotin." Tawanan ang mga andito.

"Nice, ready." Comment ko.

"Ayun happy birthday ulit. Tiyaka Kuya Anselm thank you na talagang hinanap mo pa ako sa fb para lang i message ako na tumawag ngayon gabi dahil nga may celebration si Iris.

"Dapat kasi ako ang huli niyong pinatawag para mas mahabang kwentuhan. Why I forgot to refuse?" Reklamo niya.

"Ikaw na nga ang una lahat ng kaibigan niya nag uunahan kung sino ang unang tatawag." Reklamo naman sa kanya ni Olga at lahat kami nag tawanan kasama si Tatiana.

 "Save the best for last nga diba? So, Happy Iris Day! I love you, enjoy your day."

"I love you too."

Nawala siya at sunod ko naman nakita ay tumatawag si Ainara.

"Birthday mo din?" Tanong sa kanya ni Axis ng nakitang naka make up ito na mukhang fresh pa.

"Dinaig mo pa ako, naka lipstick nga lang ako. At talagang nagpa gupit ka pa." Ang buhok niya ngayon ay chin length na dati waist length.

"Excuse me? Nung isang araw pa ako nag pa gupit at tiyaka para maganda ako. Sabi kasi ni Kuya Anselm na ilalabas ang mukha ko sa malaking projector."

"Ano ito 3D?"

"Pagbibigyan kita sa pambabara mo sa akin ngayon dahil birthday mo. Humanda ka sa akin pag balik mo." Tawa niya.

"Mommy, Daddy." Kunwaring pag su sumbong ko.

"Joke lang ito naman. Ito na talaga. So happy birthday. Good luck diyan sa OJT mo at malapit ka ng ma stress dahil jusko yung mga high school dito sa school natin ma u ubos ang pasenysa mo. Alam mo bang minalat pa ako mabuti na lang umokay na. Ayan napa kwento ako. Ingat ka palagi. God Bless and I love you."

"I love you too."

"Ang tagal niyo naman mag usap." Reklamo ni Ebony pag labas ng mukha niya.

"It's that the new hello?" Tanong ko sa kanya.

"Biro lang. Pero seryoso ang tagal talaga." Natawa ang mga tao sa kanya at ang iba ay napa iling din. "Kamusta ka naman diyan?"

"Ayos lang naman."

"Ay mali, dapat pala sila ang tinanong ko." Inirapan ko siya habang siya ay tumatawa. Andito pa naman sila Tita Aliyah, baka mahalata nila na mahirap ako pakisamahan. Ano sasabihin sa akin nun? Baka hindi nila ako magustuhan para sa anak nila. Ang dami pa naman mga awards ni Anselm, tapos ako makikita nila ang rewards ko  lang ay sa mga swimming competitions ko. Anyway, I'm still proud of myself. Pinaghirapan ko kaya ang mga yun.

Baka nga din alam na niya dahil si Mommy na best friend niya ay walang preno ang bibig pag nagku kwentuhan sila.

"Next year ga graduate na tayo. Makaka punta na din tayo ng Africa. Alam mo na hindi payag ang parents ko kaya sariling pera ko gagamitin para pumunta doon." Gustong gusto talaga niya pumunta doon. "Sige ituloy mo na ang kinakain mo. Happy birthday, I love you."

"I love you too."

Matapos ang kainan ay pina blow nila sa akin ang twenty candles. Doon nag simula ang after party. Ang mga parents namin ni Anselm ay ngayon umi inom, habang ang mga kapatid ko ay sumasayaw sa buhanginan kasabay ng music ng DJ. 

"Thank you." Yumakap ako kay Anselm at parang nawala na ang barrier sa aming dalawa.

"Malakas ka sa akin." 

Kumalas kami sa pagkaka yakap sa isa't isa. Pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila at naki sayaw kaming dalawa sa mga kapatid ko. 

******

Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)

Love,

Julie II








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro