Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Perspective

10 January 2017

Hi Ate Eli, Ate Ej, ano ba gusto mo tawag ko sayo? Lol. So, this chapter is for you. Have a nice day! :)

************

Chapter XIV

"Iris, I'm going to Belize. I want you to behave, follow all the rules." Sino ba kasi nag pa simuno ng mga rules na yan? Parang nakaka wala ng freedom.

"For the business or vacation?"

"Vacation. I'm going to skydive at the Great Blue Hole." Gusto ko din. Sana sinama niya ako, sumama sama siya amin magka kapatid. Well, I liked that too.

"License ka?"

"Yes."

"Aren't you afraid?"

"I'm crazy if I'm not."

"Then, I can say you're brave."

"Thank you. You want to try?" He smiled.

"I'm afraid."

"That's normal to be afraid of the heights. The Svetlana is planning to have a skydive and ang landing sa may buhangin or pwede din sa dagat. Depende kung saan gusto ng mag ska sky dive."

"When?"

"Proposal pa lang. Kung gusto mo mag Skydive meron sa Pampanga mas malapit sa inyo."

Isang linggo mawawala si Anselm, bago mag birthday ko ay andito na siya. By late August tapos na ako sa internship ko. Binigyan ako ng spare key ni Anselm sa office niya para pag may kailangan daw ako.

Pangalawang araw na wala si Anselm at pangalawang araw na din ako naiinip sa trabaho ko, wala akong ginawa kundi panoorin ang mga luma langgoy. Nag paalam ako na kukuha lang ako ng tinapay  hindi naman bawal dito na kumain, bawal nga lang mag cellphone at mag swimming.  Ang totoo ko talagang gagawin ay pumunta sa office ni Anselm. 

Kahit wala siya naka bukas pa din ang aircon, pag wala pala siya every other day ang pag li linis ng janitor sa office niya. Napa lingon ako sa pinto na kung saan may kainan at sa loob din nun may isa pang pinto. Curious ako na kung ano ang meron doon.

Hindi naman ako hahawak ng mga gamit at siguro hindi din naman ako makakasuhan ng trespassing dahil binigyan nga niya ako ng spare key. Nagulat ako na bukas ang pinto, siguro hindi niya ito ni lock para pag may kukunin ako at sa tingin ko wala din naman mawawala, dahil kung meron i se secure niya itong maigi at kahit sa akin hindi niya ako bibigyan ng spare key. Hindi ko naman sinasabi na hindi dapat ako pagka tiwalaan pero mas maigi na din nag iingat.

Naka pasok ako sa isang kwarto na puro awards niya. Nakita ko din yung certification niya ng sky diving. Nag nursery hanggang high school siya sa Xavier School, doon din nag aral ang mga kapatid kong lalaki, ngayon si Zion na lang na nasa high school.  I wonder kung nagkikita sila doon? Graduate naman siya ng Business Administration sa Treston. Madami na siyang achievements mula pa lang elementary, talagang competitive na din siya.

Inaya ko ang dalawang lifeguard na mag swimming ngunit hindi sila pumayag, ayaw daw nila lumabag sa rules at baka mapatalsik pa sila. Wala naman nalulunod kaya parang wala ka din ginagawa, tunganga ka for 10 hours ang pahinga mo lang pag break time.

Lunch break ay pinapa alis ang mga tao sa pool dahil walang mag ba bantay na lifeguard at ipinipabalik ng ala una. Pinauna ko na sila Kuya Gibson at ako nahuli dahil may kukunin ako sa locker. Chineck ko ulit ang pool nanlaki ang mata ko ng may babae na nalulunod, sa tingin ko mas malaki siya sa akin dahil ang athletic ng katawan niya sa balikat pa lang kita na.

Chineck naman namin kanina na wala na nag su swimming dito. Nagulat ako sa sumigaw at halos maiyak yung Nanay niya sa akin na sagipin ko. Umiling iling ako dahil hindi ko siya kayang sagipin. Tumawag siya ng ibang tulong.

"Yan na ba ang bagong job description ng lifeguard ngayon? Panoorin lang ang nalulunod?" Sigaw niya sa akin.

Hindi niya naiintindihan mas malaki sa akin ang babae, kung sasagipin ko siya ngayon mas lalo lang siya malulunod at masasama pa ako. Kaya hihintayin ko siya mawalan ng lakas at doon siya lalapitan.

"Ire reklamo kita!" Sigaw sa akin ng nanay at umalis na sila sa pool habang naka balot ang anak niya sa bathrobe.

"Hindi niyo ba nakita na mas malaki ang anak niyo sa akin?" Pahabol ko.

"Anong ibig sabihin mo doon?" Pasugod siya. Uunahin niya pa maki pag away sa akin kaysa asikasuhin ang anak niya?

"Mommy!" Sigaw ng anak niya at halos maubo na.

"Kailangan mapa tanggal ka dito, wala kang kwentang lifeguard!" Tiyaka niya ako tinalikuran.

Sa isip isipan ko muntikan na nga niya makalimutan ang anak niya. Ako may rason ako. Eh siya?

Napagalitan din ako nila Kuya Gibson sana daw tinawag ko sila. Pag kita ko nalulunod yung babae wala pang limang segundo humingi na ng tulong yung nanay niya at agad din naman na dumami yung tao, kaya wala din.

Kinausap na ako ng mga ibang empleyado dito, hihintayin muna nila maka balik si Anselm bago ako tuluyan ma terminate. Binigyan lang nila ako ng suspension at sa pag balik ni Anselm doon lang malalaman kung babalik pa ba ako sa trabaho.

Kinagabihan ay tumawag si Mommy ng video call mukhang alam ko na kung bakit dahil magsisigawan kaya hindi niya ako tinawagan sa telepono, nagulat ako ng video conference pala ito. Kasama si Daddy at ang mga nakaka tanda kong kapatid.

"Iris, ano itong nabalitaan ko kay Aliyah na may sinagot sagot ka daw na customer nila?" Malamig na tanong niya.

"Of course not, I just explained myself." Depensa ko.

"Ayun na nga."

"Bakit tumunganga ka lang doon?" Tanong ni Daddy.

"Kung makikita niyo lang pag nilapitan ko siya baka nga ako pa unang malunod. Oh ano mangyayari? Edi wala lunod kaming dalawa at isa pa patawag pa lang ako ng tulong ay dumating na ang nanay niya..." Pinaliwanag ko sa kanila ang lahat lahat.

"Sana kasi nanahimik ka na lang." Irap ni Olga.

"Salamat sa payo mo at mukhang napag daanan mo yung pinag daanan ko kanina. Wag ka mag salita dahil nag paliwanag na ako hindi mo pa din ma gets? I thought you were smart? Wait, you're just smart in school."

"What did you just tell me!?"

"Beauty and brains without a heart?"

"Olga, Iris!" Saway ni Daddy.

"I need to explain myself and especially fight for myself. Mali nga siguro na hindi ko sinagip yung babae, sasagipin ko naman siya pag nawalan na siya ng lakas."

"Sasagipin mo siya kung kailan patay na siya? Ganon?" What the heck!? Don't tell me.

"Hindi sa ganon. Pinaliwanag ko na kanina kasi. Mali ba na unahin ko ilagtas ang sarili ko?" Pinunasan ko ang luhang tumulo.

"Lifeguard ka nga diba?" Sigaw sa akin ni Olga.

"Ano ba akala mo sa lifeguard na gustong may malunod para lang may magawa kami? Kasi ang madalas ko lang naman gawin doon panoorin ang mag su swimming. Bumalik lang ako sa pool dahil nag-ayos ako ng gamit sa locker ko. Alam namin na lumabas na lahat ng tao then, ayan meron pa pala."

"Sige na okay na, that's enough." Pag hi hinto ni Daddy sa usapan.

"Mom, please tell Tita Aliyah." Maiyak iyak kong sabi. "They didn't give me the chance to explain myself. Kaya ito suspended ako. Pinandigan talaga nila ang customer is always right. What a manager?"

"You take a rest. I'll talk to her after this." Tumango ako at pinatay ang tawag.

Is it really wrong to follow what you believe in? Or it's just they set only for the things that they want and others perspective will always be wrong?

*****

Thank you for your time, have a nice day! :)

Love,

Julie II

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro