Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One of the goddesses of the sea

25 October 2016

************

Chapter III

Ininvite ni Mommy ang mga kaibigan niya kahit hindi ko naman kilala ang iba, pati na din ang Giron family para sa Quincenera ko. Si Tita Aliyah at ang asawa lang niya ang dumating. Ang tatlo nilang anak na lalaki kasama doon si Anselm ay nasa South Africa.

Nag announce na ang emcee na oras na para sa after party. Tinanggal ko ang heels ko at lumapit sa table ng mga kapatid ko.

"Tara doon tayo sa dance floor." Aya ko sa kanila.

Ang mga babae kong kapatid nag si tanggal ng mga heels nila at ngayon naka yapak na. Hinila ko si Cady at hinila naman ni Cady si Elly hanggang sa lahat ng mga kapatid ko ay nahila na. Pumabilog kami sa dance floor at nag simulang umikot sa una mabagal lang hanggang sa bumilis na.

"My gown is heavy." Feeling ko malalaglag ang gown ko.

Tumigil kami sa pag ikot at sumayaw na lang kami magka kapatid ng kung ano ano sa dance floor.

Nag sweet sixteen ako si Tita Aliyah lang ang dumating. Sana ngayon darating na 18th birthday ko maka sama na siya.

Sa Nacpan beach sa El Nido ko napili mag photoshoot  at dahil din nakuha ang pangalan ko kay Iris na goddess of rainbow and one of the goddesses of sky and the sea, kailangan ko ng tubig at dagat since ang theme din ng debut ko ay mythology, historical something like that.

We all long for that one thing

A life that's worth living

And tonight there'll be a reckoning

I am ready

Are you with me?

And we ride into the limelight

And we shine in our own right

And we'll fight for the good life

May our voices carry a wind of change

"May background music pa talaga invitation mo, yung iba may amoy lang." Musical invitation ang pinagawa ko kahit hindi naman Grammys or anything about sa music ang theme ng 18th birthday ko.

"White lang talaga ang pwedeng suotin ng babae? At kailangan formal pa?" Sabi ko na nga ba mag ga ganyan si Ebony. Mahilig siya mga dark colors at hindi siya mahilig sa light lalo na ang White. May pagka boyish din siya.

"Oo at pumunta ka ha. Malapit ka lang naman sa Oasis."

"Wala kang napiling escort sa mga nag volunteer?" Tanong ni Ainara.

Umiling ako. Gwapo naman sila sadyang loyal kasi ako kay Anselm kahit wala kaming assurance. Naisip ko din na gawin siyang escort para wala siyang excuse na hindi maka punta sa birthday ko, pero hindi ko ginawa, hindi dahil baka feeling close ako, gusto ko ako lang sa grand entrance at ako lang din ang nasa harap, mukha kayang kasal pag dalawa kayo ang nasa harapan.

Si Ebony at Ainara ang mga kaibigan ko ngayon college. Kumukuha kami ng education major in Physical Education.

"Ano kulay ng gown mo?" Isa pang tanong ni Ainara.

"Secret. Malalaman niyo naman sa mismong birthday party ko."

"Anong araw itong August 10?" Binuksan ni Ebony ang kanyang cellphone siguro para tignan ang calendar.

"Thursday." Sagot ko sa kanya.

August 10 ang mismong araw ng birthday ko. Gusto pa nga gawin nila Mommy na Saturday, syempre hindi ako pumayag kahit ba August ang birth month ko, iba pa din pag yung mismong araw mo i ce celebrate.

Masaya ako na nakita ko si Anselm na papasok sa venue. Hindi nila ako nakita dahil tinatago ako ngayon. Pink ang gown na suot ko ruffles ito, at sa likod may naka dikit din na gold na malaking pakpak. Ginawang round curls ang mahaba kong buhok.

Kasabay ng music sa LCD ay ang pag pasok ko mamaya. Pinapakita muna ang teaser ng debut ko sa mga bisita.

Umupo na ako sa litter na walang bubong kung saan ako bubuhatin ng apat na lalaki para sa grand entrance hinihintay na lang namin ang signal.

Naririnig ko din ang emcee na nagku kwento kung sino ako at ano ako. "The goddess, Iris C. Fidel." Binuksan na ang pintuan at buhat ako sa taas ng balikat ng mga lalaki habang naka upo ako sa litter.

Nakuha ko ang idea para sa grand entrance ko ay sa mga servants na binubuhat ang pharaoh. Yung tugtog sa invitation ko ay ganun din ang background music ng grand entrance ko.

Naka line up na ang mga 18 Torches ko tig 9 sa magkabilang gilid ng red carpet habang umi entrance ako. Pinagmasdan ko naman ang mga dekorasyon na kulay rainbow at ang mga guests na sinunod naman ang gusto ko, ang mga babae naka white dress at ang mga lalaki naka v neck shirt na puti sa loob na kanilang suit. Pumalakpak sila.

Naka rating kami sa dulo ay ibinababa nila ako at umupo ako sa swing. Hanggang sa "And we ride into the limelight" lang na lyric at iniba na ang tugtog para sa 18 Torches ko. Una nag salita si Mommy.

"I want for you are the best of the best. Kami ng Daddy mo yun ang gusto namin para sayo. Kaya sana naman ngayon 18 ka na, malaki ka na, matuto ka ng sumunod sa amin ng Daddy mo-"

"Mommy, is that your wish for me or your wish for yourself?"

Nag si tawanan ang mga bisita at si Mommy nakita ko na natawa din, pero umi iling. "Both. I love you. Happy Birthday, Babe." Kiniss ako ni Mommy sa cheeks at niyakap ako.

Sunod si Cady na pinaka close ko sa mga kapatid ko.

"Remember this, I am one of your number one supporters. I chi cheer kita nangunguna man, pumapangalawa o kahit nahuhuli pa lalo na sa swimming competition mo. Ang dami mo ng nauwing medals, gold, silver, bronze. Pag nalugi yung business pwede natin siguro ibenta?" Tinaasan ko siya ng kilay, habang yung iba naman tumatawa hindi rin naman nag tagal ang pag taas ko ng kilay niya dahil napa ngiti na din ako.

"I was just joking, Ate. Alam ko naman na importante sa iyo ang mga yun, kahit ano gagawin mo maka balik ka lang sa swimming. Ikaw nga si Iris diba the one of the goddesses of the sea?" Kumaway kaway ako sa mga bisita.

"Si Iris yan eh!" Sigaw ng mga kapatid ko.

Happy Birthday, I love you, Ate!" Yumakap siya sa akin na napaka higpit to the point na hindi na ko maka hinga, bago siya kumalas ay kiniss niya muna ang pisngi ko.

Sumunod ang lima kong kapatid na babae si Olga at Hebe na mga ate ko ang wish para sa akin ay gaya din ng sinabi sa akin ni Mommy. Ang mga naka ba bata kong kapatid na sina Elly, Nola at Bria ay gaya ng sinabi din ni Cady.

Ang mga winish ng iba sa akin ay madamihan ko pa ang mga ma inspire ko, makita nila kung sino talaga ako at maintindihan ako ng mga ibang tao, at lovelife. Sa tingin ko malapit na nararamdaman ko.

Lumapit sila sa parang Olympic flame at doon nila nilagay ang apoy galing sa mga torch nila. Pinicturan muna ako kasama ang mga 18 Torches. Nakuha ko ang idea sa Olympics, dahil sa Greece unang ginanap ang Olympics.

Binigay sa akin ni Zion ang isang Peony, siya ang first dance ko. 11 years old na siya at mag kasing tangkad na din kami sa height na 5'4. Sunod si Levi at ang pangatlo ay si Axis. Ang pinaka huli ko naman ang Daddy ko.

Ang Peony ang pinaka paborito kong bulaklak kaya ginawa kong 18 Peonies. Pinicturan muna ko kasama ang mga lalaki sa program ng 18 Peonies at binuhat nila ko ng bearer alongside carry.

Pumwesto ako sa table ng mga kapatid ko para sumabay sa kain, matapos kong magpa picture sa mga guest. Habang kumakain kami pinapakita ang mga previous years ko mula sa ultrasound, hanggang sa teaser ng debut ko. May video din sila pinakita na nakiki pag laro ako sa mga kapatid ko at may mga away din doon at syempre hindi mawawala ang videos ko ng swimming competitions.

Nag pa hinga lang ako sandali at umikot na para maka musta ang mga kaibigan ko.

"Tatiana, he's here."

"Anselm? Where is he?"

Hinila ko siya para maka lapit kami sa table nila Anselm, kunwari dumadaan lang kami.

"The one with the cleft chin." Hindi ko na natanggal ang tingin ko kay Anselm lalo na sa cleft chin niya.

"Ah. Oo nga gwapo."

"Mag hanap ka ng iba mo."

"Masama na ba pumuri ngayon? Ilan taon na yan?"

Sa ilang taon kong pagiging unpaid private investigator, nalaman ko na din ang birthday niya. "25"

"25? Mamaya may asawa na yan."

"Wala yan asawa kung may asawa yan dapat kasama siya."

"Malay mo taken."

Hindi naman siya in a relationship sa Facebook at wala akong makitang sign na taken siya.

"Hindi din, kasi dapat kasama din siya."

"Baka naman lalaki din ang gusto."

"Tatiana, malay mo diba kami ang meant to be. Bata pa kasi ako kaya hindi pa nangyayari ang mangyayari."

"Ngayon ko lang nalaman na fortune teller ka na pala."

Pumunta kami sa photobooth ni Tatiana at nagpa picture din ako sa mga ibang kaibigan ko. Lumapit sa akin si Ate Annette para maka pag bihis ako ng 2nd gown ko, bago yun hinila ko muna siya sa photobooth para maka pag pa picture kami. 

Mermaid ang style ng gown ko at color light apricot, wala na din akong pakpak. I'm a mermaid now.

Bumalik ako sa swing na inu upuan ko ng mapansin kong wala ang mga kapatid ko sa mga table nila. Iginala ko ang paningin ko sa bawat parte ng venue, pero wala ako makita ni anino nila. Madaya, hindi ako sinama. Saan kaya sila nag punta?

Sumasabay ako sa kanta ng biglang naging Under Pressure (Ice ice baby) ang tugtog. 

Kasabay ng intro ang pag pasok ng mga kapatid ko habang naka pila at may suot na maskara na mukha ko. Iba iba ang itsura ko sa maskara na suot nila, may naka ngiti, naka wacky, naka simangot, naka pout or emotionless.

Tinanggal nila ang maskara at binigay sa akin bago pumunta sa kani kanilang pwesto para mag simulang sumayaw.

Hindi ko inexpect na si Olga at Hebe sasakay sa ganyan, dahil hindi sila mahilig sumayaw. Para kay Olga kalokohan ang ganyan si Hebe naman ay sadyang mahinhin

 Ang mga babae kong kapatid nag palit sa white v neck na shirt at jagger pants ang mga lalaki naman hindi na, inalis lang ang kanilang suit.

"I will never do this again." Umi iling iling si Olga matapos nilang sumayaw.

"How about on my 18th birthday?" Reklamo agad ni Cady.

"Ano, gusto mo ganito din? Edi hindi na surprise." 

"Thank you, guys. Alam ko naman talaga love na love niyo ko." Nag group hug kami ng mga kapatid ko.

Sinuot muli nila ang maskara na may mga mukha ko para maka pag pa picture kami ng mga kapatid ko sa photographer.

Matapos kong magpa salamat sa mga bisita ay nag simula na ang after party. Ni request ko sa dj na itugtog ang Into the Limelight ng Trivecta. It is my favorite song kaya nga ito ang napili kong kanta for my invitation and grand entrance.

https://youtu.be/nWtSgg-yQJQ

 Gaya din ng dati inaya ko sila sa dancefloor, naka yapak kaming lahat, pumabilog at nag simula umikot mula sa mabagal hanggang sa bumilis.

Hindi pa pala kami nakaka pag photobooth ng mga kapatid ko, mga magulang ko at ang buong kami kaya inaya ko sila na pumunta.

 Matapos ang picturan sa photobooth lumapit sa akin si Anselm mabuti na lang napigilan ko ang pag ngiti ko.

"Picture naman tayo. Wala pa akong picture sa celebrant." 

Gusto mo ba ng remembrance kasama ako? 

*****

Thank you for your time

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro