Official
1 August 2017
******
Chapter XLIII
I kissed him on his cheek bago ako bumaba ng sasakyan niya. Pinilit ko siya na wag na ako ihatid dahil baka gabihin pa siya dahil rush hour na at mabuti napilit ko din siya.
Kumpleto ang pamilya ko ng dumating ako. Ano meron? Wala, minsan kailangan lang namin dalawin o matulog sa isa pa naming bahay.
Naka ready na ang pyrex plates, knives and forks, and table napkins. Sabay sabay kaming umupo sa mga kanya kanya naming designated seat.
"Sumabay na kayo sa amin." Ani ni Mommy sa mga kasama namin dito sa bahay.
"Tawagin niyo na sila." Bilin naman ni Daddy.
"Hindi na po, Ma'am/Sir nakaka hiya."
"Ate Annette, minsan lang ito. Come on, sit beside Nola." Tinawag muna niya yung iba bago sila sumabay sa amin kumain.
Kinamusta sila ni Daddy kung ayos lang ba sila dito, kung tama ba ang pagpapa sweldo ng mga magulang ko sa kanila.
"Sir, hindi naman ako mag ta tagal dito kung hindi maayos ang pamilya niyo sa akin lalo na napa mahal na din ako sa pamilya niyo lalo na dito kay Iris." Ngiti ni Ate Annette.
"See, Daddy, ang bait ko kaya. Hindi mo lang nakikita kasi may favoritism ka." I confronted him.
"Iris, I don't have favoritism. I love you as Iris, as who you are and my love for you is different from your siblings. Mga anak mahal ko kayo sa iba't ibang paraan kasi hindi naman kayo pare parehas, iba iba ang gusto ninyo."
"Don't worry, Daddy. Tanggap ko naman kung hindi ako ang favorite mo and the most important thing is you love me beyond measure. Basta, ako lang Iris mo ha."
"Of course." Tumayo si Daddy at lumapit sa akin para yakapin ako at hinalikan sa ulo. "I love you."
"I love you too."
Lumapit din siya sa mga kapatid ko, niyakap, hinalikan sa tuktok ng ulo. It's nice to feel this again just like we were kids. Not that hindi na talaga ginagawa sa amin ito ni Daddy, but this time I think hindi nakaka ilang, not just because we're not kids anymore.
I spent my weekdays with my family, nasa bahay lang kami, nag movie marathon at nag board games kagaya ng ginagawa namin before nung mga bata pa kami. Sinet aside muna namin yung works namin para maka pag bonding.
Pag dating ng Monday dumiretso na ako sa school na kung saan ako nag tu turo, ang mga kapatid ko naman na nag-aaral pa ay dumiretso sa kani kanilang eskwelahan, ang mga kapatid ko na nag ta trabaho na ay kasama ng mga magulang namin sa New Beginning. I came from the family of doctors and here I am the black sheep.
Black sheep doesn't always mean bad or negative, it means you're different from everyone around you.
"Miss Iris, blooming po kayo." Puri sa akin ng babae kong estudyante na madaldal pero mabait naman.
"Thank you."
"In love na ata ulit si Ma'am. Yihee!"
"Miss Iris, sino yan? Pag sinaktan ka niyan sabihin mo sa akin at kami ang bahala."
"Thank you pero hindi mo na kailangan gawin yun." Ngiti ko.
"Mukhang sigurado na po kayo diyan."
"I hope so." I smiled.
"Ma'am, paano nangyari kwento ka naman?"
"Stop na. Alam ko yang style na yan, naging estudyante din ako. Kung ano ano tatanungin sa teacher para hindi maka pag lesson."
"Edi Ma'am, alam mo din yung style ng pag kopya?"
"Oo naman."
"Turuan mo kami, Ma'am, I share mo yung nalalaman mo."
Nagkaroon ng tawanan ang classroom dahil sa sinabi niya at ako din ay napa tawa niya. Binuksan ko ang libro kung saan ang topic namin.
"That's enough. Mag lesson na tayo para sa susunod pag tapos na tayo sa lessons natin for this quarter hahayaan ko kayo sa gusto niyong gawin." Madalas kong promise ang ganito sa mga estudyante ko, as long as matatapos namin ng maaga.
"Oo nga mag-aral kayo. Hindi kayo nahihiya sa mga nag papa aral sa inyo."
"Wag kami!" Sigaw ng mga kaklase niya.
"Lagi ka ngang absent."
"Cutting pa."
Nag ma maneho ako ngayon papauntang airport dahil dadalhin ihahatid ko si Anselm. Mag s skydive daw ulit sila sa Belize ng mga ka skydivers niya.
"Di mo naman sinabi sa akin na aalis ka." Kunwaring pag ta tampo ko.
"Biglaan lang din."
"Kaya biglaan din ang pag de desisyon mo?"
"Next time, I'll bring you there and I'll show you the Great Blue Hole while we're parachuting and that's official."
"And that time may license na ako."
"Sa sembreak we'll go to Panglao para ma train na kita."
I can't wait for that day to come. And no I won't count the days, dahil pag ginawa ko iyon mas babagal lang ang oras.
Hindi na ako nag parking dahil tama lang din naman ang pag dating namin doon, para sa pag check in ng luggage niya, pag bayad ng travel tax at ang immigration.
"Hanggang kailan ka doon?" Tanong ko habang binababa niya ang mga gamit niya.
"You will miss me?" Yabang!
"No! Tinatanong ko kasi umaasa ako na mag ta tagal ka doon."
"Just 3 days."
"3 days?" Tumango siya. "Wag mo ka kalimutan na may girlfriend ka dito."
"Girlfriend?" I nod my head. "Tayo na? Official?"
"Yep. Para hindi ka na mag hanap doon, baka sabihin mo pwede ka pa mag hanap dahil hindi pa kita sinasagot, kaya ito I'm your girlfriend na."
"Para ka naman napilitan." Hindi naman ako napilitan pakipot lang talaga ako nung una.
Niyakap niya ko ng mahigpit na hindi na ako maka hinga. Lumayo siya sa akin at onti onti niya nilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa nag dikit na ang mga labi namin. Sandaling halik lang iyon pero parang nawala lahat maliban sa aming dalawa.
"Ano gusto mong tawagan natin?"
"I only like to call you Anselm, that is more special." I smiled.
"Oo nga noh. Akalain mo nakaka pag isip ka pala ng tama?" Tawa niya.
"Umalis ka na baka ma late ka pa sa flight mo." Tulak ko sa kanya.
"I love you." He waved and I gave him a flying kiss na sinalo niya.
Weird. He used to be the serious type tapos papatulan yung pag ganon ko? Maybe that's what love is nagagawa yung mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin or sa tingin mo hindi tama. Well, they say love is the most powerful thing in the world and I agreed with that.
******
Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro