My Pearl
11 July 2017
*****
Chapter XL
This will be the new beginning for me. Three months had already passed. Nagkaka mabutihan na kami ni Anselm mas nakikilala na namin ang isa't isa. Naabutan ko ang ma i ingay na second year na klase ko ngayon kinatok ko ang pinto nila para malaman na nila andito na ako.
"Uy andito na si Miss Iris umayos na kayo." Bilin ng lalaki kong estudyante sa mga kaklase niya.
"Class, sa AVR tayo, bring your things with you. I don't want to hear any noise habang papunta tayo doon."
"Aye aye, Miss Iris." They answered in chorus.
Hindi ko na sila pina gamit ng elevator dahil may limit lang ang pwedeng sumakay at sobra kami doon. Hindi din naman mahirap kasi pababa naman kami. Binuksan ko ang pintuan at pinauna silang pumasok. Lumapit ako sa laptop na naka ready na, at isinaksak ang external.
"Friends with Benefits!"
"Love & Other Drugs!"
"No Strings Attached!"
"Fifty Shades!"
"I Spit on Your Grave!"
Hindi ko pinansin ang mga suggestions ng mga lalaki kong estudyante. Pinlay ko ang Chasing Mavericks at umakyat na, sa unang row ng lazy boy ako umupo. Yes, naka lazy boy ang mga upuan dito sa AVR.
Naririnig ko na ang mga pagkain nila kaya lumingon ako. "Class, after this bring your trash with you."
"Aye aye, Ma'am!"
"Ma'am, gusto niyo?" Alok ng estudyante kong lalaki. Na sa balikat ko na ang plastic ng Tostillas.
"No, thanks." Ngumiti ako dahil meron din naman akong dala.
Naka tingin lang ako sa movie pero hindi ko maiwasan marinig ang pag kagat at pag nguya nila. Kinuha ko na din sa bag ko ang Tostillas na dala ko. Kumuha ako ng isa pag bukas ko at inalok ang estudyante kong babae na mahiyain. She shook her head with the shy smile.
Itong panonood namin ng movie ay para sa kanilang magiging project. Binuksan ko ang ilaw ng mag time na.
"Let's continue watching next meeting. Guys, yung mga plastic ng pinag kainan niyo, please paki dala. Nasa labas naman na agad yung trash bin." Pinauna ko sila lumabas at ni lock na ang AVR.
Dumiretso ako sa faculty, hinayaan ko na sila kung saan sila pupunta dahil lunch time naman na. Nilagay ko muna ang mga gamit ko sa table bago lumapit kay Ainara para ayain kumain.
"Iris, wala akong nagustuhan na ulam dito."
"Tara fast food tayo." Lumabas kami ng cafeteria ng school at sa tapat ng school meron malapit na fast food at may isang malapit din na mall. Sa McDo ang naging final decision namin para mag lunch.
"Pati shake shake fries, BBQ." Habol ko sa aking order.
Scroll lang ako ng scroll sa newsfeed ng aking facebook hanggang sa nakita ko na may bagong new friend si Phoenix. Ngayon ko lang ulit siya nakita sa feed ko kahit na hindi ko naman siya inunfriend or inunfollow at mas lalong hindi ko siya binlock. I guess ngayon lang ulit siya naging active at ang buong akala ko din siya mismo ang nag block sa akin or nag unfriend dahil hindi na nga siya lumalabas sa feed ko.
Dahil curious ako sa girl pati na din sa comments ng mga kaibigan ni Phoenix ay walang pag aalinlangan na pumunta ako sa timeline niya, hindi siya naka private kaya madali kong nakita. Sinaved ko ang isa niyang photo from her Dp para mapa kita sa mga gusto kong pag kwentuhan.
"Who's that?"
"Phoenix's new Facebook friend."
"May I see?" Nilapag niya ang order namin at kinuha niya sa akin ang cellphone ko.
Kinuha ko na ang Chicken Fillet, shake shake fries at coke. Sinalin ko ang fries sa paper bag at binuksan ang powder para malagay sa fries at shinake ito.
"She's also pretty, magka iba nga lang kayo ng ganda. Don't worry Iris mas pasok ka sa standards ko." Nag kibit balikat ako sa sinabi niya at nag simula ng kumain.
"Do you think that will be his new girlfriend?"
"Who knows? And besides you already have Anselm. So, move on."
"I had moved on, I just got curious."
"What-ever"
Sa lahat naging klase ko para sa ngayon araw na ito ay pinanonood ko lang sila ng Chasing Mavericks. Nag e expect na ako mag pa pasa sila pag malapit na ang deadline or sa mismong araw ng deadline. Gawain ko din yan nung nag-aaral pa ako. But, I'm still hoping na mas maaga ang pag pasa nila para hindi sabay sabay ang pag check ko.
"Iris?" Katok ni Ate Annette sa kwarto ko.
"Yes?" Lumapit ako sa pinto habang naka upo pa din sa swivel chair. Binuksan ko ang pintuan mag sa salita pa lang ako ng napansin ko na ang hawak niya.
"Kanino galing yan?"
"Hindi po sinabi." Kibit balikat niya.
Hindi naman ako bumili sa online, hindi din ako nagpa bili sa iba at mas lalong wala akong nabalitaan na may pag papadala sa akin na regalo. Surprise ba ito?
"May alam ka bang kaaway nina Mommy or Daddy?"
"Hindi ko alam kung ano pa nangyayaring hindi maganda sa pamilya niyo bukod sa ikaw ang sakit ng ulo nila." Tsk, ako na naman ang nakitang may mali dito. I know I'm the black sheep and I embrace it. You can't call it a family when there is no black sheep.
Wala naman akong kaaway, malabo naman gawin ito ng mga magulang ng isa estudyante ko, pinapasa ko naman sila kahit na talagang bagsak sila. Naging estudyante din kasi ako alam ko yung pakiramdam, tiyaka nakaka awa din ang mga magulang nila o yung mga nagpapa aral sa kanila. Sinasabi nga sa akin ng mga older siblings at parents ko na "Kaya hindi natuto yang mga estudyante dahil kinukunsinte." "Porket kasi di sila nag-aaral alam nilang papasa sila."
Tingin ko naman nasa choice talaga maka kuha ng edukasyon, pero kung ayaw nila or wala talaga sila pang aral ayos lang basta ba may diskarte sila na may saysay kung paano nila mabubuhay ang sarili nila o mabuhay nila ang dapat nilang buhayin. Hindi naman kasi lahat ng talent at passion nag si simula sa school. When people think about education it means school, university. But education also means teaching, training, guidance. And you can find that in anywhere else. Bakit ang daming successful, mayaman na hindi naman na katapos? Bakit may mga nag hi hirap pa din na naka tapos at yung iba may latin honors pa?
"Let's go to Patio." Mabilis akong lumabas at hinila siya kahit pababa ng hagdan.
"Dahan dahan naman. Bakit ba tayo pupunta doon? Uy, may niluluto ako baka masunog."
Binitawan ko lang ang kamay niya ng naka tayo na kami sa damuhan ng patio namin. "Can you call Kuya Aaden?"
"Hinihila mo ako dito yun lang pala gusto mo ipagawa sa akin?"
"It's not that. Hindi ko alam kung ano meron diyan mamaya may bomb pala. Magpa hukay tayo."
Nasapo niya ang noo niya at ngayon ko lang na realized na may mali pala sa ginawa ko ngayon. "Kung magpapa hukay ka baka nauna pang sumabog yan." That's what I thought.
"Hindi naman siguro yan bomba. Hindi tatanggap ng ganyan ang courier."
"Sabagay." Bubuksan ko na sana ng may maamoy ako.
"Ate Annette, may nasusunog. Can you smell that?"
"Yung niluluto ko!" Mabilis siyang tumakbo papasok sa loob at sumunod din ako agad.
Natigil kami ng nakita namin si Kuya Aaden na gumagamit ng fire extinguisher. Gumagana naman ang mga fire sprinkler. Umubo ubo pa siya matapos maapula ang apoy.
"Kuya Aaden, do you need water or brown paper bag?" Umiling siya at tumingin kay Ate Annette.
"Bakit mo iniwan yung niluluto mo?"
Walang masagot si Ate Annette kaya ako na mismo ang umako ng kasalanan. Mukhang dapat naman na pupuntahan niya lang ako sa kwarto ko dahil sa akala ko ayan ang nangyari.
"Sasabihin ba natin ito kayla ma'am at sir?" Tanong ni Kuya Aaden habang nag ma mop na si Ate Annette.
"Iris, it's your decision." Kaming tatlo lang ang andito hindi naman nag iwan ng ebidensya na nagka sunog dito sa kusina bukod sa nasunog ang niluluto.
Bumalik ulit ako sa kwarto para buksan ang pinadala sa akin na kung sino man. Isang bronze antique jewelry box na oblong ang shape. Isang pearl choker at mahabang kwintas na gawa din sa pearl ang laman nito. The jewelry box and the pearls are real. May napansin din akong papel.
My pearl
*******
Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)
Love,
Sui Generis
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro