Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Maho Beach

20 June 2017

********

Chapter XXXVII

"Gusto mo ba diyan ako matulog bukas?" Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Hindi naman. I'm okay. Thank you."

Matapos ang tawag namin ay humiga lang ako sa kama, nag isip kung bakit dumating kami sa puntong ito ni Phoenix hanggang sa naka tulog na lang ako at nagising ng 10 pm na pala at hindi pa ako nag di dinner.

Bumababa ako sa kitchen at nakitang may naka sulat sa medyo maliit na magnetic white board na naka lagay sa pinto ng ref.

Iris, favorite mong ulam ang pagkain. Kinakatok kita kanina sa kwarto mo walang sumasagot, kung masama ang pakiramdam mo wag mo kalimutan uminom ng gamot mag tanong ka na lang sa Mommy at Daddy mo kung ano ang mabisa. – Ate Annette.

Napa ngiti ako because I can still feel that I am loved. Ininit ko ang Afritada na nasa kalan para mas marap ito kung kakainin ko. Nag lagay na lang ako ng kanin sa plato namin  na square shape at ininit sa microwave.

"Ilalagay ko na sana yung mga pagkain sa ref akala ko hindi ka na baba. Napagod ka siguro kanina sa school." Tumango na lang ako dahil ayoko muna mag kwento sa kanila na wala na kami ni Phoenix.

"Iris, dahan dahan sa pagkain alam kong paborito mo iyan, wala ka ng ka agaw pwede mo ng ubusin ang ulam." Tawa niya.

Ganito talaga ako pagka malungkot mas maraming kinakain at lalo na paborito ko pa yung ulam.

"Ate Annette, thank you ha."

"Wala yun ikaw pa." Tumayo siya at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Ang laki na ng baby ko. Na miss kitang alagaan, hugasan ng pwet." Tawa niya

"Ate Annette, ano ba yan!? Kumakain ako!"

"Biro lang ito naman." Niyakap ko din siya at mas mahigpit na yakap ang ginawa ko sa kanya.

Nalaman ng mga magulang ko na naki pag break sa akin si Phoenix, dahil malapit na din ang Summer vacation nag hire sila ng private plane para maka punta ng Holland. Pupunta din daw kami Sint Marteen na gustong gusto ko puntahan dahil andoon ang Maho Beach. My dream beach destination!

Clearance na lang mga estudyante ang ginagawa ngayon sa school, pag napasa ko na ang grades nila pwede na ako mag bakasyon. Last week of March ang alis namin papuntang Netherlands.

Dahil ito na din ang huling klase ko sa kanila, isip bata na kung isip bata. But, I let them play tag. Hindi lang tatlong sections ang tinuturuan ko, maraming sections ako na hawak dahil nga first year and second year ang tinuturuan ko. 

Papuntang NAIA naka white sleeveless ruffle top ako, pag dating ko doon papatungan ko ng navy blue na v neck na sweater, naka high waist pants and boots na din ako ngayon.

Sa biyahe namin kwentuhan, panonood, maging laro ng pie face at uno ay ginawa namin. We even see the dawn and dusk outside the plane, of course.

Sa pag landing ng plane ay naka tingin lang ako sa bintana. For sure bukas pa mag si simula ang tour namin dahil gabi na. Dinner time, I think? Bumababa kami ng plane ay naramdaman ko ang lamig. Mabuti na lang nasa leather backpack ko ang sweater at pinatong ito. Ganon na din ang mga magulang at mga kapatid ko na mag simula na mag suot ng pan lamig nila para magkaroon ng init sa mga katawan.

Hila ng kanang kamay ko ang maleta, habang ang kaliwa ay may naka sabit na light violet kong trench coat kung sakaling ginawin pa ako. May naka abang sa amin na sasakyan na mag da dala sa amin sa hotel.

Nag half bath kami bago matulog. Hindi naman daw malamig sa St. Marteen dahil tropical place. Mabilis lang ako naka tulog dahil siguro pagod sa biyahe at tulog na talaga ang mga nasa Pilipinas.

Naka bike kaming lahat sa pag tu tour. Long red sweater dress ang sinuot ko, may sando naman ako sa loob at t-shirt, may warmer naman ang sweater ko sa loob, naka boots at sa loob high knee socks, leather gloves and floral head scarf. May dala din akong cat eye shades kung sakaling umaraw at nag lipstick ako ng red.

"Wow, old Hollywood glam!" Puri sa akin ni Axis.

"Senyora!" Tawag sa akin ni Bria.

Nag tagal kami sa Flower Field dahil mahilig si Mommy sa mga bulaklak. May isang lalaki na singkit, siguro Chinese, Korean or Japanese. Ilan beses pabalik balik para siguro mag picture kaso andaming shots ni Mommy na gusto.

"Mommy, that's enough!" Sigaw ni Zion sa kanya kaya napatigil siya at sumakay na sa kanyang bike.

Lumingon pa ako sa likod para tignan kung dumating ulit yung singkit na lalaki, ngumiti ako ng nakita niya na umalis kami at pumwesto siya sa pwesto ni Mommy. Siguro ayun mismo ang gusto niyang background.

Huling tour namin ay ang Maho Beach, pag dating namin sa Princess Juliana ay agad kami tumuloy sa resort, kumain lang ng meryenda at nag palit na ng pang swimming. Naka two piece black polka dots ang suot ko, at ang bottom ay high waist.

"Iris, nag kulot ka pa? Eh mag su swimming ka naman at ang matindi naka red lipstick ka pa talaga." Ani ni Mommy. Pero hindi ko na lang siya pinansin.

Alam ko mawawala din ang pagka kulot ko sa tubig dagat, pero para lang sa picture nag effort ako. Ang mga magulang namin ay nasa kwarto pa habang ang mga kapatid ko naliligo na sa dagat. Habang ako ay naka upo sa sand pina panood sila, ang mga bata na nag ta takbuhan, gumagawa ng sand castle, pinagla laruan ang buhangin, mga teenagers na gumagawa ng mermaid fins gamit ang sands, pati pinang tatakip sa katawan at ang pinapanood ko ay ang horizon baka may dumaan na eroplano.

How I love seeing the horizon? It feels like there is no end, there is something that we cannot see.

Mabilis akong tumayo at tinawag si Axis ng may nakitang parating na eroplano. Tiniming namin ang shot ng parang nasa ilalim ako mismo ng lumilipad na airplane ang gamit GoPro.

******

Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)

Love,

Julie II

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro