Levitation
3 January 2017
Welcome 2017!
***************
Chapter XIII
Inaya ako mag dinner ni Ngaire, hindi na ako maka tanggi dahil hinila na niya ako. Gusto ko sabihin na may dinner kami ni Anselm.
Natigil ako sa nakita ko. I thought it's just the two of us, pero buong intern pala ang imbitado. Naunang umupo si Ngaire at isa na lang ang bakante, katabi ko kahit papaano si Anselm na nasa kabisera, katapat ko nga lang si Saoirse.
"Sir, ipasyal niyo naman kami dito sa Bohol."
"Sure pag nagka time."
Bakit sila lang dalawa nag uusap kung lahat naman ng intern imbitado? Sana si Saoirse na lang inimbita niya, nakaka hiya naman. Halos lahat ng nasa pag kainan ay naka pa simpleng naka tingin sa kanila. Naku naman kaka galing ko lang sa bakasyon ganito agad ang pina pakita sa akin?
Bumaling na lang ako kay Ngaire para makita nila na hindi lang sila ang tao dito sa mundo. "Sarap ng Sans rival nila noh?" Sabi ko matapos kong kainin ang cake.
"Yeah, it's good. But wait nag main dish ka na ba?"
"Not yet. Natakam lang ako sa cake kaya inuna ko." Nag sandok ako ng kanin at beef with mushroom.
"By the way diba sabi mo mag ku kwento ka?" Balak ko sana na mamaya pa sa kwarto, pero mukhang busy pa din si Anselm at Saoirse, magkaroon na lang din kami ng sariling mundo ni Ngaire. Kinwento ko sa kanya ang lahat mula sa unang araw ng bakasyon hanggang kay Mang Tomas. Nagulat pa siya ng kasama namin si Anselm.
"It's not what you think, yung Mommy kasi niya at yung Mommy ko ay high school best friends and until now. Bago pa ako mag punta dito sa Svetlana kilala na namin siya."
"I thought there is something between the two of you." I seriously hope so.
"Waaah!" Tumaas ang kilay ko kay Saoirse ng yakapin niya si Anselm dahil nawalan ng kuryente. May onting liwanag pa, ang OA ha.
Nag aya ang isang intern na mag bonfire kami, kinuha naman namin ni Ngaire ang mat namin. Pag dating namin gumagawa na sila ng apoy at may mallows na sa gilid. Pumabilog kami at inihaw ang mallows.
Kung ano anong nakaka takot na pinag ku kwentuhan namin, maging ang Bloody Mary na may scientific explanation daw, hindi ko masyadong naintindihan dahil hindi naman ako nakinig at baka mamaya hindi pa ako maka tulog.
"Let's do the levitation." Nagulat sila sa akin.
"Paano naman natin magagawa mag pa lutang?" Tanong ni Anselm.
"Light as a feather, stiff as a board."
"What?" Kumunot ang noo ni Anselm.
"Ngayon ko lang narinig yan." Sabi ni Ngaire. Pag walang kuryente ginagawa namin ito magka kapatid.
"Dapat may isang hi higa, and then after sabihin yung name ng game ng pa ulit ulit ma u una ako tapos sunod sunod and then i a angat natin siya."
"Corny naman nun, may support pala." Comment ni Anselm.
"I'm not yet done. Para mas maliwanag kailangan muna natin ma try." Ngumiwi ako at tumingin ulit sa mga kasama.
"Baka naman parang possession yan." Sabi ni Stefan na intern din dito.
"No, may scientific explanation din ito."
"Yung Bloody Mary nga din daw meron."
"Na try mo na ba gawin yun?"
"Hindi pa."
"Kasi sabi din nila ang mirror ay parallel universe, a door to another dimension. Yung mukha mo nga daw na nakikita mo sa salamin ay kakambal mo at parehas din kayong ginagawa. Fictional characters belong to the fourth dimension. Ito naka relax ka lang naman, walang anything beyond science dito."
Nag da dalawang isip pa siya kung hihiga ba siya o hindi. Tumingin ako kay Sienna dahil sa kanya ko talaga gusto gawin ito. "How about you Sienna?" Mabilis siyang umiling.
"Sige ako na lang." Humiga si Stefan sa mat, puro babae lang ang kinuha ko para mas kapani paniwala. Pumwesto ako sa ulunan niya at nilagay ang dalawang kamay ko, gamit lang ang index and middle fingers ganon din ginawa ng mga kasama ko
Nag bilang ako ng tatlo "lift." Hindi namin siya ma i angat.
"Akala ko ba levitation ito? Bakit inaangat natin siya at may support pa?" Tanong ni Ngaire.
"Hindi pa kasi siya na po possess."
"What!?" Sigaw ni Stefan at napa tayo. Mabilis ko naman hinila ang ulo niya para mahiga ulit.
"This is part of the game."
"Iris, mamaya kung ano mangyari diyan kay Stefan. Itigil mo na yan!" Saway ni Anselm sa akin.
"Patapusin niyo muna kasi ako hindi niyo pa nga alam nag ja judge na kayo."
Ni lift ulit namin siya pero hindi pa din namin ma i angat. "Let's do the chant and repeat after me, Ngaire." Pinaliwanag ko na mag sa salita lang pag nag salita na ang katabi.
"He's getting worse." Pa ulit ulit.
"He's dying." Pa ulit ulit.
"Light as a feather stiff as a board." Hindi pa nakaka salita ang katabi ni Ngaire ng bigla siyang tumayo.
"I don't want to do this anymore!" Halos maiyak siya.
"Hindi pa nga nagagawa ayaw mo na." Tumingin ako kay Sienna "Hindi ba matapang ka?"
Kita ko ang takot sa kanya pero hindi niya ipapahalata na naduduwag siya. Humiga siya sa mat at ginawa namin ang ginawa kay Stefan.
"Light as a feather, stiff as a board." Hanggang sa na i angat namin siya ay pa ulit ulit namin ito binibigkas.
"May kuryente na!" Rinig ko mula sa taas.
"Aaaah!" Napa sigaw siya ng mabitawan namin, gumaan siya pero agad din bumigat.
"See? That's it." Sabi ko sa kanila. Nagpagpag ako ng buhangin at umakyat na din kami. Ilang oras din nawalan, ngayon oras na para matulog.
Ilang linggo na din pagka tapos ng bakasyon namin ng mga kapatid ko. Na assigned na ako mag lifeguard sa wave pool.
Minsan nakaka inip din itong bago kong trabaho, hindi ako pwede mag swimming, mag cellphone o kaya mag iPad, maski ang mag picture bawal ko gawin. Kailangan ko lang panoorin yung mga luma langgoy. Maging ang dalawa kong kasama wala din ginawa kundi manood lang sa mga lumalanggoy. Siguro okay na din ito kaysa naman may nalulunod para lang magawa yung trabaho namin.
Hindi na two piece ang suot ko, one piece na. May nabibiling swimsuit dito sa resort nila at doon ako bumili ng mga one piece, puro two piece lang ang dala ko. Pinapanood ko ang isang lifeguard na naglalagay ng muriatic acid sa swimming pool.
"Kuya, may nalunod na ba dito?"
"So far sa two years na ginagawa namin ito ni Gibson wala pa naman. Kahit wala pang nalulunod, ang mahirap gawin pag dumadami ang tao na nasa swimming pool, lalo na itong wave ito ang pinaka crowded sa lahat ng swimming pool dito, hindi mo na alam kung sino babantayan mo. But as a lifeguard our first priority to watch is the children."
Bukod sa infinity pool, indoor pool, beach meron din silang wave pool, slide pool, lap pool at pang kids, meron din silang Jacuzzi na malapit lang sa swimming pool ng mga bata.
"Iris, pabuksan naman ng waves." Utos niya sa akin.
Binuksan ko at mukhang okay naman na. Ang wave pool ang huling nagbu bukas dito sa Svetlana dahil gumagamit ng kuryente para magkaroon ng waves. Tinanggal na ni Kuya Ronan ang signboard na close. Teenagers pa lang ang mga sumulong.
"Kuya, hindi ba pwede mag swimming?"
"Yan ang nasa rules."
"Kahit 10 minutes lang. Sabi mo nga diba two years wala pang nalulunod?"
"Iris, pina patawag ka ni Sir Anselm." Tumango ako kay Kuya Ronan at umalis doon.
Hindi ko pa nga ulit na be break yung rules agad na akong pina patawag?
*********
First update for 2017. Thank you for your time, have a nice day! :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro