Laziness is Talent
18 October 2016
Hindi ko alam kung mababasa niyo po ito. Still para sa inyo pa rin ito jonaxx . Gusto ko lang po mag thank you. Have a nice day! :)
********
Chapter II
Ilang beses ako nag palit ng costumes na pang mga Disney Princesses. Matapos ang shoot ko ay nag pasya na kaming pumunta agad ng Ocean Park. Naka pink ako na fleece jacket na fur ang hood, mas malamig doon dahil nasa bundok.
Natigil kami palabas ng Disneyland akala ko mag pi picture yun pala may nakitang kilala si Mommy. Hindi ko pa nakikita ng buo ang mukha nila.
"You have many achievements. Kaya mo yan." Rinig ko na sinabi ni Mommy.
Nginitian ko yung kausap ni Mommy, siya yung lalaki kanina na nakita ko. Small world magka kilala pala kami. Technically, hindi.
"Ito si Iris." Pakilala sa akin ni Mommy at pinakilala naman siya sa akin.
"Anselm." Ulit ko.
Nag lahad ako ng kamay sa kanya at tinanggap naman niya ito. Hindi talaga ako nakiki pag kamayan kapag nagpapa kilala, ngiti, taas ng dalawang kilay o kaya tango lang ang ginagawa ko. Dahil gusto ko malaman kung ano pakiramdam na hawakan ang kamay niya, ginawa ko.
"Call him kuya, he's 21 years old." Saway sa akin ni Mommy.
21 years old? 7 years' gap? Not bad.
Marami rin ako nalaman tungkol sa kanya. Anak siya ni Tita Aliyah na best friend ni Mommy nung high school. Siya na daw ang mag ma manage ng resort nila sa Panglao. Doon kaya ako mag apply ng trabaho? Kung kailangan nila ng lifeguard willing ako kahit sa dagat pa iyan. Kung may pa swimming lesson naman sila willing ako maging swimming coach.
Tatlong araw lang kami sa Hong Kong yung pang huling araw namin namili lang kami ng pasalubong hindi na namin pinuntahan ang iba pang tourist attraction dito, dahil hindi ito ang first time namin na pumunta.
***
Gabi ng makarating kami sa may bahay namin sa Arca South. Bago lang ang bahay namin dito ilang units ang binili para hindi mag mukhang studio at maging mag kasing laki ng bahay namin sa Corinthian Gardens sa may QC. Pag weekends doon kami natutulog. Mas malapit kasi dito sa Arca ang school namin magka kapatid.
Nag shower lang ako hindi na ako nag bathtub, maaga pa ko bukas para sa school. Matapos ako mag shower nag suklay lang ako ng buhok at nilagyan ng tuwalya ang unan na gagamitin ko. Hinulog ko sa lapag ang ibang mga unan kong pink at green at nag tira lang ng dalawang unan yung isa body pillow. Pink at green ang kulay ng kwarto ko. Sumampa na ako sa kama at nilagay ang ulo sa unan. Naman natutulog ako ng basa ang buhok.
Pag gising ko hindi pa tumunog ang alarm ng cellphone ko, mukhang naunahan ko. At ang pinaka malala ang sakit ng ulo ko, ayoko na bumalik dahil mas lalo lang sasakit pag gising ko mamaya. Inayos ko muna ang higaan ko at nilagay ko ulit ang mga unan kung saan sila naka lagay kagabi. Kinuha ko ang Vivo para tignan ang oras.
"8:00 am na!?" Kaya naman pala hindi tumutunog dahil naka silent, in off ko ang alarm. Nag sisimula na ang first subject ko ngayon.
Inamoy ko muna ang sarili ko hindi naman ako bumaho dahil naka aircon. Matapos kong mag hilamos at mag toothbrush, lumabas ako ng CR at nag hanap ng skater skirt at sapatos sa cabinet Pinatong ko na lang ang skater skirt sa cycling na suot ko at tinuck in ang grey kong muscle tee na suot ko din kagabi. Nag gladiator sandals ako para kahit papaano mukhang may gana naman akong pumasok. Pumunta ako sa may vanity at umupo doon para ayusin ang buhok ko nag headband ako parang wala ng masyadong ayos ayos, kahit papaano presentable naman tignan. Dinampot ko ang Herschel kong bag at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko umalis na sila ang natira na lang ako at ang mga helpers namin.
Binuksan ko ang double door refrigerator at kumuha ng cake. Umupo ako sa may bar ng kitchen namin at doon nag slice ng cake at nag simula kumain.
"Iris, cake agad? May pagkain na pang breakfast."
"Ate Annette, mas okay na po ito kaysa walang laman ang tiyan."
Si Ate Annette ang nag-alaga sa akin simula pagka bata. Dati full time siya sa akin ngayon kung kailan ko na lang siya kailangan.
"Ewan ko sayo bata ka. Maiwan muna kita at tutulungan ko si Aaden.
"Sure."
Matapos kong kumain inubos ko ang isang baso ng tubig at nilagay sa sink ang mga pinag gamitan ko. Pumunta ako sa parking lot at pinatunog ang Everest. Binababa ko ang bintana ng sasakyan para maka pag thank you sa guard.
Tutal late naman na ako pag dating ko doon late pa din ako. Kung bibilisan ko baka mahuli ako dahil sa over speeding at worse maaksidente ako. Chill na lang ako papuntang school.
Maluwag ang kalsada. Sa gitna ng biyahe nag play ang paborito kong kanta ng JTR na Ride.
https://youtu.be/763HGYOMzRs
Nasa parking na ako ng school ng napag tanto ko na Tuesday pa lang ngayon bukas pa ang wash day. Kailangan ko pa bumalik sa bahay. Teka naka lagay lang naman sa labas ng building NO I.D No Entry hindi No uniform no entry. At para saan pa itong muscle tee ko na may naka lagay na "As if I care."
"Miss, Tuesday pa lang po ngayon. Hindi ko kayo pwede papasukin." Harang ng guard sa akin.
"May I.D naman po ako."
"Naka civilian po kayo nasa handbook niyo po iyan. Kung naka t-shirt pa po kayo ng school pwede ko pa kayo papasukin. Pero sorry hindi po Wednesday ngayon at bawal ang civilian." Sana naglagay din sila ng karatula no uniform no entry. Hindi naman lahat ng estudyante nagba basa ng handbook.
"You can take my I.D." Parang hindi nila yun ginagawa.
"Hindi na din po pwede."
Wait lang, mga parents namin nag ba bayad ng tuition dito tapos nasa kanila ang rules? Ayaw daw nila masayang yung binabayad ng mga parents namin. Tapos ito lang ayaw pa kami papasukin? At least nga naka damit. Sige kita na yung tagiliran ko dahil sa muscle tee pero may bandeau naman ako sa loob. At flat chested din ako hindi masyadong nakaka bastos tignan.
Swimming pa naman P.E ko ngayon. Pag bumalik ako sa bahay tatamarin naman na ko bumalik dito. Absent pa ako kahapon sa swimming lesson. Bahala na kung sisipagin akong pumasok. Pasalamat siya ayoko talaga pumasok. Kaya lang naman ako nagkakaroon ng motivation pumasok dahil sa swimming.
Mag isa lang ako sa elevator at pinindot ang floor ng unit namin. Sumandal ako sa sulok at naisip na sayang lang ang pinunta ko doon kanina.
"Iris?" Nagulat si Ate Annette ng dumating ako.
"Masama ba pakiramdam mo? May jet lag ka ba?" Nung una hindi ko alam ang isasagot sa kanya dahil sigurado akong pipilitin niya akong pumasok. Pero natawa ako sa isa niyang tanong.
"Ate Annette, same time lang naman ang Philippines at ang Hong Kong, hindi ako magkakaroon ng jetlag."
"Akala ko basta pag sumakay ng eroplano at bumyahe sa ibang bansa."
"Pwede din kung malayo yung oras na pinangalingan mo."
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko ng may naisip na gawin. Binuksan ko ang laptop para mahanap si Anselm. Hindi ko alam apelyido nila. Nag punta ako sa timeline ni Mommy baka friends sila doon.
Sinearch ko ang Anselm, may nakita akong isa hindi nga lang siya. Ano ba apelyido ni Tita Aliyah? Search na lang natin siya. Okay Aliyah Giron ang lumabas. Pinindot ko ang pangalan ni Tita Aliyah at ng makarating sa timeline niya, pinindot ko naman ang friends. Ayun nga lang ayaw mag pa search.
Nag search ako ng Anselm Giron. Maraming lumabas, may bata, foreigner, matanda na, anime yung picture, may kasamang babae. Mabuti na lang hindi siya iyon. Hanggang sa na search ko din siya. Yung cover photo niya nag s scuba diving siya at yung kamay niya naka number three yung okay na sign, tapos may isang shark sa background niya. Ang kanyang DP ay ang kanyang grad pic. Cinlick ko ito at ngayon February niya lang pinalitan ang DP niya ng ganon. 3rd year high school pa lang ako, baka hindi na niya ako ma intay. Dapat talaga maki pag friends ako sa kanya. Cinlick ko ang add friend at ni log out na ang facebook.
Habang shinu shut down ko ang laptop, tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Tatiana.
"Hello friend! Akala ko ba papasok ka na ngayon? Uma andar na naman pagiging tamad mo."
"Laziness is talent. Hindi lahat ng tao kayang gawin yun."
Mainipin ang mga tao kaya gagawa sila ng bagay para malibang sila. Pag wala kang ginagawa gumagana ang utak mo sa imagination, kung saan saan ka dinadala at nagkakaroon ka din ng bagong idea.
"Yeah right. Bakit hindi ka natuloy sa pag pasok? May parating tayo na quiz sa Filipino. Tungkol sa Alibata."
"Mamayang P.E papasok ako."
"Kung papasok ka din naman pala ngayon edi pumasok ka na sa Filipino. Dito ka na mag lunch, wala akong kasabay."
"Dahil lang wala kang kasabay kaya mo ko papasukin ng mas maaga?"
"Hindi. Kailangan mo talagang pumasok."
Biglang sumagi sa isip ko na baka sa daanan makita ko siya kahit hindi ko naman talaga alam kung taga saan siya.
"Oo ito na mag re ready lang ako."
"Okay. Love you."
"Love you too, bye."
********
Thank you for your time. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro