Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Iris

11 October 2016

Thank you sa pag support mo sa previous story ko na Revival of Heartbeat. I'm really flattered. Kaya itong chapter ay para sa iyo, kuya_mark. Have a nice day! :)

******************

Chapter I

Mabilis akong tumatakbo galing sa immigration papunta sa boarding gate. Kasunod ko naman ang siyam kong mga kapatid at mga magulang namin.

Late na kami sa boarding time at late na din kami sa flight time. Humingi na kami ng tulong para hindi kami maiwan ng eroplano. Sinasalubong na kami ng isang steward at isang stewardess habang tumatakbo kami.

"Sige po pumasok na kayo. Kami na po bahala sa mga kasama ninyo." Sabi sa akin ng stewardess.

May naka harang na sa jet bridge. May isang pintuan na naka bukas at kita ang runway at ang mga eroplano. Bumalik ako para sabihin sa kanila ang sitwasyon.

"Ano, Iris?" Tanong ni Levi ng makitang pabalik ako.

"May naka harang na sa jet bridge, pero may isang hagdan na papuntang runway."

"Bumababa daw!" Sigaw ni Olga habang tumatakbo at nauna na siya sa amin.

Bumababa kami at pumunta sa eroplano namin. Lahat ng tao nasa amin ang attention pagka akyat namin. Hindi ko alam kung gaano katagal sila nag hintay, pero sa pagkaka alam ko late talaga kami ng sobra. Five minutes bago ang flight time kaka tapos lang namin sa immigration. Sobrang haba pa ng tinakbo namin. Mga late na kasi kami nagising kanina.

"Excuse me." Sabi ko kay Elly at Olga.

"Saan ka pupunta, Ate?" Tanong ni Elly.

"CR." Pero ang totoo napansin ko kanina na bago ako umupo ay walang naka upo sa pinaka likod kaya doon na lang ako, at least solo ko pa.

"Dito na ko sa tabi ng bintana." Nagkibit balikat ako sa sinabi ni Elly.

Pinanood ko sa bintana ang pag sikat ng araw. Pinicturan ko pa ito sa cellphone ko.

Pagka baba sa eroplano sinesermunan ako ni Mommy ng pabulong, dahil sa hindi ko pag upo sa designated seat ko. Kabisado ko na nga dialogue niya.

"Kahit kailan talaga hindi ka marunong sumunod. Kailan ka kaya titinong bata ka? Hindi ka gumaya sa mga kapatid mo." Ganyan ang sasabihin ni Mommy at hindi nga ako nagka mali ng inulit niya ito.

Sa Disneyland kami tutuloy, para sa photoshoot ko sa Quinceañera ko. Hindi naman uso sa Pilipinas ang Quinceañera. May lahi kaming Chilean 1/8 sa side ni Mommy. Siya din nag ganon, yung mga mas matatandang kapatid ko na babae nag celebrate din. Yung mga mas bata kong kapatid? Depende kung gusto nila.

I will have my quinceañera, sweet 16, debut, silver, emerald, golden, and diamond birthdays. Kung aabot ako ng 75 dahil ang lifespan na lang daw ngayon ay nasa 60 pag naka abot ka ng mas mataas sa 60 swerte na daw. Bukas ang photoshoot ko ng umaga habang wala pang mga tao. Ngayon naman ay mag e enjoy muna kami sa mga rides at mga attractions doon. 

"Sino sasama sa Space Mountain?" Tanong ni Axis.

Lahat kami nag taas ng kamay, iniwan namin sa parents namin ang aming mga gamit. Si Hebe ang katabi ko at pangalawa kami sa dulo.

"Ang dilim." Narinig ko si Zion.

"Parang Interstellar." Reaction ko ng makita ko yung mga ilaw ilaw.

Lahat na tumitili dahil ang dilim tapos bigla bigla kang liliko ang tanging ilaw lang ay ang mga constellations, hindi sapat para makita mo kung paano ang daan.

"Tapos na. Sa grizzly naman tayo." Suggestion ni Levi.

"Mommy, ayaw niyo sumama sa Grizzly?" Tanong ni Nola ng pa pila kami para sumakay.

"Sama na kayo, minsan lang natin nagagawa ito." Sabi sa kanila ni Axis.

"Dito na lang kami." Sabi ni Daddy at tumango kami.

"Nasaan yung GoPro?" Tanong ni Olga.

"Na kayla Mommy." Sagot sa kanya ni Axis.

Si Hebe pa din ang katabi ko. Nag simula ng umandar ang ride.

"Ito na pabalik na ang andar!" Sigaw ni Levi ng nasa itaas na kami.

Matapos ang ilang rides nanonood naman kami ng Flight of Fantasy Parade. Bakit ganito sa ibang bansa kaya sumunod ng mga Pilipino? Bakit sa sariling bansa natin hindi natin magawa?

"Axis, bukas dito din picturan mo ko." Itinuro ko sa kanya ang sign na 'It's a small world.'

Sa bawat attraction na makikita namin dito sa Disneyland ay nag pi picture kami. Meron solo, meron kaming magka kapatid lang at meron din family pictures or sila Mommy at Daddy lang.

"Pwesto na tayo para maganda yung pwesto natin habang nanonood ng Disney in the Stars." Sabi ko sa kanila. Gabi na at malapit na din kaming tumuloy sa hotel.

"Ladies and gentlemen. Boys and girls, let your heart take flight..."

Ang reaction ng lahat ay woah ng mag simula ang fireworks. Sumabay ako sa kanta ng A Whole New World. At sumabay pa ulit ako sa isang kanta.

"Cinderella, you're as lovely as your name. Cinderella-"

"Iris, picture daw mamaya ka na kumanta diyan." Tawag sa akin ni Olga .

May nag picture sa amin na mukhang Pilipino. Magka tabi sa gitna sina Mommy at Daddy. Lima lima bawat side, nasa side ako ni Mommy pangalawa sa dulo, ang dulo ay si Olga, katabi ko din si Nola. Gitna ni Levi si Nola at Zion. Sa side ni Daddy ang katabi niya ay si Cady, katabi naman niya si Elly, tapos si Hebe, si Bria at sa pinaka dulo si Axis. Ang background namin ay animation sa Disney na nasa castle ni Aurora at ang fireworks. Nag pa picture din ako ng solo at meron din kami magka kapatid lang.

Ayos lang naman kahit hindi ko mapanood ng buo ang fireworks hindi ito ang unang beses na pumunta kami dito.

Nasa hotel na kami at ako naka higa na sa kama. Pinost ko na din yung pictures namin na may mga hashtag na #FidelForeverGoingAway #TripOfIris #HongKongSetting.

"Doon ako sa side na iyon ha." Turo ko sa kama na malapit sa bintana.

"Okay." Sagot ni Cady at pumwesto na sa pwesto niya.

Dala dalawa sa bawat kwarto. Magkasama ang parents namin, si Olga at Zion, Axis at Levi, Hebe at Nola, Bria at Elly.

Iniwan ko si Cady na naghihilik at naka nganga pa. Pumunta ako sa room ng parents namin para doon ako maayusan.

"Maganda kung mag po photoshoot ka kasama mga pating." Tawa ni Bria.

"Tutal yung katawan mo naman may pagka macho. Mag King Triton ka samahan mo ko sa photoshoot." Bawi ko. Mag sa salita pa sana siya ng sawayin kami ni Daddy.

"She's the one who started." Kibit balikat ko.

"I said enough. Simpleng salita hindi kayo maka intindi."

"I only told the truth." Lumapit ako kay Hebe para magpa ayos.

"Iris." Warning ni Daddy

"Ako lagi ha." Bulong ko.

"Iris, wag na. Lalong gugulo." 

Si Hebe ang hindi maka basag pinggan sa amin magka kapatid. Siya ito madalas mag po kahit English ang ginagamit. Nagulat ako ng mag react siya.

"Puntahan ko lang si Nola." Sabi ni Mommy at lumabas na ng kwarto.

"Thank you." Tumayo na ako ng matapos niya akong ayusan at nagbihis na. Si Bria bumalik na sa kwarto nila, si Axis naman bumalik ulit sa pag tulog sa kama nila Daddy.

Naka Princess Aurora ako para sa photoshoot ng debut ko. Ang background ko naman ay ang Sleeping Beauty Castle. Si Axis ang taga kuha ng mga shots ko, sa school nila photographer siya, at ng mga freelance models. Wala pang tao dahil maaga pa, kaya naman maganda mag photoshoot. May kuha ako ng naka talikod kunwari pumapasok sa castle at naka harap kunwari lumabas galing castle.

"One shot, tapos lipat na tayo sa iba." Tumango ako kay Axis at pumose.

Onti onti na wala ang pose ko ng may nakita na isang lalaki at sinundan ng tingin habang dumadaan. Side view pa lang nakikita ko, pero iba na ang dating. Napatingin siya sa amin at ngumiti kaya naman napa ngiti din ako, at mas lalo nag pa atrract yung cleft chin niya. Possible ba yun, kahit ang daming gwapo may mas wala ng hihigit pa sa lalaking iyon?

"Iris, ganda mo dito. Parang totoo yung saya mo." Ani ni Axis ng pinapakita sa akin ang huling shot.

*******

Thank you for your time. God Bless! :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro