Imagination
20 December 2016
*************
Chapter XI
Sumakay na ako sa shotgun ng van inunahan ko si Axis. Mas komportable ako pag nasa harap kahit walang seatbelt hindi ko nararamdaman ang bawat pag preno.
"Iris, dating pwesto." Ani ni Axis.
"Nauna na ako dito." Mabilis kong ni lock ang pintuan ko kahit mag au automatic lock naman ito mamaya pag ni lock ni Kuya Anselm at mabilis ko din tinaas ang bintana para hindi na siya mag salita pa.
Narinig ko ang pag buntong hinanga niya bago ko narinig ang pag sarado ng pinto. Naka sakay lahat ng mga kapatid ko maging si Kuya Caius ay nasa driver seat na din. Kita ko sa peripheral vision ko na nilagay ni Kuya Caius ang dalawang kamay niya sa likod ng kanyang ulo imbes na sa manibela. Lumingon ako sa likod para siguraduhin kung kumpleto nga ba kami. Kumpleto naman na.
"Kuya, sino iniintay natin?"
"Oh ito pala si Kuya Anselm." Ani ni Levi kaya napatingin ako sa may bintana ko.
Naka striped shirt siya, Columbia na short at naka rubber shoes, may naka sabit din na duffel bag sa kaliwang balikat niya. Diniretso ko ang tingin ko sa harap habang papalapit siya.
I need to calm. Why is he here?
"Where is Iris?"
Mabilis ko siya nilingon habang hindi pa ko tinutuluyan sa kilig. "Why?"
"Dito ka sa likod. Hindi ka nag si seatbelt diba?"
Paano niya nalaman iyon? May nang huhuli ba dito?
"Isumbong na yan kayla Daddy." Ani ni Levi.
"Pag nasa harap ka hindi mo mararamdaman ang preno, hindi katulad sa likod naka hawak ka na panay pa din ang atras abante mo. Proven and tested." Paliwanag ko sa kanila.
"Mag si seatbelt ka o dito ka sa likod?"
"Alright." Mabilis kong binuksan ang pinto para bumababa.
Nahihirapan akong huminga pag naka seatbelt kaya pipiliin ko na lang sa likod.
"What now, Iris?" Ngumisi siya at ako naman aambang susuntok kunwari sa kanya. Kapatid ko siya at ayoko siya saktan kahit na minsan sobrang nakaka inis na.
Kikiligin na dapat ako kasi may care si Anselm sa akin pero mukhang natalo pa ako dahil hindi ako pwede umupo sa shotgun.
Umupo ako sa upuan ko kahapon kung saan din naka upo si Axis kanina. May space sa gitna namin ni Anselm at katabi niya si Hebe na malapit sa bintana. Dapat pala naki pag palit din ako ng pwesto sa kapatid ko. Hindi naman yan aangal, kaso lang umaandar na ang van.
Tumigil kami sa Manmade Forest at bumababa para maka pag pa picture. Gusto ko sana umupo na sa pwesto ni Hebe pero bigla akong nahiya at baka mahalata pa ako. Tumingin na lang ako sa bintana habang bumabyahe na ulit kami.
Binababa ko ang aviators ko na nasa ulo papunta sa mata bago tumingala at tumingin sa GoPro. Umiling ako ng naka set pala ito sa video. Ilang pose pa ang ginawa namin, may mga solo din kami, puro babae lang at puro lalaki bago kami tuluyan pumasok sa loob ng Sagbayan Peak.
Ang iba sa amin ay nagpi picture, kasama ko naman si Cady na bumibili ng pagkain at tubig.
"Kuya Caius, gusto niyo po?" Tanong ko.
"Hindi, busog pa po ako. Salamat." Alam kong nahihiya lang siya kaya umorder na din ako ng isa pang inorder namin at isang tubig para sa kanya.
"Kainin niyo na lang po mamaya." Sabay abot ko at hinawakan na si Cady para pumunta kami sa may frame na may butas na kung saan ilalagay mo ang mukha mo para kunwari Tarsier.
Inalok ko ang mga iba kong kapatid ng kinakain ko. Habang nag lalakad ay kumakain at nag pi picture din kami. Muntikan pang malaglag si Bria sa hagdan na isang step na lang dahil sa kaka selfie niya at kaka nguya.
Nag hulog ako ng barya sa tower viewer para makita ng malapitan kung ano ang meron dito sa Bohol. Narinig ko ang pag flash ng camera habang tinitignan ko ang tanawin gamit ang tower viewer kaya naman agad akong napalingon.
"Sorry. Wala ka pa kasing picture dito yung iba mong kapatid ginawa na akong photographer." Tumawa na parang awkward si Anselm.
"Ano ba meron diyan?" Lumapit siya sa akin at halos magka lapit na din ang mukha naming kaya lumayo ako ng onti para matignan niya ang tanawin.
"Ate Iris!" Tawag sa akin ni Elly kaya napalingon ako sa kanya. Sumenyas siya na mag pi picture daw kaming magka kapatid. Iniwan ko si Anselm at sumama sa mga kapatid ko.
"Dito naman." Nag akbay akbay kami ng mga kapatid ko at ngumiti sa camera. Isang shot nag hiwalay na ulit kami.
"One more shot."
"Last shot na lang." Inaayos niya ang lens ng camera. Ang tagal nangangawit na ako kaka ngiti.
Nag okay sign siya at nag thank you naman kami sa kanya, nauna na mag lakad ang iba kong kapatid. Ako naman ay hinihintay siya.
"Kuya Anselm, gusto mo picturan kita diyan sa DSLR mo?" Tanong ni Axis.
"Hindi na may picture naman ako sa GoPro ninyo." Ngiti niya.
"I insist. Ang dami na naming pictures diyan tapos yung may-ari wala?"
"Pumayag ka na." Kumbinsi ko.
"Alright."
Mabilis kong kinuha ang phone ko at nag kunwaring may ibang gagawin kahit pi picturan ko din naman talaga siya.
Binigay ni Axis ang DSLR kay Anselm ng matapos niya itong picturan, umakyat na sa hagdan si Axis ako hinihintay na maka lapit siya sa akin para sabay kaming umakyat.
Sa pag akyat namin ay naalala ko na dala ko yung instax ko. Kaya nag request akong picturan niya muna ako bago kami umakyat pa ulit. Nag selfie din kami sa DSLR niya tawa pa kami ng tawa dahil ang laki ng camera tapos isang kamay lang ang ginamit niya.
"Alam mo yung kasabihan na pag putol yung ulo sa picture mamatay daw kaya yung suot nung tao kailangan hubarin at susunugin ata?" Sabi ko.
Hindi naman ganon na cut ang ulo niya sa picture, yung cleft chin niya kita pa naman.
"Pa simpleng request tayo ah." Tumango tango pa siya.
"What are you, a dog in the dashboard?"
Mas lalo ko siyang nagustuhan ng naki tawa siya sa joke na kahit may pagka mean na.
"I'm just joking."
Nag selfie pa ulit kami sa DSLR niya at this time maayos na ang kuha kaya na tuloy na namin ang pag akyat sa viewing deck.
"Gesundheit" Sabi ko kay Nola ng bumahing siya. Tuwing na a arawan siya madalas siyang bumahing.
"Selfie generation." Ani ni Anselm
Kahit saan ka lumingon ang mga kapatid ko ay panay ang selfie sa mga cellphone nila dahil kita dito ang chocolate hills. Hiniram ko ang GoPro kay Hebe dahil siya ang may hawak.
Pumasok din kami sa may butterfly garden at syempre kailangan makita ang Tarsier.
Naka hilera ang mga ATV na sina sakyan namin, nasa unahan si kuya na mag ga guide sa amin sa daan, sumunod ako. Si Anselm ay nasa pinaka likod.
Ilang beses kaming huminto sa mga attraction para ma picturan kami. Parang professional photographer si Kuya ang galing niya kumuha.
Mag ba Bike Zipline ang mga kapatid ko maging si Anselm. Ako, si Olga, Elly at Zion lang ang hindi. Mas kinakabahan akong tignan siya kaysa sa rollercoaster. Pakiramdam ko maninigas yung paa ko at hindi na ako makaka pedal.
"Ayaw mo talagang i try?" Tanong ni Anselm habang pinapanood si Hebe sa itaas.
Kahit gusto ko na i try ngayon ang haba haba ng babaan ko para lang maka pag bayad at mas nakaka pagod umakyat. Hindi lang akyat ang ginawa namin dumaan pa kami sa bridge. Mahabang pag la lakbay ito makarating lang dito sa itaas.
"Hindi na."
"Sayang minsan lang naman."
"May next time pa naman."
"Pag andyan na i take mo na kung talagang gusto mo."
"Paano pag ayaw niya talaga?" Sabat ni Olga.
Hindi ko alam kung paano ko ta tanggapin yung tanong niya kung sarcastic or something. Seryoso ang pagkaka sabi niya ng mga iyon.
Tinawag siya ng lalaki para maayusan siya ng harness. Imbes na yung mga kapatid ko ang dapat kong picturan siya itong na pi picturan ko. Dumikit ako sa may railings at vinideohan si Nola na nag ba bike.
"Kuya Levi, make it faster! Parang hindi lalaki!" Sigaw sa kanya ni Nola ng pina stop siya dahil hindi pa ganon na kaka layo si Levi.
Pina hawak sa akin ni Anselm ang DSLR niya. Pinanonood ko ang pag akyat niya. Kusa ko ng binuksan ang kanyang camera ng mag simula siya mag bike at pinicturan siya.
Sana pala ginawa ko na din, ako doon sa kabila o kaya doon siya sa kabila para mas kita ako sa picture, tapos magka hawak kami ng kamay, yung isang kamay naman nasa manibela.
Some of my imagination already granted. And when will my other imagination will become reality?
************
Advance Merry Christmas! Thank you for your time, have a nice day. :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro