Don't Do That
13 June 2017
Belated Happy Independence Day!
*********
Chapter XXXVI
"Huy!" Napa pitlag ako ng may sumigaw si Ainara sa likod ko.
"You scared me."
"Ano ba kasi yan pinapanood mo?" Curious niyang tanong
Nanonood ako ng Buzzfeed sa YouTube dito sa faculty. Foundation week kaya na isipan ko wag mag klase at hayaan ang mga estudaynte ko mag aliw at ako din maka pag relax.
"Hindi ka nag klase?" Tanong niya at umiling ako.
"Dapat pala hindi na din ako nag klase, na kunsumi lang ako."
"Why? What happened?" Tinanggal ko ang earphones sa dalawang tainga ko.
"Wala na ngang nag pasa ng assignment wala pang nakikinig!" Padabog siyang umupo sa swivel chair niya at hinilot ang sentido.
"Huh!" I smirked. "As if naman nakikinig ka talaga dati." Iling ko at tumawa.
"Excusez moi nag bago ako nung graduating na tayo."
"What goes around, goes around, goes around comes all the way back around." Kanta ko.
Napa pout siya sabay tayo at lumapit sa akin. "Do you think it's my karma?"
"I guess?"
"Dapat pala nakinig ako sa mga teachers ko noon para hindi nangyari sa akin ito."
"You know what kung ako sayo kayanin mo na lang yung mangyayari, hindi naman porket hindi mo ginawa sa iba hindi mangyayari sa iyo. If you want to regret now it's okay, but don't bring that in your entire life."
Lumabas kaming dalawa gamit ang hoverboard namin para mag hanap ng food stall at maka pag meryenda. Oo dahil may event ngayon pwede mag dala ng bike, scooter, skateboard or kahit anong maliit na pwedeng sakyan ng mga teachers at students. Naka payong kami habang naka sakay sa hoverboard dahil mainit pa.
"Uy, favorite ni Tatiana." Turo niya sa fish ball.
Nag selfie kami kasama ang fish ball na nasa stick at ang caption ay "Uwi ka na dito, walang fishball diyan." Sa America nag ta trabaho si Tatiana bilang teacher at mag i isang taon na siya doon.
"Nag comment ang lola." Kalabit ko sa kanya at pinakita ang comment na may picture pa ng fishball na nasa pack.
"May one month supply ako. Pumunta dito si Ate dinalhan ako hahaha!"
Busy ang mga estudyante sa field dahil may iba ibang palaro. Bukas naman sa mga teachers at mga empleyado, maski ang mga gwardya ay kasali sa palaro.
"Wag ka na bumababa ng sasakyan, bag ko lang naman dala ko." Sabi ko kay Phoenix sa cellphone ng dumating na siya sa tapat ng gate ng school. Coding ang sasakyan ko kaya siya nag ha hatid sa akin or sumusundo sa akin pag ganitong araw. Kung OT naman siya nag ga Grab naman ako.
Hinalikan niya ako sa pisngi pagka pasok ko ng Ranger niya. Nag seatbelt ako gaya ng gusto niya, tinanggal ko ang nasa balikat kaya yung nasa bewang lang ang meron.
"Bukas punta ka ha, mag half day ka na lang. 2 pm pa naman start."
Sa gym naman ang mga palaro ng empleyado malapit na mag simula, tinatawag na ang mga gwardya para sumali din. Ilang sandali na lang ipapasara na ang buong gate ng school wala pa din si Phoenix, hindi din siya makaka pasok dahil isasara ng naka kandado ang gate sa loob.
"Hindi ko siya ma tawagan." Ring lang ng ring ang kanyang cellphone.
"Try mo kaya tawagan yung mga kaibigan niya sa trabaho, baka naiwan niya sa kaka madali."
Mabuti na lang meron akong dalawang number ng mga kaibigan niya sa trabaho. Pumunta ako sa contacts para hanapin sila.
"There he is!" Sigaw ni Ainara.
"Why you are not answering my calls?"
"Naiwan ko sa office, naka silent pa."
"Buti naka abot ka."
"Oo, sinasara na nga yung gate."
Nakita ko naman na parating na ang mga gwardya. Inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok tatlo sa gym. Bawal mag PDA dito sa loob kaya hindi niya ako na kiss, usually pagka dating niya or pagka dating ko, pag aalis siya or pag aalis ako hindi mawawala ang kiss sa pisngi o sa labi. Bawal PDA dito, pero pwede ka mag propose basta hihingi ka lang ng permit.
Sa bawat laro na sinasalihan lagi kong naririnig ang cheer ni Phoenix sa akin. Pag na talo ako lagi niyang sinasabi na kakain na lang kami sa labas. Bastos talaga iyon ini isip pa na mukha akong pagkain. Well, totoo naman lagi akong gutom mabuti na lang na me maintain ko ang ganitong katawan.
Naisipan namin na mag hanap na lang kami sa mga stalls dito ng pagkain para hindi hassle mag hanap sa labas, mahirap pa pag walang mahanap na parking.
Naging third wheel si Ainara sa amin, panay ang away niya kay Phoenix kung bakit daw umabsent pa talaga siya at pinag bigyan ako.
"Bakit kasi nasa bohol si Anselm?" Pag ma maktol niya.
Nagkaroon ng time na nagka aminan kung sino ang mga crush namin noon, umamin siya sa amin ni Ebony at alam din nila na may gusto ako kay Anselm. Hindi naman nasira ang pagka kaibigan namin at sa mga panahon tinigil ko ang pang i i stalk ko kay Anselm lagi naman ako nakaka rinig ng balita tungkol sa kanya dahil kay Ainara.
Naunang umalis si Ainara dahil may family dinner daw sila. Tumaas ang kilay ko ng padabog na sinarado ni Phoenix ang pintuan ng driver pagka pasok niya sa kanyang Ranger.
"What's your problem?"
"Wala!"
"Wala daw? Mas mahirap ka pa intidihin sa babae. Tsk."
Nakita ko sa peripheral vision ko na lumingon siya sa akin kaya tumingin na lang ako sa bintana.
"Alam mo sa totoo lang pagod na ako, hindi ko na alam saan ako lu lugar. Hindi ko alam kung talagang mahal mo ako." Edi ayan nasabi din niya.
"Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Meron naman sadyang hindi ko lang maramdaman. Akala mo hindi ko napansin na mas nabuhayan ka nung nabanggit yung pangalan ni Anselm."
"Ang importante naman ikaw yung pinili ko."
"Kasi hindi ka niya ni ligawan at naging tayo nung panahon na may girlfriend siya. Itigil na natin ito siguro hanggang dito na lang."
"Don't do that." Hawak ko sa braso niya pero inalis niya lang ito at umiling.
"Ano bang klase ng pag ma mahal ang gusto mong maramdaman?" Mahal ko siya yun lang ang alam ko, maaring maka appreciate ako ng ibang lalaki pero mas nangingibabaw pa din siya.
"I can see that you're happy with me, but I can feel that you'll be happier with him." Inalis ko ang kamay ko sa braso niya. Yumuko na lang ako at nag simula tumulo ang mga luha.
"Don't worry hindi kita iiwan dito, i ha hatid pa din kita sa bahay ninyo ngayon."
Nag angat ako ng tingin at huminga ng malalim. "Stop the car."
"No! Delikado sa labas."
"Pwede naman ako mag Grab."
"Ihahatid kita. Kung na i isip mo dahil wala na tayo, mas isipin mo ang kaligtasan mo."
"Thank you sa concern mo, pero okay lang talaga ako."
"No."
"And I also say no." Inangat ko ang hand break kaya naka rinig ako ng malakas na busina. Mabilis lang din ako naka baba dahil hindi naman ako naka seatbelt at hindi niya namalayan na hindi ako nag suot kanina. Mabuti na lang nasa gilid ang kanyang sasakyan kaya hindi delikado kung baba man ako.
"Iris, get in."
"Naka booked na ako ng Toyota Vios." Sabay pakita ko ng phone.
"Cancel that."
"Mapapa dagdag pa ang pag ba bayad ko kung i ca cancel ko." Pag irap ko.
Wala ata siyang balak umalis at wala din akong balak mag cancel ng decision ko. Hanggang sa dumating ang Vios ay hindi pa din siya uma alis. Binati ako ni Kuya ng buksan ko ang pintuan ng shotgun para doon umupo.
Tumingin ako sa side mirror at nakitang sumusunod siya sa amin. Masasabi kong safe naman ang Grab dahil pwede mo silang i rate or i reklamo ng madalian kung may mangyaring hindi maganda.
Hanggang sa pag dating sa bahay namin sa may Arca South ay naka sunod siya. Nag pasalamat ako kay kuyang driver at bumababa na. Naka card naman ang bayad ko. Mabilis ang pag pasok ko sa condo para hindi na niya ako ma a abutan. Thankfully, naka rating na ako sa bahay namin at hindi naman niya ako nasundan.
Mukhang nag la laro sa game room ang mga kapatid ko. Ang mga magulang naman namin ay nag punta ng Poland para daw magkaroon sila ng alone time. Binati ako ng mga kasama namin at sinuklian ko lang sila ng ngiti, mabilis ang pag akyat ko ng hagdan papunta sa aking kwarto.
Nilapag ko ang bag ko sa kama ko at kinuha ang cellphone para tawagin si Tatiana. "Speaking!" Masayang bati niya.
"Single pa din ba yung sinasabi mo na may balak man ligaw sa akin?"
"Why?"
"Pag se selosin ko lang si Phoenix para bumalik siya sa akin."
"Don't do that. Tell me what happened."
Kinwento ko sa kanya lahat pati kanina sa school na masaya naman kami. Panay ang punas ko ng luha ko, nag shower na din ako habang nag ku kwento sa kanya.
"Kung kayo naman kayo talaga, kung hindi mag pasalamat ka na lang na tinapos ninyo kasi baka may mas better sa iyo."
******
Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)
Love,
Julie II
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro