Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DNR

30 May 2017

********

Chapter XXXIV

Mabilis akong nag pa book papuntang Manila at ang available lang ay bukas ng maaga. Nag pa hatid din ako kay Kaius.

"Ingat kayo, sir. Maka kaya ni Tavian iyan."

"Thank you."

Usually nag te text lang ako sa mga magulang ko pag pauwi ng Manila na pasakay ng eroplano, ngayon tinawagan ko sila na boarding na ako.

Sana wala akong kasabay na HR kagaya ng nasakyan nila Iris nung nag punta sila dito sa Bohol. Hindi naman sa ayaw nakaka kilabot lang, ayoko isipin iyon kay Tavian dahil sa condition niya.

Sinundo ako ni Papa sa NAIA at dumiretso na kami sa New Beginning kung saan naka admit si Tavian. Nasa ICU siya ngayon, yumakap ako kay Mama na maga ang mata.

"Bumalik ulit." Kumunot ang noo ko. Minsan na nagkaroon ng malubhang sakit si Tavian.

"The Bile Duct Cancer?" I asked and she just nodded.

Nakita kong malapit ng pumatak ang luha niya kaya naman mabilis ko siyang niyakap. Na kwento sa akin nila Mama at Papa na stage 4 na ito ngayon, ayaw na din daw magpa chemo ni Tavian.

"Ayaw mo daw magpa chemo?"

"Pagod na din ako." Sabi niya na may hingal.

"You're just 23." Hindi siya kumibo sa sinabi ko.

Siguro nga pagod na siya. Siyam na taon ng mag simula siya magkaroon ng cancer at nawala din ito, pag sampa niya ng first year high school ay bumalik ito kaya lagi lang siyang homeschool. Naranasan din niya pumasok sa school pero bilang. Ngayon ito bumalik ulit at mas malala na at ayaw pa magpa chemo.

"You need to fall in love." Biro ko at sumimangot lang siya sa akin at nag iwas ng tingin.

"Kuya, please don't let them resuscitate me."

Hindi ako sumagot sa gusto niya ayaw ko na mawala siya ng ganito kaaga pero ayoko na din makitang nahihirapan siya. Kuya lang naman niya ako, kayla Mama at Papa pa din ang desisyon.

"No, I won't sign a DNR order." Napa upo si Mama sa gustong mangyari ni Tavian.

"I am ready to let him go." Napa tingin kami nila Mama kay Papa. Kita ko kay Mama na gusto niyang sugurin si Papa mabuti na lang napigilan siya ni Oren.

"Can you hear yourself? Our son is only 23! Marami pang pwedeng mangyari sa kanya!"

"Kita mo naman pagod na pagod na siya. Siya na nga mismo nag sabi na wag siyang ipa CPR.

Hindi ako maka pag desisyon kung pipirma ba ako sa DNR. Ako ang inatasan ni Papa na pumirma. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay. Sa gitna ng pagiging balisa ko ay tumunog ang cellphone ko hindi ko na tinignan kung sinong tumatawag.

"Hello, Anselm?"

Para akong nabuhayan ng marinig ang boses niya, sa ngayon kailangan ko ng tao na kaya kong damayan.

"Iris?"

"Yes. How are you? How is Tavian? I heard the news."

"He's sleeping."

"Ikaw?"

"Ako yung pinapa pirma nila ng DNR form."

"What?"

"Mukhang gusto na talaga niya mag pahinga kahit chemo ayaw. I don't know what to do." Huminga ako ng malalim "Ayaw ko pa siyang mawala, he's still young. Pero ayoko na din siya makitang nahihirapan." Hindi ko na napigilan mapa hikbi.

"Calm down, Anselm hush. Kinausap niyo na ba yung doctor ninyo about diyan?"

"Not yet."

"I know this is hard for you, whatever your decision I'll support you. Tutal si Tavian na din ang nag request so hindi na siguro masama. Remember the physical body has limitation, talagang lahat ng katawan darating sa ganyan stage."

"Thank you, Iris."

"Anytime. Mamaya punta ako diyan."

"Okay, ingat kayo."

"Yes. Don't stress yourself, please."

Pagka tapos ng tawag ko kay Iris ay siya naman pag dating ni Tita Lavinia at Tito Josef na naka coat na pang doctor.

"Lavinia, what will happen if Anselm sign a DNR form for Tavian?"

"DNR? Do not resuscitate?" Tumango si Mama. "Gusto na magpa hinga ni Tavian siya na din ang nag sabi kay Anselm na wag siyang i resuscitate."

"If the patient stop breathing, doctors or nurses should perform CPR. But, if you will sign a DNR form they won't do anything, they will just check the vital signs and declare the patient's death of time."

"Kung naka pirma na si Anselm pwede bang mag bago at ipa CPR si Tavian?"

"Pwede naman, just tell his doctor."

"Pag isipan niyong mabuti iyan." Sabi sa amin ni Tito Josef.

Dumating si Iris na basa ang buhok siguro P.E nila ngayon dahil naka polo shirt, jogging pants, at rubber shoes siya. Kumiss si Iris sa mga magulang niya, naki pag beso siya kay Mama at nakipag kamay kay Papa.

Hindi pa din namin sinasabi sa doctor ni Tavian about yung DNR

"Do you want to see him?" I asked, she just shook her head.

"Ayaw niya tumingin pag nasa ICU." Sagot ni Tita Lavinia.

"Iris, kumain ka na ba?" Tanong ni Tito Josef.

"Not yet. Dumiretso po ako dito pag galing sa school."

"Kumain muna kayo ni Anselm diyan sa baba, isama niyo na din si Oren. Ako na magba bayad." Sabay abot ni Tito Josef ng pera kay Iris.

"Kayo po?" Tanong ko.

"Later pagka tapos niyo kami naman apat." Tumango ako at nagpa salamat kami ni Oren sa kanya.

Kailangan mo pang lumabas ng ospital para maka punta sa mga kainan, loob pa din ito ng New Beginning.

"Where do you guys want to eat?"

"You decide, pera ng Daddy mo iyan." Sagot sa kanya ni Oren na sinang ayunan ko naman.

"Tara sa Shakey's na tayo." Nag lakad kami ng kaonti para maka punta doon. Maraming sikat na fast food dito sa loob ng New Beginning.

Habang kumakain kami ay nagku kwentuhan kami ng mga kung ano ano, kung ano nangyayari sa klase ni Iris.

"Mag lo law ka pa ba?" Tanong ko ng maalala yung pinag usapan namin dati.

"I'm not sure anymore. Basta, I'm happy being a teacher."

"I don't like schools, but I like learning." Pag singit ni Oren.

"Me too." Sagot sa kanya ni Iris at nag tawanan sila. Ako naman napa iling na lang sa kanila.

Bumalik kami na andoon ang doctor ni Tavian kausap si Mama at Papa. Kinausap ko na din siya na ayaw mag pa resuscitate ni Tavian kung sakaling mawalan na siya ng hininga.

"Tomorrow morning, we'll discuss about Tavian's request. At pipirmahan mo na lang." Sabi ng Doctor at tumango ako.

"Now, I have to go. Mag pahinga kayo ha." Paalala niya at umalis na.

Ang mga magulang naman namin ngayon ang kumain at kaming tatlo naka upo dito sa tapat ng ICU. Pag balik nilang apat ay nag paalam na din si Iris na uuwi na siya dahil marami pa siyang che checkin na test papers ng mga estudyante niya.

Umuwi din ako sa amin ng pa alas dose ng madaling araw at bumalik ng ospital ng alas siete ng umaga. Sa McDo na ako nag breakfast kasabay si Papa.

Dumating ang doctor kasama ang pipirmahan ko, sinabi niya sa akin ang mga pwedeng mangyari na naka sulat din naman.

DO NOT RESUSCITATE

Binasa ko muna ang mga naka lagay kahit alam ko na kung ano ibig sabihin na itong pipirmahan ko. Naka yakap sa akin si Mama habang binabasa ko ang form. Huminga muna ako ng malalim bago pumirma.

**********

Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)

Love,

Julie II

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro