Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Deserve

16 May 2017

*******

Chapter XXXII

"Papunta kaming Tong Yang ngayon." Kausap ni Mommy si Tita Lavinia sa cellphone niya.

Ako naman nag bo book ng Grab para maka punta doon. Nakaka hiya naman kung papa hatid pa kami sa driver nila Iris, at yung driver namin hiniram ng Tita ko.

"10:20 am. Si Anselm lang." Mukhang tinanong ni Tita Lavinia kung anong oras flight ko bukas pabalik ng Bohol.

"There he is." Ani ni Tavian ng dumating ang red na Innova.

Si Papa ang sumakay sa harap, si Tavian at Mama naman sa gitna, kami ni Oren sa likod.

"Good morning." Bati sa amin ng driver at binati din namin siya pabalik.

"Sa Centris po tayo noh?" Tanong niya at si Papa na ang nag kumpirma.

Humingi kami ng butter sa waiter para hindi dumikit yung mga pagkain na lulutuin, kumbaga parang ito yung oil. Nag luto ako ng Sinigang bilang sabaw namin at pan tanggal umay.

Matapos ay umuwi na kami agad sa guest house nila Iris at inayos ko na ang mga gamit ko para sa pag balik ko sa Bohol. Sa bahay namin sa Blue Ridge kami ngayon matutulog, mabuti naman dahil nakakahiya kayla Tita Lavinia lalo na may bahay din kami dito sa Metro Manila.

Naka handa na ang gamit ko pero si Mama hindi pa ata tapos ang pakiki pag bonding kay Tita Lavinia. Gusto ko ng umuwi, wala din naman si Iris, nag unli wings daw kasama si Phoenix.

Inaya ako ni Zion na makipag chess sa kanya dahil wala daw gusto maki pag laro sa kanya.

Sinundo kami ng driver namin sabay nun ang pag dating ni Iris na kasunod ang Ranger na siguradong si Phoenix ang nasa loob. Binababa na lang namin ang mga bintana at bumusina para mag paalam sa kanila at mag pasalamat. Na sulyap ko pa ang pag akbay ni Phoenix kay Iris.

Kinaumagahan ay hinatid nila ako sa NAIA, Terminal 3. Umupo ako sa dulo, malapit sa bintana dahil yun ang designated seat ko. Naka tingin lang ako sa bintana habang umi ikot ang eroplano para maka pag take off. Naramdaman ko na ang pag alog hudyat na pa take off na, nag video ako para mapadala sa pamilya ko, naka airplane mode naman pero ang sabi talaga i switch off ang mga gadgets.

Pag dating ko sa airport, si Caius ang sumundo sa akin, dala niya ang Hiace. Tinulungan ko siya ipasok ang mga gamit ko sa likod, at sumakay ako sa shotgun. Tumawag ako kay Mama para hindi siya mag-alala.

"Hello, Ma. Kasama ko na po si Caius, papunta na kami sa Svetlana."

"Pahinga ka muna pag dating doon, wag muna mag trabaho."

"Kailangan po mag trabaho. Tutal andoon naman na ako, gawin na agad."

"You should rest first."

"Ilang araw na po ako nasa bakasyon sapat na po siguro yung mga araw na iyon sa pag papa hinga ko."

"Don't stress yourself. Pahinga ka kahit ngayon lang, galing ka sa biyahe."

"I'll think about it. Paki sabi sa kanila na andito na ako sa Bohol."

"Sure. I love you, son. Take care."

"I love you too, Ma. Ingat din."

"Sir, mag ta trabaho na ba kayo agad pag dating?"

"Siguro mag si siesta lang muna tapos balik na sa trabaho."

"Kumain na po ba kayo?"

"Yep, nag early lunch ako. But, light meal only. Ano bang pagkain ngayon?"

"Hindi pa po ako tumingin."

Hindi ko na hinayaan pag buksan ako ni Kaius ng pintuan, pinababa ko na lang agad sa kanya ang mga gamit ko at tinulungan siya dalhin sa kwarto ko.

"Sir, pwede niyo ba ako sabayan kumain?" Nahihiya niyang tanong dahil sa pag hawak niya sa kanyang batok.

"Oo naman, sige libre ko na." Hindi naman ito first time ko sumabay kumain sa isang empleyado.

"Hindi na po sir, kailangan ko lang talaga po talaga ng kasabay. Yung mga kaibigan ko po nauna, kumakain na sila nung sinundo kita." Tumango ako at sabay kaming pumunta sa restaurant.

"Welcome back, sir!" Sigaw ng mga empleyado.

"Wow!"

Parang kailan lang sinurprise namin si Iris nung birthday niya, ilan taon na din ang naka lipas. Kunwari pina tawag ko pa siya sa mismong opisina ko, pero planado talaga namin lahat yun, pinayagan ko si Ngaire na labagin ang rules at ayain si Iris para lang magawa yung surpresa na pinlano namin ng pamilya niya. Ngayon ako naman ang na surprised, salamat sa mga empleyado namin.

Lumapit sa akin ang iba para maki pag selfie, may picture din kaming lahat gamit ang GoPro ng isang empleyado.

"Parang ang tagal kong nawala, may ganito pa kayo. Salamat dito."

"You deserve it, sir. You treat us equally." Ani ng supervisor.

Do I? I thought I'm having Iris as my favorite. Well, maybe I treated them equally, or I really think I really treated them differently, it's just that they get what they deserve. And for Iris, she will always be my favorite, that my heart can never forget.

Hindi lang kainan ang nangyari, nagkaroon din ng palaro, pagka tapos kainan ulit para sa meryenda at pambawi sa pagod sa mga nilaro.

Ipag papa bukas ko na lang ang trabaho, magpa pahinga muna ako. Tama si Mama kailangan ko muna mag pahinga, dahil ang totoo kahit galing ako sa bakasyon pagod ako.

Nag bukas ako sandali ng Facebook ko, sa pinaka ibabaw ng notif ay naka live si Iris. Mukhang nasa party sila, Si Axis ang lumabas sa live habang nag li lip synch ng You Give Love a Bad Name ni Bon Jovi at pinag papasa nila ang camera para kumanta.

Axis: Shot through the heart and you're to blame. Darling, you give love a bad name

Sabay headbang niya kasabay ng mga instrument, nilipat niya ang camera kay Levi at ganon din ang ginagawa ng kay Zion naman parehas lang din.

Zion: I play my part and you play your game. You give love a bad name.

Axis and Levi: Bad name

Nag react ako ng haha at nag comment kung nasaan si Iris. Mabilis naman nilang pinakita ang mukha ni Iris at mabilis niyang tinakpan ang camera. Nang maka balik na sa kanila ang camera narinig ko ang boses ni Iris.

"What are you doing with my phone?" Sigaw niya.

"Nag la live ba kayo?"

"Kaninong account ginagamit niyo?"

"Sa iyo, Ate."

"What the!?"

Levi: Paint your smile on your lips. Blood red nails on your fingertips. A school boy's dream, you act so shy.

Axis: Tapos na po ang kanta, tapos na din po ang pag la live namin salamat sa mga nanonood, kinukuha na po ng may ari ng kanyang phone. Salamat hanggang sa uulitin.

At doon natapos ang pag la live nila. At simula naman ng pag ring ng cellphone ko, huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag. Ano naman kaya kailangan ng kapatid ko?

*****

Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)

Love,

Julie II

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro