Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Cool

28 March 2017

********

Chapter XXV

Sa tuwing kasama ko si Phoenix bumabalik na ang dating ako. Na meet na din niya ang parents ko at mukhang gusto naman nila si Phoenix para sa akin. Hanggang sa sinagot ko na siya, masaya naman ako sa kanya at nalalabas ko din kung sino talaga ako.

Hinawakan niya ang kamay ko matapos siyang bumili ng ticket namin para sa movie.Biglaan lang ang pag de decide namin na manood ng sine. Andito lang talaga kami para bumili ako ng dress at heels sa darating na graduation ko.

"Bili muna tayo ng chichirya." Tumango naman ako sa sinabi niya.

Bumili siya ng popcorn ako naman ay binilhan niya ng Pringles. Pamilya ko, pamilya niya, mga sa tingin kong totoong kaibigan ko at mga kaibigan lang ang nakaka alam na may relasyon kami. Ayaw ko kasi na maging parang publiko ang relasyon namin. Paano na lang kung magka labuan kami at parang halos lahat ng sambayanan alam na may relasyon kami? Hindi imposibleng may mas gawin ang iba para tuluyan kaming magkalabuan at mauwi sa hiwalayan.

"Baby, pwede ba ako sumama sa welcome party namin kayla Nathan sa bar?" Tanong niya sa akin sa kabilang linya. Tinanong ko sa kanya kung saan ito at sinabi din naman niya sa akin.

"What time?"

"1 am."

"Masyado ng gabi iyon. Nag paalam ka na ba kay Tita Lori?"

"Hindi, mas kailangan ko ang permiso mo."

"Phoenix, girlfriend mo ako, hindi mo ako nanay at hindi mo pa ako asawa. Okay, pag pinayagan ka niya sige go, kung hindi alam mo na hindi ka pwede."

"Thank you, Baby. I love you." Natawa naman ako sa kanya at rinig kong masaya siya dahil pinapayagan ko siya.

"I love you too."

"You're the best girlfriend."

"Bakit may iba ka pa ba at nasabi mo akong best girlfriend?" Malamig na tanong ko sa kanya.

"Syempre wala na. Akala ko kasi hindi mo ako papayagan at akala ko din ang isasagot mo sa akin ay bahala ako."

Binibigyan ko siya ng time na sa pamilya lang niya, time na sa mga kaibigan lang niya at time na kaming dalawa lang. Ganon din naman ang hinihiling ko sa kanya at binibigay naman niya sa akin iyon.

"Kailan lang naman ulit dumating si Nathan diba? Time to spend with your barkada high school."

"May babae doon." I just rolled my eyes. Maski pala ang lalaki mahirap intindihin nag re reklamo sila pag hindi nila maintindihan ang girlfriend nila, pag hindi sila pinapayagan ganon din.

"Ano gusto mo iparating?"

"Hindi ka ba mag se selos?"

"Bakit may gagawin ka bang ikaka selos ko?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Wala naman." Sa sagot niya para siyang napagalitan ng Nanay niya.

"Good. I trust you. Hindi lang naman siguro kaharutan ang ginagawa sa bar diba?"

"I'm so lucky to have you. Thank you for understanding."

"Wag mong sisirain ang tiwala ko sayo."

"Aye aye, Ma'am." Umiling na lang ako habang naka ngiti.

"Another question." Sabi ko ng may maisip pa.

"Wh-what?" Tumaas muli ang kilay ko.

"Bakit parang kinabahan ka?"

"Syempre diba pag ta tanungin ka ng hindi mo alam syempre kakabahan ka."

"What-e-ver. Sino sa mga kaibigan mo ang malapit sa bar na iyon?"

"Si Edward. Siya nga ang nag-aya doon."

"After mo maka pag paalam kay Tita Lori at pinayagan ka. Tanungin mo si Edward kung pwede doon ka matulog sa kanila. Pag hindi pwede, sorry hindi ka pwede sumama."

"Hala. Maayos na kanina tapos biglang may ganyan."

"Excusez moi! Gusto ko din naman na magkaroon ka ng time sa kanila kaya nga kita pina payagan. Pero 1 am pa mag si simula yung party. Panatag ka ba ng wala talagang masamang mangyayari sa iyo? Kailangan safe ka din."

"Okay, you're still cool. I'll call you later to update you. Thank you, I love you."

"I love you too. Pag hindi ka pinayagan mag ba bar tayo. Tayong dalawa lang."

"Talaga? Wag na kaya akong sumama sa kanila?"

"Decision mo yan. Sabi ko lang pag. Kung decision mong hindi sumama hindi ibig sabihin nun ay mag ba bar na tayo. Sige na gagawa pa ako ng lesson plan."

"Wag mo ko kalimutan pangalan ko sa example mo."

"Opo. Nagta tanong na nga mga estudyante ko bakit laging may Phoenix pag nag bi bigay ako ng example."

P.E and Health teacher ako sa first and second year high school sa isang private school. P.E sa first year at Health naman sa second year.

"For example-" Natigil ako sa pag sa salita ng mag salita ang estudyante kong makulit.

"Ma'am si Phoenix na naman yan ano? Gawin mo naman akong example." Reklamo ni Dale at natawa kaming lahat sa kanya.

"Okay. For example si Dale-"

"Ma'am, may boyfriend ka na ba?" Sasagot na sana ako ng biglang sumabat ang katabi niya na isa din na makulit.

"Bawal ang student and teacher relationship." Pina tigil ko na sila at pinag patuloy ang pag di discuss.

Kahit madaming makulit sa mga estudyante ko lalo na ang mga lalaki, pag talagang nagalit ako sa kanila bibigyan pa nila ako ng peace offering.

"Dale, come here." Tawag ko ng napansin kong hindi naman siya nakiki pag cooperate sa mga ka grupo niya.

"Ayan lagot."

"Nako, papansin lang yan kay Miss Iris."

"Ilan ang gusto mong minus sa exam mo?" Tanong ko sa kanya

"Hala, Ma'am!" Napalayo siya.

"Why? I told you to cooperate with your group mates. Ano ginagawa mo? Palakad lakad ka lang diyan. So, how many minus I will put on your exam?"

"Ma'am naman pag bigyan niyo na ako."

"Dale, akala mo hindi kita napapansin? Matagal na kitang pinagbibigyan."

"Ngayon Ma'am pag bigyan niyo ulit ako."

"Going once, Dale. Pag hindi ka nag bigay mas mataas na minus ibibigay ko sa iyo."

"I- ikaw na lang po."

"Going twice. Sure ka? Pag nag thrice ito baka bumagsak ka sa exam."

"Sige Ma'am minus one na lang." Sinulat ko sa papel niya ang minus one katabi ng score niya at tinotal ulit iyon. Pasado pa din naman siya.

Sabay sabay namin binuksan ng mga co teachers ko ang evaluation sa amin ng mga estudyante namin. Natuwa naman ako na halos lahat ng ratings sa akin ay matataas.

"Talaga itong mga estudyante ko binigyan ako ng mababang ratings!" Reklamo niya "Hindi ba nila nai intidihan na kaya ko sila hinihigpitan dahil gusto kong matuto sila." Siya ang pinaka terror na teacher sa high school. Trigonometry ang kanyang tinuturo.

Binaling ko na lamang ulit ang tingin ko sa mga evaluation at nag basa ng mga comments.

COOL TEACHER

Ganda mo, Ma'am.

I love you, Miss Iris. <3

You're unlike any other.

Binalita ko kay Phoenix ang naging resulta ng evaluation sa akin ng mga estudyante ko. Kaya naman agad niya akong pinuntahan sa bahay at binigyan ako ng regalo.

"Baby, accept mo na kasi yung relationship request ko sa iyo sa Facebook." Naka nguso niyang sabi.

Ngumuso lang din ako sa kanya at kunwaring iki kiss ko siya. Kita ko ang pag mamaka awa niya sa kanyang mukha. Inasar asar ko pa siya bago ako bumaling sa Mac Computer. Inaccept ko ang request niya at napa tingin ako sa kanya ng halikan niya ako sa pisngi. Shinare ko din sa timeline para mas matuwa siya.

"Ouch." Ginigil niya ako ng yakap kasabay ng pag halik ng madami sa pisngi ko.

"Gusto mo mag meryenda? May spaghetti, niluto kanina nila Elly. Dalhan mo na din ako."

"Para paraan ka sa pag utos."

"Yeah right." Hinalikan muna niya ako sa pisngi bago lumabas ng kwarto ko.

Kumunot ang noo ko ng mag pop out sa akin na may message si Anselm. Tagal na din ako walang balita sa kanya. Mommy and Tita Aliyah are still seeing each other. Binuksan ko ang message niya.

Anselm Giron

Anselm: Kamusta?

Nag ta type ako ng isasagot sa kanya at siya din mukhang may gusto pang sabihin.

Anselm: Nakalimutan mo na ba ako? May boyfriend ka na pala. Hahaha!

*******

Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)

Love,

Julie II

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro