Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Answering Machine

17 January 2017

*********

Chapter XV 

Kinabukasan naka balik ako sa trabaho, late nga lang ako naka pasok dahil kaninang umaga lang din nalaman ng HR na pwede na akong bumalik. Nagkaroon pa kami ng conference call nina Mommy at Tita Aliyah at ayun pinaliwanag ko sa kanya. Napagalitan din ang HR manager kung bakit hindi man lang ako binigyan ng chance mag paliwanag, hindi naman naka rating kay Anselm at wala silang balak ipaalam.  

"Good morning." Galing si Ngaire sa CR at kaka ligo lang.

"Morning." Ngumiti ako sa kanya

Bumangon na ako sa kama at naligo para sa duty, lumabas ako ng naka rash guard sa kwarto. May kinu kwento si Ngaire na hindi ko masundan dahil sa iniisip ko. Nagka salubong kami ng speaker sa orientation at hindi ako maka tingin ng diretso sa kanya.

"Iris, pinapa tawag ka ni Sir Anselm sa office niya." Tumango ako.

"Mauna ka ng kumain." Sabi ko sa kanya.

"Antayin na lang kita doon."

"No need baka matagalan pa." Ngumiti siya at nag taas ng kilay, may makahulugan ang kanyang tingin sa akin.

"It's not what you think."

"Really? Don't act guilty."

"I'm not guilty."

"Yeah right, you reacted." Bago pa ulit ako maka pag salita ay tumakbo na siya at tumigil pa para lang mag flying kiss sa akin.

Parang matatalo na ako. Naisipan ko pang bumalik sa kwarto kung papalitan ko pa ba ang suot ko. Hindi naman nakaka bastos ang rash guard diba? Talagang hindi. Nag pa tuloy ako sa paglalakad para maka punta sa kabilang building.

Tatanggalin na ba niya ako? Nahuli na ata niya yung pag pasok ko sa kwarto niya na puro awards? Wala naman ako hinawakan doon maliban sa doorknob. Trespassing pa din ba ang tawag doon? Bahala na.

Muntikan na akong hindi kumatok sa two weeks na wala siya ay nasanay ako. Siguro apat na beses lang naman ako pumasok sa office niya nung wala siya.

"Morning."

"Take a seat." Bad news ba ito? Hindi siya nag good morning sa akin.

Pag ako mapaparusahan hihingi ako ng tulong kayla Mommy kahit expected na papagalitan ako.

"I know what you did nung wala ako." Wala ngang lihim hindi nabubunyag.

"I'm sorry."

"Iris, again you did a trespassing."

"I didn't touch anything, except the doorknob." Sumama lalo ang tingin niya sa sinagot ko.

"Yes, I saw that on the CCTV. Di mo ba naisip na isang susi lang meron ka? Ibig sabihin hanggang dito ka lang pwede umapak." Turo niya dito sa kwarto.

"It wasn't lock."

"Your reason is not acceptable. Kahit baliktarin natin hindi pa din tama ginawa mo, dahil una pa lang dapat hindi mo susubukan man lang galawin ang doorknob para tignan kung bukas ba ang pinto o hindi!" Nagulat ako sa sigaw niya. Ilang beses na niya ako pinagalitan pero ito unang beses na nasigawan niya ako.

"Iris, for the tenth time follow the rules!"

Ngayon ko lang siya narinig sumigaw at galit na galit, sa ilang beses kong pag labag sa rules ay pinagbibigyan niya ako at kung pagalitan man ako ay mahinahon lang. Ngayon? Mukhang papaalisin na talaga ako.

"Malapit ka ng matapos, ilang araw na lang aalis ka na din. Kahit ngayon na malapit ka ng matapos mag stay dito mag iwan ka naman ng maganda." Ngayon kalmado na ulit siya pero ramdam ko pa din ang galit niya.

"Paano kung ibang tao ang nakilala mo? Baka una pa lang tinanggal ka na. Ilang beses na kitang pinag takpan sa mga magulang mo para hindi na madagdagan yung sakit ng ulo nila, pati na din sa mga kapatid mo para hindi ka mapahiya. Wag kang abusado sa mga nag pa pasensya sayo."

"I told you to behave. Mahirap ba gawin yun?"

Hindi naman mahirap sumunod, hindi lang talaga ako willing. Having rules is also having limitation. Nanatili akong tahimik pero maraming pumapasok sa utak ko na hindi ko pwede sabihin dahil mas lalo lang siya magagalit sa akin.

"Kakagaling ko lang sa bakasyon, may ganito agad akong makikita sa laptop ko? Pinalipas ko lang ng ilang araw dahil sa pagod. Iris, ilan beses na kitang pinagbibigyan, pero sa tingin ko ngayon dapat mo ng harapin yung consequence para mag tanda ka." Umiling iling siya at napa hawak sa kanyang sentido.

I guessed it's time?

"Nag breakfast ka na ba?" Umiling ako.

"Mag breakfast ka na. Tatawagin ko na lang si Gibson." Mas dumoble ang kaba ko ng marinig ang pangalan niya. Ano? Sasabihin na ba niya na tapos na ang duty ko sa kanila dahil fired na ako? O sasabihin lang na ma le late ako?

"Ako na lang po magsasabi sa kanya mamaya."

"I need to talk to him too. You may go." Tumango ako sa kanya at nag sorry ulit bago lumabas ng office niya.

Sobra ang inorder ko kumpara sa dami ng ino order ko every breakfast. Pag may pino problema ako o pinag dadaanan mas marami akong kinakain.

Tapos na si Ngaire kumain ng dumating ako naabutan ko siyang tumatawa habang busy siya sa kanyang cellphone. Mukhang may nanliligaw na sa kanya or may boyfriend na, sa bawat sulyap ko sa kanya ay para siyang kinikilig.

Napansin naman ako ni Ngaire at mabuti hindi siya nag tanong tungkol sa amin ni Anselm, kinukwento niya yung nanliligaw sa kanya kahit hindi ko naman kilala.

"Sino ba yan?" Curious kong tanong.

"Hindi mo kilala."

"May I see his picture?"

"Shy type siya." Just wow.

"Why? Hindi na ba siya gwapo ngayon? That was so sad." Humawak pa ako sa dibdib ko at umiling iling. "Kidding! Sino ba kasi yan?"

"Hindi mo talaga kilala."

Tinuloy ko ang pagkain ko at siya naman ay tuloy sa pagiging kilig na hanggang sa pinakita din niya sa akin ang picture ng isang lalaki na parang familiar hindi ko alam kung saan at kalian ko nakita.

Dumating ako sa wave pool na wala si Kuya Gibson siguro kausap pa din ni Anselm. Ang tagal naman or baka may iba lang pinuntahan. Umakyat ako sa upuan ko at pinag masdan ulit ang mga taong nag su swimming.

Dumating siya gusto ko siya tanungin kung papaalisin na ba kami dito ni Anselm. Napansin niya yata ang pag titig ko sa kanya kaya napa lingon siya.

Natapos ang trabaho namin na puro kwentuhan kaming tatlo, pero syempre tumitingin pa din kami sa nag su swimming. Kinwento nila sa akin nung bago pa lang sila dito at kung ano ano pa.

Pumunta ako sa office ni Anselm at nag doorbell pero walang sumagot kaya dumiretso na ako sa kwarto at naabutan si Ngaire na tulog. Kailangan ko tumawag sa bahay namin at tanungin kung saan kami tu tuloy pag dating ko, sa pagkaka alam ko mag i stay kami sa hotel.

Dumial ako sa dalawang bahay namin pero answering machine lang ang sumagot.

Hi, you've reached Fidel residence, we'll call you as soon as we get home, please leave your name, contact number and your message after the tone.

Hindi na ako nag tanong baka mamaya hindi pa sila nakaka pag decide kung saan hotel kami matutulog.

Tumawag din ako sa office ni Anselm pero operator lang din sumagot.

Good day, this is Anselm Giron. Kindly, leave your name, contact number and your message after the beep. Thank you.

"Answering machine zoned?" Sabi ko pagbaba ko ng telephone.

Hindi ko na naitanong kung aalis na ba ako dito, kasi kung aalis ako dapat sinabihan na niya ako kanina. Pero hindi pa din ako pwede maging kampante, hindi pa tapos ang araw. May dinner pa at baka doon mamaya niya sabihin sa akin na mag ayos ng gamit.

Paano kaya kung tanggal na ako dito? Ano sasabihin ko sa parents ko? Sa mga kapatid ko? I su surprise ko ba sila? Tapos mas lalo ako mapapa galitan.

*******

Thank you for your time, have a nice day! God Bless. :)

Love,

Julie II


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro