Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Another Chance

15 November 2016

*********

Chapter VI

"Tav, what's going on here?"

Tav? Tavian? Hinarap ko sila para ma confirm ko na ito nga yung kapatid ni Anselm. Nakilala ko siya dahil sa pagiging unpaid private investigator ko sa social media ni Anselm. Nasa may pintuan si Anselm habang naka sandal ang balikat sa gilid ng pintuan. Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa ng mabawasan ang tension.

Naalala ko din ang sinabi ni Kuya Caius "Ayaw niya po sa mga hindi marunong sumunod sa dapat sundin."

 Naalala ko din ang sinabi ng speaker kanina nung orientation. "Remember this, we can replace you with the other applicants that we didn't choose."

Hindi pa ako nakaka pag simula, tanggal na ako agad?

"Iris, we need to talk." Seryoso ang kanyang boses.

Walang pag-aalinlangan na lumapit ako. Pagalitan man niya ako at least may alone time kami. Nginitian ko si Tavian bago ako lumabas.

Hinintay niya ako at sabay kami nag lakad. Walang nag sa salita sa amin. Pinindot niya ang up button ng elevator habang ako naman pa sulyap sulyap sa kanya. Nilahad niya ang kanyang kamay ng bumukas ang elevator at pinindot niya ang 9th floor.

Bakit parang hindi siya nag bi blink? Diba 15 to 20 times nag bi blink ang tao sa isang minuto? Ibig sabihin ba sabay kami nag bi blink kaya hindi ko napapansin? Diretso lang ang tingin niya sa pinto. Wala kaming naka sabay at hindi din bumukas ang pinto hanggang sa maka akyat kami sa 9th floor. Nauna siyang lumabas at hinintay ulit ako para sabay kami mag lakad.

Brown and grey ang interior ng kanyang office. Kinawayan ko si Kuya na nasa labas habang nililinis ang bintana at ngitian naman niya ako.

Iginala ko pa ang paningin ko, para tignan kung may CCTV. Tumango ako ng may nakitang meron, wala pa sigurong kababalaghan na nangyari dito. Naiba ulit ang pag-iisip ko ng may nakitang isang pintuan sa right side siguro yun ang CR. May malaking pahabang salamin din na halos kita na ang buong office niya at ang aming mga repleksyon. Sa gitna at left side naman ay bintana na kung saan kita mo ang infinity pool nila at labas ng kuweba.

"Please sit down."

Bumalik ako sa ulirat ng mag salita siya. Umupo ako sa upuan na tapat ng table niya at siya naman umupo sa kanyang swivel chair. Binasa ko ang kanyang pangalan sa desk name

Naval Anselm Giron

"Navy?"

"No. I was baptized as Naval Anselm Giron."

Actually, hindi ko naman talaga siya tinatanong nag taka lang ako sa pangalan niya. Baka nga yung mga names nila galing sa military or something security. Okay na din at sinagot niya para mas malinaw.

"Now let me ask you. What are you doing in the security control room?"

"I just got curious what's in there." Honest kong sagot.

"Haven't you read the sign?'

"I had read it, but I got curious."

"You know, Iris. We don't accept that kind of attitude who don't follow simple enough rule."

Sandaling tumahimik ang paligid bago ulit siya nag salita.

"I'll give you another chance for the internship. I'm expecting you will follow the rules and what you need to do."

Wag ka mag expect, pag hindi nangyari ang ini expect mo siguradong magagalit ka lang sa sarili mo or sa ibang tao. Kahit ganon tumango na lang din ako.

"I want to know more about you."

I need to watch vlogs with the titles 'How to Know if a Guy Likes You?' or 'How to Know if Your Crush Likes You?'.

"Bakit dito mo naisipan mag OJT?"

"Para maka iwas sa traffic, sa busy street ng Metro Manila." Hindi ko masabi na siya ang dahilan kung bakit ako nag apply dito. Wala naman na kong reklamo sa pangyayari sa Metro Manila dahil sanay na ako, sa traffic, sa busina at yung mga bus na magmumula sa kabilang dulo ng linya papunta sa isang dulo din ng isa pang linya, yung gi gitgitin ka ng taxi.

"Ito lang ba ang inapplyan mo?" Tumango ako.

"Ito talaga first choice ko. Mabilis naman nag reply ang HR niyo, natanggap din naman ako, kaya hindi na ako nag hanap pa sa iba." Nag pop out lang sa isipan ko ang explanation. Mabuti na lang para hindi ako halata.

"Ano ba course mo?"

"Bachelor of Secondary Education."

"Diba pag teacher sa school?"

"MAPEH ang major ko kaya pwede ako sa school, resort, gym, sa art class, music class and even sa hospital."

"Binalak mong pumasok sa New Beginning?" 

"Kung siguro matagal nag reply ang HR ninyo baka."

"Okay. Thank you for that."

"Well, by the way I really don't know with the other schools. Kung pinapayagan nila mag OJT sa hindi school ang students nila na major sa MAPEH"

"What position did you apply for?"

"Mermaid coach."

"Let say you already have experience Ano a applayan mong position pag nag trabaho ka na?"

Gusto ko talaga maging mermaid coach, pero naalala ko yung advice ko sa sarili ko.

You should never tell your plans You should never tell your goals. If you do that, they will drag you down or they will support you. But then, when you failed at the very first time, some people will think that kind of dream it's not for you and that can stop you from reaching it.

"Basta gusto ko may kinalaman sa swimming."

Pag hindi ko siya sinagot baka sabihin niya ako ang babaeng walang pangarap. Wala pa ngang gusto sa akin turn off na agad.

"Saan mo naman balak mag trabaho after mo grumaduate?"

"New Beginning Hospital, sa school or dito sa Svetlana?"

Tumango tango siya. "Basta wag ka lang sa all boys school lalo na at high school ang tuturuan mo hindi nagkaka layo ang mga age ninyo."

Bawal naman ang student teacher relationship, kaya hindi mangyayari yun. At isa pa nasa kanya na ako hindi niya lang alam.

"Bukod sa swimming ano pa ba pangarap mo? Ayaw mo din ba maging doctor or businesswoman?"

Tuwing tinatanong na lang ako sa pangarap ko at sinagot ko sila automatic na may kasunod na tanong ano pa ba ang iba. Porket yung mga kapatid ko gusto maging doctor o mamahala ng business, kailangan ako din?

Sasabihin ko na sa kanya ang isa ko pang pangarap kong 50 50.

"Actually, my 2nd choice is to be a defendant lawyer."

"Edi pagka graduate mo mag law ka. Hindi naman yun katulad ng med na kailangan mo mag pre med."

"I like the swimming more."

"Why defendant lawyer not prosecutor? First time ko kasi makarinig na gusto maging lawyer ang gustong ipagtanggol yung nasa bad side."

"I think guilty people should not end up in jail. Rehab can help them. Hindi naman porket hindi ako naka gawa ng krimen santa na ako agad. Siguro ako ang hindi ko nasunod yung rules, sila naman yung law. May reason din naman bakit nila nagawa yun, siguro sa pagiging desperate, yun na lang naiisip nilang paraan, takot, may galit sa puso nila or may mental health issue. A guilty was once also a victim."

"Yung may galit sa puso ibig mong sabihin yung gumaganti?"

"Pwede din or talagang may galit sa puso nila na may rason."

"Do you think it's right to hurt others when you are in pain?"

"Hindi nga tama yung ginawa nila, pero para sa akin hindi din tama na i kulong sila or patayin. For example your friend was murdered and you think the killer is no more human. And you, you want to kill him, it happened. Do you think you can call yourself a human by that time? You even killed somebody. May mga tao kasi na kapag na abgradyado lalo may possibility na mas lumalala sila sa kasalanan na nagawa nila. You know why? Because they feel unloved. They look fighter on the outside, but from within they are weak."

"Now I understand." Ngumiti siya sa akin.

The smile, the cleft chin, I still remember the very first time I saw him in Hong Kong Disneyland.

"Yung mga inosente naman na nalalagay sa ganon, mas kailangan nila ng magta tanggol sa kanila. People deserve another chance and they must feel there still hope."

************

A huge thank you for your time.  Have a nice day! God Bless. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro