Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8 8

8

Agad na nakarecover sa gulat si kyungsoo at tinanggap ang kamay ni baekhyun.. Pinagsisisihan niyang ipinagpaalam niya si yeol para sa pesteng party na 'to, kung alam niya sanang mangyayari ito ay hindi na niya tinulungan ito. Mas gusto niyang pumunta nalang si chanyeol sa busan kaysa magkita sila ni baek, pero ayos lang iyon dahil nalaman niya agad na nagkikita at nagkakausap ang dalawa at least madali silang mapaghihiwalay..

Pero madali nga ba?

"It's so nice to meet you.." sabi niya at peke siyang ngumiti dito, smiling like a b!tch.

"Baekhyun" mas hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ni baek, agad siyang binitawan nito dahil sa sakit ng kamay niya.

Nagulat si baek sa ginawa ni kyungsoo, feeling niya ayaw sa kanya ni kyungsoo, pero inalis din niya sa isip niya ito baka badtrip lang si kyunsoo kaya ganoon, at oo ayaw sa kanya ni kyungsoo. Sa oras na ito siguradong pinapatay na ni soo si baek sa isip niya. Ayaw niya kay baek, sobra.

"Nice to meet you din kris" bati ni chanyeol , napatingin si kris sa kanya at tumango. Kinakabahan si kris, ngayon na nagkita na silang dalawa ano nang mangyayari?

"Appaa! Eommaa!" Sigaw ng isang bata, tumingin silang apat sa pinanggagalingan ng sigaw at nakita nila si taehyung na yakap si little pinku . papalapit ito sa kanila. Yumakap si taehyung sa binti ng eomma niya at tumingin sa dalawang bisita nila na ngayon lang niya nakita.

"Yoda..." bulong ni taehyung at tinuro si chanyeol.. natawa si chanyeol at nagsquat para matapatan ang bata.

"Hi baby taehyung.. im your tito chanyeol and this is your tito kyungie" turo ni chanyeol kay kyungsoo, kyungsoo rolled his eyes upward, ignoring them.

Umiling si taehyung at inalis ang pagkakayakap sa binti ni baek at lumapit kay chanyeol. Hinawakan niya ang dalawang tenga ni chanyeol at hinila hila niya ito pataas.

"Tito yoda.." taehyung giggled , natuwa sa malaking tenga ni yeolda.

Hindi alam ni chanyeol pero sobrang gaan ng loob niya sa bata. Napaka cute daw nito at masayahin, kamukhang kamukha niya si baek, nagtataka siya dahil parang walang nakuha si taehyung kay kris.

Binuhat niya si taehyung at ibinigay ang regalo niyang rilakkuma dito, nalaman kasi niya kay baek na mahilig ito sa rilakkuma kaya bumili siya ng stuffed toy na rilakuma na halos kasing tangkad na ng bata.

"Happy birthday, baby taehyung!" Sabi ni yeol at hinalikan ang pisngi nito.

Kumikinang naman ang mga mata ni taehyung na tinanggap ang regalo ni chanyeol.

"Baby, anong sasabihin mo kay tito?" Tanong ni baek, tumingin siya sandali kay baek then kay chanyeol.

"Thank you po, tito yoda.. tito pororo" hinalikan siya nito sa pisngi.. napalingilon si yeol kay soo, halatang naiinis ito kaya natawa siya. Ngumiti si baek at kinuha na si taehyung sa kanya.

Ilang sandali pa lamang ay dumating na si luhan at sehun, nagulat si sehun dahil magkakilala pala si baek at chanyeol.

"Ninong sehun!! Ninang luhan!!" Sigaw nito at kumakawala sa eomma niya, ibinaba ni baek si taehyung. Tumakbo ito kay sehun at sumabit sa binti nito na parang unggoy, natawa sila..

"Hey , kiddo. Kamusta? Hinihintay mo ba yung gift namin ni ninang luhan mo?" Tumang tango ang bata sa kanya at bumaba na sa binti ni sehun. Lumapit naman ito kay luhan at binuhat siya nito, luhan kissed his cheeks na ikinamula ng bata..

"Ang ganda mo po talaga ninang luhan" sabi nito at nahihiyang yumuko. Crush ni bebe taehyung si luhannie, sehun ruffled the kid's hair at tumawa.

Lumapit ang magboyfriend sa apat at binati sila..umupo muna silang lahat at nagkwentuhan bago magsimula ang party, habang nagkukwentuhan ay tumitig naman si kyungsoo kay kris, napansin naman siya ni kris. Alam ni kris na galit na galit na si kyungsoo dahil sa nangyari ngayon, pero wala na talaga silang magagawa dahil nagkita na ang dalawa.

tumayo si kris sa inuupuan niya at nagpaalam sa asawa na kukuha ng pagkain para sa kanila... ilang sandali pa lamang ay tumayo si kyungsoo para magCR.

Hindi naman talaga siya magcCR dahil ang gusto talaga niya ang makausap si kris. Kailangang kailangan niyang makausap si kris, kailangan nilang gawan ito ng paraan..

Hinanap niya ito hanggang sa makita niya ito sa harap ng bahay nila at nakasandal sa pader. Napalingon sa kanya si kris.

"Anong nangyari kris? Bakit pinabayaan mong magkita sila?!" Sigaw ni kyungsoo, binigyan siya ni kris ng cold expression. Sinasabi na nga ba't mangyayari ito at walang ibang susumbatan si kyungsoo kundi siya lang and it annoys him.

"Bakit mo ba sinisisi sa akin lahat? Bakit ikaw? Hindi mo ba binantayan ng mabuti yang chanyeol mo? Fvck kyungsoo, bakit sa tuwing may pagkakataong malapit na silang magkita , ako ang sinisisi mo? Why don't you blame yourself too?! Magkasabwat tayo dito kaya damaydamay tayo dito.. Kung anong mali ko dito, mali mo rin , so shut the fck up!" Kyungsoo clenched his fist .. oo nga naman , sila ang may pakana nito. Kung anong kasalanan ng isa ay kasalanan din ng mga kasabwat niya. Napaupo sa lupa si soo sa sobrang pag alala sa mga mangyayari sa susunod pang mga araw, maraming pumapasok sa utak niya ngayon at ang sakit daw sa ulo.

"Oh god! Hindi pwede to. Paano kung may maalala sila?! Paano kung mawala si chanyeol sa akin?! Fvck kris! Do something! Don't you see im freaking out?!" Hindi siya sinagot ni kris at naglakad na palayo. Tumigil ito saglit at lumingon sa kanya.

"We don't need to rush things, makakahalata sila pag agad natin silang pinaglayo." Sabi niya, tumingin pabalik sa kanya si soo.

"Bakit hindi? Gusto mo bang mawala din si baekhyun at ang anak niyo sa iyo? Are you an idiot?!"

"Yeah, im an idiot. Natatakot akong mawala si baekhyun sa akin pero walang akong karapatan." Napatitig si kyungsoo sa sinabi niya, hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.

"Kasi kyungsoo alam nating pareho na sa simula pa lang hindi na natin sila pagmamay-ari.. Nanghiram lang tayo, hiniram lang natin sila." sabi nito at tuluyan nang umalis..

---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro