Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20

20

Lumipas ang apat taon at hindi na nagkausap pang muli si baekhyun at kyungsoo. Ilang beses na rin niyang pilit kinausap si kyungsoo pero matigas pa rin ito kaya sinabihan na siya ni chanyeol na hayaan na lang ito. Kahit masakit sa kanya na bitawan ang friendship nila ay lumayo na din siya.

At sa apat taon na wala si kyungsoo ay maraming nangyari. Pagkagraduate nila ni chanyeol ay nagpropose ito sa kanya at ngayon ay 9 months pregnant na siya, ang laki na din ng tyan niya. Sa ngayon ay masaya siya dahil alam niyang nasa tabi lang niya si chanyeol at hindi siya iiwan nito.

"Yeol!! halika! look! ang cute oh!" Malakas na tawag niya sa asawa na nakakuha sa atesyon ng maraming tao. Wala naman siyang paki-alam kahit maingay siya o panisinin siya ng mga tao. Dali daling ibinaba ni chanyeol ang baby toys na hawak niya sa basket at agad na nilapitan ang asawa.

Parang bata itong maliit na excited na ipakita sa asawa ang baby clothes na nakita niya sa shop. Natawa naman si chanyeol sa itsura nito.

"Yeol! yeol! Ang cute nito di ba? bilhin natin 'to para kay baby.. Pleaseeee?!! Pleaassseee?!" Sabi ni baekhyun at nakapout na nakiusap kay chanyeol. He nodded and ruffled his husband's hair. Ang cute cute talaga kasi nito. Agad na inilagay naman ni baek ang damit sa basket at pumunta naman sa ibang section para bumili pa ng mga gamit para sa baby.

Naramdaman ni chanyeol na parang may sumusunod sa kanila kaya napatingin siya sa paligid niya, napailing na lang siya nang wala siyang makita at mukhang napaparanoid lang siya. Sumunod na lang siya sa asawa niya at masayang pinanood ito.

---

"He's beautiful.."

"Yes he is. Kamukha mo kasi siya.." Sabi ni chanyeol at hinalikan sa noo ang asawa na kapapanganak pa lang. Baekhyun smiled gently and kissed his son so lovingly .

Masayang pinapanood ng mag-asawa ang kanilang anghel nang may kumatok sa pinto. Napunta ang atensyon nila dito at sinabi ni chanyeol na pumasok. Doon nanlaki ang mga mata nila nang makita ang taong inilayo ang sarili niya four years ago..

"Ky-Kyungsoo..." Naiiyak na sambit ni baekhyun. Chanyeol glared at kyungsoo while kyungsoo smiled at them. Kasama din nito si jongin na may dalang fruit basket.

Dahan dahang lumapit si kyungsoo sa dating kaibigan at naluluhang hinawakan ang kamay nito. Hindi makapagsalita si baekhyun, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. All he know is kyungsoo is finally here, his best friend is back.

"Baekhyun" Kyungsoo said between his sobs, he hold his best friend's hand more tightly..

"B-baekhyun, i'm sorry... i'm sorry.." Umiiyak na sambit nito.

Baekhyun's tears started to fall down to his cheeks. Sobrang saya niya, hindi niya aakalaing darating ang araw na ito. Yung araw na magkakaayos sila ni kyungsoo. Dahan dahang niyakap ni kyungsoo si baekhyun , nang kumalas na sila sa pagkakayakap ay tumingin si kyungsoo sa baby na buhat buhat ni baekhyun. He gently caressed the baby's head and kissed it.

"He really looks like you baek" He said smiling. Ngumiti pabalik si baekhyun.

"Kyungsoo, you're back.." sabi niya. Kyungsoo looked at him pagkatapos kay chanyeol.

"Yeah, i'm back.."

---

"Baek, pupunta ako sa unit ni kyungsoo ngayon, pag uusapan daw namin nila jongin yung business nilang dalawa" paalam ni chanyeol kay baekhyun. Ilang buwan na din nakalipas nang makalabas ng ospital si baekhyun. Okay pa rin naman si ni kyungsoo.....

Sa ngayon...

Ngumiti si baekhyun , hinalikan naman ni chanyeol si baekhyun sa noo.

"Uwi ka ng maaga ah.. Ipagluluto kita ng paborito mo" Lumaki ang ngiti sa labi ni chanyeol at hinalikan ulit ang asawa sa labi.

"I love you.."

"i love you too. osya umalis ka na, baka hinihintay ka na ng dalawang yun" Tumango si chanyeol at bumiyahe na papunta sa unit ni kyungsoo.

Pagdating doon ay agad siyang umakyat papunta sa 6th floor.. Agad naman siyang pinapasok ni kyungsoo nang makarating siya. Pinaupo siya nito sa couch. Nagtataka pa siya dahil wala pa si jongin kaya nagtanong siya kay kyungsoo..

"Kyungsoo where's jongin?" hindi ito sumagot at tumitig sa kanya, bigla siyang kinabahan sa titig nito. Feeling niya may hindi tama. Hindi rin nagtagal ay nagsalita ito.

"Hindi talaga kita pinapunta dito dahil sa business.. Pinapunta kita dito kasi gusto kitang makausap" seryosong sabi nito. Mas lalong kinabahan si chanyeol sa sinabi nito, sigurado siyang hindi tama ang mangyayari.

"Chanyeol, i still love you.. please be with me, please leave baekhyun for me.." sabi nito na ikinalaki ng mata niya pero napalitan din agad ng galit ang mga mata niya, Napatayo siya at kinuha ang mga gamit.

"If you want to talk nonsense, mas mabuting maghanap ka ng makakausap mo or tawagan mo na lang si jongin. Aalis na ako" sabi niya.. akmang aalis na siya nang hawakan siya ni kyungsoo sa braso.

"i'm fvcking serious park chanyeol! i fvcking love you! Hindi nagbago ang nararamdaman ko!it's always been you! i can't live without you! please, chanyeol!"

"I love him kyungsoo. Hindi din nagbago ang nararamdaman ko, si baekhyun pa rin ang mahal ko" sabi niya. Nangingilid naman ang luha ni kyungsoo sa mga mata niya.

"Please! Kalimutan mo na siya! I'm begging you!"

"Kyungsoo, please set me free. I told you, i love him so please.. let me go." Sabi niya at pinipilit alisin ang mga kamay ni kyungsoo sa braso niya, hindi niya gustong saktan ito dahil kaibigan niya ito.

"NO! YOU'RE MINE IN THE FIRST PLACE CHANYEOL! THAT TRAITOR! INAGAW KA NIYA SA AKIN CHANYEOL! HINDI KITA BIBITAWAN, NEVER! AKIN KA LANG! YOU'RE FVCKING MINE!"

"Stop this nonsense kyungsoo! Hindi niya ako inagaw dahil hindi mo ako pag aari! " mas lalong humigpit ang kapit ni kyungsoo sa braso niya, kaya wala siyang nagawa kundi ang itulak ito sa kama at hawakan ang dalawang wrist nito.

"i hate baekhyun! i hate baekhyun! i hate him! i fvcking hate him! Sana mamatay na siya! sana mamatay na sila ng baby niya!" Biglang nagdilim ang paningin ni chanyeol sa narinig at sinampal ng pagkalakas-lakas si kyungsoo.

"FVCK! WAG NA WAG MONG SASABIHIN YAN! ASAWA AT ANAK KO ANG BINABANGGA MO! KUNG GANYAN LANG IAASTA MO MAS MABUTING LAYUAN MO NA KAMI NI BAEKHYUN. MAS MABUTING IKAW NA LANG ANG MAMATAY. FOR A FRIEND LIKE YOU, YOU'RE FVCKING USELESS" galit na sabi chanyeol at marahas na binitawan si kyungsoo. Doon na humagulgol ng iyak si kyungsoo samantalang si chanyeol ay lumabas na ng unit.

Limang araw na din nang mangyari ang away sa pagitan ni kyungsoo at chanyeol. Hindi na din nagkwento si chanyeol kay baek dahil alam niyang mag-aalala pa rin ito sa kaibigan.

Ang sinabi na lang niya kay baek ay hindi muna ito makikipagkita sa kanila dahil may sakit ito, kahit nagdadalawang isip ay naniwala na lang si baekhyun at hinayaan si kyungsoo.

Nagring ang phone ni chanyeol, nakatanggap siya ng text galing kay jongin.

From: Jongin

10:36 pm

Hyung, nasa ****** bar si kyungsoo, lasing na lasing. Please tulungan mo ako dito ayaw niyang makinig sa akin, Gusto niya ikaw ang kumuha sa kanya..

Napabuntong hininga siya at agad na nireplyan ito.

To: Jongin

10:36 pm

I'm on my way, wait for me..

Napalingon siya kay baekhyun at kay taehyung na mahimbing ang tulog, lumapit siya sa mga ito at hinalikan ang mga noo nito, sabay bulong kay baekhyun ng...

"I love you"

----

Pagdating niya doon ay wala si jongin at wala siyang nakitang lasing na kyungsoo, Nakita niya itong nakangisi sa kanya. Galit na galit siyang lumapit dito.

"Ano nanaman ba kyungsoo?! Nasaan si jongin?!" Kyungsoo chuckled and waved the phone he's holding at alam niyang kay jongin ang phone na iyon.

'SHT! HE TRICKED ME!'

He clenched his fist and gritted his teeth. Galit na galit na talaga siya. Ayaw talaga siyang tigilan ni kyungsoo.

"ano ba talagang kailangan mo kyungsoo? Ano ba ang dapat kong gawin para layuan mo na kami?" Sabi niya at pilit na pinakakalma ang sarili. Ayaw niyang sumabog dito . wag muna ngayon.

Sumeryoso naman si kyungsoo at inilagay na sa bulsa ang cellphone ni jongin pagkatapos ay lumapit kay chanyeol.

"Let's talk... Sa unit ko, Kapag natapos na tayong mag-usap titigilan na kita" sabi nito, kahit labag sa loob niya ay sumama siya dito. Gusto na niyang layuan na siya ni kyungsoo. Hindi lang para sa kaniya iyon, dahil para rin kay baekhyun at taehyung iyon.

Nasa kotse na sila at papunta na ng unit ni kyungsoo. Kita niya sa mata ni kyungsoo ang sakit at galit. Lumuluha na din ito habang nagdadrive, Nagtataka siya dahil bawat segundo ay bumibilis ang takbo ng kotse, doon siya naalarma.

"Kyungsoo slowdown.. are you trying to kill us?" Sabi niya dito. Daretso pa rin ang tingin nito.

"That's my plan.." Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, natatakot siya.. Natatakot siya sa mangyayari..

"What are you saying?! Itigil mo na itong kotse kyungsoo. Uuwi na ako," sabi niya dito, umiling iling si kyungsoo, lumakas din ang pag iyak nito kasabay nito ang lalong pagbilis ng sasakyan.

"If i can't have you, Baekhyun can't have you either.." Sambit nito at itinodo ang bilis ng sasakyan hanggang sa malakas na liwanag na lang ang nakita nila..

Kahit na malabo ang nakikita niya ay alam niyang may mga bumubuhat sa kanya at naririnig pa niya ang mahinang sirena ng ambulansya.

'B-baekhyun'

After that everything went black

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro