16
(salamat po sa pagbabasa! para sa iyo po ito ! <3)
16
"Kyungsoo, please set me free. I told you, i love him so please.. let me go." Sabi niya at pinipilit alisin ang mga kamay ni kyungsoo sa braso niya, hindi niya gustong saktan ito dahil kaibigan niya ito.
"NO! YOU'RE MINE IN THE FIRST PLACE CHANYEOL! THAT TRAITOR! INAGAW KA NIYA SA AKIN CHANYEOL! HINDI KITA BIBITAWAN, NEVER! AKIN KA LANG! YOU'RE FVCKING MINE!"
"Stop this nonsense kyungsoo! Hindi niya ako inagaw dahil hindi mo ako pag aari! " mas lalong humigpit ang kapit ni kyungsoo sa braso niya, kaya wala siyang nagawa kundi ang itulak ito sa kama at hawakan ang dalawang wrist nito.
---
Muli siyang nagising mula sa bangungot at napatitig sa kisame. Ang weird, ang weird ng pakiramdam niya. Naguguluhan siya. Nagtataka sa naalala niya.
May feeling siya na may kailangan siyang malaman, bigla na lang niya gustong maalala ang lahat. Kailangan niyang maalala ang lahat.
Tumayo siya sa kama at nag ayos. Umalis na din ng bahay si kyungsoo dahil may lakad ito. Una niyang pinuntahan si jongin, alam niyang may alam si jongin sa nangyari dahil matagal na silang magkakaibigan nila kyungsoo.
Dali dali siyang tumakbo papunta sa kotse niya at mabilis na pinaandar ito. Not minding na baka mamatay siya sa pagdadrive niya.
Kailangan niya ng sagot, kailangan na niyang malaman. Ayaw siyang patahimikin ng alaala niya.
Kalahating oras din ang byahe niya at nakarating din agad siya sa bahay ni jongin. Pinark niya ang kotse niya sa gilid ng building at pumunta na sa unit ni jongin.
Pinindot niya ang doorbell, nang walang sumagot ay paulit ulit niyang pinindot hanggang sa bukasan ito ng isang babaeng nakasuot ng malaking t shirt na sa tingin niya ay kay jongin.
Narinig pa niya ang pagsigaw ni jongin.
"Sino yan babe?!" Anito, hindi sumagot ang babae at doon na dumating si jongin na naka-boxers lang. Nagulat pa ito nang makita siya.
"Hyung?" Pagtataka nito.
"we need to talk.." seryosong sabi niya pagkatapos ay tumingin sa babae, nagets ito ni jongin kaya inutusan nito ang babae na magbihis na at umalis, iritang sumunod ito.
Nang maka-alis ang babae ay pinapasok siya ni jongin at pinaupo sa couch.
"Pasensya na sa kalat hyung. Uhh, naghang out kasi kami kagabi" anito at pinulot ang mga nakakalat na gamit sa sahig. Nakakita siya ng kung ano sa sahig at inangat ito.
"Yeah hang-out.." he said, emphasizing the word 'hang-out', hinablot naman sa kanya ni jongin ang condom na pinulot niya at tinapon sa trash bin.
"Okay, nagsex kami, happy?" Sabi nito, note the sarcastic tone. Natawa siya pero nagseryoso din agad.
"So what brings you here hyung?" Tanong ni jongin sa kanya, sumandal siya sa couch at napatingin sa kisame sa sobrang exhaustion. Ilang minuto din bago siya nakasagot.
"jongin..." lumingon sa kanya ang binata nang banggitin ang pangalan nito.
"ano ba talaga ang nangyari noon. Ano ang nangyari bago mawala ang alaala ko?" tanong niya, nagulat pa si jongin sa tanong niya pero di rin nagtagal ay nakarecover siya.
Katahimikan ang bumalot sa buong unit ni jongin, hanggang ngayon hindi niya masagot ang tanong ng hyung niya sa kanya, wala siyang makapang sagot. Alam niya kasing ayaw nang balikan ni yeol ang nakaraan niya kaya hindi na siya nag-isip ng palusot.
"Kyungsoo said na magkakaibigan tayo noong college days natin, So anong nangyari jongin? Please help me to remember everything. " dagdag ni chanyeol, hindi pa rin maka-imik si jongin. 10 segundo ang lumipas nang makasagot siya, pero actually hindi talaga siya sagot kundi tanong din.
"why are asking me this now hyung? i thought you said, you don't want to remember your past. i thought----"
"Naguguluhan na ako" natigilan si jongin sa narinig, napasabunot naman si chanyeol sa buhok niya.
"Lahat... lahat ng mga scenario na ngayon ko lang nakita, lahat bumabalik sa akin. Lahat ng iyon , sa lahat ng iyon may nakikita akong lalaki pero hindi malinaw ang mukha niya. Wala akong ideya kung ano ang connection ko sa kanya, kung bakit ko ipinagpipilitan kay kyungsoo na hindi siya ang mahal ko. Nalilito na ako jongin! Kailangan ko nang malaman ang lahat!" sigaw niya at humigpit ang hawak niya sa buhok niya. Unti unting pumapasok sa ulo niya lahat,kahit na yung maliliit na detalye.
Napa buntong hininga si jongin. Nakapag-isip isip na siya, alam niyang magagalit sa kanya si kyungsoo kung sasabihin niya, pero hindi niya matiis ang panloloko nito sa hyung. Kailangan nang bumalik ng tunay na Park Chanyeol.
"Hyung, gusto mo ba talagang malaman kung ano ang koneksyon mo sa lalaking nakikita mo sa alaala mo?" seryosong tanong ni jongin, bumitaw si chanyeol sa pagkakahawak niya sa buhok niya at dahan dahang tumingin sa nakababata. Tumango siya.
"Ang taong nakikita mo sa alaala mo... Siya ang asawa mo" Nanlaki ang mga mata ni chanyeol sa narinig niya, hindi makapaniwala sa sinabi nito. Umupo sa kaharap na couch si jongin at nagpatuloy sa pagkwento.
"Yun ang totoo hyung, Kasal ka na sa kanya at sa totoo lang may isa kayong anak. At hindi ka nagka-amnesia dahil sa nadulas at nauntog ka sa malaking bato. Ang totoong dahilan kung bakit nawala ang alaala mo ay dahil kay kyungsoo hyung.." Mas dumoble ang laki ng mata niya sa narinig, mas lalo siyang hindi makapaniwala dahil si kyungsoo pa ang dahilan kung bakit hindi siya makaalala.
"Nasa isang kotse kayo noon . Kyungsoo tried to kill himself and isinama ka niya para hindi na kayo maging masaya ng pamilya mo. Binilisan niya ang pagmamaneho niya hanggang sa ibangga niya kayo sa isa pang kotse. Imbis na mamatay kayo ay parehas kayong nakaligtas. Unfortunately, Nawalan ka ng alaala at nakalimutan ang nangyari." Nasasaktan siya sa narinig niya, hindi magagawa iyon ni kyungsoo sa kanya. Mabuting tao si kyungsoo, yun ang alam niya.
"Pinalabas ni kyungsoo hyung at bom noona sa asawa mo na, niloko mo siya at iniwan na, kaya tinake advantage ni hyung ang pagkawala ng alaala mo at sinabi sa iyo na magboyfriend kayo. I tried to stop him pero dahil nga mahal na mahal ka niya, hindi siya nakinig sa akin." narinig pa niya ang lungkot sa tono ni jongin nang sabihin iyon. All this time naloko siya, Feeling niya ang uto uto niya. Nabuhay ulit siya sa isang kasinungalingan.
"and it fvcking hurts hyung. Yung makita ang taong mahal mo na handang gumawa ng hindi tama para lang makasama ang taong mahal niya. I envy you hyung, You have his heart, kahit na nakuha na ng iba ang puso mo" Chanyeol saw hurt on jongin's face, mahal na mahal talaga nito si kyungsoo pero wala naman itong nagawa kung hindi ang sumunod kay kyungsoo.Ngumiti na lang si jongin at tumayo. Lumapit ito sa hyung niya, tumayo din si chanyeol. Nasasaktan pa din siya, iniwan niya ang pamilya niya nang hindi niya nalalaman, pinipigilan niya ang pag iyak niya. Kailangan niyang pigilan ito.
"Alam ko nagulat ka sa mga nalaman mo, pero kung may gusto ka pang itanong, si hyung na ang tanungin mo.." tumango siya. Okay na silang dalawa at nasagot na ang tanong ni chanyeol, gumaan ang loob ni jongin dahil nailabas din niya ang nalalaman niya. Bago lumabas ng unit ni jongin ay nagtanong siya sa huling pagkakataon.
"Jongin, sino ang asawa ko?" Napangiti si jongin sa narinig niya.
"matagal mo na siyang nakasama hyung ..." bigla naman siyang nagtaka sa sinabi ng nakababata.
"Si Baekhyun hyung. Siya ang asawa mo"
At doon tumulo ang luha niya.
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro