15
15
Natigilan si bom sa pamimili sa isang clothing shop nang mahagip ng mga mata niya si chanyeol. Napansin din niya na hindi lang ito mag isa, kasama din niya si...
't-teka? s-si Baekhyun ba iyon?'
Sinundan niya ito ng tingin. Oo si baekhyun nga iyon at may kasamang bata, pumasok sila sa isang restaurant.
Pero paano? Ang sabi ni kyungsoo , wala nang baekhyun?
Kinuha niya ang phone niya at lumabas para picturan sila, pagkatapos ay sinend niya ito kay kyungsoo. Napangising aso siya, chanyeol will be so dead mamaya.
----
Pagkatapos magpark ni chanyeol ng kotse niya ay dali dali siyang pumasok sa bahay. 7:30 na at kailangan niyang bigyan ng surprise dinner si kyungsoo.
Nang buksan niya ang ilaw sa sala ay nakita niya si kyungsoo na naka-upo sa sofa at masama ang tingin sa kanya.
"K-kyungsoo, naka-uwi ka na pala." Gulat pa rin na sabi niya sa nobyo.
"Bakit? Ayaw mo pa ba akong umuwi? Ha , chanyeol?" Masama pa rin ang titig sa kanya ni kyungsoo na para bang may nagawa siyang mali.
"Hindi naman sa ganoon. Isusurprise sana ki---"
"Surprise? Hah! Stop fvcking lying chanyeol. Alam ko kung saan ka galing.. "sabi ni soo bago pa makasagot si chanyeol. Ipinakita naman ni kyungsoo ang picture na pinadala sa kanya ni bom.
Nang isend sa kanya agad ni bom iyan ay dali dali siyang umuwi sa bahay.
"Kanino nanggaling yan?" Takang tanong ni yeol. Hindi sinagot ni kyung ang tanong niya.
"Answer me chanyeol, are you cheating on me?" Tanong ni kyungsoo, kita ni chanyeol ang sakit sa mga mata nito. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan si kyungsoo.
" Plano mo ba akong iwan? Iiwan mo din ba ako katulad ng iba? " dagdag pa nito. Umiiyak na rin si kyungsoo, ayaw niya ng ganito. Bakit ba iniiwan na lang siya lagi ng mga taong mahal niya? Lagi na lang ba siyang ganito?
Hindi agad nakasagot si yeol,hindi pa niya nakikita si kyungsoo na umiyak. Pero alam niya kung gaano kasakit ang nangyari sa kanya noon. Kinuwento sa kanya ni soo ang lahat.
"D@MNIT CHANYEOL!! ANSWER ME!!" sigaw nito, this time humagulgol na ito. Hindi napigilan ni chanyeol at yinakap na niya ito.
"Shhh, No, Kyungsoo hindi kita iiwan. Tahan na. Inilibre lang ako ni baek kasi binantayan ko si taehyung noong isang araw.. Hindi kita iiwan.." aniya at hinaplos ang buhok ni kyungsoo, hindi na nagsalita si soo. Niyakap na lang niya ng mahigpit si chanyeol.
---
Sumandal si chanyeol sa swivel chair niya at napatingin sa kisame ng office niya. Nagtataka pa rin siya kung saan nanggaling ang picture na nakita ni kyungsoo.
biglang bumukas ang pinto ng office niya at pumasok si jongin. Napangiti si chanyeol at tumayo para batiin ang dongsaeng.
"Napadalaw ka?" Tanong niya dito. Natawa ng mahina si jongin. Umupo sa swivel ni chanyeol at iniangat ang mga paa sa de nito habang nilalaro ang ballpen na hawak nito.
"Nakakabored sa office, wala akong magawa.. kaya nandito ako para manggulo" natawa din si chanyeol at umupo sa regular na upuan sa harap ng desk niya.
"Kung nabobored ka bakit hindi mo na lang gawin ang paperworks mo?" Jongin snorted. Umayos siya ng upo.
"Boring pa rin iyon hyung" sabi nito at pinaikot ang upuan. Feeling ni chanyeol, naging playground ang office niya dahil kay jongin, kinareer gawing ride yung upuan niya.
"Lagi ka naman nabobored. You should work now jongin. Im still your boss after all." Nagpout si jongin at humawak sa braso ni chanyeol, nagpapaawa sa hyung niya.
Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas nanaman ang pinto ng office ni chanyeol, pumasok naman doon si baekhyun. Nagulat pa ito dahil may bisita pala si chanyeol. Palabas na sana ulit siya nang pigilan siya ni chanyeol.
"Wait, baek! Pasok ka. Ayos lang , employee ko din si jongin" tumango si baek at dahan dahang pumasok sa loob. Kita pa ni baek na gulat ang lalaking kasama ni chanyeol. Nakakapagtaka daw.
Lumapit siya kay chanyeol.
"Sorry sa istorbo chanyeol. Kanina pa kasi ako kinukulit ni taehyung na puntahan ka. Ibibigay ko lang sana itong ginawa niya." Sabi ni baek at iniabot kay yeol ang isang bracelet na halatang hand-made at isang malaking lunchbox.
"Uhhm. Naisip ko lunch na at baka di ka pa kumakain kaya dinalhan na kita ng makakain.." anito at yumuko. Napangiti ng malaki si yeol at tinap ang ulo ni baek.
Tumayo si jongin sa inuupuan niya at lumapit sa dalawa. Humarap siya kay baek at inabot ang kamay niya.
"Hi! Im Kim Jongin..Friend and employee ni Chanyeol." pagpapakilala nito. Ngumiti ng tipid si baek,medyo naweweirduhan pa rin siya kay jongin.
"Wu Baekhyun, kaibigan ni yeol." aniya at kinuha ang kamay ni jongin, napangisi si jongin at dahan dahang itinaas baba ang mga kamay nila para magshake hands.
"It's so nice to meet you... again, baekhyun" sabi nito kay baek. Nagtaka lalo si baek. Magtatanong na sana siya nang bumitaw ito sa pagkakahawak nila at tinap sa likod si chanyeol.
"hyung una na ako. Naalala ko may gagawin pa pala akong mahalaga"
"Hindi ka sasabay sa akin kumain?" Sabi ni chanyeol at itinaas ang lunchbox. Tumingin lang si jongin kay baek at umiling.
"Sa iyo yan hyung, at saka kumain na ako kaya no thanks" sabi nito at tuluyan na silang iniwan nito. Ilang segundo din silang nakatitig sa pinto. Nagtataka sa ikinikilos ni jongin.
"Ah, salamat pala dito." Sabi ni yeol kay baek. Ngumiti lang ito at umiling iling.
"Wala yun. Napunta lang talaga ako para diyan. Mauna na ako chanyeol. Pauwi na kasi si kris eh." Chanyeol smiled weakly. May bigla siyang naramdaman. Soo strange and weird.
"Okay, ingat ka." Sabi niya at umalis na din si baekhyun.
Umupo na siya pabalik sa upuan niya, sinuot niya ang bracelet na bigay ni taehyung at binuksan ang lunchbox. Actually bento talaga siya. Napangiti siya dahil puppy ang design ng kanin.
Kinuha niya ang chopsticks at masayang kinain ito.
---
(Happy 400 followers! 😭 salamat poo! Akala ko hindi ako aabot dito kaya ito po! Sinipag po akong mag UD! Haha! Pagbubutihan ko po talaga. Love you po❤)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro