Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12

12

Kyungsoo woke up seeing the man who's hugging him in the bed.. Mali daw ang ginawa nila pero wala na... Nangyari na eh.. Bumangon si kyungsoo at pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig.

Nagbihis na siya.. Tumingin siya kay jongin na natutulog pa rin bago bumaba papunta sa sala. Umupo si kyungsoo sa couch at pumikit.

Hindi niya mapigilan si jongin, kahit anong taboy niya sa lalaki ay babalik at babalik pa rin ito sa kanya. Kinuha niya ang phone niya at dinial ang number ni bom.

"Bom?"

[Hey,soo..Napatawag ka?]

"Bom... Jongin and i... did something wrong... again..." natahimik ang taong nasa kabilang linya. He sighed and brushed his hands over his hair.

[Sabihin mo kyungsoo... May gusto ka ba kay jongin?] Tanong ni bom.. Kumunot ang noo niya sa narinig. Siya? Magkakagusto kay jongin? No... Kapatid lang daw ang turing niya kay jongin.

"Wala, wala akong gusto sa kanya .."

[Kyungsoo, kailangan mo nang gawan ng paraan iyan. You can't stay like this forever lalo na't malapit na kayong ikasal ni chanyeol] napalingon siya nang makita niya si jongin na pababa sa hagdan. Umayos siya ng upo.

"I know.. i'll hang up na bom.. See you later" sabi niya at pinatay ang kabilang linya. Tumayo siya nang makitang papalapit na si jongin sa kanya at niyakap siya.

Jongin kissed his forehead so lovingly.. Ramdam niya kung gaano siya kamahal nito pero hindi niya kaya itong maibalik. May chanyeol na siya.

"Jongin let's stop this okay? Mali ang nangyari sa atin.." jongin snuggled himself on kyungsoo's neck and shake his head.

"Hyung i love you..please, let me stay. Let me love you, wag mo akong ipagtabuyan.. just let me.." hindi siya sumagot. Humiwalay sa yakap si jongin at hinalikan siya sa labi.

Sobrang nasasaktan si jongin, alam niya ang tanga niya para pilit na kumapit sa taong hindi siya mahal. Kahit na maging kabit siya ayos lang, kahit gawin nila ito ng palihim ayos lang basta hayaan lang siya ni kyungsoo, kasi mahal na mahal niya si kyungsoo at gagawin niya ang lahat makasama lang siya kahit na mali.

---

Kanina pa minamasahe ni chanyeol ang sentido niya. Hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo niya at may mga bagay na siyang nakikita. Pinipilit niyang wag alalahanin ang lahat pero kahit anong pigil niya unti unti pa ring pumapasok ang mga alaala niya.

Napatigil siya pagmamasahe sa sakit ng ulo niya nang pumasok ang secretary niya.

"Sir, nandito na po sila" napangiti siya sa narinig at sinabi sa secretary na papasukin sila. Tumango ito at lumabas na. Ilang segundo pa lamang ay bumukas ang pinto ng office niya.

"Tito yodaa!!" takbo ni taehyung sa kanya. Tumayo si chanyeol para buhatin ang bata. Baekhyun chuckled nang makita ang super hyper na si taehyung.  Lumapit siya kay chanyeol.

"Sorry sa istorbo ah. Kailangan na kailangan ko kasing umalis kaso wala talagang magbabantay kay taehyung. Hindi din kasi pwede si hyuna." Umiling si yeol.

"Okay lang, Wala naman akong masyadong ginagawa eh. Natapos ko na lahat ng ginagawa ko. At saka gusto ko na ring makasama itong cute na batang ito."sabi ko . Tumingin siya kay taehyung at ginulo ang buhok nito . Taehyung giggled, napakurot si yeol sa sobrang kacutetan ng bata.

"Salamat talaga chanyeol! Basta babawi ako sa iyo promise.. Mauna na rin ako , baka kasi malate ako"sabi ni baekhyun

"Sige, ilibre mo na lang ako sa susunod then we're even" tumango si baek kay yeol at lumapit sa anak.

"Taehyung behave okay? Be a good boy, wag mong papagurin si tito chanyeol mo"tumango tango si taehyung. Ang cute daw ng mag inang 'to isip ni yeol.

"Okay eomma" yumakap si baek kay taehyung at hinalikan amg pisngi nito bago magpaalam at umalis.

Tumingin siya sa bata at ibinaba ito sa sofa niya..

"Anong gusto mong gawin ngayon taehyung?" He asked , taehyung played the hem of his shirt .

"I want to eat ice cream!" Sabay taas ng dalawang braso nito. He patted the kid's head.

"Okay, give tito yoda a second. Magbibihis lang ako okay? Diyan ka lang , wag kang aalis" the kid nodded cutely at sinimulan laruin ang mga nakadesign na bato sa mesa. Pumunta na siya sa Cr para magbihis.

Nang makapasok na si yeol ay saktong pumasok sa office ang dad ni yeol. Nagulat ito nang makakita ng bata. Si taehyung naman ay napatitig sa lalaking  nasa pintuan.

"Who are you? " tanong ni mr. Park sa bata. Lumabas na sa CR si yeol, bumaba sa sofa si taehyung at tumakbo sa likod ni yeol para magtago. Nagulat naman si yeol sa pag pasok ng dad niya.

"Dad. Napadaan ka?" tanong niya sa ama. Imbis na sagutin siya nito ay tumingin lang ito kay taehyung.

"Oh, nagtataka ka ba? Anak siya ng kaibigan ko. Gusto ko siyang ilabas ngayon kaya pinapunta ko dito." Ngumiti si yeol sa dad niya. Lumapit naman si mr. Park sa bata and he lowered himself para makatapat ang bata.

"Hello there, sorry if i scared you. What's you're name?" Tanong nito. Tumingin si taehyung kay yeol. Tumango si yeol para sabihing okay lang kaya lumabas ito sa likod niya at lumapit sa matanda.

"Im Wu taehyung po. Kayo po?" The kid asked his dad shyly. Mr. Park chuckled and ruffled taehyung's hair.

"Im Park Chanhyun . But you can call me Daddy---" naputol ang sinasabi ni mr. Park nang hilain ni taehyung ang dalawang tenga nito.

"Daddy dobi.." anito at tumawa. Natawa rin si  chanyeol dahil napansin din nito ang tenga ng ama. Napangiti si mr. Park at binuhat si taehyung.

Hindi maintindihan ni mr. Park kung bakit ang gaan ng loob niya sa bata. Dapat nga ay nandoon siya para pagalitan si chanyeol pero naglaho iyon nang makita si taehyung. Parang may something sa bata na hindi niya maintindihan. Siguro gusto lang ni mr. park na magkaroon na ng apo.

"Pwedeng sumama ako sa inyo?" Nagulat si chanyeol sa tanong ng dad niya. Wala sa sarili  siyang tumango, ngayon lang ulit ito naging kalmado. Minsan kasi kung pupunta ito sa office niya, di pwedeng hindi siya pagalitan nito.

Himala dahil mukhang lumambot ang puso nito kay taehyung. Matagal na rin niya itong nakitang ganoon . Simula pa noong bata si yeol ay inaidolize na niya ang dad niya. He loves his dad kahit pa na lagi siyang sinesermunan nito and he knows his dad feels the same too.

Lumabas na ito sa office niya buhat si taehyung. He chuckled at sumunod na sa kaniya.

---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro