
LuKal: What if they did not break up? (AU)
Thank you so much to the top three gifters in KUMU!
This chapter is dedicated to: jenairafrancine, elaravaleria, alyrchives
Follow me on KUMU: gwy.saludes
***
"Hmm... Ano'ng inaaral mo?"
Tumabi ako kay Kalix habang nag-aaral siya. Hindi ko na alam ang inaaral niya dahil pinagsasabay niya na ang fourth year pati ang pagre-review sa law school. Sinilip ko ang binabasa niya at nakitang LAE prepper iyon. Nagsasagot lang siya roon.
"Can you check if I answered correctly? I'll just review for Retail Law," sabi niya sabay kuha ng papers. Prinint niya lahat 'yon dahil hindi raw pwede ang electronics sa room nila.
Kinuha ko ang LAE prepper niya at chineck ang mga tamang sagot. May kopya kasi ng correct answers sa may likod. Napapakunot ang noo ko habang chine-check lahat ng 'yon. Wala pa siyang mali, kahit isa! Malapit ko nang matapos! English at Logic ang mga sinagutan niyang part.
"Inaral mo ba 'to bago sagutan?" nagtatakang tanong ko.
"No." Umiling siya habang nagha-highlight. "Why? Did I fail?"
Natapos ko nang i-check at perfect niya iyon! Grabe naman, baka siya pa makakuha ng pinakamataas sa law school entrance exams, ha!
Binalik ko sa kaniya iyon at pinakita ang nilagay kong score. Nilagay ko ang 'Perfect' tapos may star pa at smiley face. Natawa siya saglit nang makita iyong nilagay ko.
"Saan ka mage-exam?" Umupo ako sa tabi niya at sinandal ang baba ko sa balikat niya habang nagbabasa siya.
"Just Ateneo and UP. Ateneo is my priority so I can be with my friends," sagot niya naman.
"Makakapasa ka niyan. Sure ako!" Imposibleng hindi siya makakapasa, grabe! Hindi na nga niya kailangang mag-review. Ang sabi niya ay sinasagutan niya lang ang prepper nang hindi pa nag-aaral para alam niya kung ano ang kailangan pa niyang aralin... pero parang okay naman na siya! Sisiw na lang sa kaniya 'yon.
Humalik ako sa pisngi niya at ngumiti habang nakatitig sa mukha niya. Seryoso lang siyang nagbabasa tungkol sa Retail Law. Hinalikan ko ulit ang pisngi niya dahil wala akong magawa. Narito ako sa condo niya dahil dito ako matutulog. Tapos ko na kasi ang mga gagawin ko, last week pa, tapos wala akong pasok bukas kaya dito muna ako.
"May recit ka?" tanong ko ulit.
"Yes, I was not called last time." Umakbay siya sa akin at pinisil ang pisngi ko habang nakasandal ako sa balikat niya. Nakikibasa na tuloy ako kahit wala naman akong maintindihan.
Hindi ko alam kung paano pero nakatulog yata ako. Nagising na lang ako na nasa kama na ako ni Kalix at natutulog na rin siya sa tabi ko. Nakayakap siya sa baywang ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya at tumingin sa orasan.
"Babe, may klase ka..." Ginising ko siya dahil baka ma-late pa siya.
"Morning," sabi niya at dahan-dahang umupo sa kama.
Pinanood ko lang siyang mag-ready para sa school habang nagluluto ako ng breakfast sa condo niya. Dito lang ako at hihintayin ko siyang makauwi. Kinilig tuloy ako dahil naiisip kong para na kaming mag-asawa tapos papunta siya sa work.
"Good luck!" sabi ko noong ready na siyang umalis. Nakakain na kami ng breakfast at nakapag-ayos na rin siya ng sarili.
Ngumuso ako nang ihatid ko siya sa pinto. Yumuko siya at hinalikan ako sa labi bago kumaway sa akin. Kumaway din ako at naglakad na siya paalis.
Mas lalo lang siyang naging busy noong nalalapit na ang entrance exams. Abala tuloy akong bumili ng mga ilalagay ko sa care package niya. Bumili ako ng snacks na pwede niyang baunin habang nage-exam, tapos panyo, water container, chocolates, and nuts. Bumili rin ako ng maliit na bouquet as good luck.
"Hmm..." Napaisip ako habang pina-pack iyon. Parang may kulang! Kailangan niya ng lucky charm!
Kinuha ko ang polaroid camera at kinuhanan ng picture ang sarili ko. Naka-finger heart ako, nakanguso, at nakakindat. Sinulatan ko iyon ng 'Good luck!' tapos may heart bago ko nilagay sa care package.
Kinabukasan, sinundo ako ni Kalix sa UST. Nilabas ko kaagad sa bag ko ang box nang makitang naghihintay siya sa may labas ng building namin. Nakaupo siya sa may bench at nagbabasa.
Masaya akong tumakbo papunta sa kaniya at huminto sa harapan niya. Umangat kaagad ang tingin niya sa akin.
"Ta-da!" Ngumiti ako at pinakita ang box. "Good luck sa exam mo bukas!"
"What's this?" Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang tanggapin ang box.
"Care package for you! Galingan mo tomorrow! Do your best! Whatever the result is, proud na proud ako sa 'yo, okay?!" Pinisil ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay. "Sobrang proud ako sa 'yo kahit saang law school ka pa mapadpad o kahit hindi ka na mag-law school, sobrang nakaka-proud ka!"
"Luna..." Namula nang bahagya ang pisngi niya dahil sa pagkakapisil ko. Binitawan ko na tuloy siya at ngumiti. Napangiti rin siya. "Thank you. I'll do my best."
Dalawang beses lang siyang nag-exam dahil dalawang school lang din ang pinag-examan niya. Bawat tapos niya ng exam ay inaaya ko siyang kumain sa labas para makalimutan na niya ang exam na 'yon! Baka kasi isipin niyang 'dapat ito sinagot ko' o kaya isipin niyang mahirap, baka hindi siya pumasa. Ayaw ko nang mag-isip siya ng mga 'what if's dahil wala naman na siyang magagawa roon. Tapos na kaya dapat i-enjoy na lang!
Lumipas na ang finals week at nagpe-prepare na rin si Kalix sa graduation nila. Ibig sabihin... malapit na ang results ng exams niya. Magkaibang araw 'yon at mas matagal lalabas ang results ng UP... pero Ateneo naman talaga ang hinihintay niya.
Bumili ako ng cupcake at maliit na kandila. Nagsulat din ako ng dalawang letters. Iyong isa, sabi ko ay congratulations dahil nakapasa siya. Iyong isa naman, sabi ko ginawa naman niya ang best niya at may next time pa. Hindi ko kasi alam ang resulta, pero sana iyong una! Alam ko namang 'yong una 'yon pero hindi ko rin naman sure dahil hindi naman ako ang school!
"Hi!" masayang bati ko nang buksan ni Kalix ang pinto pagka-doorbell ko sa condo niya. Halatang kabado ang mukha niya. "Lumabas na ba ang results?"
Tumango siya at napagulo sa buhok niya. "I don't want to look at it."
"Ako na ang titingin!"
Nagmamadali akong pumasok at umupo sa may sahig. Nakapatong ang laptop niya sa coffee table at nakabukas na roon iyong website. Tiningnan ko na iyong listahan ng mga nakapasa at hinanap ang pangalan niya.
Napasigaw ako nang makita ang pangalan niya roon. Oh my gosh, sabi ko na! Tumayo kaagad ako at nilabas ang cupcake. Sinindihan ko rin ang kandila.
"Yay! Congratulations, mahal ko! You passed!" Parang mas masaya pa ako sa kaniya! Gusto kong tumalon-talon sa sobrang tuwa!
Parang nakahinga siya nang maluwag nang marinig iyon at napahawak pa sa dibdib niya. Imbis na hipan ang kandila ay niyakap niya ako nang mahigpit at sinandal ang ulo sa balikat ko. Napangiti ako at tinapik-tapik ang balikat niya gamit ang isa kong kamay.
"You did so great! I'm so proud of you!" sabi ko.
Nakapasa rin siya sa UP. Ako na ang nag-check noong lumabas ang results dahil wala na siyang balak tingnan iyon, pero binalita ko pa rin sa kaniya. Natuwa naman siya pero mas abala siya sa graduation niya.
It was nice seeing him in a toga. Parang ako ang nagpaaral sa kaniya at naiiyak pa ako nang salubungin ko siya with a bouquet after ng graduation ceremony. Sa akin kasi siya dumeretso at niyakap ako nang mahigpit.
"Thank you, Luna... for everything," bulong niya sa akin.
"Congratulations, mahal," bulong ko rin.
Noong nakita ko siyang grumaduate, mas na-excite tuloy ako sa graduation ko. Na-motivate ako lalong mag-aral nang mabuti dahil kay Kalix. Hindi naging madali sa akin 'yong Architecture dahil kadalasan, hindi na rin siya kinakaya ng powers ko, lalo na noong nalalapit na ang graduation. Naghahabol ako ng grades. Kailangan ko ng mas mataas pa. I was aiming for summa cum laude. I needed to be almost perfect to achieve that.
Sobrang tiyaga ko mag-aral. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Kalix dahil naging super busy rin siya sa law school, pero hindi naman naging malabo ang relasyon namin. Alam namin ang priorities namin at naiintindihan namin ang isa't isa.
"It's for our future," sabi ni Kalix. "I want us to have a good future together."
Tama siya. Ito muna ang kailangan naming pagtuonan ng pansin... tapos kapag okay na ang lahat, kapag naabot na ang pangarap, we can spend time together as long as we wanted! Pwede na kaming magsama palagi... pagkatapos nga lang ng trabaho. Siyempre, may trabaho pa, eh!
And then I got the news.
Summa cum laude.
"Shit, gago..." bulong ko, hindi pa nagsi-sink in sa akin. Niyakap kaagad ako ni Via at Kierra, tuwang-tuwa sa akin. Tumalon-talon pa kaming tatlo. "Gagi, totoo ba 'to? As in?! Ako?!"
Naiyak ako kaya nag-iyakan kaming tatlo roon na parang siraulo. Sobrang saya lang talaga namin na finally... tapos na. Makaka-graduate na. Limang taon kaming naghirap sa pag-aaral, sa paghahabol ng deadlines, tapos finally... Graduation na.
Summa cum laude... Hindi ako makapaniwala. Pagkatapos ng lahat? Deserve ko ba 'to?!
Nagmamadali kaagad akong pumunta kay Kalix para ibalita sa kaniya. Naghihintay siya sa akin sa may carpark. Ang huling sabi niya ay bumili siya ng pagkain sa may KFC kaya roon ako dumeretso.
Nakita ko siyang kalalabas lang doon kaya tumakbo ako papunta sa kaniya at tumalon saka yumakap. Automatic na pinalupot niya ang braso sa baywang ko para hindi ako mahulog. Gulat na gulat pa siya.
"Waaa, I did it, Kalix!" Tumili pa ako kaya napatingin ang ibang mga tao sa amin. Bumitaw ako sa kaniya at nakitang naguguluhan siya. "Summa cum laude ako!"
Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya. "Fuck, what?" Unti-unting bumakas ang tuwa sa mga mata niya. "You did so great. I'm so proud of you... Wow..." Niyakap niya ulit ako.
"Sobrang saya ko!" Umiyak na naman tuloy ako sa dibdib niya sa sobrang tuwa ko.
"This calls for a celebration."
"Huwag muna! Sa graduation na!" Magiging double celebration pa iyon. "Okay na sa akin 'tong KFC." Ngumisi ako at kinuha ang fries sa kamay niya. Napangiti na lang siya at sabay kaming naglakad pabalik ng carpark.
Halos maiyak din sina Mommy nang ibalita ko sa kanila. Mas lalo na noong graduation ko. I delivered a valedictory speech. Isa ito sa mga goal ko... Iyong makapagsalita ulit sa harapan tuwing graduation.
Kalix attended my graduation at nakaupo siya kasama ang parents ko. Pagkatapos ng ceremony, hinanap ko kaagad sila. I almost screamed when someone hugged me from behind.
Lumingon ako kay Kalix na nakangiti na sa akin. Binigay niya iyong malaking bouquet of flowers at isang box na nakabalot ng giftwrap.
"Congratulations, my summa cum laude," bati niya sa akin. "I'm always so proud of you and your achievements."
"Thank you, love!" Tumingkayad ako at yumakap sa leeg niya.
Kumuha kami ng picture sa may tapat ng main building, sa tabi ng UST letters at tabi ng tiger. Ang dami kasing nangunguha ng picture sa Arch. Sumakay ako sa likod ni Kalix at tinaas ang graduation cap ko habang nangunguha ng picture si Mommy.
Ang ganda ng kinalabasan ng photo. Mayroon kasing picture na tumatawa ako, pati si Kalix dahil malapit na akong mahulog. Ipapa-print ko nga 'yon, tapos isasama ko ang graduation photo naming dalawa, tsaka picture namin noong graduation niya.
Nag-celebrate kami kasama ang family ko. Doon na rin ako nagbukas ng mga gifts sa akin. Binigyan ako ni Daddy ng bagong susi ng bagong condo para sa akin hangga't wala pa raw akong ipon, tapos 'yong regalo naman ni Mommy ay bagong heels.
"Omg!" Bakas sa mga mata ko ang tuwa nang makita ang napakaraming art materials sa box na bigay ni Kalix. Ang mamahal pa ng mga binigay niya! "Thank you, Kalix!" Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"I'm sorry. It's not as grand as the other gifts..." Nahiya 'ata siya.
"Ano?! Huwag ka ngang mag-sorry! Sobrang perfect nito! Best gift ever!"
And then ano na ang next? Ako, nagpe-prepare na for board exam habang kumukuha ng experience sa company habang si Kalix ay nasa law school pa rin. Mas naging mahirap lang din sa amin pagdating sa oras, pero kapag weekend ay pumupunta siya sa akin o kaya naman ako ang pumupunta sa kaniya. May sarili na kasi akong condo, iyong regalo ni Daddy sa akin. Mas malaki na siya tapos mas malapit sa kumpanya namin.
"Seryoso ka ba?! Kinakabahan ka sa grades mo?! Halos lahat ng recit mo, perfect, eh!" rinig kong sabi ni Adonis habang naka-video call sila. Nagluluto ako sa condo ko habang si Kalix ay nag-aaral sa may sofa.
"I just don't think I did my best," sabi naman ni Kalix.
Noong nag-law school siya, roon ko lang siya nakitang sobrang kinakabahan sa grades niya. Sabi niya, iba na raw ang feeling kapag nasa law school na. Parang everyday ay review na sa Bar. Kailangan daw niyang pagbutihin para hindi na siya masyadong mahirapan sa pagre-review sa Bar.
Naaawa nga ako dahil puro energy drinks na siya at hindi na natutulog. Sobrang nagalit ako noong nalaman kong na-hospital siya dahil nag-pass out daw siya after class!
"Ano ba kasing ginagawa mo?!" galit na sigaw ko sa kaniya pagkapasok ko sa hospital room. "Kalix naman, eh! Hindi naman healthy 'to! Hindi dapat puro aral lang nang aral, alagaan mo rin ang sarili mo!"
Naiyak tuloy ako at hinampas siya sa braso.
"I'm sorry. The doctor said I'm okay. I just need rest. Don't worry about me... Hey..." Sinubukan niya akong abutin pero sinamaan ko lang siya ng tingin at inalis ang hawak niya sa akin.
"Ayaw ko! Galit ako, okay?!" Pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko.
"I'm sorry. It won't happen again..." malambing na sabi niya at sinubukang hawakan ang kamay ko. "Babe, I'm sorry, okay?"
"Hindi na uubra 'yang bad habits mo, ha?!" Sinermunan ko pa siya. "Itigilan mo 'yan! Nakakainis ka!"
"I will... I promise," sabi niya.
Mabuti na lang at sumunod naman siya... o baka hindi ko lang alam! Minsan, hinihintay kong madulas sina Adi pero wala talaga silang nasasabi. Hmmm, suspicious, ha!
"Natutulog ba 'to?" tanong ko kay Adi nang sumingit ako sa video call.
"Huh?! Oo naman, of course, siyempre! Natutulog 'yan... sa library pa nga!" Tumawa siya at sinamaan siya ng tingin ni Kalix. Binaba tuloy niya kaagad ang tawag.
"I'm sleeping, I swear," sabi kaagad ni Kalix sa akin. "I've been managing my time better than before. Look." Pinakita pa niya sa akin ang ginawa niyang schedule at may oras ng pag-aaral doon sa bawat subject. Pinaningkitan ko siya ng mata bago bumalik sa pagluluto. Nakahinga siya nang maluwag nang wala na akong nasabi.
Sabay kaming nag-aaral. Kadalasan, kapag nagsasawa na kaming mag-aral sa condo ay sa coffee shop naman, o kaya sa ibang study spaces. Minsan, nakakatulog na ako dahil pagod na sa trabaho, tapos mag-aaral pa sa gabi.
"Are you sure you don't need rest, Luna?" Si Ma'am Chesca iyong mentor ko. Ang bait niya kaya pinagpala akong siya ang mentor ko!
"Kaya pa, Architect." Ngumisi ako at sumaludo sa kaniya gamit ang dalawa kong kamay. "Ako pa ba?! Luna 'to, oh!"
"Sure ka ba?" tanong ulit niya. "Kumain ka muna. Natulog ka ba kagabi?" Grabe si Architect, concerned sa well-being ko. 'Yong iba kasing mentor ng iba kong mga kakilala, nakakatakot.
"Sure ako, Architect. Kayang-kaya ko 'tong tapusin mamayang gabi kaagad."
Hindi ko pala kaya, gagi.
"Luna..." Nagising ako nang alugin ni Kalix ang balikat ko. "Let's go home. You need to rest."
Nag-inat ako at niligpit ang mga inaaral ko. Nakatulog na naman pala ako sa desk. Grabe, nakakapagod. Hindi talaga tumitigil ang pagod. Akala ko okay na noong naka-graduate sa college. Mas nakakapagod na 'to... Tapos may trabaho ulit. Walang katapusan ang pagod.
I was glad all his hard work paid off. Sobrang saya ko nang sabihin niyang kasama siya sa list of graduates.
"By the way, I'm getting the Gold Medal for Academic Excellence."
Iyong pagbalita sa akin ni Kalix, akala mo ay binalita niya lang na may bago siyang pabango. Ni wala nga sa topic namin 'yon! Bigla-bigla na lang niyang sinabi habang kumakain kami ng pasta!
"I'm the... Class valedictorian," nahihiyang sabi niya at umiwas pa ng tingin.
Halos madura ko ang kinakain ko. Pinunasan ko kaagad ang bibig ko at tuwang-tuwang tumayo para pumunta sa side niya. Magkatapat kasi kami.
"Waaa! Class valedictorian jowa ko sa law school!" sigaw ko. Nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ang bibig ko dahil tumingin iyong ibang nasa table sa amin.
Hinatak ko siya patayo para yumakap sa kaniya. Tumalon-talon pa ako habang siya ay nahihiya. Gusto ko ngang ipagkalat na class valedictorian siya! Nasaksihan ko kasi lahat ng paghihirap niya, tapos... Alam mo 'yon... Nakakaiyak kasi in the end, naging worth it lahat ng pagpapakahirap niya sa pag-aaral. Siyempre, hindi pa rin ako masaya na nasakripisyo 'yong health niya at some point, pero nakita ko kung paano niya sinubukang pagsabayin lahat. He tried his best to be better at balancing his health and studies.
Pero hindi pa roon nagtatapos iyon. Nadagdagan na ang picture frames na naka-display sa may living room ko pagkatapos ng graduation niya pero... hindi pa tapos. May Bar pa at may board exam pa ako... pero kaunti na lang, malapit na kaming maging Attorney at Architect!
Kaunting tiis na lang.
"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko kay Kalix nang makitang may nilagay siyang picture sa loob ng envelope na dadalhin niya sa Bar exam.
"Oh... This..." Nilabas niya iyon at pinakita 'yong polaroid picture na bigay ko sa kaniya noong LAE. "I always bring this with me. This is my lucky charm."
"Hoy, para kang sira!" Inagaw ko iyon dahil mukha pala akong tanga roon! Siyempre, tumanda na ako kaya nagma-mature na ang hitsura ko. Nakakahiya pala tingnan ang mga old photos ko, lalo na 'yon!
"Hey, stop. This is my lucky charm, okay?" Inagaw niya pabalik sa akin at nilagay ulit sa envelope.
Sobrang nagpakahirap din siya sa pagre-review. Lagi akong nariyan para suportahan siya at ibigay sa kaniya lahat ng kailangan niya para lang makapag-focus siya sa pagre-review. Tuwang-tuwa sa kaniya ang mga prof niya sa law school at inaasahang magta-top siya ng Bar.
"I don't think I can top the Bar anymore," sabi niya sa akin.
Nakayuko na lang siya, nakasandal ang noo sa table na punong-puno ng mga reviewers, pagkain, at libro. Kalagitnaan na ng Bar. Nakakadalawang Sunday na siya. Every after exam, nag-aabang ako sa kaniya at may dalang lunchbox na puro mga favorite niyang pagkain.
"Ano ka ba, huwag mo ngang sabihin 'yan!" Pinagalitan ko siya. "Ano ulit ang goal mo months ago?"
"To top the Bar." Umayos siya ng upo.
"Ulitin mo sa sarili mo."
Tumango siya. "I will top the Bar."
"And... whatever happens, you did great, okay?!"
And finally, huling week na ng Bar Exam. Sinalubong ko ulit siya na may dalang lunchbox dahil baka gutom siya pagkatapos ng exam. Nakita kong pagod ang mga mata niya nang lumapit siya sa akin.
"Congrats-" Natigilan ako nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko at bumuntong-hininga. "Bakit?!"
"Finally..." bulong niya at umayos ng tayo. Binigyan niya ako ng ngiti. Akala ko naman kung ano! Kinabahan tuloy ako. "It's done. I did my best... That's already enough, right?"
"More than enough!" Ginulo ko ang buhok niya.
"If I pass the BAR and you pass the board exam, let's go to Iceland."
"Huh?!" gulat na sabi ko. "Seryoso ba?!"
Tumango siya. "Yes... We can do this, right?"
"Siyempre naman!" Sana! Kinabahan na tuloy ako sa board exam.
"Finally, I can focus on helping you review now."
Pinanindigan nga niya iyon! Mas lalo na noong nalalapit na ang board exam, mas naging focused ako sa pagre-review. Nag-enroll ako sa review center pero before pa naman, habang may apprenticeship, nag-aaral na rin ako for board exam kaya in-expect ko na hindi na ako masyadong mahihirapan. Iyon lang... nauuna 'yong kaba.
"Here's your snack." Nilapag ni Kalix ang sliced fruits sa table habang nagre-review ako.
Halos dito na siya nakatira sa condo ko para tulungan akong mag-review habang naghihintay siya ng results ng Bar Exam niya. Nawala na nga ang kaba niya... Ako naman ang pumalit!
"Babe, sleep time," pigil niya sa akin.
Ginawan niya ako ng schedule ng pag-aaral. Inoorasan niya talaga ako at kapag kailangan nang matulog, dapat matulog na. Huwag daw magpapakapagod dahil hindi raw gagana ang utak kapag pagod. Wow, sa kaniya pa nanggaling 'yon, ha.
"Do you need anything?" tanong niya ulit kinabukasan nang mapadaan sa likuran ko. Lahat ng kailangan ko ay binibigay niya.
Bigla na lang siyang maglalapag ng chocolates, snacks, tapos siya rin nagpe-prepare ng pagkain ko kahit kaya ko naman 'yon, tapos pinapaalala niya palagi 'yong vitamins. Grabe, kaya ko naman! Hindi naman ako sobrang nagpapaka-busy pero sige... Gusto niya raw gawin 'yon, eh.
"You can do this, okay? You studied a lot. Whatever happens, I'm proud of you," paalala sa akin ni Kalix bago ako mag-take ng board exam. "Go and ace that exam." Hinalikan niya ako sa labi.
Two days akong na-drain sa exams na 'yon. Pagkatapos, gusto ko na lang mahiga at matulog buong araw! Wala na akong energy mag-celebrate!
"You did so great, love..." Inabutan ako ni Kalix ng bouquet. "Now, it's time to take a rest. Let's rest." Tumabi siya sa akin at sumandal naman ako sa dibdib niya.
And... We did it! I passed the board exam and he passed the Bar exam! We celebrated in a house party organized by Adi dahil nakapasa rin silang lahat sa Bar. Ang saya ko rin para sa mga kaibigan niya.
"Congratulations din, Architect!" bati nila sa akin.
"Congratulations, Attorneys!" masayang sabi ko. "Cheers!" Tinaas ko ang baso ko at sabay-sabay kaming uminom.
Nalasing tuloy ako. Masyado yata akong nagpakasaya.
"Luna, that's not your condo." Inaalalayan ako ni Kalix pauwi. Hindi na nga ako makalakad nang maayos dahil nahihilo.
Narinig ko ang sigh of relief niya nang mahiga na ako sa kama. "Kalix..." tawag ko. "Iceland..." paalala ko sa kaniya.
Narinig ko ang maikling tawa niya. "Yes, baby... We're going to Iceland."
Akala ko talaga ay joke lang 'yon, pero hindi ko inasahang tototohanin niya talaga! Naging gift na rin sa akin ng parents ko 'yon kaya wala akong ginastos! It was the dream!
"Hindi ako marunong nito, Kalix!" sigaw ko, kinakabahan na habang nagiisnowboarding. Unti-unting gumalaw iyong board hanggang sa tuloy-tuloy na akong nag-slide pababa. Hindi natigil ang sigaw ko.
Agad akong hinabol ni Kalix at nauna sa baba para saluhin ako. Napangiwi siya nang mahulog kaming dalawa sa snow at napunta ako sa taas niya. Malakas akong tumawa at humiga sa tabi niya. Ang lamig!
"That hurts," sabi niya sa akin.
"I'm sorry, bebe!" Humalik ako sa pisngi niya. "Sabi ko naman sa 'yo, hindi nga ako marunong nito, eh!"
Pagkatapos noon, naligo kami sa Blue Lagoon. Ang dami ko nang nakuhang pictures naming dalawa na ipapa-frame ko ulit. Ipapakita ko 'to sa mga anak namin sa future kapag mayroon!
And finally, aurora borealis... Pangarap kong makita. Ilang gabi na naming inaabangan 'yon... tapos nagpakita na siya ngayon.
"I'm so proud of us," sabi ko kay Kalix habang nakatingin ako sa langit. Ang ganda. Walang kahit anong salita na makakapag-describe sa kung gaano siya kaganda!
"We still have a lot of years ahead of us," sabi niya.
"Hmm... Ten years, twenty years, fifty years... Excited na akong makasama ka." Ngumiti ako at lumingon sa kaniya.
Lumapit siya at hinalikan ako sa labi. "Ten years, twenty years, fifty years, one hundred years... It will always be you."
________________________________________________________________________________
This is the last WWM. Thank you for your support.
Goodbye.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro