Chapter 7
"Ano ba, tanghali na, Celeste!"
Pag labas ko pa lang ng kwarto ay napansin ko na ang tiya ko na ngayon ay nag mamadaling mag empake ng mga gamit n'ya, pero mukhang mali ata ako ng hinala, dahil sa ilang pamilyar na mga gamit at damit.
"Tiya, ba-bakit n'yo po iniimpake yung mga gamit ko?" Saad ko at marahas na hinala sa kanya ang bag na hawak-hawak.
Masama akong tinitigan nito bago hiniklat muli ang mga hawak ko. "Manahimik ka, Celeste- Hindi ba't inuutusan kita? Huwag mo akong pakielamanan." Mariin saad nito.
Nanlalabo na ang mga mata ko dahil karamihan sa gamit na hinahakot n'ya ay ang mga damit na bagong bili ko lang nung isang araw.
"Ma! Wala pa bang pagkain? Anong oras na, asan ba si Celeste?!"
Napakuyom na lang ako ng kamao dahil sa nangyayari ngayon. Kahit masama ang loob ay pinilit ko na lang na manahimik at sumunod dahil kahit anong gawin ko ay wala rin akong mapapala. Taon-taon na lang kaming ganito. At kahit kailan man ay hindi ako masasanay.
Oo, Taon-taon ninanakaw ng tiya ko ang mga gamit ko, hindi ko alam kung ano ba ang gagawin n'ya rito pero simula nang dito ako tumira, hindi na ako nagkaroon pa ng maayos na buhay dahil sa kanila. Napansin ko pang may kung anong kahon na gawa sa kahoy ang binalot ng tiya ko sa kumot. Sa sobrang pagkabalot ay halos hindi na ito mapag kakamalang kahon.
"Ano ba? Paking ka ba?!"
Tahimik na lang akong nag punta sa kusina at nag luto. Kumuha lang ako ng kaunting pagkain at sa kwarto na lang ako kumain dahil mag lilista pa ako ng mga sangkap na bibilhin ko para sa paninda ko.
Rinig na rinig ko pa ang mga kalampagan nila sa kusina't sala, wala ang tiyo ko, marahil ay nasa sugalan na naman ito dahil hindi naman ito umuwi kagabi.
"Psst,"
Napalingon ako sa munting bintana nang makarinig ako ng paswit. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko pa si Dudong na ngayon ay may hawak na isang tulingan, marahil nakahuli na naman ang ama nito sa laot sa Dingalan.
"Ate Cele, anong ulam mo? Gusto mo ba ng isda? Tignan mo oh, ang laki ng huli ni papa." Nakangiting saad nito.
Lumapit naman ako sa bintana para pakatitigan nang mabuti ang hawak nito. "Oo nga 'no? Malaki sigurado ang kinita ni Mang Karding n'yan." Natatawang saad ko.
Pero natigilan ako nang matanaw ko sa pwesto ko ang isang pigura na sigurado akong pamilyar na pamilyar sa'kin.
"Dong, umuwi ka na. Mukhang uulan na," saad ko at marahas na binaba ang takip ng bintana. Halos lumabas ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Sobrang sakit.
"Ate Celeste, punta ka sa bahay mamaya ha!"
'Yan na lang ang tanging narinig ko kay Dudong. Sumilip pa akong muli para kumpirmahin kung ando'n pa rin ang matandang babaeng nakita ko sa palengke nung nakaraan, pero wala naman na 'to kaya kahit papaano ay nakahinga na rin ako nang maluwag.
Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang umilaw ito. Hindi ko pa balak sagutin ito ngunit ayaw rin tumigil kakatunog nito.
"Shyna, bakit?"
"Celeste, Nasaan ka?"
Napakunot ako ng noo nang marinig ko ang boses nito. Daig pa n'ya ang nauubusan ng hininga. "Mukhang pagod na pagod ka ata? Nandito ako sa bahay, bakit? Aalis na rin ako maya-maya. Nasa skwelahan ka na ba? Pakisabi nga na baka ma-late akong makapag tinda at mag lilinis pa ako ng baha-"
Pag labas ng kwarto ay bumungad sa'kin ang salas at kusina na daig pa dinaanan ng bagyo. Mula sa nakatambak na urungin, gulo-gulo rin ang mga upuan at pigurin, pero mas napansin kong nawawala halos lahat ng importante naming gamit.
"Ha? Akala ko ba ay umalis ka, Celeste? Nakita pa kita dito sa terminal-"
Hindi ko na napansin ang sinabi nito dahil nang makapasok ako sa kwarto ng mag-asawa ay tumambad sa'kin ang higaan nilang magulo, kabinet na walang laman, gano'n rin ang drawer na mga nakalatag na sa sahig. Pati na rin ang drawer ko. Wasak na wasak ito.
Halos nilalamon na ako ng kaba dahil sa nakikita ko. "S-Shyna may sinabi ba sila sayo? Sinong kasama ni tiya? At saka, hindi ako sumama sa kanila mag hatid kay Bella."
Kagat labi kong inikot ang bahay, doon ko napag tanto na wala na ang gamit ng mag-ina, at halos mga damit kong luma pati ng tiyo ko ang naiwanan.
"Seryoso ka ba? Ang sabi lang nila ay may pupuntahan lang sila, ang sabi pa nga ay kasama ka nila at pupuntahan n'yo raw yung kamag-anak ninyo sa Siargao-"
"Ha? Anong Siargao, alam mong wala kaming kamag-anak doon," saad ko at marahas na napasalampak sa sahig.
"Kaya nga tinawagan kita kasi sigurado akong nakita rin kitang kasama nila. Hindi mo nga ako pinansin,"
Mariin akong napapikit dahil sa narinig ko. Natigilan ako nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan naming kahoy.
"Tatawag ako uli, Shyna."
Binaba ko ang hawak kong cellphone at marahang binuksan ang pintuan. Tumambad sa harapan ko ang tiyo ko, na puno ng bugbog at pasa sa mukha. Sa likuran n'ya ay isang hindi pamilyar na lalaki. Mula sa tindig at kasuotan nito ay masasabi kong may hindi na naman maganda ang nangyari.
"Ce-Celeste, Nand'yan ba ang tiya mo?"
Kagat labi kong binuksan ang pintuan namin, para tumambad sa harapan nila na halos wala ng laman ang bahay na tinitirhan namin.
Marahas naman akong tinulak ng tiyo ko dahilan para matumba ako.
"Ano 'to?! Nasaan sila? Bakit wala ng gamit ang bahay ko?!"
Halos umikot na ang ulo nito kakalingon sa paligid. Winasak rin n'ya ang ilang mga nakaharang na pigurin dahilan para mag likha ito ng ingay.
"Celeste! Nasaan ang tiya mo? Si Bella! Putang ina, hindi mo dapat sila hinayaang umalis!"
Halos mabingi ako nang maramdaman ko ang malakas na sampal ng tiyo ko.
Nanginginig ang mga tuhod ko, gano'n na rin ang mga labi ko dahil sa hiwa na natamo ko.
"Hi-Hindi ko po alam, umalis na lang po sila bigla kanina nang walang abiso-"
Isang sampal muli ang naramdaman ko dahilan para bumagsak ako ng tuluyan sa sahig. Kulang na lang ay umugong ang tenga ko dahil sa lakas, nalalasahan ko na rin ang dugo sa labi ko.
"Ano ka ba naman! Kahit kailan talaga ay wala kang silbi!"
Tinignan ko ang tiyo ko na ngayon ay kinakausap ang matandang lalaking kasama nito. Nagulat ako nang lumuhod ito at marahang niyakap ang mga binti. Bahid pa sa boses nito ang takot.
"Mukhang wala rito ang sinasabi mo sa'kin, Dela Cruz."
Sumiksik ako sa pinakasulok dahil sa takot na nararamdaman ko.
"Hin-hindi, andito lang sila, hahanapin ko sila. Parang awa mo na. Kung gusto mo ay kuhain mo na lang ang pamangkin ko. Tama! Kuhain mo si Celeste, si Celeste na lang ang ibabayad ko-"
Napatutop ako ng bibig dahil sa sinabi nito. Anong kuhain? Ano bang nangyayari.
"Mukhang nag kakalimutan ata tayo. Hindi ba't pumirma ka sa kasulatan."
Nanigas ako sa pwesto ko nang mag tama ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay may isang hindi kaaya aya akong kaharap ngayon.
"Oo naman, nangako ako pero si Celeste muna ang paunang bayad ko. Pu-pupwede naman 'yon hindi ba? Bonus. Bonus ko na sayo-"
Pakiramdam ko ay masusuka na ako sa paraan nang pag titig sa'kin ng tiyo ko. Aminado akong kahit naka panjama ako at t-shirt, makikita pa rin ang hubog ng katawan ko dahil sa kasikipan nito dahil pinag lumaan lang ni Bella ang mga damit na meron ako.
"Paano kung hindi ako pumayag?"
Kagat labi akong gumagapang papunta sa kwarto ko dahil ayoko nang makita pa at makarinig pa ng mga nangyayaring ito.
"Pa-pasensya ka na, kung gusto mo a-ay puwedeng bumalik ka na lang sa isang araw . Ga-gagawan ko na-nang paraan. Ibabalik ko lahat ng hiniram ko sayo-"
Halos mapasigaw ako nang humandusay na lang sa sahig ang tiyo ko. Pakiramdam ko ay halos lahat ng dugo ko sa katawan ay nanlamig dahil sa nasaksihan ko.
Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang maliit na butas sa noo ng tiyo ko, dahilan para lumabas ang utak nito at mag kalat sa sahig. Tinapakan pa nito ang ilang parte ng utak na nagkalat sa sahig para lang makalapit sa pwesto ko.
Halos mandilim na ang paningin ko dahil sa takot. Hinawi n'ya pa ang ilang buhok na tumatabing sa mukha ko. "Pasensya ka na, pero hindi na kasi ako makapag hintay. Siguro naman ay sasama ka sa'kin, binibini?" Ngiting saad nito.
Dahil sa takot at napatango na lang ako. Mukhang natuwa naman ito pero natigilan rin. Base sa mga titig n'ya ay sa leeg ko s'ya nakatingin kaya tinakpan ko ito. Napasigaw naman ako nang sakalin ako nito.
"Bakit may ganyan ka sa leeg mo? Sino ka?!" Mariing saad nito. Halos hindi ko na magalaw ang mga daliri ko dahil sa higpit ng pagkakasakal n'ya. Ano mang minuto ay mawawalan na ako ng hininga.
"Hindi. Hindi ka puwedeng mabuhay. Mamatay ka. Dapat pala ay ikaw na ang inuna ko. Akalain mo nga naman. Dito ko lang pala mahahanap ang babaeng kagaya mo."
Kahit nanlalabo na ang paningin ko, kitang kita ko pa rin ang mala-demonyo nitong ngisi at aura. Napapikit na lang ako dahil sa pang hihina. Naramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko, kasabay no'n ang malakas na sigaw na ngayon ko pa lang narinig.
Sigaw ng isang demonyo.
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro