Chapter 6
Naalipungatan na lang ako nang makaramdam ako ng may nakalapat na malamig sa noo ko. Halos hirap na hirap akong idilat ang mga mata ko dahil sa hapdi at bigat nito.
"Mabuti naman at gising ka na,"
Marahan ko namang itinihaya ang ulo ko para tignan kung sino ang nagsalita. Kahit malabo ang paningin at nasisilaw sa ilaw ay inaninag ko pa rin ito nang mabuti.
"Aling Victoria,"
Ramdam na ramdam ko ang lalamunan ko tila gasgas dahil sa paos at tuyo't kong boses. Marahan naman akong inalalayan ng ginang para umupo at pina inom ako nito ng tubig. Nang maginhawaan ay pinili ko na lang sumandal kahit na ang paningin ko ay umiikot pa rin na parang turumpo.
"Nilalagnat ka, Celeste kaya huwag ka munang mag kikilos para hindi ka mahilo."
Nakapikit lang ako habang pinakikiramdaman ang paligid. Mula sa hindi pamilyar na amoy at matigas na pakiramdam ay batid kong wala ako sa bahay ng mga tiya't tiyo ko.
"Aling Victoria, si Bella po? Naka uwi na po ba s'ya?"
Wala akong narinig na kahit anong ingay matapos kong tanungin ito hanggang sa makaramdam ako nang pagdampi ng bimpo sa'king mga braso pababa sa kamay ko.
"Celeste, huwag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga ay gising ka na." Saad nito. Napadilat naman ako sa sinabi n'ya dahil malayong malayo ang sinagot nito sa'kin mula sa tanong ko.
"S'ya nga pala, sabi ng mga tiyo mo na dito ka muna manatili ng ilang araw dahil luluwas sila sa probinsya kasama si Bella at ang tiya mo." Ani nito.
Tuluyan ko nang dinilat ang mata ko kahit na gusto kong nakapikit lang. Inilibot ko ang mga tingin ko sa paligid. Mula sa kisameng kahoy pababa sa dingding at lumang kabinet sa harapan ko. Walang laman ang kwarto maliban sa kama, kabinet at maliit na lamesa sa gilid ng kama. May maliit rin na bintana na gawa sa kahoy ay ang pinto'y tanging kurtina lang ang tumatabing.
"Bakit po? May nangyari po ba?" Saad ko. Tinitigan ko ngayon ang ginang na nagliliglit na ng gamit matapos ako nitong punasan. Hinimas naman nito ang ulo ko bago ako halikan sa noo. "Walang problema. Napaka maalalahanin mo talagang bata ka, isipin mo muna ang sarili mo. Masyado mong pinagod ang katawan mo, alam mo naman na bawal kang mapwersa."
Tumango naman ako sa sinabi nito dahil totoo nga naman. Mahina pa ang katawan ko kumpara sa mga araw bago magsimula ang klase. Hindi ko pala nasabi na may sakit ako sa puso. Bukod kila tiya ay si Aling Victoria rin ang tumatayong guardian ko sa pamilya. Dahil byuda ito at walang anak, marahil ito na rin siguro ang rason para tratuhin ako ng may pag i-ingat.
Tumitig ako sa labas para panoorin ang araw na pasikat pa lang. Marahil ay lumipas na ang isang gabi matapos ang nangyari na 'yon. Nahawak naman ako sa leeg ko nang maalala ko na naman ang lahat.
"Ate,"
Napalingon naman ako nang marinig ko ang boses ng batang lalaki na ngayon ay nakadungaw sa pinto, kasabay ng hangin ay s'ya namang paglitaw ng kaibigan kong si Shyna.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
Napangiti naman ako dito nang abutan ako nito ng prutas. "Maayos na, masakit lang ang lalamunan ko pati na ang ulo. Bakit ka nga pala andito? Wala ka bang klase?"
Pinanood ko lang itong binabalatan ang itlog na hawak bago inilublob sa lugaw na nasa mangkok na.
"Ahh,"
Ngumanga naman ako nang isubo nito sa'kin ang isang kutsarang lugaw na hinipang n'ya.
"Umabsent ako, nabalitaan ko kasi yung nangyari sa bayan kagabi."
"Shyna, ano ba ang nangyari kagabi?" Nagtataka kong saad at tinitigan s'ya sa mata.
Naramdaman ko naman ang pagsampa ni William sa higaan ko. "Baka mahawa ka sa'kin, doon ka muna sa labas." Natatawa kong saad ng tangka ako nitong hahalikan sa pisnge.
"Sige na, Liam, doon ka muna kay aling Victoria. Tulungan mo muna s'ya."
Sumunod naman ang bata sa sinabi ng ate nito. Hinintay muna namin na makalabas ito bago itinuloy ang usapan.
"Wala ka bang naalala?" Tanong nito at muling hinipang ang lugaw.
Umiling lang ako. "Wala talaga, siguro ay dahil na rin sa sakit ng ulo ko."
Ilang minutong rin ang lumipas bago nabasag ang katahimikan. "Celeste, kritikal kayo ni Bella nang matagpuan kayo kagabi." Saad nito.
Halos matuod naman ako sa narinig ko.
"Ha? Anong kritikal? E, wala namang nangyari kagabi maliban sa nahimatay lang ako dahil sa pagod."
Hinilot ko ang sentido ko dahil nag sisimula na naman itong manakit dahil sa naririnig ko.
"Anong kritikal, hindi naman kami nag-away kagabi."
Hindi na ako nakatanggap ng salita mula kay Shyna kaya tinignan ko ito. Bakas sa mukha n'ya ang lungkot kaya kahit nahihirapan ay pilit kong inabot ang kamay nito.
"Shyna, bakit ba ganyan ka? Parehas kayo ni Aling Victoria ng kinikilos. Buhay na buhay naman kami ni Bella, kita mo kaharap mo pa ako." Ani ko at akmang tatayo na sana pero sa hindi kadahilanan ay hindi ko na halos maramdaman ang mga paa ko.
Tinitigan lang ako nito. Hindi ko alam pero nawala ang sakit ng ulo ko at marahang binuklat ang kumot na kanina pa tumatabing sa mga binti ko.
Halos mahimatay ako dahil nakita kong halos maging buto't balat na lang ito. Daig ko pa ang gulay na sinipsipan ng katas para malanta.
"A-ano 'to, bakit hindi ko maramdaman ang mga binti ko? Bakit ganito?!"
Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa nakikita ko. Pilit kong ginagalaw kahit ang mga daliri ko sa paa ngunit kahit kibot ay wala.
"Celeste kumalma ka muna, masama sayo ang ginagawa mo."
Marahas ko naman s'yang tinulak. Halos mahilam na ako dahil sa mga luhang kanina pa tumutulo sa mata ko. "Shyna! Anong nangyari, bakit hindi ko magalaw ang katawan ko!"
Hindi ko na napigil ang sarili ko na magwala. Pakiramdam ko ay kalhati ng buhay ko ay wala na.
Nakita kong humahangos si Aling Victoria papalapit sa'kin. "Huwag kayong lalapit!" Sigaw ko.
"Celeste, kumalma ka, hayaan mo na magpaliwanag kam-"
Hinagis ko naman sa kanila ang mangkok na nakalapag sa kama na hinihigan ko. "Bakit ganito! Ayoko ng ganito. Please tulungan n'yo ako. Ang mga paa ko." Halos mapaos na ako dahil sa kakasigaw.
Hindi ko na alam pero wala ako sa ulirat dahil sa nakikita ko hanggang sa tuluyan na namang nagdilim ang paningin ko.
"Celest-"
"Celeste!"
Napabalikwas naman ako nang bangon nang makarinig ako ng malakas na katok sa pintuan. Halos matumba na ako dahil bigla na namang umikot ang paningin ko pero ang mas una kong ginawa ay tignan ang mga paa ko. Nagulat ako nang makitang na sa maayos naman na kalagayan ang mga ito. Ginalaw galaw ko rin pati ang daliri ko sa paa para masiguradong tama ba ang nakikita ko.
"Celeste ano ba, paking ka ba! Alam kong gising ka na! Aba, hindi ka bisita dito. Magluto ka na ng almusal at aalis kami!"
Nabaling muli ang atensyon ko sa pinto ng kwarto ko na malapit na atang magiba. "Opo, susunod na po!"
Nakatulala lang akong naka upo habang nakatitig at hinihimas pa rin ang binti ko. "Totoo ba 'to?" Saad ko.
Napasampal naman ako sa sarili ko para kumpirmahin ang nakikita ko. "Kung gano'n ay panaginip lang pala. Mabuti naman." Bulong ko at marahang napakamot sa batok ko pero natigilan naman ako nang maramdaman kong may kung anong nakadikit dito.
Tinanggal ko naman ito at nang makita ko ay isang malaking band-aid. Hinawakan ko naman uli ang batok ko at natigilan na lang ako nang makapa akong hindi kaaya-aya sa pakiramdam.
"Hindi kaya..."
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro