Chapter 1
Dedicated to Mekaikuchu
"Nagbabagang balita. Dalawang bangkay ang natagpuang patay malapit sa Colegio de San Juan de Letran kaninang madaling araw. Halos hindi na ito makilala dahil sa wala na itong balat sa mukha at tuyot na ang mga katawan. Batid ng mga pulisya na estudyanye ang mga ito dahil sa uniporme-"
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang namatay ang tv nang akma ko nang kakainin ang binabalatan kong Sebuyas.
"Ano ba naman 'yan, Celeste. Ki' aga-aga nanonood ka na ng TV! Baka tumaas na naman ang kuryente!"
Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang tinig ng tiya ko. Nahuli lang naman niya kasi akong nanonood kahit pasado ala-sinco pa lang ng madaling araw.
"Bilisan mo nga d'yan at baka mahuli si Bella sa unang araw ng klase!" nakasigaw nitong saad habang naghahanda sa pagpaplantsa ng uniporme.
Nangunguso ko namang binilisan ang kilos ko. Sinasadya ko talagang magising din ng madaling araw para makapanood sa telebisyon pero naalala ko nga pa lang magsisimula na ang klase ngayong araw.
Dahil sa kahirapan ay limitado lang ang pwede naming gamitin na kuryente lalo na't kapos din kami sa pera. Mahirap ang buhay namin dito sa Intramuros dahil nakatira lang kami sa ilalim ng tulay. Sumabay pa ang pag aaral ni Bella ngayon sa Sekondarya na sa kolehiyo, kaya doble-kayod ang dapat gawin.
"Ano ba! Pakeng ka bang bata ka? Sabi ng bilisan mo d'yan nang mailuto na 'yan! Anong oras na, Celeste!"
Halos mahiwa ko na ang daliri ko dahil sa lakas ng boses ng tiya ko. Sakto namang katatapos ko lang hiwain ang sibuyas ay siya namang pagdating ng tiyo ko.
"Ano ba naman Wilma? Kaaga-aga nangbubulabog ka na!" galit nitong sigaw.
Mabilis naman akong nagtungo sa labas upang magluto ng kaning lamig at itlog na may sibuyas, at para na din makaiwas sa bangayan ng mag-asawa.
Malapit na din sumilay ang haring araw ng makalabas ako. Malamig ang simoy ng hangin na siyang nakapag panginig sa'kin dahil sa suot ko.
Habang inaantay kong magbaga ang kalan de uling namin, nakarinig naman ako ng tawa sa likuran ko.
"Celeste, napag initan ka na naman ni Aling Wilma, no?" natatawang saad ni Shyna. Ang kababata ko. Saglit pa akong natigilan nang mapansin kong nakasuot na ito ng uniporme.
Binigyan ko na lang ito ng hilaw na ngiti bago siya tinanguan. "Oo, alam mo naman 'yon. Araw-araw atang nireregla," biro kong saad na lalong nagpatawa sa kanya.
"Kailan ka kaya makakausap ng matino, Celeste. Siya nga pala, dadaan ako sa Plaza mamaya para bumili ng isda. Sasabay ka ba?"
Natigilan naman ako at nag isip sandali. Kung araw ng Lunes ngayon ay paniguradong makakapag tinda ako ng madami. Maari na din akong makaipon.
Malaki ang ngiti ang sinagot ko kay Shyna at mabilis na tumango. "Bakit hindi? Sayang ang kita ngayon."
"Kung ganon ay magkita na lang tayo sa tapat ng lugawan," paalam niyang sagot. Kinawayan ko naman siya kahit na nakatalikod na siya.
Tinitigan ko naman ang Suot-suot niyang malinis at puting-puting uniporme. Natigilan lang ako ng maalala ko ang dapat kong lutuin. Sikat na ang araw at paniguradong lagot na naman ako sa Tiya ko.
Ilang minuto din akong nakatalungko bago pumasok at saktong kalalabas lang ni Bella sa kwarto ng makaluto na ako. Sandali pa akong natigilan nang makita kong tinutulungan ng tiya ko na mag ayos ng uniporme ang anak habang si Bella ay todo ayos ang ginagawa. Nakaramdam ako ng inggit at lungkot sa nasasaksihan ko, pero pinagsawalang bahala ko na lang din ang nararamdaman ko dahil sanay na ako.
Bumalik lang ako sa sarili ng marinig ko si Bella. "Ate, ihahatid mo ba ako ngayon sa School?"
Mabilis naman akong tumango dahil kailangan ko ding bumili ng paninda sa palengke. Nagluluto lang ako ng mga miryenda na nilalako ko sa paaralan at kalsada. Malakas naman ang kita dahil madami din akong suki simula ng magsimula kaming mag tinda.
"E di gumayak ka na ate, Mala-late na ako," saad nito habang kumakain. Hindi na ako nagdalawang isip pang kumain din at dumaretso na ako sa kwarto para palitan ang duster kong suot.
Pinili ko na lang magsuot ng simpleng puti na damit at legging na itim. Mas komportable ako sa ganitong kasuotan kesa sa mag s-short ako o ano. Nag tyinelas lang din ako dahil wala naman na akong sandalas o sapatos na maaring isuot.
Kinuha ko ang maliit kong pinataka na naglalaman ng barya-barya at ilang papel. Napakunot naman ako ng noo ng mapansin kong kulang ang pera sa pitaka ko.
"Tiya? Ginalaw niyo po ba yung pikata ko?" mahina kong tanong nang makalabas ako ng kwarto.
Mariin naman akong tinignan nila tiya na nakapag palunok sa'kin. Alam ko na ang ibig sabihin ng mga titig na 'yon.
"Ano ngayon? Umaangal ka na ata, Celeste?" naiirita nitong saad at padabog na binitawan ang mga kubyertos na nakapag pagulat sa'kin.
Kinuha ko na ang bayong na dadalhin ko. Tahimik akong umiling sa kanila bago nagtungo sa labas para hintayin si Bella.
"Halika na ate," nagmamadali niyang saad at naglakad na. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makalabas kami.
Magka-kalhating oras din kaming naglakad para lang makarating sa paaralan. Madami ang estudyanteng nagkalat marahil magsisimula na din ang klase. Halos magka-traffic na dahil sa dami ng tao. Sabagay, sikat lang naman ang paaralang nakatayo dito sa Intramuros at balita kong malaki ang gastos sa matrikula.
Tumigil kami malapit sa gate ng skwelahan na ikinataka ko. Hinarap naman ako ni Bella "Ate, dito na lang. Sasalubungin naman ako ni Fhei sa main gate." ngiti niyang saad.
Magsasalita na sana ako nang tinalikuran ako nito, madami ang nakatingin sa'kin marahil sa itsura ko at sa putik na nasa damit ko. Tumalsik kasi ang ilang putik sa likuran ko at sa legging ko.
"Miss? Hindi ka ba papasok? Magsisimula na po ang klase."
Napalingon naman ako sa nagsalita. Nakita ko sa harapan ko yung guard habang dahan-dahang sinasara ang maliit ng pinto.
"Hindi, hindi po ako nag-aaral dito." nakangiti kong sagot na ikinatango niya. Mabilis naman akong umalis sa lugar na 'yon dahil sa hiya.
Pumara ako ng tricycle dahil malayo pa ang palengke dito. Baka abutin ako ng init kung maglalakad pa ako.
"Kuya sa palengke po" ngiti kong sagot.
"Trenta lang, hija." ngiti din niyang saad na ikinatango ko. Sumakay na ako sa tricycle at nakatingin lang sa labas habang bumabyahe.
Ilang minuto din ang tinagal ng byahe dahil traffic. "Kuya d'yan na lang po sa gilid!" sigaw ko nang makalagpas kami sa bilihan ng karne. Dali-dali naman akong nagbayad at bumaba dahil nagsisimula ng dumami ang mga tao sa palengke.
Saglit pa akong tumingin sa ibang paninda bago dumaretso sa tindahang madalas kong binibilhan ng mga sangkap.
"Oh! Magandang Umaga sayo, Celeste. Nagbabalik na naman ang maganda naming suki," bolang saad ng ginang habang naglalabas ng ibang paninda.
Natatawa ko namang nilapitan sila Mang Diego at Aling Rowena habang nagbubukas sila ng tindahan. Sa mag asawang Francisco kasi ako bumibili ng karamihan sa paninda at sangkap na gagamitin ko kaya kilalang kilala na ako nito.
"Maganda umaga din po Aling Rowena. Nako, mas maganda pa po kayo sa umaga." ngiti kong saad habang nagmamano sa kanila.
"Nangbola ka pa pero tama ka naman dahil hindi naman mai-in love sa'kin ang tatay Diego mo kung hindi ako maganda." natatawang saad ng ginang na ikinatawa ko nang malakas.
"Ki aga-aga Rowena binibrain-wash mo ang utak niyang si Celeste!" Sigaw ni Tatay Diego habang nagbubuhat ng mga gulay.
"Kayo talaga Aling Rowena. Ay, meron po ba kayong malagkit na kanin, ube at niyog? Magluluto po kasi ako ng kakanin ngayun," saad ko habang namimili ng gulay para sa Lumpiang Gulay.
"Oo hija, naitabi ko na yung kakailanganin mo at baka maibenta pa namin. Kumain ka na ba?" Sigaw ni Aling Rowena habang nagsasabit ng mga paninda.
Napayuko naman ako ng maramdaman kong kumulo ang tyan ko. Hindi pa pala ako nakakain, nawala sa isipan ko.
"Hindi pa po. Nagmamadali po kasi si Bella kanina kaya hindi na po ako nakakain," nahihiya kong sagot habang namimili ng sariwang gulay.
Pinakatitigan ko muna ang nga gulay na kakailanganin ko dahil mahirap na pagnakapili pa ako ng bulok. Sayang sa pera at paniguradong mag-i-iba ang lasa ng putaheng ibe-benta ko.
"Halika at may pandesal dito! Magkape ka muna kahit sandali!" sigaw na saad ni Aling Rowena.
Napa-angat naman ako nang tingin dahil sa sinabi niya. Nakita kong may hawak itong pandesal at palaman. Sandali pa akong nag-isip bago ito sagutin.
"Hindi na po. Kailangan ko din po kasing mag madali dahil may gagawin pa po ako sa bahay," pagdadahilan ko pero ang totoo niyan ay gutom na gutom na talaga ako.
"Ganun ba, oh.." tangong saad ng ginang na ikangiti ko ng hilaw.
Nakita ko pa ang pagpasok nito marahil magpapa-init na ng tubig.
Ilang minuto din akong nagtagal sa pamimili ng gulay ng maisipan ko ng magbayad.
"Tatay Diego magbabayad na po ako," magalang kong saad at inabot sa kanya ang gulay na ipapakilo ko.
Agad din naman niya itong kinuha at sinupot na ikinataka ko.
"Tay, hindi niyo na ba kikiluhin?" nalilito kong tanong habang naglalabas ng pera sa pitaka kong maliit.
Tumawa naman ito bago sa'kin ibigay ang pinamili ko.
"Hindi na hija, libre na sa goyo 'yan, tutal ay unang araw ng klase. Paniguradong madami kang kailangang lutuin." ngiti-ngiti niyang saad habang binabalot ang iba pang sangkap kong gagamitin.
Mabilis naman niyang inabot sa'kin ang iba pang plastik para hindi niya makuha ang perang inaabot ko.
"Ayan okay na ba? May kulang pa ba?" ngiting saad nito habang naglalatag ng mga tuyo at daing.
Saktong magsasalita na ako ng lumabas si Aling Rowena sa munting pintuan habang may bitbit na supot ng tinapay.
Nilapitan naman ako nito. "Oh! Aalis ka na ba? Eto at dalhin mo na din 'tong tinapay. Hindi ka pa nag uumagahan kaya paniguradong gutom ka na." mahinahon nitong saad habang sinisiksik nito sa bayong kong hawak ang pagkain at tubig.
Mabilis kong binaba ang bayong kong hawak para ilabas ang mga nilalagay niya dito.
"Aling Rowena naman, sobrang dami na po nito. Nakakahiya po. Hindi ko po matatanggap lahat ng 'yan," mangiyak-ngiyak kong saad habang nilalabas pa ang tubig pero pinigil lang ako nito.
"Ano ka ba Celeste. Para ka na din naming anak kaya tanggapin mo na yan. Pag hindi mo kinuhan 'yan ay magtatampo talaga ako sayo." nguso nitong saad na ikinatawa ko.
Ilang minuto pa akong nag tagal bago nag-paalam. Sobrang laki ng ngiti ko nang makalabas ako ng palengke pero nahinto din ako sa paglalakad nang may mapansin akong batang umiiyak habang kausap ng isang matanda.
"Ang aga naman para paiyakin yung bata." bulong ko habang nakatitig pa rin sa dalawa.
Napaiwas naman agad ako nang tingin nang lingunin ako ng matanda. Bigla akong kinabahan kaya nagpatuloy ako sa paglalakad pero biglang may nahulog na itim na uwak sa paananan ko na nakapagpatili sa'kin.
Halos manlumo ako sa takot dahil sa itsura nito. Base sa nakikita ko ay may mga uod na lumalabas sa katawan nio habang ang mga laman loob ay nakalabas na, samantalang ang mga mata nito ay kulay pula at parang tinititigan ako nito.
"Miss, ayos ka lang ba?" saad ng lalaking nakapag pabalik sa diwa ko. Hindi ko ito nasagot kaagad dahil sa bigla.
Nanginginig kong nilingon ang paligid ko habang nakahawak nang mariin sa bayong. Napagtanto kong pinagtitinginan nila ako kaya mabilis na akong umalis doon at baka ano mang oras ay bumagsak ako sa takot.
--------
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro