Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

ABALA ako sa paglilinis ng bahay ng biglang may
malakas na tunog akong narinig mula sa ibaba.

Napahinto ako sa aking ginagawa hanggang sa tawagin ako ni Mommy.

"Cinyla, paki silip nga muna ang gate kung sino iyon at baka nandoon na yung bisita ko." sigaw ni Mommy mula sa kusina. Kasalukuyang nasa sala kasi ako nagwawalis dahil Sabado naman ngayon.

"Opo Mommy, palabas na po," tugon ko.

Tinapos ko muna ang pagwawalis dahil malapit naman na at tinabi iyon. Kay aga pa pero may bisita na agad si mama. Sino kaya 'yon? Kaysa isipin ko kung sino iyon. Minabuti ko na lamang na ayusin ang sarili at tuluyan na ngang lumabas.

Pagkabukas ko ng gate, hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.

Shit!

"Good morning milady," masiglang sabi ng isang gwapong lalaki na nasa harapan ko. Maputi at matangkad ito at medyo matangos ang ilong. Taglay pa agaw-pansin nitong dimple sa kaliwang bahagi ng pisngi kaya kapag ngumiti, nakakawala sa wisyo.

"G-good m-morning din po. Sino po sila?" takang tanong ko at mabuti na lang nakapagsalita ako agad.

Baka naman kasi naligaw lang siya sa village namin. Wala naman kasi akong kilala na ganitong gwapong nilalang na kaibigan o kamag-anak namin.

Ngunit ang tingin niya naging iba at biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Oh, nariyan ka na pala. Benchua. Teka, kanina ka pa ba riyan? Pasok na sa loob at nakahanda na ako ng pagkain." Masayang pagyaya ni mama.

"Nak, samahan mo na siya sa kusina." Utos nito kaya't tinigil ko muna ang pag-iisip ng kung ano-ano dahil baka mawalan ako ng konsentrasyon.

"Opo mom," wika ko sabay at sinamahan ko na nga ang bisita namin, dumiretso na kami sa third floor kung saan doon siya magpapahinga. BenChua pala ang pangalan niya, parang kakaiba na weirdo.

Kaloka naman ang pangalan niya pwede naman na Ben na lang or Chua. Talagang mataba ang utak ng mga magulang niya. Halos matawa ako sa naisip ko.

Hindi ko alam kung nag-aasume ba ko o sadyang totoo? Panay din kasi ang tingin niya. Sana naman mali ako dahil nakakainis yung mga tingin niya.

"Are you okay? Pasensiya na ha? I am too late to introduce myself. By the way, I am BenChua, naghahanap kasi ako nang matutuluyan pansamantala and I see outside that you have one room so I grab it. Available pa naman diba?"tanong nito na nagbigay pagtataka sa akin.

Tumingin muna ko sa kanya ng halos 10 segundo hindi dahil natameme ako o ano. Kundi dahil hindi ko alam na mayroong nakapaskil sa labas. Wala naman iyon last time. 

Kasalukuyan na siyang nakaupo sa lamesa, wala naman siyang ginagawa tahimik lang at iniikot ang mga mata sa paligid.

Sino ba talaga siya? Bakit para siyang mayaman na naligaw at nagpapanggap?

Habang inihahanda ko ang pagkain, bahagya akong nadismaya. Bakit ba kasi siya ang inaasikaso ko? Dapat si Mark, yung boyfriend ko. Kaso, walang alam si mama sa relasyon namin. Si Mark ang nobyo ko ng halos 2 taon na. Bago ako magtapos ng highschool ginawad ko na sa kanya ang matamis kong OO. Ang daming tanong at pangungusap ang gumulo sa isipan ko. Pero kahit na ganoon, napangiti ako sandali.

Worth it naman kasi talaga faithful sa'kin si Mark pero hindi ko pa masabi dahil mama niya lang naman ang bestfriend ni mommy. Magkaaway kasi sila kaya kami ni Mark yung naiipit. Alam niya naman pero hanggang kailan ganito?

"Cinylaaaaa!" Sigaw ni Mommy.

"Nasaan na yung kanin? Ang tagal mo naman diyan, dalhin mo na 'yan dito para makakain na tayo, dagdag na sabi ni Mommy. Hanggang sa napansin kong natulala pala ako habang nagsasandok ng kanin sa rice cooker.

Hindi na ako sumagot pa, sunod-sunod na sandok ang ginawa ko at nilagay ito sa mangkok. Ilang saglit pa ay nilagay ko na sa lamesa at sa hindi inaasahan, nasanggi ko siya.

"Oh, m-my s-sorry B-Benchua." pagmamadali kong punas sa kanya gamit ang malinis na tuwalya sa lamesa.

"Ayos lang," tipid nitong sagot at ngumiti at siya na mismo ang nagpunas sa pantalon niyang natapunan ng tubig, mabuti na lamang ay kaunti lang.

"Ako na magpunas baka ano pang mahawakan mo." Bulong nito ng tumabi na ako sa upuan niya. Nakita ko naman si Mommy na nakikinig na parang kinikilig.

"Pasensiyahan mo na ang anak ko BenChua, kinakabahan lang 'yan sa pagiging gwapo mo." Napatigil naman ako at napataas ng kilay sa sinabi ni Mommy.

"H-ha? Asa siya! Hindi ko siya type tsaka ano..." pinutol ko kaagad ang sasabihin ko dahil baka madulas pa ako. Hindi naman sa hindi ako proud sa boyfriend kong si Mark. Hindi lang talaga ako ready na magsabi agad-agad.

At dahil baka ano pang masabi ko mabuti na lang nagsalita na si mama kaya umupo na ako para kumain na kami.

"Oh Benchua, kumain ka lang ng marami ha? Mamaya sasamahan ka ni Cinyla sa kwarto mo," saad nito habang nakatingin pa si mama sa akin.

"Mommy?!" inis kong sabi dahil ayoko ng samahan pa 'tong mahangin na lalaki na 'to.

"Cinyla! Gawin mo na lang ang utos ko. Sasamahan mo lang naman siya sa kwarto pagkatapos aalis ka na. Ibigay mo na rin ang duplicate key niya," seryosong sabi ni mama.

Napatango na lang ako habang nakanguso. Hindi naman kasi ako dapat ang gagawa 'non dahil nakakairita itong lalaki na 'to. Kahit gwapo siya wala akong balak na patulan siya.

Kumain na lang kami at pilit pinakalma ang sarili. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Sino ba kasi siya?Tsaka bakit kailangan niya na sa amin pa matulog. Hays! Nakakainis sana matapos na para makausap ko na si Mark. Baka sakaling mawala pa ang bad vibes na nararamdaman ko.

"Hey, beautiful? Are you okay? Are you angry with me?" he asked na para bang naging mabait na leon.

Napataas ang kilay ko dahil nananadya yata 'tong lalaki na 'to. Nakakaubos na siya ng pasensiya. Pakialam niya ba kung hindi ako okay o naiinis ako?

"I am fine," tipid kong sagot sa kanya at kumain na lang ng tahimik.

"Oh sige na Cinyla pagkatapos ninyong kumain, samahan mo na si Benchua. Para makapagpahinga na rin siya sa kwarto." Paalala ulit ni Mommy na para bang sinisigurado na gagawin ang bilin niya.

"Opo Mommy," tugon ko naman.

Mabuti na lang natapos na rin akong kumain. At itong loko naman wagas makangiti akala mo naman nanalo sa lotto.

"Thank you po tita sa pagkain. Napakasarap po!" masaya nitong sabi na para naman siyang nambobola lang.

"Ay nako iho, sige walang anuman. Magpahinga ka na sa kwarto mo, si Cinyla na ang bahala sayo 'ron. Nak, ikaw na bahala ha?" pagpapaalala ni mama.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Wala naman kasi akong magagawa kundi ang sumunod kay Mommy.Kahit na kinakabahan ako sa lalaking 'to.

Kaysa naman magpakain ako sa pagiging pipi at pagkamahiyain. Bisita lang naman siya ni mama kaya wala akong dapat ikabahala sa kanya.

 
****

GUESTROOM

Kasalukuyan na nga kaming nasa guestroom, binigay ko na rin ang sarili niyang susi. Ang kwarto niya ang katabi ko lang at dahil hanggang tatlong palapag ang bahay namin. Wala talagang gumagamit ng isa naming kwarto.

Nag-ikot-ikot muna ako upang tingnan kung okay na ba ang lahat. Kumpleto ang gamit, malinis ang paligid at higit sa lahat may aircon.

"Ito na pala ang magiging kwarto mo, okay naman ba ito sayo?" kalmado kong tanong dahil ayokong mahalata niya na naiilang ako. Pinagmasdan kong mabuti ang pansamantala niyang kwarto, mukhang pinaghandaan ito ni Mommy, maayos at talagang malinis. Hindi man bongga pero ang sosyal tingnan na para bang available lamang sa mga guest.

"Sige magpahinga ka na, aalis na rin ako." Pagpapaalam ko dahil kakaiba na ang nararamdaman kong kaba lalo na dalawa lang kami rito.

"Salamat, Cinyala." Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang malamig at malambit nitong palad.

"I am so sorry, hindi ko sinasadya na hawakan ang kamay mo. Gusto ko lang magpasalamat. Don't worry I will be careful next time." Ngumiti ito at pagtango na lang ang nagawa ko.

"Sige alis na ako." Tumalikod agad ako at diretsong binuksang ang pinto at lumabas.

Sandali akong sumandal sa pintuan at bahagyang napahawak sa dibdib ko.

Natapos din!

Sa paglabas ko nakaramdam ako ng kaginhawaan at matinding butong-hininga ang pinakawalan ko.
Nagulat ako sa paraan ng pakikipag-usap niya, he is gentelman na kahit mayabang.

Ano bang mayroon ka at ang lakas ng dating mo?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro