Epilogue
HINDI patas ang mundo. Madalas, sa huli hindi nangyayari ang mga gusto natin. Tulad ko, sa akala kong mabubuo ulit ang pamilya namin at iniisip na ang paglayo ko kay Ben, ang susi sa lahat; makalimot at mabuo muli ang sarili ay isang palang pagkakamali dahil ang dulo pala ay palaisipan lamang ang lahat. Sa kabilang banda, susubukan ko pa ring hanapin ang kapayapaan, at layuan ang taong naging dahilan ng pagkasira ko.
Tulalang akong nakatingin sa litrato ni Daddy, hindi ko akalain na hahantong sa pagpaalam ang lahat. Nagkaroon ng ang pangalawang pagkakataon, pero parang wala rin.
Nakatayo ako sa aming salat at nakita ko ang larawan namin ni Daddy, ito yung pinaka espesyal na araw para sa akin. "Halos isang buwan na rin Daddy ng mawala ka, hindi ko na rin nakausap pa si Ben at ang kabit mo na si Ms.Talia, hindi kinaya ng konsensiya niya. Nakakalungkot man pero, makalipas ang ilang araw ng malibing ka, siya naman ay nasa mental hospital. Dad, akala ko mabubuo na tayo, akala maayos na lahat. Mas masakit pala ang magiging dulo nito." Hinimas ko ang litrato na hawak ko pa rin, ang litrato namin ni Daddy noong 18th birthday ko, hanggang sa, bumagsak na katubigan sa aking pisngi. Humikbi ako at kalaunan niyakap ang hawak kong litrato.
Tuluyan na nga siyang nawala sa amin dahil sa pangalawang heart attack nito, dahil ang katotohanan pala ay sa pagbabalik niya ay mas nanghina na si Daddy nang lubusan. Tuluyan na rin akong nakapagresign, at kasalukuyang inaasikaso ang napundar kong bakery shop. Pinili ko na llamang magbusiness kaysa ang mamasukan bilang empleyado sa isang kompanya.Ito ang tamang desisyon para makalimot, makalayo sa masasakit na alaala.
Pinunasan ko muna ang luha ko at huminga nang malalim, ipinatong ko sa lamesa ang litrato namin ni Daddy at saktong dumating si Mommy at niyakap ako nang mahigpit.
"Anak, umiiyak ka na naman. Tahan na. Magpahinga ka na, alam kong pinili mong huwag magtinda ngayon dahil wala ka sa wisyo. Tahan na pero kung mabigat pa rin, iiyak mo lang."Mas lalong akong humagulgol sa balikat niya.
"Salamat ma, pasensiya na alam kong maraming gustong bumili pero ayokong walang lasa ang tinapay at cookies na lulutuin ko." Umiyak akong muli na para bang nawalan ng candy.
"Ma, bakit sila nawawala o iniiwan ako?" takang tanong ng dalaga sa kanyang Ina.
"Shhh, may rason lahat ng bagay. Hindi naman natin gusto na mangyari ito. Mahalaga, nalaman mo ang totoo. Nalaman mo na si Ben ay kapatid mo. Higit sa lahat, sa huling hininga niya nandoon tayo." Tinapik ni Mommy ang likuran ko sinusubukan niya akong kumalma.
"Tahan na anak, nandito pa ako. Tama na 'yan." pagbibiro niya sa akin.
Inayos ko na nga ang sarili ko at tumingin sa kanya. "Thank you, Mom. Salamat din sa itaas kasi nalaman ko yung totoo at masakit man na ganito ang nangyari. Laban lang tayo." Ngumiti na ako at yumakap ulit sa kanya.
"Ayusin mo na ang sarili mo, magtitinda pa tayo sa bake shop mo," masiglang sabi ni Mommy.
Kaya't tumango ako at sinubukang ayusin ang sarili, masayang akong nagbukas ng bakery at pinangalan ko itong Ila's Pastry. Ang naging puhunan ko rito ay nagmula sa naiwang pamana ni Daddy. Hindi ko alam paano pero handa na at secured ang future ko, ang magiging buhay namin ni Mommy. Ito na rin ang naisip kong libangan dahil alam kong kaya ko naman.
Iba't ibang klase at masasarap lahat ng mga gawa ko at si Mommy ang naging katuwang ko rito. Habang naglalagay ng paninda ang dalaga, napansin niyang kakaunti na lang pala ito dahil mabenta talaga ang mga paninda niyang mga tinapay at cookies. Mayroon din kaming softdrinks at tubig na babagay sa kanilang kinakain. Ngunit biglang lumapit si Mommy at nagsalita.
"Anak, magpahinga ka na. Ako na muna ang magbabantay rito. Mamaya ka na rin maglista." Masayang presenta ni Mommy.
"Mommy, ako na po kaya ko pa naman," wika ko at bumalik na ako sa ginagawa kong pag-aayos ng mga cookies sa lagayan.
"Anak naman, huwag ka naman masyadong magpagod. Pahinga na. Sige na, mauubos na ito mamaya. Ako ng bahala."
"Sige na ma, ito na po. Salamat, pahinga na muna ako sa sala natin pero iinom muna ako ng malamig na tubig."
Ngumiti na lamang si Mommy sa akin at dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ng tubig sa refrigerator. Sa pag-ubos ng iniinom ko ay nakarinig ako ng ingay sa harapan namin kung saan nakapuweston ang bake shop namin. Mabilis kong pinatong ang baso sa lamesa at kumaripas ng lakad papunta sa puwesto ni Mommy.
Ngunit napatigil ako at dahan-dahan lumakad at nakita ko ang lalaking pamilyar sa akin pati ang kanyang boses.Buo ito at malambing na masarap pakinggan halos dalawang buwan ko rin itong hindi napakinggan, at kahit balita ay wala rin.
"Salamat tita, ang galing talaga ni Cinyla gumawa ng cookies. Anyway, alam kong pagod po siya ngayon siguro sa susunod ko na lang siya dadalawin at kakausapin," dismayadong sabi nito ngunit naririnig ko naman sila.
"Oo iho, pagod talaga. Siya lahat ang na kilos, ayaw man lang kumuha ng katuwang dito. Teka, kumusta ang lagay ng Mommy mo?" tanong ni Mommy sa kanya. Kasalukuyan akong nasa gilid at pinakikinggan ang pag-uusap nila.
"She's fine tita. Medyo nakarecover na at gusto niyang pumunta rin dito para humingi ng tawad sa inyo." Nang marinig ko iyon ay lumabas na ako at halos matulala at hindi makagalaw si Ben ng makita ako. "Good for your mom. Anyway, I'm fine, wala naman na rin tayong pa-uusapan pa. Baka mapano pa ang Mommy mo, salamat sa pagpunta at pagbili ng mga cookies." seryosong tugon ko at tatalikod na sana ako pero hinila ni Mommy ang kamay ko.
"Anak naman, ayaw mo bang makausap ang tita mo?" tanong nito.
Tumigil ako, humarap sa kanila at ngumiti nang peke. "Hindi na ma, past is past. Okay na 'yon. Ibaon na natin lahat sa limot. So, Ben, please. Focus na lang sa dapat. Ayoko ng sariwan pa ang lahat. Makakaalis ka na. " Naglakad ako at kumuha ng malaking paper bag. Kinuha ko lahat ng mga natitirang tinapay at cookies.
"Bring all of these! Never come back again, please. I want to have peace. I want to forget everything." Sabay abot ng malaking paper bag sa kanya.
Ben is wearing a black T-shirt and maong pants with rubber shoes.
Tinanggap niya naman ang binigay ko at sa akala kong aalis na siya dahil sa sinabi ko ay nagsalita muna ito.
"Thank you sister and I'm sorry.Hayaan mo huli na 'to, ingat ka palagi. Mahal kita," Malungkot nitong sabi pagkatapos ay kumuha ng pera sa kanyang pitaka at inabot sa akin.
Ilang sandali pa ay natahimik ako at natulala.
"I'm leaving, take care."
Tuluyan na ngang umalis ito at sumakay sa kanyang kotse, hindi ko na rin hinintay na umandar pa ito. Nilagay ko ang pera sa basket na lagayan ng mga bayad ng mga customer pagkatpos ay minabuti kong pumasok na rin sa loob. Naplunok ako at napahawak sa aking dibdib. Tahimik lang si Mommy at sinundan ako.
"Mom, sa kwarto muna po ako. Ikaw na po muna ang masara ng Ali's Pastry" paalam ko ngunit biglang nagsalita si Mommy na siyang dumagdag sa bigat na nararamdaman ko ngayon. "Cinyla, anak, alam ko na mahirap kalimutan ang lahat. Pero nandito lang ako para sa'yo." Niyakap niya ako at pilit kong pinipigilan ang tubig na gustong kumawala sa magkabilaan kong mga mata.
Hinimas niya ang likuran ko. "Alam kong hindi mo na kaya, okay lang 'yan. Umiyak ka lang hanggang sa mapagod ka, kasama mo ako. Tandaan mo, hindi ka nag-iisa sa laban mo anak."
"M-mommyy..." Humarap ako sa kanya at bumuhos na nga ang luhang kanina pang nagbabadya na bumagsak.
"Huwag mo na rin isipin na may kasalanan si Ben, hindi ko siya pinagtatanggol dito hah? Ayoko lang magtanim ka ng sama ng loob sa kanya.Masama sa pakiramdam iyon, anak." dagdag ni Mommy.
Halos ilang minuto kaming nakatayo sa harapan ng hagdanan. Kaya't napag-isipan kong kumalas sa kanyang yakap at sinubukang kumalma bago makapagsalita. "Hindi ko na naman siya sinisisi ma, gusto ko lang din na huwag ng alahanin pa ang mga nangyari. Dahil kapag nandiyan siya, mas lalong bumibigat ang lahat." Akala ko ubos na pero muling bumuhos ang luhang hindi maubos-ubos.
"Alam ko anak, pero maliit ang mundo at alam ko na magtutuos pa rin ang inyong landas ni Ben." Masakit na paalala ni Mommy.
Pinunasan ko ang mga luhang namuo sa aking pisngi gamit ang dalawa kong kamay. "Alam ko naman po iyan ma, pero ngayon gusto ko muna dumistansya at lumayo.Sige na po, akyat na muna ako sa taas at magpapahinga."
"Sige na anak, magluluto na rin ako ng tanghalian natin at magpahinga kang mabuti."Ngumiti ito sa akin at tinapik ang balikat ko at tumango na lamang ako. Humarap na ako sa hangdan at kahit hinang-hina akong naglakad ay pinilit ko.
Nakapasok na nga ako sa kwarto, matamlay akong humiga sa kanyang malambot na kama. Hinayaan niyang magpalamon sa sakit, tumulo muli ang matinding tubig sa aking mga mata. Bukod dito ay walang humpay ang aking paghikbi.
"B-bakit, bakit ako pa?" tanong ko sa aking sarili na kahit mag-isa lang ako sa kwarto habang sunod-sunod ang aking paghikbi at nalalasan ang sariling kong luha.
Hanggang sa tumunog ang aking cellphone pero wala sa sarili at bumangon upang tingnan iyon.Kinuha ko sa bag sa ibabaw ng lamesa ang aking cellphone ngunit pinunasan ko muna ang aking luha gamit ang tissue na nakita ko sa gilid ng lamesa.
Sino ba naman kasi ang magtetext bng ganitong oras.
Nang makita ko ang pangalan, nagkaroon ako ng kakaibang excitement. Binuksan at binasa ko iyon. Isang mensahe lang naman na mula sa kanya.
Brother Ben
Stop crying my sister, hindi bagay sa'yo. I'm sorry again. I hope we can see each other soon. Hindi na kita aasarin, promise. Anyway, sana i-allow mo pa rin akong bumili sa Ali's Pastry mo, grabe ang sarap!
Received 12:05 NN
Bahagya akong napangiti sa huling sinabi niya, ngayon niya lang kasi nasabi ito kahit dati na tinitimplahan ko siya ng kape ay wala.Pero sa totoo lang hindi ko po nabubura ang numero niya sa aking contacts. Napatigil ako at napaupo, hindi naman talaga ako galit sa kanya o masama ang loob sa kanya at kahit sa Mommy nito, sadyang ginusto niyang kumalas. Kumbaga putulin ang ugnayan na mayroon sa amin. Kahit na alam ko na ang katotohanan, mas gugustuhin ko na lamang tuldukan iyon.
Bumuga ako ng hangin sa kawalan. Ano ba ang dapat kong gawin?
Dalawang bagay lang ang nais kong gawin, replyan siya at burahin ang mensahe niya at isiping wala iyon, wrong send lang.
Subalit may sariling mundo ang aking mga kamay, taliwas sa iniisipn ko at piniling tumipa ito kaya't hinayaan ko na ang kamay ko ang kumilos.
Hi Ben! Thank you, hindi naman ako galit sa'yo o kahit kay Tita Celine. Pasensiya ka na sa approach ko kanina. Masama lang talaga ang pakiramdam ko.Oo naman, huwag mong araw-araw dahil baka ikaw ang umubos. Anyway, ingat ka brother. See you soon!
Sent. 12: 20 NN
Para bang nabunutan ako ng tinik at nakahinga nang maayos. Tinabi ko na rin ang cellphone ko at bumalik sa paghiga. Tumingin sa kisame at Inisip ko na lang na sa masakit na sitwasyon man kami nagkakilala, mahalaga nagkaroon nang maayos na komunikasyon.
Naitama ang pagkakamali, at dapat harapin ang sakit para makausad.Huminga ako nang malalim, pinikit ang mga mata.
Nagsalita ako sa hangin. "Sa tamang pagkakataon, mahahanap din natin ang totoong tao na para sa atin Ben, at sana buong pamilya ang ibigay natin para sa susunod nating henerasyon."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro