Chapter 8: Comeback
Cinyla’s POV
MABILIS akong bumababa ng marinig ko ang matinding pagbagsak ng kung ano bagay sa ibaba, hanggang sa makita ko si Mommy na dumadampot ng pinggan na nahulog sa sahig.
"Naku, pasensiya na nahulog at nabasag ang mga ito."
"Ingat ka lang mare, mamaya uuwi na rin naman ako. Salamat sa inihanda mong pagkain. Ang laki na talaga ng anak ninyo ng kapatid ko noh? Nakakatuwa! " tugon nito. Narinig ko ang kanilang usapan at napahawak ako sa dibdib ko Plato lang pala akala ko naman kung ano.
At dahil naroon ako sa gilid ng hagdanan, nagulat ako sa katabi ko. "Ikaw pala!" gulat kong sabi sa katabi kong si BenChua.
Nahampas ko siya dahil sa ginawa niyang pagtabi na mistulang nagbigay kaba sa akin sa mga oras na iyon. "Bakit ka ba kasi nandito? Para kang multo!" Bulong ko habang tinitingnan siya nang masama.
"Sorry na, naalimpungatan ako sa nabasag. Nagmadali nga ako, dahil inisip ko baka napano na si tita at tito mo." Paliwanag nito na nagbigay kalma sa akin.
Aakyat na sana ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko. "Teka lang." Pakiusap niya.
"B-Bakit? Nalaman na natin ang nangyari sa baba magbibihis na ako," saad ko at inalis ang kamay niya sa kanang kamay ko.
"Nagtatampo ka ba?" tanong nito.
"H-Ha? Hindi," tipid kong sagot.
Magsasalita pa sana ito pero umatras na ako at pumasok sa kwarto ko. Ayoko ng sagutin pa ang tanong niya dahil sa totoo lang hindi ko alam ang tamang sagot sa simple niyang tanong. Bukod doon, naguguluhan din ang utak ko sa misteryosong nagparamdam sa akin sa text at tawag. Hindi ko talaga alam kung sino ito at paano niya nalaman ang numero ko.
Nakapasok na ako sa kwarto ko, nagtali muna ako ng mahaba kong buhok pagkatapos ay nagbihis na rin. Nakasarado ang bintana ko kapag dito ako nagbibihis sa loob dahil mahirap na baka may tao pala na nakatingin.
Mga ilang saglit ay natapos na rin ako sa pagbibihis, tinabi ko muna ang labahin ko para malabhan ko ito mamayang gabi. Hindi naman ako palagiang naglalaba, pero kapag sinuot ko galing sa trabaho nilalabhan ko na agad ang mga ito.
Sandali akong umupo sa aking kama at nakita ang selpon ko na naroon. Halos titigan ko iyon pero sa huli nagpasya rin ako na kuhain iyon, wala na akong natatanggap na mensahe at tawag. Sinubukan kong i-dial ang numero ngunit kamalas-malasan ay wala na pala akong load. Nalungkot ako ng mapagtantong kakaexpire lang ngayon nito.
Hindi ko lamang maunawaan kung bakit ngayon lamang siya nagparamdam. Palagi naman akong sumasakay sa sasakyan pero ngayon lang sa jeep dahil sa nakapants ako. Sa totoo lang hindi naman ako maarte, ayoko lang ulit mangyari pa ang mga nakaraan ko dahil kapag naalala ko ito natutulala ako at panay ang iyak.
Mga alaala na pilit kong binabaon sa limot... Mga alaala na sana pwedeng maibalik ko ang oras para hindi na nangyari. Bakit kasi ako pa?
Bumukas ang pintuan ko at nagulat ako sa iniluwa 'non.
Nakita ko si Ina na tila nag aalala. "Anak okay ka lang ba?" takang tanong at napataas ang kilay ko sa pagtataka.
"Mom, ano pong mayroon? Okay lang naman po ako," turan ko rito at lumapit sa kaniya. Wala na ang tampong mayroon ako sa kaniya. Kahit medyo malabo pa sa akin ang mga nangyari kahapon, pinilit ko na lamang isantabi iyon at isipin na may dahilan ang aking Ina.
Tiningnan ni Mommy ang kabuuan ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang mga kilos niya kaya nagsalita ako muli. "M-Mom? Bakit nga po?" Huminga ito nang malalim at napahawak sa kaniyang dibdib. "Mabuti naman nak okay ka lang, huwag mo na lang pansinin ang nag-te-text sayo ha o kahit mga tawag pa. Pakiusap lang. Kakausapin ko na rin si BenChua para ihatid at sunod ka." Mahabang paliwanag nito na para bang kilala ni mama ang gumugulo ngayon sa isipan ko.
"M-Ma, kilala mo ba siya?"
Pinaupo muna ako ni Mama at sinarado niya ang pintuan. "Hindi ko alam anak kung sino siya, kung alam ko bakit ko pa isisikreto sayo diba? Ang alam ko lang ngayon, nagbabantay siya at ayokong malagay ka sa peligro dahil nitong nagdaang araw may tumatawa at text din sa akin. Sinubukan kong magmensahe rin sa kaniya at tawagan siya pero hindi naman siya sumasagot." Dagdag nito.
Halo-halo na naman ang mga impormasyon na mayroon ngayon, pakiramdam ko may taong nais pagtakaan ang buhay namin. Pero sino? At bakit ngayon pa?
"Nakaalis na ang tito mo, napadalaw lang siya para mangamusta. Pero iba ang pakiramdam ko, alam kong may iba pa siyang rason sa pagpunta niya rito anak. Kaya Cinyla makinig ka, mag iingat ka palagi okay? Sa ngayon magtiwala ka muna sa akin. Ayokong isipin mo masyado ito dahil malilito ka pa."
"M-Malilito?"
"Basta anak, kakausapin ko muna si BenChua. Tatawagin na lang kita ulit kapag kakain na tayo. Magpahinga ka muna. Huwag mo na pansinin pa iyon." Tinapik niya ang balikat ko at nagpaalam na, pagkatapos ay umalis na rin.
Habang ako iniwan niyang tulala at naguguluhan. Ano ba talagang nangyayari? May alam ba si mama?
Napapikit na lang ako dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin. Para bang may kapiraso sa katauhan ko ngayon ang may kulang higit sa lahat, ang masakit pa rito sa pagkawala pa ni papa tsaka ko malalaman ang mga ito.
Napatingin muli ako sa numerong nagparamdam sa akin mula sa pag uwi ko. Tiningnan ko ang bawat dulo ng numero pero kahit baliktarin ko man ang mga ito, walang sagot wala kung sino ang nasa likod nito. Wala man lang kasing clue kung sino siya. Tumayo ako at tiningnan ang kuwintas na kasama sa regalo ng aking ina na hindi pala galing sa kaniya. Binuksan ko ang kahon na maliit na kulay pula. Inalis ko ang kuwintas at chineck ngabuti kung mayroon bang something doon.
Ngunit... nanlumo lamang ako dahil isang kapiraso na papel lamang ang naroon at nakalagay ay mga katagang INGATAN MO ITO, CINYLA.
Sa palagay ko kilala niya ako, kami ni mama. Ang hindi ko maintindihan ay bakit nasa kaniya ito? Hindi ko malaman tuloy kung tama ba ang nasa isip ko. Pero... malabo talaga na siya iyon... Tsaka wala na si papa, patay na siya.
Halos baliwin ako ng mga tanong ko at mga sagot na pinupukol ko rito. Sa kalagitnaan ng aking mga katanungan ay may nahulog sa ilalim ng lamesa ko.
Bumababa ako para masilip iyon at malaman kung ano ba ang nahulog. At nang makita ko iyon, isang papel lamang iyon. Kaya binaliwala ko na lamang at biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Cinyla, si Ben ito. Kakain na raw tayo!" Sigaw nito mula sa labas ng pintuan ko.
"Oo ito na palabas na, pasabi susunod na lang ako. Salamat!" Sigaw ko rin at tinabi na ang kahon at ang kuwintas sa loob ng aparador na katabi ng mga libro ko.
Tinabi ko na rin ang selpon ko sa loob ng bag dahil hindi ko naman ito gagamitin. Tinabi ko na rin muna sa isip ko ang mga iyon dahil biglang kumulo ang tiyan ko, tila nakaramdam na rin ako ng gutom. Bumaba na rin ako para sumabay sa kanila maghapunan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro