Chapter 7: Shadow
Cinyla’s POV
WALANG kibuan ang naganap sa amin ni Mommy habang kumakain kami ng almusal. Kahit din si BenChua ay tahimik na lang din na kumakain, para bang walang may gustong magsalita. Panay na lang ang sulyapan ginagawa, kahit sa totoo lang nararamdaman ko na nais niya na rin basagin ang katahimikan sa aming tatlo.
"Tapos na po ako kumain, salamat! Papasok na po ako." seryosong saad ko, uminom muna ako ng tubig at tumayo na.
"Mag ingat ka anak, pasensiya na ulit kagabi." Malungkot nitong pangungusap, pilit na ngiti na lamang ang tinugon ko at tuluyan na rin umalis. Hindi na ako nagpahatid pa kay BenChua dahil nakakahiya naman, mag aabang na lang ako ng sasakyan dahil ang suot ko naman ay fitted pants na nakatuck in naman ang itim kong t-shirt. Random clothes kasi ngayon sa office kaya okay lang na kahit ano, basta huwag lang revealing.
Habang naghihintay ako napansin ko ang kotse ni BenChua na palabas.May lakad yata siya, saan ba talaga siya nagtatrabaho? Imbes na isipin ko ang mga iyon, nag-focus na lang ako sa kalsada para makapagpará at makasakay na rin.
Hanggang may pamilyar na kotse ang tumapat sa akin. "Sakay ka na, ako na maghahatid sayo," saad ni BenChua habang nakadungaw sa kaniyang salamin.
"Baka may lakad ka kaya mas mabuting umalis ka na, naghihintay pa ako ng sasakyan." Pagtanggi ko at pilit siyang tinataboy. Hindi naman sa ayoko sadyang ayoko lang isipin niya na sumusobra na ako sa pagsakay ng libre sa kotse niya.
"Look Cinyla, this is my offer at hindi ka abala. Sakay na." Binuksan niya ang pinto at pinilit akong pumasok sa loob sa pmamagitan ng pagmamakaawa niya.
Halos isang minuto akong naging ma-pride pero sa huli pumayag din ako dahil malalate na ako sa ginagawa niya.
"Sure kang wala kang lakad ha?" Pagsisigurado ko habang sinusuot ang seat belt dahil kasalukuyan na akong nasa kotse niya.
"Oo naman, tara na. Okay naman na diba?" takang tanong nito sabay tingin sa akin kung suot ko na ba nang maayos ang seat belt. Ngunit lumapit ito para ayusin ito, nakita ko ang malatsokolate niyang mata, ang amoy niyang higit pa sa sariwang bulaklak ang halimuyak at ang kilay niyang makapal na talagang nakakaakit.
"I know I am handsome, pero kalmahan mo ang pagtitig baka matunaw ako." mayabang nitong sabi sabay ngiti ng nakakaloko. Tinulak ko nga dahil ang dami pang sinasabi.
"A-Aray!"
"Masakit ba? Sorry... Kasi naman ikaw ang dami mong sinasabi nagulat lang ako." pag iiba ko sa usapan at kunwaring nagpakita ng pag alala sa kaniya.
"Ang sakit ng labi ko parang kailangan ng halik." At hinampas ko ang braso niya. "Mag-iinarte ka ba o aandar ka na kasi kung wala sa nabanggit bababa ako ng kotse mo!" inis kong tugon at tinitigan siya ng masama.
"Ito na, binibiro ka lang eh. Sige na magmamaneho na ako baka mahuli ka pa." Pinaandar niya na nga ang kotse at umayos na rin ako ng upo. Mabuti naman din umayos na siya dahil baka mahuli pa ako sa trabaho. At sa mga oras na iyon para bang may dumaan na anghel dahil sa katahimikan.
Hindi ako sanay sa katahimikan kaya nagsalita na ako, "Bakit pala ihahatid mo pa ako, I mean wala kang trabaho ngayon?"
"Wala pa, next week pa tsaka may inaasikaso pa ako. Huwag mo na isipin na abala ka, iniingatan lang kita."
Halos mabingi ako sa huling sinabi niya, tama nga ba ang narinig ko? At para maliwanagan inulit ko pa. "I-Iingatan mo ako?"
"Ibig kong sabihin malapit kasi sa lugar ng trabaho mo ang pupunatahan ko kaya eto sinasabay na kita. Ayaw mo ba?" pag-iiba nito sa usapan.
"Hindi naman, pabor naman ito sa akin kasi atleast nakakasave ako sa pamasahe. Hindi ka naman iba sa akin kaya may tiwala ako na dadalhin mo ako sa mismong trabaho ko."
"Oo naman, saan pa ba kita dadalhin? matawa-tawa nitong pagtatanong.
Napalunok ako sa sinabi niya. "Alam mo ikaw sana okay ka pa, magmaneho ka na nga lang!" inis kong sabi.
Tumawa lang ito at hindi na nagsalita pa. Hindi ko na rin pinili na magsalita pa dahil baka ano pang sabihin niya. Ang dami niya kasing alam na kalokohan.
"Nandito na po tayo, Madam." Magalang niyang sabi sabay tinigil na ang kotse.
"Salamat!" Tipid kong sabi at inaalis na ang seatbelt na nakasuot sa akin at bumaba.
"Ingat ka sa pagpasok ha, hindi pala kita masusundo dahil late na ako makakauwi, Cinyla. " Paalala nito na siyang ikinalungkot ko. Tuluyan na rin itong nagpaalam at umandar.
Hanggang sa tuluyan na nga itong nawala sa paningin pero ang pakiramdam ko hindi ko maintindihan. Ito na ba ang sinasabi nila, The more you hate, the more you love este kapag wala na hahanapin mo. Inalis ko na lamang iyon sa isipan ko at pumasok na sa loob.
Maraming trabaho ulit ang tinapos ko ngayong araw, nag unat-unat muna ako bago tuluyan iligpit ang gamit ko. Simple lang pala ang laman ng opisina ko at dinisenyohan ko ito ng mala-asthetic para hindi naman boring sa loob.
Napahikab pa ako dahil sa sobrang pagod kaya tiningnan ko ang orasan ko at napansin kong mag ala sais na rin pala.
Tumayo na ako at pinatay ang kompyuter ko, dinouble check ko na rin ang paligid ko para siguradong wala akong nakalimutan o ano.
At habang nag aasikaso ako ay nakatanggap ako ng simpleng mensahe mula sa selpon ko.
Hi! Always take care of yourself ha? Miss na kita, Cinyla ko. Sana mapatawad mo ako.
Received. 6:01 P.M. Tuesday
Muntik kong mabitawan ang selpon ko sa sobrang pagtataka at takot. Hindi ko alam kung sino ang nag iwan ng mensahe dahil nakalagay lamang ay UNKNOWN NUMBER.
Sino naman ito?
Pinagmasdan ko ang numero pero wala talaga akong kilala kung sino ang may ari nito. Tiningna ko na rin sa calls ito pero wala dahil ngayon ko lang talaga natanggap ang ganitong klaseng numero.
Inayos ko na lamang ang sarili ko at tinago agad ang selpon ko sa bag. Halo-halo ang pakiramdam ko ngayon pero mas gusto ko na lamang umuwi na.
Nag-log out na ako at nagmadali sa paglabas. Nilakasan ko ang loob ko at binaliwala ang mensahe na iyon baka kasi wrong send lang naman iyon. Nagmasid din ako sa paligid at sinigurado ko rin na walang sumusunod sa akin.
"Uy sis, anyare sayo? Uuwi ka na ba?" takang tanong ni Karla na nakita ko sa labasan na may dalang kape.
"O-Okay lang ako sis! Oo sis, uuwi na ako. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko upang hindi na siya mag isip ng kung ano-ano.
"Maya-maya sis, susunduin ako mamaya ni boyfie eh. Oh siya, ingat ka. Babush!" Paalam nito at pumasok na ulit sa loob. Nakahinga ako nang maluwag ng makaalis ito, naglakad na ako kung saan maraming daanan ng mga sasakyan para makauwi na rin ako.
Tumunog muli ang selpon ko pero binaliwala ko lamang iyon, sunod-sunod na tunog ang nangyari na tila nagbigay sa akin ng kaba.
At dahil sa kuryosidad ko kinuha ko muna ito sa loob ng bag ko at binasa ko habang wala pa akong nasasakyan.
Nakatanggap ako ng limang mensahe mula sa taong tumawag sa akin kanina lang dahil sa dulo ng numero niya na 56 na natandaan ko.
Binuksan ko ang bawat mensahe niya.
Received. 6:05 P.M. Tuesday
Mag iingat ka.
Received. 6:06 P.M. Tuesday
Wala ba siya? Hayaan mo next time kampante na ako na safe ka.
Received. 6:08 P.M. Tuesday
Kumusta ka na ba?
Received. 6:09 P.M. Tuesday
Nagustuhan mo ba ang regalo ko?
Received. 6:11 P.M. Tuesday
Halos mapatakip ako sa bibig ko dahil sa huling nabasa ko. Napahigpit ang hawak ko sa selpon ko hanggang sa may dumaan na sasakyan. Pinara ko na iyon at sumakay.
Kahit ramdam ko ang kaba at takot ngayon, kailangan kong maging maingat at huwag masyadong mag isip dahil nasa kalsada ako ngayon. Sinabi ko na lamang sa driver na ibaba ako sa Banukan kung saan doon ang Street namin.
Hindi ko na muna pinansin ang mensahe na iyon pero sa totoo lang habang umaandar ang sasakyan ni Manong hindi ako mapakali, pakiramdam ko may taong nagmamasid sa akin. Kaya aligaga rin ang mga mata ko dahil mamaya may humila na lang sa akin ng kung sino.
Inabot ko na rin ang bayad ko bago ko makaligtaan dahil sa mga naiisip ko.
Nag-vibrate muli ang selpon ko na senyales na may nag mensahe muli. Ayoko sanang pansinin ito pero para bang umaayon ang mga kamay ko na kunin ito mula sa loob ng bag ko.
Todo ang pagpipigil ko dahil sa totoo lang malayo pa ng kaunti ang bahay namin at baka anong mangyari sa akin kapag nabasa ko ito. Kaya binaliwala ko ito pero kinuha ko ang selpon ko sa loob at sinet sa off para wala na akong matanggap na mensahe pa.
"Sinong baba sa banukan?" Sigaw ng driver.
"Sa tabi lang po manong, salamat!" Tinabi niya na nga at dahan-dahan na akong bumababa.
At sa tuluyang pagbaba ko pinili ko munang alisin ang mga bumabagabag sa akin mula kanina pa mula sa opisina. Diretso ang lakad at walang iniisip at nang marating ko ang gate namin, may napansin akong kakaiba na parang nagbigay lalo na kaba sa akin. Nagmadali ako at pumasok ako sa looban.
"Anak, nandito ka na pala. Anong nangyari sayo?" takang sabi ni mama ng makita niyang kakaiba ang itsura ko may bahid ng takot at pag aalala.
Nandito lang pala si tito ang kapatid ni papa, kaya pala may sasakyan akong nakita sa labas na hindi pamilyar sa akin.
"W-Wala po ma, magandang gabi po." Nagmano ako sa kanilang dalawa at nagpaalam na para umakyat at magpahinga sa kwarto.
Narinig ko na rin ang busina ni BenChua, at mukhang kakauwi niya lang at nauna lang ako ng kaunti.
"Sige po akyat na po ako." Paalam ko sa kanila at dumating naman si BenChua. Hindi ko na hinintay pa ang mga mangyayari at dumiretso na ako sa itaas.
At sa pagpasok ko sa kwarto ko, umupo muna ako sa aking study table roon at binuksan ang selpon ko.
Maraming tawag naman ang natanggap ko mula sa taong nagbigay ng mensahe sa akin kanina lang.
Teka, sino ba 'to bakit ba nagpaparamdam siya?
Napatayo ako ng may marinig akong nabasag mula sa ibaba.
Ano 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro