Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Mystery Box

Cinyla’s POV

NAGLAKAD-LAKAD ako hanggang sa makita ko ang isang malaking bulaklak na nasa ibabaw ng lamesa ko. Halos magtaasan ang balahibo ko dahil hindi ko maintindihan ito at hindi mahanap ng mga mata ko si Mommy.

"Mom!" Sigaw ko at hinanap ko sa kabilang kwarto. Ngunit nakita ko siya roon na mahimbing ang pagkakatulog, bigla itong napabangon at niyakap ako. "Andiyan ka na pala anak! Nagustuhan mo ba yung nakita mo sa kwarto mo?"

"P-Po? Ikaw pala ma ang may gawa 'non?"

"Oo anak! Pasensiya na nakatulog ako. Advance gift ko iyan sayo, happy birthday anak!" Bati nito at niyakap ako. Halos maiyak naman ako sa ginawa ng aking Ina. Nakakabigla ang surpresa na inihanda niya. Tumugon ako sa yakap niya at nagpasalamat.

"Ikaw po talaga ma, pinapakaba mo naman po ako! Opo salamat po roon may nga nahulog na petals po kaya kinabahan ako kung ano iyon. Sa susunod na Linggo pa naman ang kaarawan ko at masyadong maaga ang paghahanda mo, Mommy."

Hinawakan ng akin Ina ang kamay ko at sinabing "Inagahan ko talaga kasi may lakad ako sa mismong kaarawan mo. May kailangan akong asikasuhin anak. Magbihis ka muna okay?" Hinalikan niya ang noo ko at pilit na ngiti na lamang ang tinugon ko.

Sa totoo lang nabawi lahat ng saya na naramdaman ko mula kanina, ang bilis mawala para bang si Itay sandali lang ang pamamalagi niya rito sa lupa.

Nagpaalam na ako na magpapalit ng damit at magpapahinga na muna. Matamlay akong umalis sa kwarto ni Inay. At bigla kong nakita si Ben na wagas ang ngiti.

"Pasok muna ako sa loob, kunin mo na lang yung pagkain sa akin pero kumatok ka." Walang gana kong winika at umalis na rin. Nakita ko ang pagbabago ng awra niya dahil sa pinakita ko pero pinili ko na lamang ang umalis at pumasok sa kwarto ko.

Alam kong ang bilis magbago ng mood ko, sino ba naman kasi ang mag iiba ng timpla? Pagkatapos kang batiin biglang may rason pala ang lahat ng mga iyon. Pagkapasok ko agad sa kwarto ko ay ni-lock ko iyon, bumungad agad sa akin ang isang dosenang bulaklak at ang isang maliit na kahon na kulay pula. Nais kong lapitan iyon pero binaliwala ko na lamang at naghubad.

Pinili ko na lamang ang magbihis at mahiga sa kama ko tila nawalan na rin ako ng gana para kumain mamayang hapunan. Ano na naman ba ang aasikasuhin niya? Bakit isasakto niya pa sa kaarawan ko? Balak ko pa naman sana na gawing day off iyon pero mas mabuting pumasok na lang ako sa trabaho tutal sayang din ang pera na sasahurin ko sa araw na iyon.

Napatingala ako sa aking kisame  at sa totoo lang sa pagkakataong ito, ang daming tanong na naman sa isipan ko. Hindi ko maintindihan, dumagdag na nga itong biglaang pagdating ni Ben sa buhay namin pati ba naman si Inay.

Umupo ako hanggang sa unti-unting lumalabo ang mga mata ko dahil sa basang likido na kumakawala sa mga mata ko. Ano ba talagang nangyayari?

Sa kalagitnaan ng pag aalala ko sa mga bagay-bagay may kumatok sa pintuan ko. "Cinyla?" tawag nito mula sa labas Buo ang boses niya kaya batid kong si Ben iyon.

Tumayo ako upang pagbuksan ang pintuan. Bigla niyang tinakpan ang mga mata niya gamit ang kanang palad ng kamay niya.

"Bakit ka walang damit? You forgot to wear your clothes?" Napatingin ako sa pang itaas ko at wala nga tanging ang bra lang. Oh my!

Sinarado ko bigla ang pinto at kinuha sa kama ang damit ko. Napapikit ako sa inis dahil sa eksenang iyon, nakita niya ang bulubundukin ko.

"N-Nandiyan ka pa ba?" Sigaw ko habang inaayos ang sarili. Sa totoo lang hiyang-hiya ako sa kalutangan ko pero pilit ko na lamang nilakasan ang loob ko dahil kasalanan ko naman.

"Oo naman, ayos ka lang ba?" tugon nito.

Lumapit na ako dala ang alam kong kailangan niya. Kinuha ko ang choco drink at isang ensaymada na binili ko sa S & J
Kape Shop sa ibabaw ng lamesa ko kung saan naroon ang regalo ng aking Inay, pero pinili kong baliwalain iyon.

Nakita ko siyang naghihintay roon na para bang nag aalala. "Ito na oh." Inabot ko sa kaniya ang choco drink at ensaymada.

Isasara ko na sana ang pinto pero humarang ito. "Ano pa bang kailangan mo? Magpapahinga na kasi ako." Masungit kong sagot.

"Wala naman, salamat dito. Okay ka lang ba? Umiyak ka noh?" tanong nito dahilan para sa iba ako tumingin para hindi niya pa pansinin.

"Ito ba? Wala ito... Sige na walang anuman. Kainin mo na iyan kasi malamig na, magpapahinga na ako. Pasabi kay Inay bukas na ako ng umaga kakain bago pumasok sa trabaho. Salamat sa paghatid at sundo." Paliwanag ko sabay sarado ng pintuan. Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin pa. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, nawala talaga ako sa wisyo kaya pinili ko na lamang ang magpahinga.

Humiga na lamang ako ulit sa kama pero bukod sa alahanin ko sa sasabihin ni Inay, nahihiya ako kay Ben dahil sa nakita niya. Kahit na maganda ang hubog ng katawan ko hindi niya dapat iyon nakita. Nakakainis lang talaga!

Nagmuni-muni ako sa loob ng kwarto ko, nahagip ng mga mata ko ang regalo ni Inay.Gustong-gusto ko ng buksan pero pinapangunahan ng pride ko. Nagtatampo talaga ako sa kaniya, ano ba naman kasi ang lakad niya at parang mas mahalaga pa iyon kaysa sa kaarawan ko.

At kahit anong iwas ko, may parte sa akin ang nais talagang lapitan iyon at buksan. Ilang sandali pang pagpipigil ang ginawa ko pero sa huli wala akong nagawa dahil lahat ng iyon ay nabaliwala ng magpasya ako na lapitan iyon. Talo ako!

Ano ba kasi ito? Ang bango ng bulaklak ah, ohh rosas pala!

Pagkatapos kong amuyin ang mga bulaklak ay kinuha ko ang isang maliit na kahon na kulay pula. Ano kayang laman nito?

Binuksan ko na nga iyon at nakita ang isang makinang na kuwintas. Halos tumigil ang mundo ko ng makita iyon, kinuha ko ito sa lagayan at naalala ko ang lahat.

FLASHBACK

"Alam mo anak, ito yung iniingatan kong kwintas at kapag patak ng ika-20 taong gulang mo at sa mismong kaarawan mo, ibibigay ko ito sayo."

"Talaga po? Pero 'diba pamana po iyan sayo ni Lola?"

"Oo nga anak, ibigay ko raw ito sa nag iisang prinsesa sa pamilya namin—ikaw' yon, ikaw ang prinsesa namin, Cinyla."

END OF FLASHBACK

Sunod-sunod na pagluha na ang nangyari sa akin ngayon, nag uumapaw ito na tila na basang-basa na ang pisngi ko.
At niyakap ko ang kuwintas. Itay, miss na po kita.

Hindi ko na mapatahan ang sarili ko kaya hinayaan kong lamunin ako ng pagdaramdam dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na mawawala siya sa ami ni Inay. Napakasakit pala na mawalan ng mahal sa buhay na tipong minsan nais mo na rin sumama pero kailangan mong maiwan para magpatuloy pa sa buhay.

At may kumatok muli sa pintuan ko, "Pakiusap Ben, bukas na ako kakain!" Sigaw ko.

"Nak, si Mama ito. Alam kong hindi mo ako matitiis, mag usap naman tayo. Kumain ka na, kung anuman ang nasabi ko kanina patawarin mo na ako. Buksan mo na ang pinto."

Nagbingi-bingian ako sa sinasabi niya, sobra talaga ang pagtatampo ko kahit na binigay niya sa akin ang kuwintas na galing kay papa ayoko pa rin siyang kausapin at pagbuksan ng pintuan.

Sandaling natahimik, kaya sa tingin ko umalis na ito. Nilagay ko na sa loob ng kahon ang kuwintas. Mas mabuti ng ilagay ito rito baka mawala pa. Inayos ko ang sarili ko, ayokong makita at malaman ni Inay na umiyak ako.

Hindi dahil ayoko siyang mag aalala, baka isipin niya pa may nag paiyak sa akin o ano, pero ang totoo masama lang talaga ang kalooban ko ngayon. Saktong pagtayo ko ay bumukas ang pintuan. May susi nga pala si Inay bukod sa akin. Wala akong nagawa kundi salubungin ang yakap niya.

"Anak... patawad kung ganoon ang nasabi ko kanina. Sobrang importante lamang iyon kaya sana huwag ng sumama pa ang loob mo." Pakiusap nito habang yakap- yakap ako.

Ngunit masakit sa akin iyon kaya pinili ko na lamang ang manahimik dahil kapag ganitong emosyon ang nangibabaw sa akin, baka makasabi ako ng mga bagay na hindi dapat.

Ngunit sa hindi ko inaasahan, kumawala si Inay ng yakap sa akin. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Lumapit ito sa lamesa at nakita ang pulang kahon.

"Anak? Kanino iyang kahon na maliit na kulay pula sa katabi ng mga bulaklak na binigay ko? takang tanong nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

"A-Ano po?"

Tinuro niya iyon at kinuha para mas maunawaan ko ang punto niya. "Ma, sayo po iyan galing. Salamat po rito!" Kinuha ko iyon sa kanya at niyakap tila nawala na rin ang sama ng loob ko dahil sa naalalala ko.

"Pero... bulaklak lamang ang nilagay ko rito sa kwarto mo? At pagkakatanda ko sa susunod na linggo pa ang ibang regalo ko para sayo." Paliwanag nito na tila mas nagpagulo sa akin.

"H-Ha? Pero ma, magkasama sila rito kanina, nagkalat pa nga ang petals mo kanina tapos may kakaibang pabango pa akong naamoy." Dagdag kong detalye dahil iyon talaga ang naabutan ko pagkauwi.

Nagmadali si Inay sa pagsilip sa bintana ko. May bintana kasi ako sa kwarto para siyang de slide na babasagin. Sarado naman iyon peromay posibilidad na mapasukan ako kapag nakabukas.

"Nak, wala akong binigay na ganiyan kanina. Kung kanino man iyan, hindi ko alam kung kanino. Alam kong sa papa mo iyan pero ng ipaalam sa akin ng mga kapatid at Ina niya na wala na siya, kailanman hindi niya binigay sa akin iyan." Paliwanag ng aking Ina na siyang nagbigay kaba sa akin. Malakas ang pagtibok ng puso ko ngayon na para bang hindi ko alam kung sino, saan, paano at bakit.

"Nak, may sasabihin ako sayo. Pero pakiusap, atin lang muna sana ito." Paalala niya na mas nagbigay lalo ng kabog sa dibdib ko.

Napalunok ako at napatango na lamang. Sinarado muna ni Inay ang pinto ko, sinarado ng mabuti ang bintana ko at hinarang ang makapal kong kurtina.

Umupo muna kami sa kama ko at mahigpit na paghawak sa kamay ko ang ginawa niya. Sa oras na iyon, halo-halong emosyon na ang nanalantay sa akin na para bang kanina na sama ng loob ay tila nabura na lang bigla.

"A-Anak..."

Tumingin ako ng diretso kay Inay ng tawagin niya ako, tila buo ang atensyon ko dahil ayokong may makaligtaan ako sa mga sasabihin niya. Ngunit wala pa man siyang sinasabi halos hindi na ako mapakali at pakiramdam ko rin, pinagpapawisan na ako ng malamig.

"Ma, ano po bang nangyayari?" buong lakas kong pagtatanong.

"Anak alam kong dalawang taon ng wala si papa mo sa atin, at hindi biro ang mga nangyari sa ating dalawa. Hindi rin naman ako naka-recover ng malaman ko ito mula sa pamilya niya. Hindi ko alam paani nakarating iyang kuwintas dito sa bahay. At yung pag alis ko sa mismong kaarawan mo ay konektado sa pag alam ko ng totoo."

Hindi agad mag-function sa akin lahat ng sinabi ni Mama, para akong nabingi at napipi sa mga oras na iyon pero umusbong ang iba't ibang klase na mga tanong tungkol sa pinupunto niya.

"Nak, pakiramdam ko buhay siya. Buhay ang papa mo..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng pakawalan ni Inay ang katagang iyon, paulit-ulit din ang mga salita sa utak ko.

"Alam kong nakakabigla ito anak, pero hayaan mo muna sana akong alamin muna. At sana rin mag ingat ka palagi, hindi ko alam ang mangyayari. Pero anak, patawad..." Dagdag nito na nagbigay bigat ngayon sa paliramdam ko.

Inalis ko ang kamay ni Mama sa akin, dahil para akong naiipit sa sitwasyon na wala akong kaalam-alam. Para bang pinaglalaruan ako ng mundo ngayon.

"Anak, pakiusap makinig ka muna sa akin. An—" Hindi ko na siya pinagsalita pa. Sa halip kahit wala akong maintindihan pinili ko ang isang sagot na alam kong kailangan ko ngayon. "Ma, buka na po tayo mag usap. Bigyan ninyo po muna ako ng panahon para makapag isip nang maayos. Pakiusap po," Buong tapang kong sagot dito. Tumingin muna ito at sinabing, "Sige anak, magpahinga ka muna. Kapag nagutom ka, magluto ka na lang mamaya. O kaya sabihan mo na lang ako."

"Salamat ma, pero sa ngayon makakaalis na po kayo sa kwarto ko. Magpapahinga na po ako."

Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Mama ng sabihin ko iyon, wala naman na akong narinig pa. Lumabas na siya sa kwarto ko habang ako naman naiwan na tulala at dumami pa lalo ang mga iniisip.

Huminga ako nang malalim at sinubukan na kumalma. Ngunit tila kada araw may misteryong nagtatago sa pamamahay na ito, sa pamilya namin.

Kung anuman iyon, maghahanda ako. Maghahanda akong alamin iyon. Tiningnan ko muli ang kahon na iyon, inalis ko ang kuwintas at yung unan na maliit na naroon. At sa loob 'non, may maliit na papel.

Binasa ko roon ang nakasulat. "Patawad, anak."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro