Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59: Unpredicted Scenario

Cinyla's POV

HALOS dalawang araw akong nagpahinga sa bahay, si Mommy ang laging naghahada ng pagkain sa akin at kahit ang pag-aasikaso.Napatingin ako sa malaking orasan na nasa gilid ng aking lamesa, malapit na pala mag-lunch.

Habang nakatingin ako sa paligid, nakikiramdam sa katahimikan ay may biglang kumatok sa aking pintuan. Tatlong katok ito bago ako nagsalita.

"Pasok," tipid kong sabi.

Bumukas ang aking pintuan, at hindi si Mommy ang kumatok kundi siya, ang aking Ama. Sa pagkakataon ito, humarap siya na walang maskara. Dala-dala ang tray ng aking pagkain at tubig inumin.

"Good afternoon, Cinyla. Kumain ka na, sana magaling ka na. Umalis ang Mommy mo, kaya ako na lang ang nagdala nito."Hindi ko man tinatanong pero sinabi niya na kung bakit siya ang nagdala, saan naman kaya pupunta si Mommy ng ganitong oras, mainit sa labas.

"Salamat po, saan daw siya pupunta?" malamig kong pagtatanong.

"Bibili lang ng uulamin natin mamaya, sabi ko nga ako na lamang ang lalabas pero pinilit niyang siya na lang. Sige na anak, kumain ka na. Baba na muna ako."

Nilagay niya na sa lamesa ang pagkain ko, hindi na rin ako nagsalita pa dahil mukhang naramdaman niya ang malamig kong pakikitungo sa kanya. Kahit na gusto kong maupo at kausapin siya, hindi ko kaya. Hindi pa sapat ang lakas ko para harapin siya. Tumalikod na nga ito at isinara nang mabuti ang pintuan.

Dahan-dahan akong umupo at nakahinga nang maayos.

Napahawak ako sa aking tiyan at napatingin sa tray na dala niya kanina lang. Kinuha ko iyon at hinarap sa akin at bumungad sa ang adobo baboy at kanin nakalagay sa itim na Plato, isang maliit ng mangkok na ang laman ay mainit na sabaw, isang pilas ng saging na nakalagay sa maliit na platito na may kasamang dalawang hiwa ng mansanas. At isang malamig na tubig.

Napangiti ako at dahan-dahan humigop ng sabaw. Habang humihigop ako, napapapikit ako sa kakaibang lasa nito kahit na sabaw lang naman.

"He still know what I want every time our meal is adobong manok."Sumubo na rin ako ng kanin at ng ulam. Sunod-sunod ito na para bang hindi ako nakakain kahapon. The taste is unusual. Hindi ganito ang luto ni Mommy, matamis at maanghang ang pagkakaluto ngayon at sobrang lambot ng baboy. May kasamang patatas pa, kaya mas lalo akong ginanahan kumain.

Anim na minuto akong kumain at inuubos ko rin ang prutas na dala niya. At sa pagkakataon ito, mas magaan ang pakiramdam ko. Kaya tinabi ko muna ang tray kasama ang Plato, mangkok, platito at isang baso na wala ng mga laman.

"Thanks, God. I'm full and fine now!" Masiglang sabi ko.

"You still liked it? I'm glad to know na naubos mo ang inihanda at niluto ko sa'yo . You're mom told me to do that, isa rin 'yang way ko para maalagaan ka dahil nandito na ako, Cinyla." Napatayo ako at nakita ko si Daddy na nakaupo na pala sa kama. He is there? Kailan pa? Saka, pinanood niya akong kumain?

"Nandiyan ka po pala, sorry hindi kita napansin. Salamat po sa pagkain."

"Cinyla, prinsesa ko, sana hayaan mo akong bumawi. Next Monday na ang surgery ko, ipapaayos ko na rin itong peklat sa mukha ko." paliwanag nito ngunit garagal na ang boses niya.

Tumingin ako at nakita kong may basang likido na ang mga mata niya. Hindi na rin mapinta ang mukha nito at ngayon, mas kita ang sugat ng nakaraan niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Doon ko pinakawalan ang mga bisig ko at hinagkan si Daddy.

"D-daddy..."

"Shhh, I am here."Hinimas niya ang likuran ko at doon bumuhos ang kanina pang mga basang likido na pinipigilan ko.

"Patawarin mo ako sa lahat, sa pang-iiwan ko, pagsisinungaling ko at magkaroon ka ng kapatid sa labas."

Tila umabante ang mga luhang pinakawalan ko, bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mata ko gamit ang kamay ko. "A-ano p-po?"

"Long story anak, pero ang boss mo ang kapatid mo." Walang preno ang mga salita niya, bumagsak ang balikat ko sa narinig ko.

"Hindi ko gusto na maging kayo dahil magkadugo kayo, kaya ng malaman ko na nagtatrabahi ka sa kanya, I try to make a way. I make sure na hindi ka mahuhulog sa kanya, I know BenChua. He is loyal, he is kind and gentelman. But he is not for you, Cinyla."

Gusto ko man magsalita, pero para bang tinahi ang bibig ko at walang gustong kumawala na salita.

Tumayo ito at napatingin ako sa susunod niyang gagawin. "Ayokong may masaktan sa inyo, ayokong sirain ang ugnayan ninyo pero hindi kakayanin ng konsensiya ko na ang dalawang anak ko ay magkaisa habambuhay bilang mag-asawa, iba man ang ina ninyo. Ako naman ang ama ninyo.Ayoko ng kayo ang tumuloy ng pagkakamali ko."dagdag detalye nito.

"Pero bakit ngayon ka lang bumalik?" Sa wakas nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin. Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Cinyla, anak, nagpagaling ako dahil sa aksidenteng nangyari, halos hindi ako makalad at sobrang nasugatan ang mukha ko. Nagpagaling muna ako, at sa totoo lang nahihiya akong magpakita sa inyo."

Pinakinggan kong mabuti ang paliwanag niya, tiningnan ko siya sa mata at nakikita kong nagsasabi siya ng totoo.

"Cinyla, sana mapatawad mo ako." hiling nito.

"Dad, it takes time. Mahalaga nasabi mo na yung gusto kong malaman. Ayoko rin naman maging unfair ka, kaya sana bago dumating ang surgery mo, kausapin mo si Sir BenChua."

Tumango ito at ngumiti sa akin. "Oo naman anak, ayoko naman magtago sa kanya. I know naman din na may alam na siya."

"What do you mean, daddy?" I confusedly asked.

"He knows that you and him are siblings." Hindi ko alam paano niya nasabi ang mga ito, dahil kung alam talaga ni sir, lalayo na ito sa akin o baka nga kasuklaman niya pa ako dahil magkadugo pala kami.

"But his loved is true, Cinyla. Pero hindi ako papayag na maging kayo, maling-mali iyon. Ayoko ng dagdagan ang isang pagkakamali na sumira ng lahat. Kaya nga itong pangalawang buhay ko, aayusin ko na; itatama ko na." Ngumiti ito pagkatapos sabihin ang mga katagang sana magkatotoo. Wala namang perpekto, lahat naman dumadating sa worst ng buhay nila. Ang importante, natuto.

"Sige na Cinyla, magpahinga ka pa. Baka maya maya nasa baba na ang Mommy mo. Salamat sa pakikinig, hindi kita pipilitin na maniwala at patawarin ako agad. Hihintayin ko iyon," seryosong sabi nito.

Tumayo na siya at aalis na ngunit hinawakan ko ang kanang kamay niya.

"Salamat, daddy!" Ngumiti ito at hinalikan ang palad ko.

"Anything for you, my only princess." Bumitaw na siya at nagpaalam na. Bumuga ako ng hangin, at mas gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Pero hindi ko lubos na maisip na totoo talaga ang sinabi ng kabigan kong detective, kahit kailan magaling talaga siya.

Bumalik na ulit ako sa pagkakahiga, tumingin sa itaas at dahan-dahang pinikit ang mga mata hanggang sa naramdaman kong bumigat ang talukap ng mga mata ko.

****

NAGISING ako ng pasado alas otso ng gabi. Nakaramdam ako ng uhaw at pananakit ng tiyan. Ngunit, dumiretso banyo muna ako para sa sandaling orasyon— magtoothbrush at hilamos ng ilang minuto.

Matapos ang halos pitong minuto na ginugol ko sa banyo, naisipan ko ng bumababa para kumain. Siguro tapos na sila daddy at mommy.

Ngunit sa pagbaba ko saktong paakyat si mommy kaya't nagkasalubong lang kami. "Gising ka na pala, Cinyla. Sakto! Halika na at kumain na tayo, naghanda ang daddy mo ng menudo."

"Mukhang sakto ang gising ko. Talaga ma? Siya pa rin pala ang nagluto, sige po tara kain na tayo."Sabay kaming pumunta sa dining area. Umupo ako sa bandang kanan, habang si daddy ay nakasuot ng apron at kumuha ng ulam. Nakahain na sa lamesa ang plato, gagamitin naming utensils, ang kanin at malamig na tubig.

"Hi anak, kain na. Pinagluto ko kayo ng mommy mo!" masigla nitong sabi. Napangiti na lang ako dahil naramdaman ko na sincere at talagang bumabawi siya sa amin.

Flashback

"Love, Cinyla let's eat. Pinagluto ko kayo ng paborito ninyong menudo." masiglang tawag sa amin.

"Wow love, mukhang masarap ha?" malambing na sabi nito habang buhat-buhat ako ni Mommy.

"Sige na Cinyla, maupo ka na muna maghahain lang si Mommy. I will help your daddy."

"Go Mommy, I will wait here." I sweetly said.

"Love, maupo ka na. Ako ng bahala."

"Sige na nga, hihintayin ka na lang namin ng anak mo sa lamesa."

"Yes, my queen and my princess."

End of flashback

I was 8 years old that time, dad is a chef in our house. Masarap talaga siyang magluto ng mga ulam, dahil bukod sa responsable siyang ama, iyon ang special talent niya. This memoir is always on my heart, walang problema kundi saya at kami lang ang mahalaga.

Kinalabit ako ni mommy dahil siya ang nasa harapan ko. "Cinyla anak, okay ka lang ba? Kumain na." Utos nito at nagising ako sa reyalidad na nakahain na pala at nakaupo na si daddy sa gitna at may nakahain na rin sa mga plato namin.

"Yes mom, kain na tayo. Salamat daddy." I smiled. I looked to my parents, they are talking normal na para bang tulad ng dati. I see the two eyes of my mom, she looks happy. Para bang walang nangyari sa nakaraan, I know how much my mom love daddy. Sumubo ako kanin at ng menudo, the taste is delicious and definitely amazing.

"Masarap ba?" tanong ni daddy. Napansin niya yatang ang tahimik ko.

Inubos ko muna ang laman ng bibig ko. "Y-yes Daddy, this is the best." He smiled that made me feel better, our conversation right now is what I missed like before.

"Nauutal ka pa rin talaga kapag nagtatanong ako."Tumawa ito dahilan para sumabat si Mommy.

"Dad, she is still your princess na takot diyan sa boses mo!" Tumawa rin si mommy na para bang walang bukas. Tama naman siya, dad has a husky voice. Normal man o hindi ang usapan, walang nagbago sa tono niya. Nakakatakot pa rin kapag hindi ka sanay.

We ate happily and peacefully with random conversation about our life. Tila bumabalik ang dati, may kaayusan at bonding sa isa't isa kahit simpleng kumustahan lang.

Until someone clicks the bell outside.

"May darating ba kayong bisita?" My dad asked.

My face is totally confused, I try to think and I don't have any idea na may bisita ako ng ganitong oras.

"Wala naman po akong bisita daddy," sagot ko at uminom ng tubig. Tatayo na sana ako para ako na lang ang tumingin pero nagpresenta si daddy na siya na lang ang titingin kung sino iyon.

Lumabas na nga si daddy, until I realized something is wrong.

"Mom, Dad is not wearing his mask," I said shockingly to my mom.

Nagkatinginan kami at mabilis na tumayo para pigilan si daddy. But it's too late. I saw my dad and Sir Ben.

Dumiretsong pasok si sir, sinubukan ni daddy na pigilan ito ngunit pagkababa ng dala ni sir doon siya naglabas ng apoy niya.

"Wow. This is your happy family? Wait, Cinyla and I are siblings?! No way!" We are currently in living room. Nasa likod lang ang dining area kaya kapag nasa gitna ka, mapapansin mong may kumain sa lamesa o wala.

Wala gustong magsalita ngayon. Even my dad tried to be silent and calm down first.

"I can't believe you are alive, huh? After all that happened to us. Nakamove on na kami ni mommy but now, I am seeing alive ghost.

"Ben, mag-usap tayo. Hindi ganito, alam ko nawala ako ng halos tatlong taon. Hindi ko rin naman ginusto na mawala ng ganoong katagal at inisip ng mga mahal ko sa buhay na patay na talaga ako. Nagpagaling ako, itong mga sugat na ito this is the main cause of the car accident."

Para bang nasa pelikula ako at ang eksena ay ang mag amang nagkita ng matagal na panahon.

"No, dad! You're selfish, sarili mo lang 'yang iniisip mo. Sobrang tagal ng pagkawala mo, ang daming nag-alala sa'yo." maluhang daing ni sir. Looking at him right now, hindi ko akalain na ganito pala siya nangulila kay daddy.

"I'm really sorry Ben, alam ko. Maniwala ka man o hindi, kailangan kong magpahinga at magpagaling." Lumuhod na si daddy sa harapan ni sir, pero kita ko sa mga mata niya ang galit. While my mom is crying at the left side of the our sofa. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hinawakan ni daddy ang kamay ni sir sa akalang baka sakaling makaramdam ito ng kahit unting awa o maunawaan siya.

"Let me go.This is too much, I need to go." Aalis na sana siya. Ngunit nakita niya ako at tumigil siya sa harapan ko. Ngumisi ito na para bang may gagawin na masama.

"Wait, y-you.."

"Alam mo na pala Cinyla, kailan pa? All of the sudden that I court you, I gave my trust and love but ito pala ang rason. Kaya pala hindi mo ako kayang sagutin dahil alam mong magkapatid tayo? Finally, you give a hint. Now, I understand." his voiced almost cracked with his tear eyes.

Sinubukan kong lakasan ang loob ko. "S-sir Ben, let me explain..." Sa wakas nagkaroon din ako ng lakas na magsalita ngunit lumayo ito. Tumingin siya kay daddy at sa oras na ito, ramdam kong nanghihina siya dahil sa sunod-sunod niyang paghikbi at pagbuhos ng basang likido sa magkabilaan niyang mga mata.

Still, my mom is there for him. Sinusubukan siyang pakalmahin si daddy. I try to breath kahit ang bigat at gulo ng paligid ko ngayon.

"No need. And you, our beloved great father? Galing ng plano mo, halos mabaliw kami, lalo na si Mommy pero ito ang aabutan ko? Wow! Bakit kasi ikaw ang napili niya? Now I trully understand her mourns. Mom is true, you are gold digger!" Isang malutong na sampal ang dumampi sa makinis na mukha ni sir.

Inalalayan ko siya at pumalagitna na si Mommy para awatin ang dalawa. "Wala kang alam Ben, hindi mo alam kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Wala akong kinuhang pera sa Mommy mo. She planned everything that ruined my whole life." Maluha-luhang paliwanag ni daddy sa boss ko.

"Stop your drama! Sawa na ako! Kahit kailan hindi kami ang pinili mo."

"Stop man! Nagsisisi ako na nakilala ka ni mommy at naging ama kita!" dagdag nitong sabi.

"Tama na! Please, stop this!" awat ko sa kanila dahil alam kong walang katapusan ito at walang patutunguhan.

"Mag-uusap pa tayo bukas, Cinyla. I will text you later. Enjoy." Mabilis siyang lumabas na kahit hindi ko alam kung saan at ano'ng oras ang usapan na sinasabi niya. I just agreed without any second thoughts.

Pinaupo muna ni mommy si daddy sa sofa, pinapakalma niya ito habang ako nakahawak sa aking dibdib. Napatingin ako sa sahig, he brings bouquet of roses and tulips with basket of fruits.

Maayos pa kaya kami? Matatanggap ba namin na magkapatid kami? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro