Chapter 57: Hard Decisions
Cinyla's POV
PAHINGA ko ngayong araw at mas gugustuhin kong pumirmi sa bahay kaysa gumala. Wala rin si Mommy ngayon, ang aga niya umalis. Tumingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga. Tulala pa ako sa taas ng kisame at tinitigan ang ilaw na hindi ko pa napatay kagabi.
Bumangon na nga ako, pinatay iyon at pinagmasdan ko ang paligid ko. Ang kalat!
Sandali muna akong umupo at nag-unat-unat, hanggang sa maalala ko ang nangyari kahapon.
Can I come with you when you see your Dad?
His questions make me freeze in my place and make me think about a lot of things. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba. Sa totoo lang, wala naman masama kung sumama siya pero para bang wala na akong privacy 'non.
Huminga na lang ako nang malalim, pilit isinantabi ang mga bumabagabag sa isipan ko at nagsimula munang ayusin ang kama ko. Simpleng white and black plain ang mga kulay ng bedsheet at pillowcase ko. Mayroon akong tatlong unan, dalawa sa unahan at ang isa ay niyayakap ko, tila ba nasanay na ako na ganoon ang ayos. Dahil kung wala akong yakap na unan, ang hirap makatulog.
Nagwalis na rin ako ng sahig at nag-agiw ng alikabok sa bintana. Hindi naman malaki ang kwarto ko, sapat na at kayang-kaya ng isang tao linisin.
Matapos kung ayusin ang lahat, dumiretso baba na ako para makapagtimpla ng kape. Sa pagbaba ko ng hagdan, bigla akong napahawak sa aking dibdib.
"Ano'ng ibig sabihin ng kaba na 'to?" Habang naninikip ang dibdib ko, naglalakad pa rin ako papuntang kusina. Napansin kong may nakahain na sa lamesa at mayroon itong rose bouquet.
Lumapit ako sa hugis bilog naming lamesa at tiningnan ko ang bulaklak, naghanap rin ako ng letter baka kasi order ito ni Mommy.
Ngunit napaatras ako nang makita ko ang maliit na papel. May nakasulat doon, napakagat labi ako sa nabasa ko at napataas ng kilay.
"Hi Cinyla, this is for you. Soon, you will see me. By the way, idadate ko muna ang Mommy mo." Malakas kong binigkas sa hangin, hindi ko alam ang dapat maging rekasyon ko rito. Maiinis ba ako kasi hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niya, o matutuwa ako kasi buhay siya at makakasama na namin siya. Kinuha ko ang bulaklak, at dinala iyon sa basaurahan.
"If you really exist, then I need your explanation Dad. You're so selfish. Ginawa mo kaming tanga, after all what happened sa buhay namin, magpaparamdam ka at babalik?" Napasinghal ako pagkatapos kong sabihin iyon. Nawalan tuloy ako ng gana magkape at almusal.
Minabuti ko na lang tuloy ang maghilamos, dumiretso na ako sa lababo at doon ko pinaramdam ang lasap ng ginhawa at sa bawat buhos ng tubig sa aking mukha, hiling ko na sana ay malaman ko na ang totoong dahilan.
Dahilan na nagdala sa aking kalungkutan at pangungulila sa Ama.
Paano siya nawala?
Bakit at paano siya nabuhay?
Totoo ba talaga ang mga nangyayari?
Halos ilang minuto akong naghilamos, umaasang mababawasan ang gulo at magising ang isipan ko. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang basang mukha. Hiling ko sana matapos na at malaman na ang totoo.
Bumalik na lang ako sa aking kwarto dahil pinili ko na lang ang maligo kaysa naman tumunganga at mag-isip masyado sa ibaba. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari.
Pumasok na ako sa banyo, dahan-dahang hinubad ang suot kong pangtulog. Habang bumubuhos ang malamig na tubig mula sa shower napapapikit ako, kung ano-ano na rin ang bumabagabag sa isipan ko.
Hanggang sa...
"Sino 'yan?!" Sigaw ko dahil may bumagsak na kung ano sa kwarto ko.
Mabilis kong pinatay ang shower at kinuha ang puti kong bathrobe at sinuot iyon. Hindi pa nga ako nakakapag shampoo at sabon, alam ko rin naman na na-lock ko ang gate sa labas.
Lumabas na nga ako, at laking gulat ko kung may nabasag palang vase na nasa gilid ng pintuan ko. Mabuti na lang may suot akong tsinelas, nagdahan-dahan sa paglalakad at sumilip ako mula sa kanan at kaliwa kung dumating ba si Mommy.
"Mom, are you there?" Ngunit sa paghihintay ko ng ilang segundo, walang sagot akong narinig kundi katahimikan lamang.
Sino naman kaya ang makakabasag nito? Hanggang sa may umikot sa aking puting pusa, hindi ko ito alaga dahil matagal ng wala kaming pusa o aso sa bahay dahil madalas wala ako at si Mommy, madalas din po umaalis at pumupunta kanila lola.
Sandali akong umupo para hawakan siya. Nagmeow ito habang naglalambing sa akin, bahagya akong napangiti. Kahit na may nabasag sa kwarto ko, mahalaga hindi siya nasagutan. Binuhat ko ito at nagpaubaya naman.Kung titingnan, akala mo matagal niya na akong amo dahil hinahayaan niya akong himasin ang ulo niya, lumabas muna ako at bumababa. Hanggang sa nagulat ako sa nakita ko.
"Hi love, did you like it?" ang lalaking kinaiinisan ko, ang lalaking dumurog sa puso ko.
Ibinababa ko muna yung puting pusa. Akala ko naman naligaw lang ito, iyon pala sa kanya galing.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Saka teka nga, paano ka nakapasok sa bahay namin?" Lumapit ito dahilan para mapaatras ako.
"Mukhang hindi ka pa tapos maligo, gusto mo sabayan kita?" Mabilis kong inabot ang kanang kamay ko sa makinis niyang mukha.
Ngumisi lang ito at humawak sa pisngi niya. "Kulang pa 'yan sa panloloko mo, wala ka ring karapatan na sabayan ako. Umalis ka na, baka magdilim ang paningin ko sayo at ipakulong kita! Dalhin mo na 'yang pusa mo, hindi ko kailangan ng kahit ano'ng regalo mo."
"I understand, Cinyla. Pero sana mapatawad mo ako, sorry mali yata ang nasabi ko. Mag-ingat ka at magsara ka mabuti ng gate ninyo.Mabuti nga ako ang nakatyempo na bukas ang gate at hindi ibang tao."
"Salamat na lang kung ganoon, sige na umalis ka na."Kinuha ko na rin ang pusa na akala mo nakikinig sa amin dahil nakaupo lang siya sa tabi ko.
"Isama mo na 'to, nabasag niya pa ang vase ko." inis kong sabi at binigay ko sa kanya ang pusa.
"Sorry, tumakbo kasi siya sa itaas at ng hinahanap kita ko siya saktong bumababa ka na. Pasensiya na ulit, aalis na ako. Ingat ka."
Umalis na nga ito kasama ang pusa, sumunod na nga ako at kahit tanghaling tapat at nakasuot pa ako ng bathrobe, napalabas ako at nilock nang mabuti ang gate namin.
Matapos kung malock ang gate, nagpaalam pa ito at habang nakasakay sa itim niyang kotse. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pumasok na sa loob.
"Ang lakas niya pa talagang magpaalam ha, bakit kasi naiwan palang bukas 'tong gate?" Para akong sira na kinakausap ang sarili, umakyat na ako sa kwarto, nilinis muna ang basag na vase.
"Pupunta na lang kasi rito sa bahay maninira pa." napasinghal na lang ako at mabilis na tinapos ang pagwawalis. Matapos ng ginagawa ko, dumiretso banyo na ako at naligo.
***
HINDI na ako nagtagal sa banyo, ngunit maayos kong pinaliguan ang buhok ko dahil mahaba-haba na rin pala ang buhok ko. Napahawak ako sa tiyan ko, napatingin sa orasan na nasa harapan ng table desk ko. Ala una na rin ng hapon. Kaya't bumababa na ako para makapagluto at magbrunch.
Kasalukuyan na nga akong nasa kusina, naghahanap ng mailuluto, binuksan ko ang refrigerator, nagtingin-tingin at nakita ako ng frozen chicken. Kinuha ko iyon at magluluto ako ng adobo.
Habang inihahanda ko ang mga kailangan ko sa pagluluto, saktong may narinig akong tunog ng kotse sa labas. Naghugas muna ako ng kamay para tingnan iyon. Hanggang sa may nag doorbell.
Lumabas na nga ako at nakita ko si Mommy na kumakaway at nakangiti. May mga hawak silang plastic and paper bags, mukhang ang daming pasalubong.
"Kumain ka na ba Cinyla? If hindi pa sakto, marami kaming dala na pasalubong sayo."
"Hindi pa Mommy, sige po sabay na tayo." Lumapit ako at mabilis binuksan ang gate. Ngunit nagtataka ako, may kasama siyang gwapong lalaki na bago sa paningin ko.
Pagkabukas ng gate, nagmano muna ako kay Mommy at pinapasok sila.
"Pumasok ka na, Paolo sa loob."Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi ni Mommy, narinig ko mismo sa kanya na tinawag niya ang pangalan ni Daddy, pero ang layo naman ng itsura niya. Habang naglalakad na sila papasok, nagpahuli na lang ako at hinayaan silang makapasok sa looban. Pinagmamasdan ko ang buong katawan niya mula ulo hanggang paa, malayong si Daddy ang kasama niya, malabo.
Nakapasok na nga kami, dumiretso na sila sa sala at ng pupunta na sana ako sa kusina ay pinigilan ako ng lalaki.
"Bitawan mo ako!" Kumalas ako at lumapit agad si Mommy sa akin.
"Cinyla, respect him."
Napataas ako ng kilay. Huminga nang malalim bago nagsalita.
"I am so sorry, Mr. Unknown, but I don't who you are," sarkastikong kong sabi.
"Anak, this is me.Nandito na ako." Paliwanag nito.
"Mom, I don't get him. Sino po ba siya?"
Ngumiti lang sa akin si Mommy. Hanggang sa lumapit ang gwapong lalaki na mas matangkad sa akin, niyakap ako nang mahigpit.
"My big girl, I miss you," he said sweetly. Tumaas ang balahibo ko sa pamilyar niyang boses. Ngayon ko lang ulit narinig ito pero alam kong isa lang ang may-ari nito. Ngunit para akong estatwa, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Sorry to scare you." He smiled and removed the mask on his face.
"D-daddy..."
Ngunit bago ko sabihin iyon, napansin ko na may peklat siya sa mukha iyon yata ang dahilan kaya nakamask siya.
"Maupo muna kayo rito, maghahanda lang ako ng pagkain at inumin natin."Alok ni Mommy, umupo naman kami sa malaking sofa ni Daddy at naiwan kami sa sala.
"Ang laki mo na anak, mahigit 3 taon na rin ng nawala ako at mas lalo kang gumanda." Ngunit tahimik lang ako, napangiti nang bahagya ngunit pilit pero hindi ko na alam ang dapat sabihin at maramdaman ngayon.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Cinyla, sana mapatawad mo ako kung ngayon lang ako nagpakita, hindi pa kasi ako handa humarap sa inyo. Itong peklat na 'to, nakuha ko ito sa aksidente kaya kailangan ko pa magsuot ng mask. Hindi ko gusto na mawalay sa inyo ng Mommy mo."
Humugot muna ako ng lakas bago nagsalita. "Pero dad, it's more than 3 years, matatanggap naman namin ang kalagayan mo at sana kami pa ang nag-alaga sayo."
"Alam ko, pero hindi ako makaalis."
Biglang sumakit ang dibdib ko, naisip ko tuloy na dumiretso siya sa pangalawang pamilya niya. Yung dahilan ng pagkasira namin.
"Alam ko naman saan ka nagpunta, sabihin mo nakalimutan mo na kami! Halos mabaliw kami ni Mommy sa pagkamatay mo, pero hindi ka pala patay. Buhay ka pa pala."
Saktong dumating si Mommy, may dalang tinapay at juice at pinatong niya muna sa lamesa.
"Cinyla, huwag kang ganyan sa Daddy mo. Let him explain everything bago ka magalit," wika nito.
"Ako pa talaga ang mali? Mom, he has a second family.Bukod sa atin, kaya paano ako maniniwala sa mga sasabihin niya? Hindi mo po ba 'yon naisip?" Sa puntong ito, bukod sa halohalo na ang emosyon na nararamdaman ko, pero inis at galit ang mas matimbang.
"Hayaan mo na siya, Talia. Magulo lang ang isip ng anak natin, alam ko nabigla lang din siya."
"Pero Paolo, hindi tama na sagutin ka niya sa harapan ko."Tumingin si Mommy sa akin at lumapit.
"Mag-usap kayo anak, alam ko marami kang gustong malaman."
Hindi ko namalayan na bumabagsak na pala ang mga luha na kanina pa nagbabanta.
"Cinyla, bakit ka umiiyak?" tanong ni Daddy.
"Dad, sorry pero hindi ko maintindihan ang lahat. Next time na po tayo mag-usap," wika ko at sinubukang pigilan ang pagbuhos ng maraming basang likido sa magkabilaang mga mata ko.
"Sa kwarto na po muna ako, mamaya na lang ako kakain." Paalam ko sa kanila. Naramdaman ko ang pagsimangot at pagbagsak ng balikat ni Daddy. Ngunit hinayaan ko ito at tumalikod na.
Naglakad na nga ako papuntang kwarto, hindi na hinintay ang sasabihin nila. At doon sunod-sunod na bumagsak ang kalamidad sa aking mga mata.
Sa bawat hakbang, lalong bumibigat at lalong gumugulo ang isipan ko. Hanggang sa marating ko ang kwarto ko. Binuksan ko iyon at ng makapasok ako, minabuti kong i-lock iyon. Nawalan na nga ako ng gana, bukod sa nakita ko ang epal kong ex, ngayon naman si Daddy.
Alam kong hiniling ko ito noon, pero kapag nasa sitwasyon ka na doon ka masusubok. Doon mo rin malalaman kung handa ka ba o hahayaan na lang.
"Bakit kasi dumating ka pa? I mean, bakit ang tagal mong nawala Daddy at ngayon magpaparamdam ka." Nakatingin ako sa itim at malambot kong unan. Napapikit ako at naalala ko ang mahigpit niyang yakap. Yakap na puno ng kapayapaan, yakap na nagpaparamdam na ligtas ako. Pero ngayon, hindi ko na alam.
Habang nage-emote ako ay biglang may kumatok.
"Cinyla, Mommy mo ito. Pwede ka bang makausap?" tanong nito mula sa labas ng pintuan ko.
Pinunasan ko muna ang mga luha kong ayaw magpaawat gamit ang tissue na nasa gilid ng lamesa.
"Teka lang po, ma."tugon ko ngunit medyo garagal ang boses.
Tumayo na nga ako at inayos muna ang sarili ko.
Binuksan ko na nga ang pinto at bumungad nga si Mommy na nag-aalala.
"Anak, naiintindihan kita. Alam ko marami kang tanong at pumasok sa isip mo na baka nauna na siyang pumunta sa pangalawang pamilya niya. Pero mali ka, mali tayo. Noong una, iyan rin talaga ang naisip ko. Pero sinabi niya na nagkaroon siya ng amnesia ng isang taon, mabuti na lang yung matalik niyang kaibigan ay naalagaan siya. Sa totoo lang anak, hindi dapat ako ang nagsasabi nito pero maniwala ka man o hindi nauna tayo. Tayo agad a g pinuntahan niya." Mahabang kuwento ni Mommy dahilan para mapagaan kahit papaano ang nararamdaman ko.
"Sorry Mom, pero hindi ko alam. Siguro nga kailangan ko lang malaman at pakinggan ang sasabihin ni Daddy."
Hinawakan ni Mommy ang pisngi ko at pinisil ito.
"Dalaga na talaga ang anak namin!"
"A-aray... aray, Mommy." Inalis ko ang kamay niyang panay pisil sa pisngi ko.
"Mag-usap kayo kapag handa at okay ka na, kumain ka na rin alam ko gutom ka at hindi pa kumain. Dito na rin muna siya magpapahinga pero sa guestroom natin siya."
"Bakit sa guestroom, Mommy?" takang tanong ko.
Ngumiti ito, "Baka masundan ka anak," wika nito.
"Mommy naman!" Awat ko sa biro niya.
"Joke lang anak, ikaw naman. Menopause na ako noh, sige na magpahinga ka muna ako na tatapos ng adobong manok mo. Sasabay siya sa atin kaya umayos ka."
Tumango na lang ako at pilit na ngiti ang iginanti ko sa kanya.
Umalis na siya at naiwan akong mabigat ang pakiramdam. Umupo ako sa dulo ng kama ko at tumunog ang cellphone ko. Ngunit hindi ko binigyan ng pansin iyon, bukas na lang dahil wala akong gana sa anumang mensahe ng kung sino.
Huminga ako nang malalim. Napapikit at sa pagdilat ng mga mata ko. Napaisip ako.
Handa na nga ba akong makausap siya at malaman ang totoo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro