Chapter 56: Black Folder Content
Cinyla's POV
Hindi ko pa rin maintindihan ang offer ni sir, bakit ba ako pa ang nakita niyang magpanggap na girlfriend? Alam ko naman na nanligaw na siya noon kaya nga nireject ko siya dahil hindi ako handa at hindi ko rin alam kung seryoso ba siya o hindi. Sa totoo lang maganda naman ang offer niya pero ayokong mahulog sa isang plano na may dalang consequences sa huli. Huminga ako nang malalim. May problema pa nga, gusto niya pang dumagdag.
Kasalukuyan akong nakaupo sa desk ko, pinagmamasdan ang black folder na binigay niya. Hindi ko pa rin ito nabubuksan kaya wala pa akong alam at naiintindihan sa sinabi niyang new rules and obligations ko para sa kanya.
Ang lakas niya talaga! Akala mo naman papayag ako! Hindi! Malaking HINDI!
Umayos ako ng upo at napalunok, kinuha ko ang black folder at binuksan ngunit biglang may kumatok sa pintuan.
"Cinyla? Are you there?"
Binitawan ko muna ang hawak ko at tumayo. "Yes sir, I am here!"Binuksan ko ang pintuan at nakangiting si sir na bumungad sa akin.
"Can you join me later for lunch?" Napataas ang kilay ko dahil sa alok niya.
"My treat. Forget my offer and the new rules and obligations."
Napaisip naman ako dahil ang bilis naman niya magbago ng isip. Anong mayroon, okay lang ba siya?
"Sure sir!"Pilit na ngiti ang iginanti ko sa kanya at hindi na hinayaan na magpaliwanag pa. Kahit na magulo ang pinagsasabi niya, babasahin ko pa rin ang laman ng black folder pero buo ang loob ko na hindi papayag sa offer niya.
"Thank you, Cinyla. Sunduin kita mamaya,"anito at umalis na rin siya.
Nang makaalis siya ay napatingin naman ang mga mata ko sa black folder. "Buksan ko kaya ito?Tungkol saan kaya ang laman nito."Dahil sa kuryosidad, mabilis kong binuksan iyon.
6 RULES AND OBLIGATIONS created by BenChua King Castro.
1.Don't be late. Go to the office exactly at 7:40 A.M. or make sure I am not around. If you are late, you will be punished.
2.Prepare me chocolate coffee. No extra sugar.
3. I don't like ensaymada, if you can find me a hot soup it will be better for me.
4. Be my girlfriend. For real.
5.Update me everyday for my schedule for meetings or anything that I need to do.
6.Stay with me no matter what happens.
After reading his content inside of black folder. Hindi agad ako makagalaw at makapag-react. He is totally insane.
Napatayo ako at tinabi iyon, mas pabor pa ako sa 1,2 and 5. Kinuha ko ang tumbler sa ibabaw ng lamesa ko at dahan-dahang uminom.
Matapos kong inumin ang tubig sa tumbler ko ay nagpakalma muna ako nang kaunti. "Akala ko naman kung gaano kahalaga ng mga rules and obligations ko, puro naman sariling interest niya lang. Nakakainis!" Hindi ko maiwasan sabihin ang nga 'to sa hangin. Hindi naman kasi maganda ang mga detalye, kaya pala mabilis niyang binawi ang rule#4 niya dahil hindi naman pala iyon totoo.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto.
"Are you ready?" he asked dahilan para matulala ako sa biglang pagdating niya.
"H-huh?"
"It's already lunch time. Let's eat."
"Oh sorry sir, yes. Let me get my bag."
"Alright, I will wait outside may tatawagan lang ako."
"Sure sir, thank you."
Tumalikod na ito at lumabas na ng opisina ko. Gaya ng sinabi niya kinuha niya agad ang cellphone niya dahil may kakausapin siya. Kinuha ko na agad ang maliit kong bag na kulay white. Inayos ko na rin ang lamesa, hinayaan at binaliwala ko na lang ang laman ng black folder.
Huminga muna ako at inayos ang sarili. Palabas na ako ng saktong pagsilip ni sir.
"Are you okay?"
"Yes sir!"
Lumabas na nga kami at pinangunahan niya na. Ganito ang eksena namin palagi kapag kakain sa labas, mauuna siya para maiwasan ang chismisan sa office pero hindi pa rin nakakalusot ito sa mga marites.
Nasa likod niya lang ako at mabuti na lang din wala masyadong empleyado sa mga nadadaanan namin dahil lunch time. Madalas kasi pare-pareho ang oras ng kain ng mga tao rito unless importante ang gagawin kailangan maging late or advance ang break time.
Malapit na kami sa elavator papuntang ground floor. Tahimik pa rin ako at pinagmamasdan ang paligid namin.
He is wearing a white long sleeve with gray necktie. He matched it with black pants and black shoes. Simple lang naman manamit si sir, pero kapag nasa harapan mo na siya mararamdaman ang kaastigan niya.
"Do I look more handsome to you?" Hindi ko namalayan na nagsasalita na pala siya.
"Huh?"
"Nothing Cinyla. I think you are hungry. Nevermind." Ngumisi ito at una niya akong pinapasok sa elevator. Sumunod siya bale ang eksena naman namin ngayon ako ang nasa harapan at siya ang nasa likuran ko. Wala kaming ibang kasama kaya parang kakaiba ang presensiya niya. Dahil nasa 6th floor kami marami kaming madadaanan bago ang ground floor.
"Are you okay Cinyla? Kanina ka pa kasi tahimik at kapag nagtatanong ako, hindi mo agad nagegets." Lumapit ito kaya naging pantay kaming dalawa. Saktong tumunog naman ang button numbers na nasa harapan namin, nasa 3rd floor na kami.
"Yes sir, pasensiya na gutom lang ako." Ngumiti ako nang pilit at binaling ang tingin ko sa pintuan.
"Okay, may sasabihin din ako sayo mamaya." After saying his last words ay bumukas na ang elevator sa ground floor. Nauna na siyang lumabas at sumunod ako. Hindi ko na nasagot pa ang huling sinabi niya. Habang naglalakad kami papunta sa mismong area ng parking napahawak ako sa puso ko. Tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan namin?
Nasa tapat na kami ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Get in," he said with his calm voice. Sumunod naman ako. "Thank you, sir." He smiled at me and then closed the door. He also comes in and wears the safety belt.
Meanwhile, while I am putting on the safety belt, I like him. He helps me. "This is done, don't worry I will be slow in driving.Malapit lang ito sa company, this is the best restaurant that I always go to every time I want to taste delicious foods."
"Thank you sir!"
"Ben na lang ang itawag mo. Wala naman na tayo sa loob ng kompanya, just act normal. It makes me feel uncomfortable."
"Noted Ben." He smiled at me and started to drive. Tumingin ako sa kanan ko at habang umaatras kami, naisip ko bigla na this is a first time na magyaya siya. Yung may pagkukusa. Sana lang hindi na kami abutan ng traffic. Dahil sa totoo lang, malapit man o malayo ang pupuntahan mo kapag traffic, wala kang magagawa kundi maghintay.
We are now in the road, pinagmamasdan ko lang ang mga matataas na building na madadaanan namin, kakaunti na lang ang mga puno sa paligid. Kung mayroon man, iilan na lang dahil kung hindi mall ay mga matatas na building ng mga biganteng kompanya.
"Cinyla, alam kong nabasa mo na ang black folder. Kaya alam ko rin na masama ang loob mo." Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil paano niya nalaman o matutuwa kasi buti alam niya ang nararamdaman ko. Pero teka, how did he know?
While he is driving, he holds my left hand. "Cinyla, I know hindi ka papayag sa offer ko lalo na hindi nagtugma ang sinabi ko kanina doon sa nabasa mo sa black folder. I am sorry about that." His words are much more sincere than before. Hindi ko akalain na talagang magiging seryoso siya patungkol sa offer niya.
He is focusing now in driving, luckily hindi naman traffic. But I think we are almost here in 10 minutes.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. "S-sir, I understand about that. But I disagree. Alam mo naman kung bakit, ayokong isipin nila lalo na ng Mom mo na pera mo ang habol ko kaya pumayag ako maging girlfriend mo.Ayoko pag-isipin nila ako ng masama."Para akong naalisan ng matulis na tinik ng sabihin ko iyon. This is true. This is not just money, but rather my dignity.
Nag-iba ang awra niya, he stopped the car kaya napatingin ako kung nasaan na ba kami. Nandito na pala kami sa parking area at natatanaw ko ang 4 star Hotel na ang pangalan Gooven Restaurant.
"Look Cinyla, hindi ko hahayaan na maging ganon ang isipin nila. Alam mo simula pa lang na mahal kita, I can't carry this feeling. Araw-araw kitang naiisip. Araw-araw gusto kitang makita at makasama. I need you, Cinyla. I need you so much."
Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang mga giyerang nagaganap. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. I was speechless now.
"I understand if you can't agree with my rule#4, bukod sa binawi ko iyon, your decision is final. I am so sorry."
Bubuksan niya na sana ang pinto niya para lumabas at pagbuksan ako mabilis kong nahawakan ang kanang braso niya.
"I am sorry, sir."Ngumiti lang siya nang pilit, mabilis na bumitaw. "Forget my words, Cinyla.Let just eat." his voice now is much serious. Hindi na ako nagsalita kundi tumango na lamang. Lumabas na siya at naramdaman ko nag-iba ang mood niya. But he open the door so that I can come out.
"We are here. I know food are already prepared.Pumasok na tayo."
Tumango ako at hinayaan niya akong maunang pumasok. Malaki ang entrance kaya halos magkatabi kang pumasok, classic ang mga design dahil bubungad agad sayo ang kanilang malaking chandelier.
"Good ma'am and sir!" Bati ng lalaking staff na nakasuot ng black and white nilang uniform. Ang ganda ng ambiance sa loob dahil pagkapasok ay mayroon silang soft music.
Dumiretso na kami sa looban kung saan doon ang magiging table namin. Nalula naman ako sa bumungad sa akin, mala-date ang eksena dahil good for two person sa table namin.
"Have a seat, Cinyla." utos ni Sir BenChua sa akin sabay usog niya papunta sa akin ng upuan saka ako umupo. Umupo na rin siya at magkaharap kami, biglang pumasok ang lalaking waiter. Nilagyan kami ng drinks: water at wine.
Napalunok ako dahil hindi ko alam bakit ganito ang eksena naming dalawa ni sir.
"Sir, hindi ba tayo matagalan sa ganito? May trabaho pa po akong gagawin sa office. Ikaw rin naman 'diba?" takang tanong ko dahil sa pagkakataong ito alam ko na hindi lang isang oras ang uubusin nito.
"Just calm down, Cinyla. We will just eat it here and relax. Ako naman ang nagyaya sayo, so it's okay. I got you."
Dumating ulit yung guy waiter at naglagay na sa amin ng pagkain. Napangiti na lang din ako sa sinabi ni sir dahil ta naman siya, siya mismo ang nagsabi na siya na ang bahala sa akin. Sana nga ayusin niya lang!
Tumingin ako sa plato na nasa harapan ko, simpleng steak lang ito na may tatlong klaseng gulay sa gilid. Carrot, potato and broccoli. Mukha siyang simple pero kakaibang serving naman ang ginawa ng chef. Ang lakas makamayaman!
"Did you like anything?"he asked while I was starting to taste the steak that was already prepared in front of me.
"Nothing sir, this is fine."I smiled at him and tasted the steak again. Until the waiter brings us carbonara pasta.
"Don't worry mauubos natin 'yan pero may desserts pa after nito." Hindi ko alam bakit parang ang dami naman niyang order, pero infairness kahit steak pa lang nakakain ko masarap na.
"Sure ka ba sir? Mukhang ikaw yata ang gutom sa atin ngayon."
Ngumisi lang ito. "Yes, we can finish this. Kapag busog ka na pwede naman 'wag mo na kainin pa." Iba talaga kapag mayaman, okay lang magsayang ng pera pati pagkain.
"No sir, sayang naman kung hindi mauubos. Bawal ba take out?" He laughed a little bit. Nahiya naman ako sa nasabi ko pero bawal ba talagang mag take out?
"If you want, I will suggest it and it's okay. By the way I am the owner of this Grooven Restaurant.
Muntik ko ng maluwa ang carbonara pasta na nasa bibig ko ng sabihin niya iyon.
"Are you okay? I am sorry for shocking you about it."Inabutan niya agad ako ng tubig at kinuha ko naman iyon at dahan-dahan uminom. Nang mahimasmasan ako, pinunasan niya ako ng tissue sa gilid ng aking labi.
"Nakakabigla ka naman sir, hindi naman ako aware na ikaw ang may-ari nito.Anyway, magagaling ang mga chef mo, masasarap magluto."
"Of course, masarap din ang owner."
"A-ano sir?"Nagpanggap akong wala akong narinig kahit na narinig ko naman talaga ang sinabi niya.
"Nothing Cinyla. Finish your food."Naging seryoso ang tono ng boses nito at nagfocus sa kinakain niyang steak.
Magsasalita pa sana ako kaso mukhang nasira ko yata ang mood niya.
"Did you read the black folder? If yes, what is your reaction to it?"
Napatigil ako sa kinakain ko. Pinaalala niya pa talaga ang ginawa niyang kalokohan.
Inayos ko ang sarili ko at tumingin sa mga mata niya. "Yes sir, I already read it.But I disagree with 3, 4 and 6. Ang hirap naman kasi 'non sir. Saka naalala ko na binabawi mo na yung rule#4 mo."
He smiled at me, which made me feel confused. "I understand. Gusto lang naman kitang protektahan, Cinyla. I know that you are not safe everyday. Pero nirerespeto naman kita, at the end of the day you have your freedom."
"Kilala ko naman na kung sino ang lalaking gumagawa ng takot at misteryoso sa buhay ko."
"What do you mean?"
"He exists. He is my dad. I will meet him soon, kaya wala ka ng ikakatakot pa."
Hindi ko maintindihan ang itsura niya ngayon, ramdam ko na halohalo ito at naguguluhan siya sa sinasabi ko. Kahit naman kasi sino mapapaisip, dahil alam niya dalawa na lang kami ni Mommy at wala na si Daddy. But now, I'm revising it and saying he is alive.
He started speaking again. "Can I join once you talk to this person?"
Hindi ako nakapagsalita agad, kundi bumilis ang tibok ng puso ko at para bang may malalim na dahilan kung bakit gusto niya sumama at makilala ang Daddy ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro